Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik (FILIPINO 11)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang uri ng tekstong ginagamit sa Filipino 11. Mayroon ding mga saklaw na estratehiya sa pagbasa at uri ng teksto.

Full Transcript

FILIPINO 11 PAGBASA at PAGSUSURI ng Iba’t- ibang Teksto tungo sa PANANALIKSIK 3rd Quarter – Week 1 Module 1-2 2 Kahulugan at Katangian ng Pagbasa Layunin sa Pagkatuto Matutukoy at mauunawan mo kahulugan at katangian ng pagb...

FILIPINO 11 PAGBASA at PAGSUSURI ng Iba’t- ibang Teksto tungo sa PANANALIKSIK 3rd Quarter – Week 1 Module 1-2 2 Kahulugan at Katangian ng Pagbasa Layunin sa Pagkatuto Matutukoy at mauunawan mo kahulugan at katangian ng pagbasa. 3 Mahilig ba kayong magbasa? Paano tayo nagbabasa? 4 Kognitibong PAGBASA Kasanayan Kognitibo + Kasanayan 5 Kognitibo Ginagamit ang pag-isip upang makaunawa at makaalam ng bagong impormasyon. Kasanayan Kakayahan na kailangan paunlarin. 6 Ang pagbasa ay isang kakayahan na dapat gawin ng wasto at paulit-ulit upang makakuha at makaunawa ng mahahalagang impormasyon gamit ang pag-iisip. 7 PAGBASA Language Pag-unawa Comprehension sa wika Decoding Pag-unawa sa nilalaman Kahulugan at kabuluhan ng mga salitang binabasa FILIPINO 11 MAPANURING PAGBASA FILIPINO 11 KATANGIAN NG MAPANURING PAGBASA 1. Maingat Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto. FILIPINO 11 KATANGIAN NG MAPANURING PAGBASA 2. Aktibo Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong isinasagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang pagpapahayag ng teksto. FILIPINO 11 KATANGIAN NG MAPANURING PAGBASA 3. Replektibo Nabibigyang- katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalaman o karanasan ng mambabasa. FILIPINO 11 INTENSIBONG PAGBASA FILIPINO 11 Intensibong Pagbasa a. Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay- ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan. FILIPINO 11 Intensibong Pagbasa b. Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong ang pagbabalangkas opaggawa ng larawang konseptuwal upang lubos na maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto. FILIPINO 11 EKSTENSIBONG PAGBASA FILIPINO 11 Ekstensibo Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura. ESTRATEHIYA sa Pagbasa: FILIPINO 11 Scanning Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. ESTRATEHIYA sa Pagbasa: FILIPINO 11 Skimming Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. ESTRATEHIYA sa Pagbasa: FILIPINO 11 Contextualizing Pagsasaayos ng teskto sa paraang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural. FILIPINO 11 KASANAYAN SA PAGBASA Bago Magbasa - sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin - nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. FILIPINO 11 KASANAYAN SA PAGBASA Habang Nagbabasa -Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. FILIPINO 11 KASANAYAN SA PAGBASA Pagkatapos Magbasa - Nakapaloob sa bahaging ito ang Pagtatasa ng komprehensiyon, Pagbubuod, Pagbuo ng sintesis, at ebalwasyon. 24 Pagkilala sa Iba’t-ibang Uri ng Teksto Layunin sa Pagkatuto Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. 25 Iba’t-ibang Uri ng Teksto Impormatib Deskriptib Persuweysib Naratib Prosidyural Argumentatib 26 Tekstong Impormatib nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay. 27 Mga Uri ng Tekstong Impormatib 1. Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan. Halimbawa: Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 28 Mga Uri ng Tekstong Impormatib 2. Pag-uulat ng Impormasyon Halimbawa: Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno. Naging tanyag lamang siya sa kaniyang screen name kaya ito na rin ang naging pangalan niya bilang politiko. 29 Mga Uri ng Tekstong Impormatib 3. Pagpapaliwanag Halimbawa: Bumaba ang mga marka ni Leni dahil hindi siya nakakuha ng pagsusulit. 30 Tekstong Deskriptib tekstong naglalarawan mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay. Naglalayon na makapgpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pang-amoy, pandama, pandinig at panlasa 31 Mga Uri ng tekstong Deskriptib Deskripsyong Deskripsyong Deskripsyong Teknikal Impresyunistik Karaniwan Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Namamalditahan Tatlong piraso na Ang eskinita na ako sa anak na lamang ng iyon ay masikip, panganay ni Aling tsokolate ang madilim, at Marta dahil laman ng pulang mayroong hindi ramdam kong kahong ibinigay ni magandang hindi totoo ang Benedicto. amoy. kaniyang pagngiti sa atin. 32 Tekstong Persuweysib naglalayong makapangumbisi o makapanghikayat pagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya. 33 Halimbawa ng Tekstong Persuweysib iskrip sa patalastas propaganda sa eleksyon Pliers ng produkto brochures na nanghihikayat Networking 34 Elemento at paraan ng panghihikayat Ayon kay Aristotle, may tatlong elemento ang panghihikayat. Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon 35 Tekstong Naratib ito’y nasa anyong nagsasalaysay. ito ay nagkukuwento tungkol sa tiyak at pagkakasunod- sunod ng mga kaganapan. 36 Tekstong Prosidyural ay parang mga manwal na tumataglay ng kaalaman na kailangan para sa isang gawain. nakasaad rin dito ang naaayon na pagkasunod-sunod ng mga gawain. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksyon. 37 Tekstong Argumentatib ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin. tumutugon sa tanong na bakit

Use Quizgecko on...
Browser
Browser