LINGGUHANG GAWAIN SA FILIPINO (Kuwarter 4, Linggo 6) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tarlac City Schools Division
Tags
Related
- Mga Detalye ng Kurso sa Komunikasyon at Pananaliksik (PDF)
- ARALIN 1: PAGSULAT PDF
- Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- Komunikasyon sa Wika at Pananaliksik PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aktibidad sa pag-aaral para sa Filipino. Binibigyang-diin ang mga konseptong pang-akademiko tulad ng pagsulat ng pananaliksik at mga etika sa pananaliksik. Isa itong gabay na aktibiti para sa mga mag-aaral sa sekondarya sa Pilipinas.
Full Transcript
11 Department of Education-Region III TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300 Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180 Filipino Quarter 4: Week 6 Learn...
11 Department of Education-Region III TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300 Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180 Filipino Quarter 4: Week 6 Learning Activity Sheets PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pangalan: ________________________________________ Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo Taon at Pangkat: __________________________________ Petsa: _________________________ PAGSULAT NG PANANALIKSIK: PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK Panimula (Susing Konsepto) May tatlong bahagi ang sulating pananaliksik: ang introduksiyon, katawan at konklusyon. Mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa iba’t ibang kaisipan. Bago mo isulat ang pinal na papel ay isaalang-alang mo ang sumusunod: 1. Introduksyion Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng ilan sa sumusunod: kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik, buod ng pangunahing ideyang idedebelop sa papel, organisasyon ng papel, o isang sipi na magiging lunsaran. Kung minsan, tinutukoy rin dito ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik. 2. Katawan Ang organisasyon ng mga ideya ng katawan ng iyong papel ay batay sa paghahati-hati ng mga ideya sa iyong panghuling balangkas, kung kaya’t marapat lang na tiyaking nasa pinakamainam na ayos ang mga ideya sa iyong panghuling balangkas upang hind ka mahirapan sa pagsulat ng iyong papel na pananaliksik. Sa pagsulat ng katawan ng sulating pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya sa paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng aralin. Maaaring magsimula sa mga naunang mga pananaliksik tungkol sa paksa at banggitin kung ano ang hindi natalakay ng mga ito na tatalakayin ng iyong papel. Maaari ding magsimula sa kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang mahalagang papel na gagampanan ng iyong pananaliksik tungkol sa sitwasyong ito. Maaari ding magsimula sa mga naunang pangyayari o kasaysayan ng iyong paksa patungo sa mga kasalukuyang pangyayari. Sa pagsulong ng katawan ng iyong papel, mas mabuting naka-grupo ang iyong mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa. Mas mabuting gumamit ng headings upang pagpangkat-pangkatin ang mga ideyang ito. Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya upang mas maging malinaw ang daloy ng paglalahad ng ideya. Kailangan ding gumamit ng mga salitang transisyonal upang hindi magmukhang putol-putol o magulo ang iyong paglalahad. 3. Kongklusyon Ang pagsulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya. Samakatwid, hindi natin ito makikitaan ng mga panibagong ideya o datos. Ang nilalaman ng kongklusyon ay alinman o kombinasyon ng sumusunod; buod ng mga pangunahing ideyang nilalang sa katawan ng pananaliksik, sipi o anumang pahayag na bumubuod sa papel, pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon. Huwag kalimutang ilahad ang resulta ng pananaliksik. Sa pagsulat ng kongklusyon, pagpasiyahan kung anong estilo ang nais gamitin. Maaaring balikan ang mga ideya sa introduksiyon at ilahad ang buod kung paano ito nilinang. Maaari ding ulitin ang anumang imahen, tayutay, o talinghagang ginamit sa introduksiyon. Siguruhing naisakatuparan nito ang layunin ng sulating pananaliksik na matatagpuan sa introduksiyon. Ito ang magiging sukatan kung naging epektibo ang iyong pananaliksik. Sa bahagi ring ito maaaring isama ang rekomendasyon. ETIKA NG MANANALIKSIK Bilang mananaliksik kailangan mong malaman ang mga etikang dapat sundin upang maiayos mo ang iyong gawain. Kauna-unahan sa mga ito ang katapan. Ang pagiging matapat ay pangunahing katangian ng isang mananaliksik. Walang puwang ang plagiarism sa pananaliksik. Nararapat lamang na kilalanin mo ang pinagmulan ng mga kaisipang iyong ginamit. Maaaring humingi ng permiso sa may-akda, at kung hindi ito pumayag ay huwag na itong gamitin. Tandaan: isang krimen ang tahasang pangongopya o pandaraya sa pananaliksik. Ang sumusunod ay ilang uri ng plagiarism: Pag-angkin sa gawa ng iba Pagkopya sa ilang bahagi ng akda na hindi kinilala ang awtor kahit ito pa ay may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap. Pag-angkin at/o paggaya sa pamagat ng iba 1 PANGHULING BALANGKAS Matapos mong pag-isipan kung ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo upang maorganisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling balangkas. Ngunit hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari mo pa rin itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa ring ideya o kaisipang pumapasok sa iyong isip. Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at pansuportang ideya. Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat lebel ng balangkas. Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling balangkas hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador. PAGSULAT NG BORADOR Sa wikang Ingles ang borador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang sinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na tala. Ang borador ay binabatay sa panghuling balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago isulat ang borador. Kung kulang ang datos na nakalap ay tiyak na mahihirapang isulat ang ilang bahagi. Dapat ay mabilis ang pagsulat ng borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may kredibilidad na impormasyon. bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya kaysa sa kung paano mo ito ilalahad. Kung mas pagtutonan ng pansin ang paraan ng paglalahad ng ideya baka hindi mo na maisulat ang mga dapat mo sanang maisulat pa. Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsusulat ng sulating pananaliksik upang makita mo ang kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon pa bang kinakailangang impormasyon, may paliwanag na kailangang palitan o burahin, o kaIlangang palitan ang organisasyon ng ilan sa mga ideya, na tutulong sa pagsulong ng iyong tesis. Sa pagsulat ng borador, kinakailangang hawak mo ang pinal na balangkas, mga ginwa mong notecard, at ang tentatibong bibliyograpiya. Maaaring gawin mo ito ng sulat-kamay o ginagamitan ng computer. Kasanayang Pampagkatuto Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa (F11EP-Ivij-38) Pagsasanay 1 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi. ________1. lamang ang pagsulat sa borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. ________2. Makakikita tayo ng mga panibagong ideya o datos sa kongklusyon. ________3. Mahalaga ang pagbuo ng isang maliwanag na panghuling balangkas dahil kung magiging maganda ito, hindi ka na mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador. ________4. Bago pa man mangyari ang pangangalap ng datos, buo na o halos buo na ang iyong tesis. ________5. Ang panghuling balangkas ang iyong magiging pinal na balangkas. Dito mo ibabase ang iyong borador. Ang mga kaisipang papasok sa iyong isipan habang sumusulat ay isantabi muna para sa susunod mong sulating pananaliksik. ________6. Sa pagsulat ng pinal na pananaliksik, mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa iba’t ibang kaisipan. ________7. Sa pagsulat ng katawan inilalahad ang resulta ng pananaliksik. ________8. Sa pagsulat ng iyong borador, kinakailangang hawak mo ang pinal na balangkas. ________9. Ang sulating pananaliksik ay may limang bahagi. ________10. Ang pagiging matapat ay pangunahing katangian ng isang mananaliksik. Pagsasanay 2 Panuto: Tukuyin kung saang bahagi ng pinal na sulating pananaliksik ang inilalarawan ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang. __________________1. Ito ay maaaring magtampok ng kaligiran ng paksa. __________________2. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa layunin ng mananaliksik. __________________3. Sa bahaging ito ng papel makikita ang resulta ng pananaliksik. 2 __________________4. Sa bahaging ito ng papel nilalagom at idinidiin ang mga ideya. __________________5. Naglalaman ang bahaging ito ng buod ng nilinang na pangunahing ideya. __________________6. May mga pagkakataong sa bahaging ito ipinaliliwanag ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik. __________________7. Makikita sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa ng pananaliksik o ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik. __________________8. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga impormasyong sumusuporta o kumokontra sa thesis statement. __________________9. Importante sa bahaging ito ang lohikal na organisasyon ng mga ideya na maaaring igrupo sa pamamagitan ng mga heading. __________________10. Sa bahaging ito ng papel, ang manunulat ay gumagamit ng isa o higit pang prinsipyo sa pag-oorgnaisa ng papel upang maipaliwanag nang maayos at lohikal ang kanyang mga puntos. Pagsasanay 3 Panuto: Basahin ang dalawang kaso ng plagiarism sa bansa. Suriin kung may nagawa bang paglabag sa mga gabay sa etikal na pananaliksik, kung ano ang kalikasan ng plagiarism na ginawa ng kaso at kung makatwiran ba ang naging reaksiyon nito. Tukuyin din ang mahalagang aral mula sa kaso. 1. Paggamit ni Senator Tito Sotto ng ilang mahahalagang sinabi ni Robert F. Kennedy sa kaniyang talumpati sa Senado ng walang kaukulang pangbanggit sa pinagmulan nito. Kinumpirma ng mismong anak ng yumaong US Senator Robert F. Kennedy na kinopya nga ni Philippine Senator Vicente "Tito" Sotto III ang talumpati ng dating US senator para gamitin sa turno en contra speech ng huli laban sa Reproductive Health (RH) bill. Sa isang sulat, sinabi ni Kerry Kennedy, pangulo ng Robert F. Kennedy Center for Justice and Human Rights, na malinaw na guilty si Sotto sa plagiarism nang Tagalugin nito ang 1966 Day of Affirmation Speech ng dating US senator. Ayon pa kay Kerry, wala ni sinuman ang humingi ng pahintulot mula sa kanilang pamilya na gamitin ang talumpati ni Senator Robert, na isa umano sa pinakasikat na talumpati sa buong mundo. Bukod dito, sinusugan din ni Kerry ang plagiarism na ginawa rin ni Sotto sa iba pang US writer at blogger para suportahan ang pananaw ni Sotto laban sa RH bill. "This is a clear case of plagiarism, and it is my understanding that Senator Sotto has committed similar acts of plagiarism against a series of American writers and speakers. I urge that he apologize for his unethical, unsanctioned theft of Robert Kennedy's intellectual property and the intellectual property of those whose work he has plagiarized," sabi ng batang Kennedy. Naniniwala rin si Kerry na naging taliwas ang paggamit ni Sotto sa talumpati ng US senator dahil sinusuportahan nito ang karapatang mamili at magkaroon ng pantay-pantay na access sa contraception. Dahil dito, nais ni Kerry na mag-isyu ng apology si Sotto dahil sa pangongopya nito. ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ______________________________________________ 2. Pagkopya ni Karen Davila sa ilang bahagi ng akda ni Angela Stuart para sa kaniyang dokumentaryo tungkol sa pagkamatay ni Cory Aquino. Si Loi Reyes Landicho, 2008 Philippine Blog Awards winner, ang nagpadala sa writer na ito ng kopya ng reklamo ng writer at book author na si Angela Stuart-Santiago laban sa ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila. 3 Si Angela ang may-akda ng Himagsikan sa EDSA—Walang Himala!, at sa kanyang Internet blog (www.stuartsantiago.com) kahapon, August 11, ikinuwento niya ang diumano'y pangongopya ni Karen sa kanyang akda sa documentary ng ABS-CBN na Laban Ni Cory. May pamagat na "Plagiarism and, Uh Karen Davila? Is that you?!" ang blog ni Angela. Ito ang buong bahagi ng pahayag ni Angela mula sa kanyang blog:"While it was great that upon Cory's death Pinoy TV was swamped with docus that revisited her exalted place in Philippine history, one docu, Laban Ni Cory, produced and aired many times by ABS-CBN 2 from August 2, 2009 onward, raised my ire and my eyebrows. "My ire because some of Karen Davila's narrative spiels covering the period of the snap elections through to EDSA sounded oh so familiar, so very close to, if not my very own words in Himagsikan sa EDSA—Walang Himala! and yet there was no attribution, as though Karen Davila herself researched and wrote the stuff (wow ang galing), something that took me all of twelve years, lol. Bahagi ng kinopya ni Davila DAVILA (063) Naghudyat si Ver ng all-out attack sa riot police, sa marine artillery, sa mga helicopter gunship, at mga jet bomber. (067) Naririnig din si Marcos sa radyo. Isinusumpang lilipulin ang mga rebelde. HIMAGSIKAN page 135 paragraph 2 Sa Fort Bonifacio, naghudyat sina Ver at Ramas ng all-out attack sa riot police, sa Marine artillery, sa mga helicopter gunship, at sa mga jet bomber. Naririnig si Marcos sa radyo, isinusumpang lilipulin ang mga rebelde. ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ______________________________________________ Pagsasanay 4 Panuto: Balikan ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng panghuling balangkas.Tandaan ding ito ang iyong pagbabatayan kapag isinulat mo na ang iyong borador. Maaaring gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan. Panghuling Balangkas _____________________________________________________ Pamagat ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ 4 ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ PAMANTAYAN PUNTOS MARKA NG MAG-AARAL Nilalaman 10 -linaw ng detalye -balangkas ng ideya Gramatika 10 -wastong paggamit ng mga salita Organisasyon 10 -pagkakasunod-sunod ng kaisipang inilahad Kabuoang puntos 30 8-10-Napakahusay 4-7- Masuhay 1-3- Di-masyadong mahusay Pagsasanay 5 Panuto: Balikan ang binuo mong panghuling balangkas. Suriin ang paghahati ng ideya. Ngayon ay simulan mo nang isulat ang iyong borador. ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ 5 ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ PAMANTAYAN PUNTOS MARKA NG MAG-AARAL Nilalaman 10 -linaw ng detalye -balangkas ng ideya Gramatika 10 -wastong paggamit ng mga salita Organisasyon 10 -pagkakasunod-sunod ng kaisipang inilahad Kabuoang puntos 30 8-10-Napakahusay 4-7- Masuhay 1-3- Di-masyadong mahusay Repleksyon/Pagninilay: Gaano kahalaga ang pananaliksik? Bakit kailangang bumuo ng isang pananaliksik? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ ______________________ 6 Sanggunian: Alma M. Dayag Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. 927 Quezon Avenue, Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2017, page 181-199 DZMM. “Plagiarism ni Sotto, kinumpirma ng mismong anak ni ex-US Sen. Kennedy”. Last modified November 11, 2012. https://www.facebook.com/Ofwpasaway/posts/plagiarism-ni-sotto- kinumpirma-ng-mismong-anak-ni-ex-us-sen-kennedyby-dzmmcomph-/453797617991020/ PEP. “Manunulat inakusahan si Karen Davila ng plagiarism”. Last modified August 12, 2009. https://www.pep.ph/lifestyle/19688/writer-accuses-karen-davila-of-plagiarism SUSI SA PAGWAWASTO (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral) Pagsasanay 5 (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral) Pagsasanay 4 (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral) Pagsasanay 3 10. Katawan 5. Kongklusyon 9. Katawan 4. Kongklusyon 8. Katawan 3. Kongklusyon 7. Katawan 2. Introduksiyon 6. Introduksiyon 1. Introduksiyon Pagsasanay 2 10. TAMA 5. TAMA 9. MALI 4. MALI 8. TAMA 3. TAMA 7. MALI 2. MALI 6. TAMA 1. TAMA Pagsasanay 1 Inihanda ni: SHAINA MARJORIE E. LACSAMANA Manunulat/Naglapat Maliwalo National High School Sinuri nina: HELEN G. LAUS, EdD LILY BETH B. MALLARI ROBERT E. OSONGCO, EdD EPSvr- Filipino EPSvr- LRMS CID-chief 7