Wika, Agham at Teknolohiya na Presentasyon PDF

Summary

Ang presentasyon ay naglalaman ng mga ideya tungkol sa kahalagahan ng agham at teknolohiya. Nakatuon ito sa paggamit ng Wikang Filipino sa larangan ng edukasyon. Binibigyang-diin ang panayam ni Fortunato B Direktor ng UST Sevilla III, PhD.

Full Transcript

W IKA ,A G H A M AT T E K N OL O H I Y A Wikang Filipino sa ikasusulong ng Agham at Teknolohiya MAHALAGA ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Ngunit kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo nito, mula s...

W IKA ,A G H A M AT T E K N OL O H I Y A Wikang Filipino sa ikasusulong ng Agham at Teknolohiya MAHALAGA ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Ngunit kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo nito, mula sa antas ng hayskul hanggang sa kolehiyo, bihira ang guro or propesor na gumagamit ng sariling wika sa pagtuturo nito. Professor Emeritus Fortunato B. Direktor ng UST Sevilla III, PhD Office for Research and Development (ORD) Ayon sa kanya, mas malaya ang pagtatanong at mas buhay ang talakayan sa ganoong paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga konseptong teknikal na pinapaliwanag niya. Para sa kanya, kailangang batay sa kakayahang intelektwal at di lamang sa wika ang pag-aaral sa kemistri dahil di naman lahat ng estudyante ay magaling mag- Ingles. “Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” ani ni Sevilla III. Sinisikap ni Dr. Sevilla III na hikayatin ang mga guro at mananaliksik na gumamit ng Filipino sa talakayan, maging sa klase man o sa pag-uulat ng kanilang saliksik sa mga panayam. Isang magandang halimbawa ay panayam sa Filipino tungkol sa mga teknikal na paksang agham at teknolohiya na isinasagawa ng Sentrong Pananaliksik sa Agham Pangkalikasan (Research Center for the Natural Sciences) tuwing Agosto, ang buwan ng Wika. Hindi ang nilalaman ng kanilang panayam kundi ang paglahad nito sa sariling wika ang pinaghahandaan ng mga tagapagsalita. Nakikipag-ugnayan sila sa isang guro mula sa Departamento ng Wika upang masigurong wasto ang ginagamit na salitang Filipino. Ayon pa kay Dr. Sevilla III, mas malinaw ang paggamit ng Filipino dahil ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, sa pananaliksik niya, gumamit si Dr. Sevilla III ng salitang haba ng alon para sa wavelength; at dalas para sa frequency; pagtunaw sa melting; at paglusaw sa dissolving. Sa pisika naman, bilis ang speed at tulin kung saan may direksiyon ang paggalaw sa velocity. May iba’t ibang paraan ang pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino. Una rito ang paggamit ng salitang Kastila. Kabilang dito ang siyensya, kimika, pisika, biyolohiya, matematika, metal, likido, solido, produkto at iba pa. Pangalawa, ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng bagong salita. Halimbawa, kapnayan (galing sa salitang sangkap at hanayan para sa chemistry); haynayan, (buhay + hanayan sa biology) at liknayan (likas + hanayan sa physics); at mulapik ( mulaang + butil para sa molecule). Ang panghihiram sa Ingles at pagsasa-Filipino ng baybay, tulad ng kemistri, fisiks, bayolodgi, ikwesyon, molekyul, eyr, ays at iba pa ang pangatlong paraan. Ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino nang wlang pagbabago ang huling paraan. Halimbawa, bumibilis ang takbo ng mga molecule kung tataasan ang temperature. Ayon kay Sevilla III, mas mainam itong gamitin sa mga talakayan sa klase, dahil malapit itosa pangkaraniwang paraan ng pag-uusap. Subalit, tutol ang ibang siyentipiko sa paggamit ng Filipino. Makapipigil raw ito sa pagiging globally competitive ng mga estudyante dahil Ingles ang ginagamit na lingua franca o medium of communication sa mundo. Bukod sa kailangan ito para sa mabilis na pag-unlad., ito rin ang paraan para makakuha ng pinakabagong kaalaman sa agham at teknolohiya. Nagiging mahirap din ang pagsulong ng agham sa Filipino dahil sa kakulangan ng mga materyales tulad ng babasahin at mga librong pang-agham na maaaring gamitin ng mga estudyante. Mayroong diksyunaryo na nabuo ng mga siyentipiko noong dekada sisenta at isa naman sa dekada otsenta. “Ang Talahuluganang Pang-Agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST; at ang English-Pilipino Vocabulary for Chemistry na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, mga propesor ng kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa ngayon, ang UP Diliman lamang ang may librong pang-agham sa Filipino dahil sa panghikayat na binigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito. Gayunpaman, sa UST, Ingles ang ginagamit na libro, at nasa wikang Ingles ang mga pagsusulit. Madalas na ipahayag sa Ingles ang agham at teknolohiya. Dahil dito, naniniwala ang mga siyentista na kailangan din ito ituro sa Ingles. Ngunit s panahon ngayon, matindi ang pangangailangan ng mga kabataan na matuto ng makabagong agham para makasulong sa edukasyon. At kung nahihirapan ang karamihan sa pag-unawa ng Ingles, paano nila mapag- aaralan ang mga teknikal na konsepto sa agham na pawang Ingles lamang? Dahil dito, mahalaga ang pagbuo ng bokabularyong agham at teknolohiya sa wikang Filipino. -Halaw sa: Daluyan Vol IX at X. WI KA BI LAN G TEK NOL OH IY A CLEOFAS & SILOS Mula sa Griyegong salitang teknē at logia ang salitang tekhnologia. Nangangahulugan na sining o likha ang teknē samantalang ang logia naman ay tumutukoy sa isang disiplina o pag-aaral ng isang tukoy na bagay. Noong ika-17 dantaon, nabago ang baybay ng salitang teknologia at naging technology. Naging laganap ang paggamit ng salitang technology noong ika-20 dantaon, bunsod na rin ng malawakang produksiyon at reproduksiyon ng mga kagamitang naging mahalaga sa pamumuhay ng tao. May iba’tibang depinisyon ng teknolohiya. Ayon sa Merriam Webster, ang teknolohiya ay praktikal na aplikasyon ng kaalaman sa loob ng isang tiyak na espesiyalisasyon, at maaari rin naman na kakayahan ng nailatag na praktikal na aplikasyon ng kaalaman. Ayon naman sa Oxford Dictionary, ang teknolohiya ay ang aplikasyon ng kaalamang siyentipiko para sa pangangailangan at kahingian, lalo na sa iba’tibang industriya. Sa larangan ng agham, tinutukoy ang teknolohiya bilang produkto ng siyentipikong pamamaraan ng paglikha ng kagamitan batay sa pangangailangan ng tao at sa pagpapahusay ng mga naunang likha upang umagapay sa nagbabagong pangangailangan ng lipunan. Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa. Sa ating pang araw-araw na gawain, hindi maiiwasan ang madalas nating pag-depende sa teknolohiya. Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng salitang “Anong masasabi mo doon?” upang mapadali ang ating pakikipag uganayan; BENTAHE 1. Mabilis ang pagresponde sa mga kaganapan. 2. Mabilis na pag-connect sa mga tao (kahit malayo). 3. Magandang panlibangan. 4. Marami at mabilis na pagbibigay ng impormasyon 5. Nakakapagpalawak ng imahinasyon sa paggamit ng teknolohiya lalo na sa klase. DISBENTAHE 1. Maaaring magamit sa karahasan. 2. Maaaring makasira sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa offline and online games. 3. Nagiging tamad ang mga tao 4. Pagkalulong sa gadgets ay nagiging addiction. 5. Nakasisira ng kalusugan ang madalas napaggamit ng teknolohiya dahil sa radiation. 6. Maaaring sumakit ang ulo sa matagal na pagbabad sa kompyuter BI SA NG TEKNOL OH IY A RIOFLORIDO Ang pag-usbong ng teknolohiya ay makikita na sa kahit anong lugar. Kahit saang bansa ay makikita ito dahil sa patuloy na pag-unlad nito. Dati lamang ay dyaryo, radyo at telebisyon lamang ang ating pinagkukuhanan ng impormasyon, ngayon ay may ‘tablet’, “Ipad’ ng Iphone,‘cellphone’, ‘laptop’, at kompyuter na kung saan atin nang nalalaman ang mga balita mapa-lokal o ‘abroad’. Noon din, ang ating ginagamit sa pakikipagkomonikasyon ay sa paraan nang pagsulat, ngayon makabagong kagamitan na ang ating paraan upang makipagkomunikasyon o makipagkumustahan. Sa bawat pag-usbong ng teknolohiya ay may mga paraan ang tao upang mas higit na maunawaan ang pakikipag-usap at maging epektibo ang komunikasyon. Tulad na lamang ng: Pagpapaikli ng salita Pag-usbong ng mga bagong salita Narito ang mga bisa/epekto (bentahe) ng teknolohiya: Mas napapadali nito ang pagbigay ng mensahe sa kaniyang kausap. Mabilis nakakakuha ng impormasyon sa pamilya, klase, sa balita mapa-lokal o ‘abroad’. Narito ang mga bisa/epekto (disbentahe) ng teknolohiya: Umaasa na lamang ang tao sa pagkalap ng impormasyon. Mapa-akademiko o mga nangyayari sa lipunan. Nagiging ugat ng ‘di pagkakaunawaan ng mamamayan. Nagiging tamad na ang tao sa pakikipagkomunikasyon. Labis na paggamit.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser