Pag-aaral ng Komunikasyon at Wika (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Buwan ng Wika 2023: Filipino at Mga Katutubong Wika (PDF)
- Buwan ng Wika 2023: Filipino at Katutubong Wika (PDF)
- FIL 01: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kakayahang PDF
- Filipino 11 Q2 W2 M4 Kakayahang Lingguwistiko
- CO1-Komunikasyon-Aralin-3-Barayti-ng-Wika-Copy PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay patungkol sa komunikasyon at wika. Tinatalakay nito ang kahulugan, mga katangian, at mga elemento ng komunikasyon. Naglalaman din ito ng iba't ibang uri at modelo ng komunikasyon.
Full Transcript
Lakbayin Kahulugan ng Komunikasyon Alam mo bang… Komunikasyon ang tawag sa isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyong kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo? Ito ay hango sa salitang Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay saklaw a...
Lakbayin Kahulugan ng Komunikasyon Alam mo bang… Komunikasyon ang tawag sa isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyong kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo? Ito ay hango sa salitang Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay saklaw ang lahat ng mga bumubuo sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao at grupong may gantihang kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura. (Panopio at Rolda, 1992) Ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng idea sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. (Webster) Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002) Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o idea sa paraang pasalita o pasulat. (Tanawan, et al., 2004) Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan. (Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at Panonood) Katangian ng Komunikasyon 1. Ang komunikasyon ay isang proseso – Ang proseso ng komunikasyon ay nagsisimula sa pinanggalingan ng isang mensahe (source) tungo sa isang tsanel at sa patutunguhan ng mensahe. Ang tumanggap ng mensahe ay magbibigay ng kaniyang balik-tugon kung kaya nauulit ang proseso. a. Encoding – Ano ang mensahe? Paano ipadadala? Ano-anong mga salita ang gagamitin? Paano isasaayos? Anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap? b. Decoding – Ano ang kahulugan ng mensahe? Ano ang inaasahang reaksyon mula sa kaniya? Paano niya tutugunan at sa paanong paraan niya ito tutugunan? 2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko – Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensiya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso. 3. Ang komunikasyon ay komplikado – Ito ay dahil sa persepsyon ng isa sa kaniyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kaniyang kausap sa kaniya at ang tunay na persepsyon ng kaniyang kausap sa kaniya. 4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon – Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito. 5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon – Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe. 6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon a. Panlingguwistika – Pumapatungkol ito sa berbal (pasulat o pasalita) na pahiwatig gamit ang wika. b. Relasyonal – Pumapatungkol ito sa di-berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap. 3 LU_Q1_KomPan_Module1 Elemento at Proseso ng Komunikasyon 1. Tagapaghatid (Sender/Encoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe o ang mag-e-encode ng mensahe. Ang bisa ng pagpapadala ng mensahe ay naiimpluwensiyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepyon at kredibilidad ng nagpadala ng mensahe. 2. Mensahe – Ang mensahe ay naglalaman ng impormasyon, damdamin, opinyon at kaisipan ng tagapaghatid. May dalawang uri ng mensahe; a. Mensaheng Pangnilalaman/Panlingguwistika b. Mensaheng Relasyonal o Di-berbal 3. Daluyan (Tsanel) – Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng daluyan; a. Daluyang Sensori – Tuwirang paggamit ng mga pandama gaya ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pansalat/pakiramdam. b. Daluyang Institusyonal – Mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone. 4. Tagatanggap (Receiver/Decoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kaniyang natanggap. 5. Balik-tugon (Feedback) – Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng encoder at decoder matapos nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. May tatlong uri ng tugon; a. Tuwirang Tugon – Tuwiran ang isang tugon kapag ito’y ipinapadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. b. Di-tuwirang Tugon – Di-tuwiran kapag ito’y ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong di-berbal gaya ng pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay. c. Naantalang Tugon – Ito’y mga tugong nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap. Halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan ng pagsulat. 6. Potensyal na Sagabal ng Komunikasyon (Noise) – Ito ang mga dahilan kung bakit minsan ay hindi nagkakaroon ng pagkakaunawaan. a. Semantikong Sagabal – Ang pagkakaroon ng isang salitang dalawa o higit pa ang kahulugan halimbawa nito ay ang paggamit ng wika sa maling paraan. b. Pisikal na Sagabal – Ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw, hindi komportableng upuan at iba pa. c. Pisyolohikal na Sagabal – Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang mga salita, may kahinaan ang boses o may kapansanan. d. Sikolohikal na Sagabal – Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kulturang maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe. Sagabal Mensahe Mensahe Sender (Encoding) Tsanel (Decoding) Receiver Balik-tugon (Feedback) 4 LU_Q1_KomPan_Module1 Antas ng Komunikasyon 1. Intrapersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Pag-iisip, pag-aalala, pagdama o mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. 2. Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao o sa isang tao at isang maliit na pangkat. Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa. 3. Pampubliko – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa nito’y ang miting- de-avance ng mga politiko, pagtatalumpati at iba pa. 4. Pangmasa o Pangmadla – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng malawakang midya tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan at iba pa. 5. Pang-organisasyon – Ito ay komunikasyong nangyayari sa loob ng isang organisasyon o samahan. Organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain. 6. Pangkultural – Ito ay komunikasyong nagpapakilala, nagtatanghal o nagpapakita ng kultura ng isang pangkat o bansa. Aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito. 7. Pangkaunlaran – Ito ay komunikasyon naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa. Pumapatungkol ito sa industriya, ekonomiya o anomang usaping pangkabuhayan. Uri ng Komunikasyon 1. Komunikasyong Berbal – Komunikasyong nangangailangan ng paggamit ng wika pasalita man o pasulat. 2. Komunikasyong Di-Berbal – Komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang tinataglay na salita. a. Pasenyas – Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salitang kumakatawan sa bilang o numero at anomang mga bantas. b. Paaksyon – Pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha na mayroong mga kahulugan. c. Ginagamitan ng bagay – Paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay. Modelo ng Komunikasyon 1. Modelo ni Berlo – Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito. Binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa pinanggalingan tungo sa tatanggap. Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende sa encoding at decoding nito. Mensahe Tagatanggap (Source / (Receiver) Sender) Encoding Decoding 6 LU_Q1_KomPan_Module1 2. Modelo ni Aristotle – Unang naglatag ng karaniwang modelo ng komunikasyon na kung saan ang tagapagsalita ay naghahatid ng mensahe sa tagatanggap. Ito ay kaugnay ng sub-prosesong encoding. May aplikasyon ito sa anomang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Batay sa modelong ito, ang anomang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at bihisan bago maihatid. Pagtuklas ng kaalamang lohikal, emosyonal o etikal. (Discovery) Pagsasaayos ng mga kaalaman sa paraang estratehikal. (Arrangement) Pagbibihis ng idea sa malinaw na salita. (Clothing) Paghahatid ng mensahe mula sa pinanggagalingan tungo sa tagatanggap. (Delivery) 3. Modelo nina Claude Shannon at Warren Weaver – ang naging ugat ng lahat ng modelo ng komunikasyon sa kasaysayan. Matematikal ang ginawang lapit sa paglalarawan ng komunikasyon nina Shannon at Weaver. Ang bisa ng isang aktong komunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise. Source Transmitter Channel Receiver Destination (Encoder) (Decoder) Noise Source Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi, maaari mo ulit itong balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t isagawa mo pa ang kasunod na gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong kaalaman. 7 LU_Q1_KomPan_Module1 Lakbayin Kahulugan ng Wika Alam mo bang… Wika ang tawag sa kalipunan ng mga salitang ginagamit ng tao sa isang lipunang may natatanging kultura at kabihasnan? Ayon kay Henry Gleason “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may natatanging kultura”. Dagdag naman nina Mangahis et. al. (2005) na “Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensaheng susi sa pagkakaunawaan”. Ayon sa Webster (1974), “Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo”. Ayon kay Archibald Hill, What is language? “Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao”. Ayon kay Bienvenido Lumbera, 2007 (Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura), “Ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan itong buhay tayo at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.” Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika Teoryang Biblikal 1. Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng mga tao na biyaya ng Diyos – ang wikang Aramaic ng Syria (Aram) at Mesopotamia. May paniniwalang ito ang kauna-unahang wikang ginamit sa daigdig. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang mabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkani-kaniya na sila at kumalat sa mundo. (Genesis kab. 11:1-8) 2. Pentecostes – Hango sa Bagong Tipan ng Banal na Kasulatang nagsasabing sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman. Nilukob sila ng maladilang apoy na nagpasigla sa kanila hanggang sa magsalita ng iba-ibang wika. Dito nagsimula ang paglalaganap sa salita ng Diyos sa iba’t ibang lupalop ng daigdig. Teoryang Siyentipiko 3. Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. 4. Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ipinapalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang 3 kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, patak ng ulan, langitngit ng kawayan, talbog ng bola at iba pa. 5. Teoryang Pooh-pooh – Ipinagpapalagay sa teoryang ito na ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. 6. Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad ditong nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho. 7. Teoryang Sing-song – Ito ay nagmula sa pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang tao. Halimbawa nito’y paghimno o paghimig. 8. Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kaniyang labi. 9. Teoryang Ta-ta – Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Sabi sa teoryang ito, ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kaniyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay nang pababa at pataas tuwing nagpapaalam. 10. Teoryang La-la – Ayon sa teoryang ito, may mga puwersang may kinalaman sa romansa. Ito ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. 11. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – Sinasabing ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kadalasan ay may mga sayaw, sigaw at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura. 12. Teorya ni Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kaniya upang makalikha ng iba’t ibang wika. Wikang natutuhan tungkol sa mga pakikipagsapalaran. 13. Teorya ng Kahariang Ehipto – Ayon sa paniniwalang ito, Ang hari ng Ehipto na si Haring Psammetichus ay nagsagawa ng isang ekspiremento kung saan ang isang sanggol ay inilagay sa isang kuweba na walang maririnig na kahit na anong salita. Makalipas ang mga taon, ang unang salitang nabigkas ng bata ay “Vekos” na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa madaling sabi, likas na natutuhan ng tao ang wika kahit hindi ito itinuturo. “Unconsciously learning the language.” Gawain 2: Unawain Natin! A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Anong mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa kahulugan ng wika? Pumili ng isang pagpapakahulugan at ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Anong mahalagang idea ang naikintal sa natalakay na teorya ng pinagmulan ng wika? Sa tingin mo, alin sa mga teoryang ito ang pinakanakapaglahad ng pinagmulan ng wika? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4 B. Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tamang deskripsyon ng mga teoryang nasa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. KOLUM A KOLUM B _____ 1. Sing-song A. mula sa ritwal at mga seremonya _____ 2. Bow-wow B. wikang natutuhan sa pakikipagsapalaran _____ 3. Ta-ra-ra-boom-de-ay C. puwersang may kinalaman sa romansa _____ 4. La-la D. nangangahulugang paalam _____ 5. Ding-dong E. nagmula sa pag-awit ng mga tao _____ 6. Pooh-pooh F. nagkawatak-watak ang mga tao _____ 7. Tore ng Babel G. natututuhan kahit walang nagtuturo _____ 8. Charles Darwin H. paggaya sa tunog ng mga hayop _____ 9. Yo-he-ho I. indayog ng himig-awitan ng mga tao _____ 10. Ta-ta J. mula sa tunog ng mga bagay sa paligid K. nakalilikha ng tunog dahil sa bugso ng damdamin Katangian ng Wika 1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may estruktura (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. a. Ponolohiya – pag-aaral ng ponema; ponema ang tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga ponemang /k/, /o/, /m/, /u/, /n/, /i/, /k/, /a/, /s/, /y/, /o/ at /n/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang “komunikasyon”. b. Morpolohiya – pag-aaral ng morpema; morpema ang tawag sa pinakamamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino, ang tatlong uri ng morpema ay ang salitang-ugat, panlapi at ponema. Hal. salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Ponema = a *tauhan, maglaba, doktora c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ang tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible naman ang kabaligtaran nito. Samantalang sa Ingles, laging nauuna ang paksa. Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. *The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’) d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag. Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno. *Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang 5 sa ikalawang pangungusap, ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap. 2. Ang wika ay binubuo ng mga sinasalitang tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya) 3. Ang wika ay pinili at iniayos sa paraang arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilocano na kapag sinabing (balay), bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay (casa) kapag nais tukuyin ang bahay at (bay) naman sa Tausug samantalang (house) sa Ingles. 4. Ang wika ay natatangi o may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at estrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na pangkaraniwan sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Hal. Wikang Swahili – atanipenda (magugustuhan niya ako) Wikang Filipino – Opo, po Wikang Subanon – gmangga (mangga) Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae) Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang French – François (pangngalan /fransh-wa/) * Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Africa) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na natatangi sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroon ding pangkaraniwang ayos ng mga ponema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang ponema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng ponemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika. 5. Ang wika ay nagbabago o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabago-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Hal. BOMBA Kahulugan a. Pampasabog b. Igiban ng tubig mula sa lupa c. Kagamitan sa paglalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao 6. Ang lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Cebuano bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang dyip at edukasyon na mula sa Ingles na jeep at Kastilang educaćion. 7. Ang wika ay kabuhol ng kultura. Madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kaniyang ginagamit. Ang ice ay may limitadong katumbas sa Filipino dahil tropical na bansa ang Pilipinas at ang rice naman ay may limitado ring katumbas sa Ingles sapagkat hindi bahagi ng kanilang kultura ang pagkain ng bigas. 6 8. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Nabuo ang lipunan dahil sa grupo ng tao na patuloy na nag-uugnayan at nakikipagtalastasan. Kasangkapan ang wika upang magpatuloy ang sirkulasyong ng lipunan at magpatuloy ang ating pag-iral bilang tao. Tuluyang mamamatay ang wika kung hindi ginagamit. 9. Ang wika ay nasusulat. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alpabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”. 10. Ang wika ay may lebel o antas. May antas o level ang wika na naayon sa kausap, lipunan, panahon o pagkakataon. Maaring pormal o di-pormal ito. Galugarin Gawain 3: Sagutin Natin! Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Bakit nasabing masistemang balangkas ang wika? Ilahad ang proseso nito. ___________________________________________________________________________ 2. Bakit nasabing ang wika at pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ 3. Ipaliwanag kung bakit ang wika ay natatangi o may kakanyahan. Iugnay ito sa sariling wikang ginagamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang halimbawa. ___________________________________________________________________________ 4. Paano mo magagamit ang wikang iyong natutuhan upang makilala ang lugar na iyong pinanggalingan? ___________________________________________________________________________ 5. Sa paanong paraan nakatutulong ang pagkakaroon ng pormal na wika upang maipahatid ang mensahe sa ibang lugar? ___________________________________________________________________________ Gawain 4: Paunlarin Pa Natin! Panuto: Ipaliwanag ang mga terminong pangwika ayon sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. Maaaring magsaliksik ng pansuportang idea. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. PONEMA MORPEMA SINTAKS SEMANTIKS 7 Lakbayin Kahalagahan ng Wika Mahalaga ang wika sapagkat: 1. Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; 2. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; 3. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kaniyang kinabibilangan; at 4. Isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. Kapangyarihan ng Wika 1. Ang Wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan – Ang anomang pahayag ng isang tao ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito. 2. Ang Wika ay humuhubog ng saloobin – Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng taong hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa kaniyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kaniyang kapwa. 3. Ang Wika ay nagdudulot ng Polarisasyon – Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan. Halimbawa nito ay masama at mabuti, mataas at mababa, pangit at maganda at iba pa. 4. Ang Kapangyarihan ng Wika ay siya ring kapangyarihan ng Kulturang nakapaloob dito – Kailanman ay hindi maikakailang kakambal ng wika ang kultura. Gawain 2: Wika, Mahalaga Ka! Panuto: Sa iyong pananaw, ano-ano ang kahalagahan ng wika sa sumusunod na aspekto? Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Pang-araw-araw na Pamumuhay Edukasyon Pamahalaan Ekonomiya Midya Kahanga-hanga! Mahusay lahat ng iyong mga sagot sa gawain. Magpatuloy ka pa upang mas malalim pa ang iyong pagkatuto. 3 LU_Q1_KomPan_Module3 Antas ng Wika Malaki ang kinalaman ng kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat, at sa pagtitiwala sa sarili sa pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan. Nababatay rin ito sa lawak ng kaalaman sa paksa, at sa kakayahang pumili ng angkop na salitang nababagay sa antas ng pagkatao ng tatanggap ng mensahe (Castillo et. al., 2008) May ilang dalubwika ang nagsasabing walang kaantasan ang wika. Nagkakaiba-iba lamang daw ito depende sa sitwasyon. Ibinibigay lamang ng mga taong gumagamit nito ang mga salitang ginagamit sa mga taong kausap, sa pook na pinangyarihan ng usapan at sa paksang nais ipahayag. Ngunit, kahit si Nick Joaquin ay may inuring wika. Ang isa mga ito ay ang wikang tinawag niyang salitang balbal. Ito ang mga salitang pana-panahong nagiging popular at parang moda ng damit o sapatos na madali ring lumipas. Isa-isahin natin ang antas ng paggamit ng wika. 1. Pormal a. Pambansa – salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasa-alang- alang sa paggamit ng gramatika. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan at sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Nagiging pambansa ang isang wika kung ito ay opisyal na naisabatas para gamitin sa buong bansa. b. Pampanitikan – Dito nakasalalay at nakikita ang kagandahan, yaman, kariktan at retorika ng wika. Masining, mabisa at maingat ang paggamit dito ng mga salita. Hindi literal ang kahulugan ng mga salita dahil nakatali sa hiwaga at sining ang pagpapahayag nito. Nasasalamin sa paggamit nito ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng obrang pampanitikan, talumpati at maging sa mga talakayan. 2. Di-pormal a. Lalawiganin – Ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita. Ito ay ang dayalekto ng isang wika, may tanging pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita na nauunawaan ng mga nag-uusap na kabilang sa isang lugar o lalawigan. Halimbawa: guyam - langgam (Tagalog-Batangas) mabanas - maalinsangan (Tagalog-Cavite) daga - lupa (Bicol) inday - magandang babae (Cebuano) ebon - itlog (Pampanga) b. Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impomal, na karaniwan sa pakikipag-usap sa tahanan, kaibigan at paaralan. Ayon sa mga lingguwista, may kagaspangan man ang mga salita sa antas na ito, hindi pa rin maikakaila na isa pa rin itong penomenong pangwikang nagpapakita ng pagiging malikhain upang mapadulas o mapabilis ang daloy ng komunikasyon. Kadalasan, napaiikli ang isang salita o hindi naman kaya’y napaghahalong paggamit ng dalawa o mahigit pang wika. 4 LU_Q1_KomPan_Module3 Halimbawa: Salita nasaan - nasa’n maghintay ka - teka mayroon - meron tara na - tena Pangungusap I take vitamins pero puyat pa rin ako. Feel na feel ko ang sariwang hangin. Magrerelax muna kami bago mag-watch ng TV. c. Balbal – Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing koda sa kanilang pag-uusap. Karaniwan nang maihahanay rito ang salita ng mga bakla o gay lingo (bekinese) at salita ng mga tambay. Bagaman itinuturing na impormal, kung ating susuriin, mayroon din itong sariling sistema ng paglikha. Halimbawa: anda – pera tol – kapatid o kaputol ng pusod dehins – hindi chaka – pangit 143 – I love you Galugarin Gawain 3: Uriin Mo! Panuto: Tukuyin mo ang sumusunod na salita/parirala kung ano ang antas nito. Isulat ang sagot sa mga kahon ng uri nito. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Konstitusyon Kamay na Vakul aysus! promdi ng bansa bakal Talahanayan Pumuti na Chorva Apo Lakay penge ng Pagtatahas ang uwak eEoW Sintamis ng Ralagang Mars pa more Pananaliksik pFhUeEhsxz asukal Maganra Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal 5 LU_Q1_KomPan_Module3 Lakbayin Mga Terminong Pangwika Unang Wika Multilingguwal ang mga mamamayan ng Pilipinas. Bunsod ito ng heograpikal at sosyolongguwistikal na salik. Gayonpaman, marami mang wika ang mayroon sa Pilipinas, ang wikang unang natutuhan, ginagamit sa pakikisalamuha at unang nakapagbatid ng mga kaalamang magiging kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay ang tinutukoy na Unang Wika. “Mother Tongue” ang tawag sa akademikong termino ng unang wika. Ito ay sapagkat sa inang nagsilang nanggaling ang wikang ito. Wika nga ni Panganiban, “sinusong wika” ito ng anak sa kaniyang nanay. Ito ang wika ng pagmamahal ng ina sa kaniyang isinilang na anak: pag-aaruga, pagtuturo, paggabay at higit sa lahat, kung paanong huhubugin bilang tao ang sariling sanggol. Pangalawang Wika Anomang kasunod na mga wika na matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika ay tinatawag na Pangalawang Wika. Halimbawa, ang isang Ilocano na natuto ng Iloco bilang unang wika at natuto ng English, Filipino at Mandarin ay masasabing may unang wikang Iloco at mga pangalawang wikang English, Filipino at Mandarin. Ilan sa mga salik sa pagsibol ng pangalawang wika ay ang migrasyon at emigrasyon, bunsod ng hanapbuhay, pag-aasawa, edukasyon at mga polisiya. Wikang Pambansa Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika nito. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyong 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Filipino ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakinlanlan. Filipino ang ating wikang pambansa dahil sa wikang ito tinatalakay ang mga bagay- bagay ukol sa bansa. Ito ang ginagamit at gagamitin ng mga Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan. Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika sapagkat ito ang nagdadala sa atin ng pambansang pagkakaisa at pagbubuklod. Mahalagang pagyamanin at pahalagahan ang ating pambansang wika, ang isa sa mga natatanging pamana ng ating mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating lahi. Wikang Opisyal Tinatawag na opisyal na wika ang isang wikang binibigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang Filipino at English. 3 LU_Q1_KomPan_Module4 Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 7, “Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, English.” Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at English. Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ito bilang Lingua Franca o tulay ng komunikasyon sa bansa. Samantala, gagamitin naman ang English bilang isa pang opisyal na wika sa Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig. English ang itinuturing na Lingua Franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan. Wikang Panturo Ito ang wikang gamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga mag- aaral ang leksyong dapat matutuhan. Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo. Tinatawag din itong “Medium of Instruction” o MOI. Sa Pilipinas, ang mga wikang Spanish, Japanese, English at mga pangunahing wika sa Pilipinas ang ginamit na MOI sa iba’t ibang panahon. Sa mga ginamit na MOI napakalaki ng impluwensiya ng wikang English. Lubhang dinakila ng mga Pilipino ang paggamit ng naturang wika sa dahilan na ring nagbunsod ng hanapbuhay o ikabubuhay ang paggamit ng wikang English. Gayonpaman, ang paggamit ng wikang banyaga bilang MOI ay sinasabing hindi ganap na nagiging epektibo. Hindi diumano naipahahayag ng isang tao ang sariling talino o karunungan kung hindi ang unang wika ang kaniyang gamit. Sa kasalukuyan, kinikilala ang paggamit ng unang wika o “Mother Tongue” bilang MOI mula Kindergarten hanggang Baitang 3. Ang pagkilos na ito’y bunga ng pananaliksik na isinagawa ng mag-asawang Dekker katuwang ang dating Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino ang lingguwistang si Dr. Ricardo Ma. Duran F. Nolasco sa Lubuagan, Kalinga. Sa naturang pag-aaral na isinagawa, humigit-kumulang sa loob ng sampung taon at pinondohan ng World Bank ay natuklasang higit na mataas ang iskor ng mga mag-aaral sa eksaminasyon sa mga asignaturang gumagamit ng kanilang pangunahing wika, ang Lubuagan bilang wikang panturo. Sa natura ring pag-aaral ay inilahad ng mga mag-aaral at guro na higit silang nakapagpapahayag at nagkakaunawaan kung ang unang wika ang gagamitin. Ang Lubuagan Elementary School ay kinikilala na ngayon bilang modelo ng Mother Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE) dahil sa tagumpay nitong nakamit na pinakanangunang paaralan sa pambansang pagsusulit na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon, taliwas sa resultang natamo nito may 15 taon na ang nakararaan kung saan ang paaralan ay tinuring na isa sa pinakahuli sa kapareho ring eksaminasyon. Lingua Franca Tumutukoy ang Lingua Franca sa tatlong konseptong pangwika: pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan, wikang nabuo bunga ng magkausap na magkaibang wika at dominanteng wika ng iba’t ibang larangan ng pag-aaral o disiplina. 4 LU_Q1_KomPan_Module4 Tumutukoy ito sa wikang palasak o malawakang ginagamit at naiintindihan sa isang lugar. Nagsisilbi itong tulay ng wika upang magkaintindihan ang iba’t ibang mga pangkat etnolingguwistiko. Sa mga taga-norte, ang Lingua Franca nila ay Iloco, sa bansang Pilipinas, Filipino ang Lingua Franca at sa buong mundo ay English. Bernakular na Wika Ito ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito barayti ng wika tulad ng dayalek, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang panrehiyon. Gawain 2: Tukuyin Mo! Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng sumusunod na mga tanong o pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ___________________ 1. Tumutukoy ito sa wikang palasak o malawakang ginagamit at naiintindihan sa isang lugar. ___________________ 2. Ang wikang panturo ay kilala rin sa katawagang ______. ___________________ 3. Ano ang mga opisyal na wika ng ating bansa? ___________________ 4. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas? ___________________ 5. Ito ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. ___________________ 6. Tumutukoy ito sa anomang wikang natututuhan matapos matutuhan ang unang wika. ___________________ 7. Ang unang wika ay kilala rin sa tawag na __________. ___________________ 8. Ano ang ibig sabihin ng MTB-MLE? ___________________ 9. Ito ang wikang kasangkot sa pananaliksik upang mapatunayan ang pagiging epektibo ng unang wika sa pagtuturo. ___________________ 10. Anong paaralan ang naging modelo ng MTB-MLE? Konsepto ng Bilingguwalismo at Multilingguwalismo Bilingguwalismo Ito ay tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan (Bloomfield). Nangyayari ang bilingguwalismo dahil na rin sa kakayahan ng tao na makipag-interak partikular na sa pakikipag-usap. Maaari ring dahilan nito ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin ang pangalawang wika na makaadap sa lipunan. Sa pangyayaring ito, walang malay ang isang tao na unti-unti niyang nalilinang ang pangalawang wika tungo sa tinatawag na bilingguwalismo. Ang pagiging bilingguwal ng mga Pilipino ay nagaganap na mula pa noong panahon ng mga Kastila ngunit hindi lamang pormalisado. Naging pormal lamang ito nang ipatupad ng National Board of Education taong 1973, DO. No. 25 1974 na may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education”. Layunin ng order na itong makalinang ng isang lipunang may sapat na kakayahan sa paggamit ng Filipino (Pilipino pa noon) at English bilang panturo sa iba’t ibang asignatura sa bawat antas. Multilingguwalismo Nangangahulugan ito ng paggamit ng tatlo o mahigit pang wika sa isang partikular na lugar. Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-kumulang 5 LU_Q1_KomPan_Module4 180 na umiiral na wika, hindi kataka-takang maging multilingguwal ang nakararaming populasyon. Ito rin ang tawag sa patakarang pangwika na nakasalig sa paggamit ng wikang pambansa at bernakular na wika (katutubo) bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagaman hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat. Mga Bansang Multilingguwal 1. Ang Morocco ay bansang may apat na opisyal na wikang ginagamit – ang Arabic, French, Spanish at Amazigh. 2. Ang Bolivia ay may 36 na wikang ginagamit sa anomang antas ng komunikasyon. 3. Ang India ay may 23 wikang ginagamit. Pangunahin ang Hindu, Malayalam, Tamil, Kannada at Telugu. 4. Ang Belgium ay may tatlong opisyal na wika: Dutch, French at German. 5. Ang Switzerland ay may apat na pangunahing pambansang wika – ang German, French, Italian at Romansh. 6. Ang Luxembourg ay may tatlong opisyal na wika – ang Luxembourgish, French at German. Ang Homogeneous at Heterogeneous na Wika Homogeneous na Wika Homogeneous ang wika kung ang ispiker o grupo ng nagsasalita ay gumagamit lamang ng isang wika. Subalit ang ganitong anyo ng wika ay bihira nang matatagpuan sa mundo. Homogeneous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. Gayonpaman, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga dayalek kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita at sa pagbuo ng mga salita at mga pangugusap. Sa kasalukuyan, ang mga bansang maituturing na homogeneous ay ang North Korea at Japan. Heterogeneous na Wika Ang wika ay Heterogeneous kung nagtataglay o binubuo ito ng magkakaibang elemento at taglay nito ang iba’t ibang anyo o barayti ng wika. Ayon kay Bloomfield (1918) “hindi kailanman magkakatulad ang anomang wika. Dala ito ng magkakaibang pangkat ng mga taong may iba’t ibang lugar, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.” Heterogeneous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang sinasalita sa bansa. Lingguwistikong Komunidad Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga espisipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika. Gayondin, nagkakasundo ang mga miyembro ng lingguwistikong komunidad sa kahulugan ng wika at interpretasyon nito at maging kontekstong kultural na kaakibat nito. Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang ipahiwatig o maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak na grupong panlipunan. 6 LU_Q1_KomPan_Module4 Lakbayin Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay upang pag-aralan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunang ating ginagalawan. Alam mo bang… Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon? Wika ang instrumento sa paghahatid ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa mga plakard sa itaas, ang intensyon ng pahayag na “Magsuot ng Facemask Tuwing Lalabas” ay magbigay ng paalala sa mga taong lalabas na ugaliin ang pagsusuot ng facemask para huwag mahawa sa sakit. Sa “Bawal Umihi Rito, May Multa!” ay nagbibigay ng impormasyon na ipinagbabawal ang umihi sa lugar na iyon at ang sinomang iihi ay magmumulta. Sa mga salitang Pambansang Bae, Surfing Capital of the North, Hari ng Padala at iba pa ay mga pagkakakilanlang ikinakabit sa tao o lugar. Ngayon ay magsisimula ka na sa ating aralin. Pag-aaralan mo ang iba’t ibang gamit ng wika. Unawaing mabuti ang iyong babasahin upang lubusang maintindihan ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN A. Conative Ito ang gamit ng wika sa paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap. Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos, o babala sa kausap o grupo ng mga tao. Sa pamamagitan ng conative na gamit ng wika ay gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang tao. Halimbawa: “Huwag kang papatay”. “Bawal tumawid. May namatay na rito”. “Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!” “Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!” 4 LU_Q1_KomPan_Module5 B. Informative Ito ang gamit ng wika sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa tao. Nagbibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin. Halimbawa: Narrative Report, Balita, Ulat –Panahon, Kaalaman, Sarbey, Interbyu Bigyang pansin ang usapan ng guro at kaniyang mga mag-aaral. Guro: Alam ba ninyo ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Magbigay ng mga halimbawa. Pedro: Doktor po! Jose: Manunulat po! Batay sa halimbawang sitwasyon na iyong binasa, nagbigay ng mga datos at kaalaman ang mga mag-aaral sa tanong ng guro. C. Labeling Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao, lugar o bagay. Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao, lugar o bagay batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin. Ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o ng katawagan. May mga pagkakataon na batay sa trabaho ang pagbibigay ng bansag sa isang tao. Halimbawa: “Tonyong magpuputo” kung ang trabaho ay paglalako ng puto. Sa paaralan, may tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,” “Manong Jani”, at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito sa trabaho nila sa paaralan bilang guwardiya, o tagapanatili ng kalinisan. Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag o label sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si “Impeng Negro” (Rogelio R. Sikat), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose Rizal), at marami pang iba. Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media, isports, military, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang pagkakilala natin sa kanila at kung paano natin sila sinusuri. Halimbawa: Ina ng Demokrasya Unkabogable Star Kapuso Surfing Capital of the North bagong bayani fashionista Tandaan: Maging magalang tayo sa gamit na Conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng Informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng negatibong bansag o label sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin. 5 LU_Q1_KomPan_Module5 D. Phatic Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang isang pahayag. Karaniwang maikli ang usapang phatic. Tinatawag itong Social Talk o Small Talk. Ginagamit natin ang ito bilang panimula ng usapan. Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Halimbawa: “Magandang umaga”. “Magaling na ba siya?” “Kumusta ka na?” “May problema ka ba?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” E. Emotive Ito ang gamit ng wika na nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, awa, tuwa, takot, at iba pa sa pang-araw-araw nating pakikipag- ugnayan. Ito rin ay nagpapahayag ng damdamin o pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita. May mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap. Halimbawa: “Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya ay lalong nagbabayanihan ang mga tao”. “Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na magtatanghal”. “Natatakot ako na baka lumala pa ang madapuhan ng COVID sa ating bansa”. F. Expressive Ang expressive na gamit ng wika naman ay nagpapakita ng sariling saloobin o kabatiran, idea, at opinyon. Nakatutulong ito sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayondin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa. Halimbawa: “Ayaw ko sa foreign artist”. “Para sa akin, magagaling ang grupo ng BTS” “Sa tingin ko matatalino na ang mga botante ngayon”. Iyan ang mga iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Batid ko aking mahal na mag-aaral na nauwaan mo ang malalim na pagtalakay sa ating aralin kung kaya’t gawin mo ang sumusunod na mga gawain. 6 LU_Q1_KomPan_Module5 Lakbayin Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay upang pag-aralan ang komunikatibong tungkulin ng wika sa lipunang ating ginagalawan. Alam mo bang… Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay sa kanilang kapaligiran? Ang pananaw na ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng wika sa pragmatik na pamamaraan, maging sa sosyo-lingguwistika at lingguwistika- antropolohiya. Sa pilosopiya ng wika, ang mga pananaw na ito ay kadalasang iniuugnay sa mga akda ni Wittgenstein at sa mga pilosopo sa wika tulad nina Moore, Grice, Searle at Austin. Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing sa ibang anyo ng komunikasyon tulad nga ng sa hayop. Samantala ayon sa mga siyentista, ang sistema ng komunikasyong ginagamit ng mga hayop ay limitado lamang sa finite number of utterances at halos lahat sa mga ito ay genetically transmitted. Kakaiba rin ang wika ng tao dahil sa komplikado nitong estruktura na nag- ebolb upang matugunan ang higit na malawak sa tungkulin kaysa iba pang anyo ng sistemang pangkomunikasyon. Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K Halliday (1973, Gonzales-Garcia 1989), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong tungkulin ng wikang tinukoy ni Halliday ay binigyan ng mga halimbawang madalas na gamitin sa pasalita at pasulat na paraan. TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN A. Interaksyonal Interaksyonal ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso at pagbibiroan ng magkakaibigan, pag-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu. ‘Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa madaling sabi, nagbubukas ito ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan. Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal Halimbawa: o “Magandang umaga” “Hi /Hello” o “Dumalo kayo sa aming kasal” “Salamat Doc” o “Maligayang kaarawan” “Kain na po.” o “Kumusta po ang lakad niyo?”, “Tuloy po kayo.” o “Naninigas na ako sa papuri mo.” “Mahal Kita” 3 LU_Q1_KomPan_Module6 Nailalarawan din ito sa pagkukuwento ng malulungkot at masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayan ng loob. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang liham- pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito. Paggamit ng mga salitang pang-teenager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong rehiyonal. Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan B. Instrumental Instrumental ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan. Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ito sa pakikiuusap o pag-uutos. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensya, kagustuhan, at pagpapasya ng tagapagsalita. Para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyal, pagsasadula, at panghihikayat. Tumutulong sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Magagamit ang wika sa pagpapangaral, berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap, liham pangangalakal at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto. Halimbawa: Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan. Halimbawa kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements. Iba pang halimbawa: o Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jennifer: Ganoon ba? Sige walang problema. o Maaari bang igalang natin ang pasya ng ating pangulo? o Magpakatatag tayo upang hindi tayo matukso. C. Regulatori Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. May kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Maaring gamitin ang regulatori sa pagbibigay ng panuto, batas at pagtuturo. Ginagamit ito upang manghikayat, pagkontrol o paggabay sa kilos at asal ng iba. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at /o pagbabawal, pagpuri at /o pambabatikos, pagsang-ayon at o/ di-pagsang- ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto. 4 LU_Q1_KomPan_Module6 Halimbawa Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’ts kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito. o Bawal magtapon ng basura rito o Magsuot ng facemask o Bawal lumabas ang may edad na 60 pataas o Ugaliing maghugas ng kamay o Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi. o Pakuluan ang manok upang hindi malansa. D. Heuristik Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at /o propesyunal na sitwasyon. Ito ay pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Halimbawa: Pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, pakikipanayam, sarbey at pananaliksik, pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon. o “Anong nangyari?”, “Bakit mo ginawa iyon?” o “Paano nabuo ang Solar System?” o “May halaga ba ako sa iyo?” E. Personal Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin ng isang indibidwal. Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan) at iba pang pansariling pahayag.) Layunin nitong palakasin ang personalidad at pagkakilanlan ng isang indibidwal. Nagpapahayag ng personal na preperensiya, saloobin, pagkakakilanlan, sariling damdamin o opinyon Halimbawa: o Pagsulat ng talaarawan at journal. o Pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anomang anyo ng panitikan. Sa mga talakayang pormal o impormal. o Pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo o Gheser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yahoooooooo! Nhelo: Balato naman diyan! o Ayon sa aking pananaw, ang pagsulong ng kapayapaan sa bansa ay ang susi ng tagumpay sa hinaharap. o Mas makabubuting sundin ang batas kaysa tuligsain upang maiwasan ang pagsisisi sa huli. 5 LU_Q1_KomPan_Module6 F. Imahinatibo Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. nagpapahayag ng imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig. Gumagamit ng mga tayutay sa pagsulat ng malikhaing komposisyon. Ang paglikha ng pick-up lines ay mga halimbawa ng pagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang mapatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. Ginagamit ito sa paglikha at pagpapahayag ng malikhain, estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito ang berbal o kaya’y pasulat na pag-awit, pagtula, pagkukuwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at iba pang gawaing ginagamit “ang wika para sa wika”. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha. Halimbawa: o Paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. o Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kaniya? Christian: Siyempre, ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo. o “Password ka ba? – “Bakit?” Di kasi kita makalimutan eh.” Iyan ang mga iba’t ibang tungkulin ng wika sa lipunan. Balikan mo lamang ang talakayan sakaling mayroon kang hindi maintindinhan. Gawin mo na ang gawain. Gawain 2: Tukuyin Mo Panuto: Tukuyin mo kung anong tungkulin ng wika ang ipinakikita ng mga pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel kung ito ba’y Interaksyonal, Instrumental, Regulatori, Heuristik, Personal o Imahinatibo. _____ 1.editoryal, liham sa patnugot, suring-basa at suring-pelikula _____ 2.pagbibigay ng panuto o direksyon, babala at paalala _____ 3.pakikitungo, pangalakal at pautos _____ 4.survey, pamanahong papel, thesis at dissertation _____ 5.liham pangkaibigan, pakikipag-chat sa messenger _____ 6.matayutay na talumpati _____ 7.pick-up lines, fliptop, spoken word poetry _____ 8.recipe, direksyon sa isang lugar, panuto sa pagsusulit at paggawa ng isang bagay, tuntunin sa batas _____ 9. ginagamit sa pagtatanong, pananaliksik at pakikipanayam o pag- iimbistiga. _____ 10. pormulasyong panlipunan: pangungumusta, pag-anyaya sa pagkain, pagpapatuloy sa bahay, pagpapalitan ng biro atbp. 6 LU_Q1_KomPan_Module6 Lakbayin Ayon sa Ethnologue: Languages of the World, ang ating bansa ay kabilang sa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong mundo kung saan tayo ay nasa ika-12 pwesto. At sa mahigit pitong libong pulo, mayroon tayong higit sa apat na raang iba’t ibang dayalekto na naging dahilan ng suliranin sa pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa. Kung kaya’t pinagsumikapan ng magigiting nating mga ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang Pambansa na patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan. Tunghayan ang Timeline ng prosesong pinagdaan ng Wikang Pambansa. Sa Panahon ng Kastila, Rebolusyong Pilipino, Amerikano at Hapon Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya (300 na taon), Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. Sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang Wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-bato noong 1897, itinanadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Enero 21, 1899 Sa konstitusyon ng Malolos, itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagamat noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng Ingles sa bansa. Makalipas ang ilang taon, nakamtan natin ang kalayaan subalit sa sandaling panahon lamang. Pumalit sa mga Kastila ang mga Amerikano na sikolohikal ang atake sa pananakop. Ipinagkaloob nila ang mga ipinagkait ng mga Kastila gaya ng demokratikong pamumuhay, edukasyon at ang Wikang Ingles. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Marso 4, 1899 Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang Wikang Opisyal. Dumami ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging Wikang Panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman. Marami ring Pilipino ang nakinabang sa programang iskolarsyip na ipinadala sa Estados Unidos at umuwing taglay ang kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935, halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang Ingles na. Batay sa survey ng Komisyong Monroe noong 1925, napatunayang may kakulangan pa ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa primarya. Ito ang dahilan kung bakit noong 1931, iminungkahing gamitin ang mga bernakular na wika upang maging midyum sa pagtuturo. 3 LU_Q1_KomPan_Module7 Agosto 16, 1934 Binuo ang isang kapulungan na bumabalangkas sa Saligang Batas ng Pilipinas para sa nalalapit na pagsasarili ng ating pamahalaan mula sa kamay ng pagbabalik ng Amerikano. Binuo ang isang Kombensyong Konstitusyunal ng Pamahalaang Komonwelt upang maisagawa ang mga ibig mangyari ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon. Pebrero 8, 1935 Nang makalaya ang Pilipinas sa Pamahalaang Komonwelt sa loob ng 10 taon, pinagtibay ng Pambansang Asemblea na gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingeles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal. Isang probisyon na ukol sa wika ang isinama sa Saligang Batas. “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na nakabatay sa umiiral na katutubong Wika.” (Saligang Batas 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV) Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Ayon sa Orihinal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa umiiral na katutubong wika.” Sa paglunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng administrasyon ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel Luis Molina Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika. Oktubre 27, 1936 Sa unang pambansang pulong nagbigay ng mensahe si Pangulong Quezon ukol sa pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa, ito ay isang ahensya na gagawa ng mga hakbang sa pag-aaral at paghahanap ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa. Nobyembre 13, 1936 Ang Batas Komonwelt Blg. 184 ay pinagtibay ng kongreso upang maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Nakasaad sa Seksiyon 5 sa batas na ito ang mga tungkulin ng SWP: A. Pag-aaral ng wika na ginagamit ng mas nakararaming Pilipino; B. Pagtukoy sa mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga talasalitaan ng mga pangunahing wika sa Pilipinas; C. Pag-aaral at pagtiyak sa ponetiko at ortograpiyang Pilipino; D. Paggawa ng mga komparatibong kritikal na pag-aaral hinggil sa paglalapi ng mga salitang Pilipino; at E. Pagpili ng isang katutubong wika na may pinakamayaman at pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo at panitikan na magiging batayan ng Wikang pambansa. 4 LU_Q1_KomPan_Module7 Enero 12, 1937 Hinirang ang mga kagawad na bubuo sa SWP. Ang mga kasapi ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) - Pangulo, Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim, Santiago A. Fonacier (Ilocano), Filemon Sotto (Bisaya, Cebuano), Casimiro Perfecto (Bicolano), Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) at Hadji Butu (Muslim Mindanao). Nobyembre 9, 1937 Pagkatapos ng masusing pag-aaral, Tagalog ang napili ng SWP na maging batayan ng Wikang Pambansa dahil sa sumusunod na kadahilanan: A. Mas maraming nakapagsasalita’t nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang wika; B. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito kung ano ang bigkas ay siyang sulat; C. Tagalog ang ginagamit sa Maynila na sentro ng kalakalan; D. Mayroong historikal na basehan, ito ang wikang ginamit sa mga himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio; at E. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang Wikang Tagalog. Disyembre 30, 1937 Anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Abril 1, 1940 Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng pangulo ang pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Hunyo 19, 1940 Nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang publiko at pribado sa buong kapuluan. Hulyo 7, 1940 Kinilala at pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay maging isa sa Wikang Opisyal ng Pilipinas. 1941 Nailathala ang Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos. Ito ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog. 5 LU_Q1_KomPan_Module7 1942 Nang dumating ang mga Hapon, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” na nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang pananakop ng mga Hapon dahil sila ang nag-utos na baguhin ang probisyon ng konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Layunin nilang burahin ang kaisipang-Amerikano at mawala ang impluwensiya nito. Sa panahong ito, Niponggo at Tagalog ang naging Opisyal na mga wika. Pinasigla ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga akdang pampanitikan. Tinagurian din ang panahon ng mga Hapon bilang “Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog”. Sa Panahon ng Pagsasarili at Kasalukuyan Marso 26, 1954 Ang Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay na nakasaad na ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay galang sa kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar bilang makata ng lahi. Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 186 ni Pang. Magsaysay na ilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng “Ama ng Wikang Pambansa” na si Pang. Quezon. Agosto 13, 1959 Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon – Jose B. Romero, nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang pangkagawaran Blg.7 na ang wikang pambansa ay tatawagin nang Pilipino. Nagkaroon ng konkretong pangalan ang wikang pambansa matapos ang 24 na taon. Disyembre 19, 1963 Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang pambansang awit sa titik nitong Pilipino. Oktubre 24, 1967 Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng mga gusali, episodyo at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino. 1970 Noong 1970 sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang lupon ng Edukasyon ay inilunsad ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa bansa kung saan gagamitin ang wikang Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga aralin sa paaralan. 6 LU_Q1_KomPan_Module7 Ang Wikang Filipino sa ating 1987 Konstitusyon Tuwirang binanggit sa Konstitusyon ng Pilipinas 1987, Artikulo XIV Seksyon 6, ang tungkol sa ating pambansang wika na mula sa Pilipino ay magiging Filipino – isang pambansang sagisag sa pagkakakilanlan o self-identity ng isang pambansang Pamahalaan. Enero 30, 1987 Nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.112 ang Pang. Corazon Aquino, ipinasailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isport. Binago rin ang pangalan ng ahensya bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas. Agosto 14, 1991 Ang Republic Act Blg. 7104 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na kung saan nakasaad na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). At ipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Hulyo 15, 1997 Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na ang Buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng Wikang Pambansa at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay ng pamahaalan at paaralan na magsagawa ng mga gawaing kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Agosto. Sa kasalukuyan, malayo na ang narating ng Filipino. Nagagamit na ito sa pagbobrodkast, pagpapakilala ng produkto, pagsulat ng balita at diskursong pampamahalaan at pambatas. Maipagmamalaki ring nagagamit ito ng mga politiko sa kanilang mga talumpati. Napagyayaman pa ito sa tulong ng mga Rehiyonal na Wika (Bernakular): Tagalog – 28M, Cebuano – 21M, Iloco – 9.3M, Hiligaynon – 9.1M, Waray-waray – 3.4M, Bicol – 2.9M, Kapampangan – 2.5M, Pangasinan – 2.4M, Mëranao – 2.1M, Tausug – 1.82M, Maguindanao – 1.8M, Chavacano – 1.2M at Kiniray-a – 1M. Gayonpaman, may dalawang batas na may malaking epekto sa kalagayan ng Filipino bilang Wikang Pambansa. o Ched Memorandum Order #20, Serye ng 2012 – nagbunsod ng paglilipat ng Basic Subjects sa SHS na magdudulot ng kawalan ng espasyo ng Filipino sa Tersyarya. o Implementasyon ng MBT-MLE – May mabuting maududulot sa literasi ng mga mag-aaral mula kinder hanggang ikatlong baitang dahil sa paggamit ng unang wika o mother tongue ngunit mapahihina naman nito ang kasanayan sa Filipino sapagkat maituturing lamang na asignatura ito. 7 LU_Q1_KomPan_Module7 Lakbayin Alam mo bang… Ortograpiya ang tawag sa representasyon ng mga tunog ng wikang nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto? Nababatid natin ngayon ang ebolusyon ng Ortograpiyang Filipino. Panahon ng Austronesian Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang lahing Pilipino ay nagmula sa lahi ng Austronesian. Subalit ayon sa Historyador na si Zeus Salazar mayroon ng sariling kultura at wika ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Autronesian sa Pilipinas. Ngunit ang Autronesian ay may mayamang kulturang dala-dala dulot ng kanilang paglalakbay kaya naman ang kanilang wika at kultura ay kumalat sa Pilipinas dahil sa kanilang paglipat-lipat sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Ilan sa mga kulturang namana sa kanila ay ang kaalaman sa paglalayag, hortikultura o paghahalaman, pagtatanim, kultibasyon at paggamit ng kasangkapang gawa sa makinis na bato o metal. Panahon ng Katutubo: Baybayin Baybayin ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino. Taliwas ito sa nakasanayan nating “Alibata”. Mali ang Alibata dahil ito’y imbento lamang ng isang propesor. Baybayin ang tamang ngalan ng unang sistema ng pagsulat nating mga Pilipino. Ang Baybayin ay nagmula sa salitang “baybay” na nangangahulugang lupaing nasa gilid ng dagat at ng salitang “pagbaybay” na nangangahulugang spelling sa Ingles. May mga ebidensyang nakalap na nagpapatunay na ginamit ng ating mga ninuno ang Baybayin. Tulad na lamang ng biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng aklatang-pambansa at ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Mayroon ding isang matandang palayok na nakaukit ang baybayin na natagpuan ng mga Arkeologo sa Kalatagan, Batangas. Ayon sa mga paniniwala, ilan sa mga gawa ay sinunog ng mananakop na mga Espanyol sa kadahilanang maaring maging hadlang ito sa pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo. 3 LU_Q1_KomPan_Module8 Narito ang mga dapat tandaan sa pamamaraan ng Pagsulat ng Baybayin: 1. Ang Baybayin ay binubuo ng 17 titik – 3 ang Patinig at 14 na Katinig. 2. Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Halimbawa: ba ba da ga pa sa a pa 3. Kung ang katinig ay bibigkasin na may kasamang tunog ng patinig na /e/ o /i/ lalagyan lamang ito ng kudlit (’) sa itaas ng titik. Halimbawa: bi bi bi ngi bi ni bi ni 4. Samantala kung ang katinig ay bibigkasin na may kasamang tunog ng patinig na /o/ at /u/ lalagyan lamang ito ng kudlit (,) sa ibabang bahagi ng titik. Halimbawa: lo lo po so no o su so 5. Kung nais kaltasin ang anomang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng pantig gagamitan lamang ito ng panandang krus (+) sa ibaba bilang tanda ng pagkakaltas ng tunog. Halimbawa: a na k ba n sa sa y sa y 6. Ang orihinal na baybayin ay iisa lamang ang titik na ginagamit para sa da at ra. Halimbawa: sa ra do na da ra ng ba ra do 7. Gumagamit ng dalawang palihis na guhit sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito. Halimbawa: A ko a y Pi li pi no. Panahon ng Espanyol Nang sakupin ng Espanyol ang Pilipinas, nadatnan na nilang marunong bumasa’t sumulat ang mga Pilipino. Upang mas mapabilis ang pagsasakatuparan ng kanilang layunin walang iisang wikang pinairal noon. Sapagkat sa halip na ituro ang Wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aral ng katutubong wika ng mga Pilipino. Nailimbag nila ang Doctrina Christiana en lengua Española y Tagala noong 1593. Ito ay inilimbag gamit ang Alpabetong Romano o Abecedario kasama na rin ang salin nito sa Baybayin (Komisyon sa wikang Filipino, 2013). Mula sa dating Baybayin ay napalaganap ang paggamit ng Alpabetong Romano bilang palatitikang Pilipino. 4 LU_Q1_KomPan_Module8 ABAKADA ang unang naging alpabeto ng Wikang Pambansa ayon sa Baybaying Tagalog ngunit nilapatan na ng ilang prinsipiyong pangwika ni Lope K. Santos, ang tinaguriang “Ama ng Balarilang Tagalog”. Ang pangalan nito ay hango sa unang tatlong letra ng alpabeto na lahat ng mga katinig at may katambal na tunog na /a/. Kung kaya ang B ay /ba/, ang K ay /ka/ at ang D ay /da/. Dalawampu (20) ang mga letra nito. Lima ang patinig. Bagay na ikinaiba na agad sa lumang Baybayin. Hiwalay na ang mga tunog na /e/ - /i/ at ang /o/ - /u/. Samantalang labinlima ang mga katinig. Tunghayan ang pagkakasunod- sunod ng mga titik at ang ngalan o pagbigkas sa mga ito. Hanggang sa ngayon ang bawat titik ng Abakadang Tagalog ay kumakatawan sa isang ponema at nananatiling konsistent, maliban na lamang sa impit na tunog na bagaman walang titik na katumbas ay isa ring ponema. Ang walong letrang dagdag, kasama na ang tatlong digrapo ng Espanyol ay itinuturing noong hiram o banyaga kaya hindi isinama sa Abakada at ginagamit lamang noon sa mga pangngalang pantangi. Nasa ibaba ang mga ito at ang mga halimbawa ng mga pangngalang gamit ang mga titik. C – Cristo CH – Chikito F – Fernando J – Jomar LL – Llanera Ñ – El Niño Q – Quezon RR – Azcarraga V – Valenzuela X – Xavier Z – Zambales Kapag ang mga salita ay hiram sa Espanyol, at taglay ang isa o mahigit pang bagong letrang dagdag, tinutumbasan noon ng 20 letra ng Abakada ang mga tunog ng 11 hiram na letra. C = K -- calle = kalye = S -- centavos = sentabo J = S -- jabon = sabon Ñ = NY -- baño = banyo CH = TS -- cheque = tseke = S -- chinelas = sinelas/tsinelas LL = LY -- medalla = medalya = Y -- cebollas = sibuyas Panahon ng Rebolusyon Sa panahong ito maraming nagtungo sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan tulad nina Rizal, Jaena, Luna, at Del Pilar. Naitatag ang Kilusang Propaganda noong 1872 at ang Katipunan naman sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Ginamit nila ang wikang Tagalog sa pagsulat ng panitikan, kautusan at pahayagan. Itinatag rin ang Unang Republika sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo at pormal na nabanggit at pinagtibay sa Saligang batas ng Biak na Bato noong 1897 na ang opisyal na wika ng pamahaalan ang Wikang Tagalog. 5 LU_Q1_KomPan_Module8 Panahon ng Amerikano Sa panahong ito sapilitang ipinaginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo ng mga Gurong Thomasites. Upang magkaunaawaan ang mga Pilipino at Amerikano kailangang maipalaganap sa kapuluan ang wikang Ingles. Ngunit hindi naging madali ang pagtatamo nito. Lumabas ang maraming suliranin tulad ng kakulangan sa kagamitang pampagtuturo, kulang sa kasanayan ang mga guro at kinakailangan ang malaking pera para maisakatuparan ito. Sa pamamagitan ng Batas Sedisyon, pinagbawalan ang mga Pilipinong sumulat ng mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng mga Amerikano na maaring makapagdulot ng pag-aalsa sa kanila. Panahon ng Hapones Ang panahong ito ay itinuring na “Gintong Panahon ng panitikang Pilipino” dahil namayagpag ang iba’t ibang akdang nakasulat sa Tagalog. Sa kagustuhan ng mga Hapon na burahin ang anomang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal nila ang paggamit ng wikang Ingles sa anomang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Pilipinas ang Tagalog at Nihonggo. Para sa karamihang Pilipino, biyaya sa larangan ng panitikan ang pangyayaring ito. Ang Bagong Alpabetong PILIPINO (ABAP) Sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng DECS, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong Ang Bagong Alpabetong Pilipino. Ang dalawampung (20) letra ay dinagdagan ng labing isang letra kaya’t naging tatlumpu’t isa (31). Kabilang sa mga dinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, Ñ, Q, X, V, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa kahinaan at kalituhan sa paggamit. Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-sunod nito. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) sa mga letra. Ang Alfabetong FILIPINO (AAF) Bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa at pampamahalaang wika at pagtupad pa rin sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal, muling nireporma ang alpabetong Pilipino gayondin ang mga tuntunin sa ortograpiyang Pilipino. Batay sa masusing pag-aaral ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), napagkaisahan mula sa isang simposyum na ginanap, una sa Asia Institute of Tourism at ikalawa sa National Teachers’ College na Ang Alfabetong Filipino ay bubuoin na lamang ng dalawampu’t walong letra (28). A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y at Z. Maari itong tawaging sa dalawang paraan: pa-Abakada o pa-Ingles. Ang walong dagdag na letra ay C, F, J, Q, X, V, Z. Tatlong taon ang lumipas bago nailabas ang unang burador noong Agosto 15, 1986. Napagkasunduan na ang mga letra ay bibigkasin na lamang nang gaya ng Ingles, maliban sa ñ na bibigkasin sa Kastila. Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba’t ibang kapulungan at kongresong pangwika gaya ng Taunang Kumbensyon ng LEDCO na bibubuo ng pambansang samahang pangwika, Pebrero 26, 1987; Taunang Kumperensya ng PASATAF, Abril 6, 1987; Taunang Kumbensyon ng PSLF, Mayo 18, 1987. 6 LU_Q1_KomPan_Module8 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino Sa ikaapat na pagkakataon ay muling nirebisa ng ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o KWF (dating LWP) ang alpabetong Filipino pati na ang tuntunin sa pagbaybay. Ang muling pagrebisa ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautuang Pangkagawaran ng 1987. Marami ang pumuna sa umano’y napakahigpit at di-makatotohanang mga tuntunin sa ispeling na ipinalabas ng LWP sa paggamit ng walong dagdag na letra. Nalimitahan din umano ang gamit sa mga hiram na salitang nabibilang sa kategoryang sumusunod: pangngalang pantangi, teknikal na terminolohiya at sa mga salitang may natatanging pangkulturang kahulugan. Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag na letra. Nangangahulugan na maaari ding gamitin sa lahat ng mga hiram na salita, pormal o di-teknikal na barayti, o sa mga karaniwang salita ang mga dagdag na letra. Hinati rin sa dalawang grupo ang walong letra. Ang F, J, V at Z ay gagamitin sa pagbabaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Samantalang ang C, Ñ, Q at X na itinuturing na redundant ay hindi ipinagagamit sa pagbaybay ng mga hiram na salitang karaniwan. Ito ay dahilang ang bawat isa ay may kinakatawan o katunog na letra sa Filipino gaya ng C na maaaring tumbasan ng /S/ o /K/. Dahil sa kalituhan, nagkaroon ng mga reaksyon ang mga eksperto, maging mga guro at mag-aaral. Taong 2006 nang maglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng isang Kautusang Pangkagawaran Blg. 42 noong Oktubre 9 na nag- aatas na rebyuhin ang 2001 Revisyon at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino (GOWF) Upang tugunan ang mga reaksyon at katanungan ukol sa paggamit ng 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino, bumuo ang Komisyon sa Wikang Filipino ng Lupon sa Ortograpiya noong 2006. Ang lupon ay binubuo nina Dr. Leticia F. Macaraeg (Tagapangulo), Dr. Candelaria Cui-Acas, Elvira B. Estravo, Minda L. Limbo, Imelda C. Eusebio at Maria Cristina P. Silvestre; at mga consultant – Rogelio Mangahas, Edgardo M. Reyes, Jovy Peregrino at Patrocinio Villafuerte. Tatlong taon din ang kanilang ginugol sa pagsusuri at pagtanggap ng mga mungkahi mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, bago inilabas ang gabay noong 2009 sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 104. Ayon kay Dr. Leticia F. Macaraeg, Tagapangulo ng Lupon sa Ortograpiya, batid ng mga miyembro ng lupon na maaaring sa kabila ng pagsisikap at matayog na hangaring marating ang perpeksyon ng isang Gabay ay mayroon pa ring darating na puna at mungkahi. Sa madaling sabi, nangangahulugan lamang ito na patuloy ang pagbabago tungo sa ikahuhusay at ikawawasto ng ortograpiya. Tanging panahon lamang ang makapagsasabi o makasasagot sa pagkakaroon natin ng isang wikang estadardisado at tatanggapin ng lahat. Ortograpiyang Pambansa (OP) Nang matapos ang panunungkulan ni dating Komisyoner Jose Laderas Santos at napalitan ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio R. Almario na higit na kilala bilang Rio Alma, naglimbag at naglathala ang KWF ng mga kasunod pang bersyon ng ortograpiya. Tinatawag itong Ortograpiyang Pambansa. 7 LU_Q1_KomPan_Module8 Masasabing 90% ng mga probisyon sa OP ay hango na rin sa GOWF at iba pang umiral na ortograpiya, bagaman sa edisyon ng 2013, higit na elaboratibo ang naging pagtalakay upang mailahad ang katuwiran sa bawat tuntunin, gayondin, upang maihain nang malinaw ang tugon sa mga tanong at agam-agam ng mga gumagamit ng ortograpiya. Ilan sa mga kapansin-pansing pagbabago ay ang pagmumungkahi ng kapalit sa ilang mga katawagan: Ang patinig ay tatawaging vocablo; ang katinig ay consonantes; samantalang ang pantig ay silaba; at ang tuldik ay asento. Bagaman pareho ang bilang ng grapemang titik, nadagdagan naman ng isa pa ang grapemang di-titik, ang tuldik-patuldok. Ito ay dalawang tuldok na inilalagay sa itaas ng isang titik at diumano ay kahawig ng umlaut at dieresis. Ang tuldik-patuldok ay idinagdag upang kumatawan sa mga tunog na schwa na mayroon ang mga wikang Mëranao, Pangasinan, Iloco at Ibaloy. Galugarin Gawain 2: Baybayin Mo! A. Panuto: Isulat ang sumusunod na salita gamit ang mga natutuhan sa pamamaraan ng pagsulat ng Baybayin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Baybayin 2. Katutubo 3. Kasaysayan 4. Bansang Pilipinas 5. Mahal ko ang bayan ko. B. Panuto: Isulat ang sumusunod na bahagi ng awit gamit ang mga natutuhan sa pamamaraan ng Pagsulat ng Baybayin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Natatandaan mo pa ba Noong tayong dalawa, unang magkita Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Mahusay! Natutuhan mo ang paggamit ng baybayin. Hindi ba’t? napakasayang pag-aralan ito. Ito ay isa lamang sa nagpapatunay na ang wika ay nagbabago dulot ng paglipas ng panahon. 8 LU_Q1_KomPan_Module8