Pagsasalin sa Iba't-Ibang Disiplina PDF

Summary

Ang dokumento ay isang artikulo o ulat tungkol sa iba't ibang teorya sa pagsasalin, kasama na ang literal, komunikatibo, at aesthetic-emotional na pagsasalin. Tinalakay din ang kahalagahan ng pagsasalin sa mga iba't ibang larangan, tulad ng edukasyon, agham, at teknolohiya.

Full Transcript

**Pagsasalin sa Iba't Ibang Disiplina** **Reviewer** **Pagsasalin --** isang proseso ng paglilipat ng isang teksto mula sa orihinal na wika (source language) patungo sa target na wika (target language) nang hindi nawawala ang kahulugan, layunin at estilo ng orohinal na akda. Layunin nitong gawing...

**Pagsasalin sa Iba't Ibang Disiplina** **Reviewer** **Pagsasalin --** isang proseso ng paglilipat ng isang teksto mula sa orihinal na wika (source language) patungo sa target na wika (target language) nang hindi nawawala ang kahulugan, layunin at estilo ng orohinal na akda. Layunin nitong gawing naangkop at nauunawaan ang nilalaman para sa target na tagapagsalita o mambabasa. **Eugene Nida --** muling pagbubuo ng mensahe ng orihinal na wika sa ibang wika, taglay ang pinakamalapit na katumbas nito sa kahulugan at estilo. **Teorya ng Literal na Pagsasalin (Literal Translation Theory) --** ang pagsasalin ay dapat gawin nang tapat at direktang isalin ang bawat salita o parilala mula sa orihinal na wika patungo sa target na wika, at hindi gaanong binabago ang mga idiomatic expression o mga tayutay. Hal: She has a heart of gold -- siya ay may puso ng ginto. Ito ay hindi palaging tumpak at maaring magdulot ng kalituhan o hindi pagkakaunawaan sa target na wika. **Teorya ng Komunikatibong Pagsasalin (Communicative Translation Theory) --** ayon kay Peter Newark, ito ay nakatutuok sa pagpapahayag ng mensahe sa target na wika sa paraang mas madaling maunawaan ng mambabasa. Dito, binigyang prioridad ang komunikasyon at kahulugan sa halip na sundin ang istruktura o anyoo ng orihinal na wika. Hal: It's raining cats and dogs -- malakas ang ulan. **Teorya ng Aesthetic-Emotional na Pagsasalin (Aesthetic-Emotional Translation Theory) --** ayon kay Roman Jackson, ito ay naglalayong ipahayag abg emosyon o aesthetic na karanasan ng orohinal na wika na akda sa target na wika. Layunin ng pagsasalin ay hindi lamang mapanatili ang kahulugan kundi pati na rin ang estetiko at damdamin ng orihinal na wika. Hal: sa pagsasalin ng tula, mahalagang isalin ang ritmo, tunog at damdamin ng mga salita upang maramdaman ng target na wika ang parehong epekto tulad ng sa orihinal na wika. **Teorya ng Pagsasalin ng Kahulugan (Semantic Translation Theory) --** ang teoryang ito ay ipinakilala ni Peter Newark at nakatutok sa pagpapanatili ng eksaktong kahaulugan ng teksto. Bagamat hindi ito gaanong tapat sa estruktura ng wika, binibigyang halaga nito ang pagpapanatili ng eksaktong kahulugan sa target na wika. Hal: She is the apple of my eye sa ingles, nagiging siya ang pinakamahalaga sa aking buhay, pinapalitan ang idiomatic expression ng isang katumbas na mas maiintindihan ng Filipino. **Teorya ng Adaptasyon (Adaptation Theory) --** ito ay tumututok sap ag-aangkop ng teksto sa bagong kultura. Ayon kay James Holmes, ang pagsasalin ay hindi lamang paglilipat ng wika kundi pati na rin ang pagtutuok sa kultura ng target na wka. Ang layunin nito ay gawing angkop ang orihinal na teksto sa bagong konteksto at kulturang pinagmumulan ng target na wika. Hal: Kung ang akda na may kulturang emerikano ay isasalin sa kulturang Filipino, maaring baguhin ang mga ilang detalye sa akda (pangalan, lugar, pagkain at iba pang element) upang mas madaling makarelate ang mga mambabasa sa target na wika. **Teorya ng Iskopos (Skopos Theory) --** ayon kay Hnas J. Vermeer, ito ay nagsasaad na ang layunin o skopos na pagsasalin ang magtatakda ng paraan ng pagsasalin. Dito, tinutukoy ang layunin ng pagsasalin, tulad ng imprmasyon, pagpapalaganap ng isang mensahe o pagpapahayag ng isang kultural na ideya. Hal: Teknikal na manwal, ang layunin nito ay magbigay ng tumpak na impormasyon kayat mas kinakailangan ng literal na pagsasalin. **Teorya ng Pagsasalin bilang Pagtutok sa Pagsasalin ng Nilalaman (Content-Based Theory) --** tumututok sa nilalaman ng akda kaysa sa porma. Mas mahalaga ang pagkakaroon ng tumpak na pagsasalin ng ideya at nilalaman kaysa ang pagsunod sa porma at istruktura ng orihinal na teksto. Hal: Kung ang isang teknikal na dokumento ay isinasalin mula sa ingles patungo sa Filipino, higit na binibigyan ng pansin ang pagsasalin ng mga teknikal na detalye at impormasyon, kaysa ang wastong pagsunod sa grammar o estilo ng orihinal. **Teorya ng Pormal na Katumbas (Theory Equivalence**) -- layunin ng pagsasalin ay panatilihin ang anyo at istruktura ng orihinal na teksto. Karaniwang ginagamit sa tenikal at legal na dokumento. **Teoryang ng Dinamikong Katumbas (Dynamic Equivalence)** -- binibigyang diin ang pagiging natural ng salin upang Madali itong maunawaan ng target na mambabasa. **Teorya ng Interkulturalidad --** binibigyang pansin ang papel ng kultura sa pagsasalin upang matiyak na nauunawaan ng target na audience ang konteksto ng teksto. **KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN** 1. **Pagpapalaganap ng Kaalaman** -- ito ay nagbibigay daan upang maipamahagi ang mga ideya, teorya, at kaalamna mula sa ibang wika at kultura sa mga tao na hindi nakakaintindi ng orihinal na wika. Halimbawa, ang mga makabagong akda sa agham, medisina at teknolohiya ay madalas na isinasalin upang matutunan ng mas maraming tao. 2. **Pagtutulungan ng mga Kultura** -- nakatutulong sa pagpapalalim ng pang-unawa sa mga kultura ng iba. Nagiging tulay ito upang ang mga tao mula sa magkaibang wika at lahi ay magkaintindihan at magkaisa sa knilang ideya, paniniwala at tradisyon. 3. **Pagpapaunlad ng Wika --** nakatutulong sa pagpapayaman at pag-unlad ng isang wika. Ang proseso ng pagsasalin, maaring makadagadag ng mga bagong termino o konsepto sa wika, nagpapaimprove ng mga gamit nito sa iba't ibang larangan ng wika. 4. **Pagkakaroon ng Malalim na Pnag-unawa --** nagiging malalim at mas buo ang pang-unawa ng isang tao sa teksto o akda. Kung ang isang akda ay isinusulat sa isang wika at nais itong maabot ng iba, kailangan itong isalin nang maayos upang mapanatili ang diwa ng orihinal. 5. **Pagkilala at Pagpapahalaga ng Kasaysayan --** paraan ng pagsasalin ay isang paraan ng pag-aalaga sa ating kasaysayan at mga tradisyon. **KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN SA IBA'T IBANG LARANGAN** **Edukasyon --** ito ay nakatutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapayaman ng Sistema ng edukasyon sa mga lugar kung saan ang mga akdang pang-akademiko ay hindi nakasulat sa wika ng mga mag-aaral. **Agham at Teknolohiya** - upang maipasa ang bagong tuklas at kaalaman sa mas malawak na audience **Medisina --** upang maibahagi ang mahalagang impormasyon tungkol sa mga medical na pananaliksik at paggamot **Batas at Gobyerno --** upang magkaintindihan ang mga bansa sa usaping legal at internasyunal na kasunduan **Panitikan** -- upang maipakilala ang kasaysayan ng isang bansa sa iba pang panig ng mundo **Negosyo** -- upang maabot ang pandaigdigang mercado at mapalawak ang mga opotunidad pang-ekonomiya. **Media at Komunikasyon** -- pagsasalin ng mga balita at impormasyon **Relihiyon** -- pagsasalin ng mga relihiysong aklat ay mahalaga upang makarating ang mensahe ng relihiyon upang makarating sa ibang panig ng mundo.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser