FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala ukol sa Filipino 11, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ito ay tungkol sa mga kasanayan at konsepto sa pagbasa at iba't ibang uri ng teksto. Isang mahusay na mapagkukunan ito para sa mga estudyante.

Full Transcript

# **FILIPINO 11** ## Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ## **IKATLONG MARKAHAN – UNA AT IKALAWANG LINGGO** ### **I. MGA PAUNA** | Kasanayan sa Pagkatuto | | |---|---| | 1. | Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba't ibang uri ng t...

# **FILIPINO 11** ## Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ## **IKATLONG MARKAHAN – UNA AT IKALAWANG LINGGO** ### **I. MGA PAUNA** | Kasanayan sa Pagkatuto | | |---|---| | 1. | Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba't ibang uri ng tekstong binasa. *F11PT-IIIa-88* | | 2. | Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba't ibang tekstong binasa. *F11PS - Illb - 91* | | 3. | Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba't ibang uri ng teksto. *F11PD - Illb - 89* | ### **Layunin** 1. Nahihinuha ang kahulugan ng pagbasa at mga konsepto nito. 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita at pahayag ayon sa sariling kaisipan at damdamin. 3. Nakikilala ang iba't ibang uri ng teksto, katangian at kalikasan nito. 4. Nakasusulat ng isang halimbawang teksto. 5. ### **Paksa** 1. Ang Makabuluhang Pagbasa 2. Mga Gabay sa Masining na Pagbasa 3. Kahulugan at Katangian ng Salita / Pahayag 4. Ang Teksto 5. Katangian at Kalikasan ng Iba't Ibang Uri ng Teksto ### **Aklat** Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ### **Kagamitan** Modyul, Internet, Kuwaderno at Panulat ### **Copyrights** DepEd Talisay City ### **Kabuuang Puntos** 70 ### **Petsa** Una - Ikalawang Linggo ## **II. MAPA NG NILALAMAN** # **ANG MAKABULUHANG PAGBASA** ### **Mga Uri Teksto** | Katangian | Kalikasan | |---|---| | | | | | | ### **Pagsulat ng Sariling Teksto** ## **III. MGA NILALAMAN** Ang pagbasa ay *pakikipagtalastasan* ng manunulat sa kaniyang mga mambabasa. Tatlong mahahalagang sangkap ang sangkot dito: ang *aklat o anumang babasahin* na siyang nagsisilbing daluyan, ang *manunulat* ng akdang babasahin, at ang *babasa* ng kaniyang mga isinulat (Marquez 2016). Anumang nais malaman ng isang tao ay natutuklasan niya sa pamamagitan ng *pagbabasa* kaya hindi *masusubalian* ang kahalagahan nito. ### **Ang Makabuluhang Pagbasa** Ang pagbasa ay maituturing na isang *proseso* at isa ring *kasanayan*. *Proseso* ito ng pagtuklas ng nais ipakahulugan ng manunulat sa kaniyang akda, at isang *kasanayan* sa pag-unawa sa mga salita o wikang ginamit dito. Lalo itong nagkakaroon ng *kabuluhan* kapag nabatid ang *tono*, *layunin*, at *punto de bista* ng akdang binabasa. Mayroong apat na *proseso* ang pagbasa. Ito ay ang *persepsiyon* sa mga salita o yunit ng mga salitang ginamit sa akda, *pag-unawa* sa mga salita ayon sa *kontekstong* kahulugan ng mga ito, *reaksiyon* ng mambabasa sa akda upang makapagbigay ng kaniyang saloobin, pagsang-ayon, o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda, at *integrasyon* ng mambabasa upang magamit ang natutuhang bagong kaalaman sa kaniyang pang-araw-araw na buhay. ### **Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa** - Ang masining, maayos, at tamang pagbabasa ay nagiging *kapaki-pakinabang* sa mga bumabasa at nakikinig. - Nagpapalawak ito ng *kaalaman* at nagpapalalim ng *pag-unawa*. - Ang pagbasa ay isa ring paraan ng *paglalakbay* ng diwa, kaisipan, at maging ng imahinasyon ng tao. - Ito ay *nagpapaunlad* sa personalidad ng tao. "Reading Makes a Man." ### **Katuturan ng Pagbasa ayon sa mga Eksperto** - Leo James English (Isang manunulat ng English-Tagalog Dictionary) - Ang pagbasa ay *pagbibigay ng kahulugan* sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. - Kenneth Goodman - Ang pagbasa ay isang *saykolingguwistiks* na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay *bumubuong muli* ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong *paulit-ulit* buhat sa teksto, sariling panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa, pagbibigay pa ng ibang pagpapakahulugan o prediksiyon. - James Dee Valentine - Ang pagbasa ang *pinakapagkain* ng ating utak at sa maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga *nagtatagumpay* na tao ang mahilig magbasa. - James Coady - Sa *pagbabasa* ay kailangang maiugnay ang *dating kaalaman* ng tagabasa sa kaniyang binabasang bagong konsepto, kaisipan at kasanayan sa *pagpoproseso* ng mga impormasyong masasalamin sa teksto. ### **Mga Gabay sa Masining na Pagbasa** Upang magkaroon ng *katiyakan* ang pag-unawa sa tekstong babasahin at matukoy ang kahulugan at katangian ng mga salitang binabasa ay kinakailangang malaman ang mga *gabay sa masining na pagbasa*. 1. **Pagbibigay ng pag-unawang literal sa mga tekstong binasa** - Pagpuna sa *detalye* - Pagbubuod - Pagkuha ng *pangunahing diwa o kaisipan* - Paghahanap ng *kasagutan* sa tiyak na katanungan 2. **Ganap na Pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may-akda** - Pagkilatis o *pagdama* sa katangian ng tauhan - Pagbibigay ng *sariling opinyon* - Pagbibigay ng *solusyon o kalutasan* - Pagkuha ng *pangkalahatang kahulugan* - Pagbibigay ng iba pang *pamagat* na akma sa binabasa 3. **Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan** - Pagbibigay ng *reaksiyon* - Pagpapalawak ng *sariling kaisipan* - Paghahambing at *pagbibigay ng pagkakaiba* - Pagdama sa *pananaw at kaisipan* ng may-akda - Pagtalakay ukol sa iba pang *katangian o kapintasan* ng teksto 4. **Pagsasanib ng kaisipang nabasa at karanasan upang magbunga ng bagong pananaw at pag-unawa** - Pagbibigay ng *sariling pananaw* - Pag-uugnay ng *sariling karanasan* sa totoong buhay - Pagbibigay ng *katotohanan* upang dagdagan ang kaisipan at kaalaman sa bagong pananaw at pag-unawa 5. **Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa kasanayang ibig bigyan ng diin sa binasang teksto** - Pagbibigay ng *pokus* ng paniniwala sa teksto - *Pagbabago* ng pamagat ng teksto - *Pagbabago* ng tunggalian at katangian ng tauhan - *Pagbabago* ng kasukdulan at wakas - Paglikha ng *sariling akda* ### **Ang Kahulugan at Katangian ng Salita** - Mga *salitang may maraming kahulugan* (Homograph) - Mga salitang magkakapareho ang baybay, kung minsan ay magkakapareho ang bigkas ngunit ibaiba ang kahulugan depende sa kung paano at saan ito ginagamit. Hal. Sa may *burol* nagpiknik ang magkakaibigan. Burol - Munting Bundok (Hill) Pumunta sa *burol* ni Fernando Poe Jr. ang kaniyang mga tagahanga. Burol - Lamay (Wake) - Ang *buhay* ng tao ay puno ng misteryo. Buhay - Life - *Buhay* pa ang pusa nang aking iniwan sa daan. Buhay – Alive - *Pagpapahiwatig* - pagkuha ng kahulugan ng mga salitang hindi pa kilala. Makukuha ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng mga pahiwatig na taglay ng mga Sali tang kasama nitong bumuo sa pangungusap. Hal. Talagang *nagugulumihanan* ako, hindi ko maintindihan ang pangyayaring ito. (Nagugulumihanan at hindi maintindihan) - *Kasingkahulugan* at *Kasalungat* - Pagtukoy sa mga salitang mayroong kapareho o kasalungat na kahulugan. Hal. Humahalimuyak ang paligid pagdaan ni Marites, napakabango niyang talaga hindi katulad ni Dalmacia na umaalingasaw dahil takot siya sa tubig. Halimuyak - Mabango (kasingkahulugan) alingasaw (Kasalungat) - *Denotasyon* - Literal na pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa teksto. Hal. Sariwang hangin inyong damhin, yakap na malamig kayo'y babalutin. Hangin-Air Lumipad ang kalapati sa himpapawid. Kalapati - isang uri ng ibon - *Konotasyon* - Mga salita at pahayag na nangangailangan ng mas malalim na pag-unawa. Ang kahulugan ay malayo sa literal na pagpapakahulugan nito. Hal. Napakahangin ng bagong manliligaw ni Jema. Napakahangin - Mayabang - *Tayutay* - Mga patalinghagang salita na nangangailangan din ng malalim na pag-unawa. Hal. Parang bagyo kung magalit, umiiyak ang langit, anghel sa paningin atbp. - *Sawikain* (Idyomatikong Pahayag) - mga di-tuwirang pahayag. Malayo sa literal na kahulugan. Ilan sa mga halimbawa: 1. Mababaw ang luha – madaling umiyak 2. Alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang 3. Balik-harap - pabuti sa harap, taksil sa likuran 4. Bungang-tulog - panaginip 5. Dalawa ang bibig - mabunganga, madaldal 6. Mahapdi ang bituka - nagugutom 7. Halang ang bituka - salbahe, desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao 8. Makapal ang bulsa - maraming pera 9. Butas ang bulsa - walang pera 10. Kusang palo - sariling sipag ### **Ang Teksto** Tinatawag na *teksto* ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba't ibang impormasyon. Maaari itong nagbibigay ng *mensahe o damdamin* ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag. Sa *akademikong* uri ng pag-aaral, ang teksto ay sumaklaw rin sa ilan pang *isinusulat* na akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas, at iba pang nakalimbag na paalala. ### **Mga Uri ng Teksto** #### **A. Tekstong Impormatibo** - Isang uri ng *babasahing di-piksyon*. Ito ay naglalayong magbigay ng *impormasyon* o magpaliwanag nang malinaw at *walang pagkiling* tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham at siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, *panahon*, at iba pa. 1. *Makatotohanan* ng mga datos. 2. *Hindi nababahiran* ng personal na pananaw ng may akda. 3. An *impormasyon* na binibigay ay dapat ang mga mahahalaga at *tiyak na detalye*. 4. Ang kaalaman ay *nakaayos* nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may kaisahan. #### **Kalikasan** 1. Nagbibigay ng *karagdagang kaalaman*. 2. Isang *tiyak na paksa* ang tinatalakay. 3. Sumasagot sa mga tanong na *ano, sino, saan*, at *kailan*. 4. *Lohikal* ang konsepto 5. Naglalahad ng *kapani-paniwalang datos*. #### **Halimbawa** 1. Mga sangguniang aklat tulad ng ensayklopediya, almanac, batayang aklat at dyornal 2. Ulat 3. pananaliksik 4. artikulo 5. komentaryo 6. brochure 7. sanaysay 8. balita #### **B. Tekstong Deskriptibo** - Isang uri ng *naglalarawang babasahin* ang tekstong deskriptibo. Ito ay nagtatataglay ng mga impormasyong may *kaugnayan* sa katangian ng mga tao, hayop, bagay, lugar, at mga pangyayari. Mayaman sa mga *pang-uri at pang-abay* ang tekstong ito. Ito rin ay isang paraan ng *masining* na pagpapahayagng paghanga sa ilang bagay. #### **Katangian** 1. May isang *malinaw* at *pangunahing impresyon* na nilikha sa mga mambabasa. 2. Maaaring *obhetibo o subhetibo* na paglalarawan. - Obhetibong paglalarawan - *direktang pagpapakita* ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian. - Subhetibong paglalarawan - *kinapapalooban* ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng *personal na persepsiyon* o ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarwan. 3. *Espisipiko* at naglalaman ng *kongkretong detalye*. #### **Kalikasan** 1. Nagbibigay ng *karagdagang kaalaman*. 2. Naglalarawan sa *tiyak na bagay, hayop, lugar, tao at pangyayari*. #### **Halimbawa** 1. Mga akdang pampanitikan 2. talaarawan 3. talambuhay 4. sanaysay 5. obserbasyon #### **C. Tekstong Naratibo** - Ay ang *pagsasalaysay* o *pagkukuwento* ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may *maayos na pagkakasunod-sunod* mula simula hanggang katapusan. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng tekstong naratibo, nabibigyan ng *pagkakataon* ang mambabasa na makabuo ng *imahe* sa kaniyang isip. #### **Katangian** 1. *Impormal* na pagsasalaysay. 2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng *anekdotang* naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga pangyayari. 3. Nagtataglay ito ng *panimula* na nagsasaad kung anong uri ito ng tesktong naratibo at ng isang *matibay na kongklusyon*. #### **Kalikasan** 1. Nagbibigay ng *pagkakataon* sa mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip. 2. Nagsasalaysay ng mga *pangyayari* sa isang tao, lugar at panahon na may pagkasunod-sunod. #### **Halimbawa** 1. maikling kuwento, nobela, mito 2. anekdota 3. paglalakbay 4. buod ng kuwento 5. report tungkol sa nabasang libro/nobela #### **D. Tekstong Prosidyural** - Ay binubuo ng mga *panuto* upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksyon upang *ligtas, mabilis, matagumpay*, at *maayos* na maisakatuparan ang mga gawain. May *tiyak na pagkakasunod-sunod* ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na magawa ang anumang gawain. #### **Katangian** 1. Nasusulat sa *kasalukuyang panahunan*. 2. *Nakapokus* sa pangkalahatan. 3. Tinutukoy ang *mambabasa* sa pangkalahatang pamamaraan. 4. Gumagamit ng mga *tiyak na pandiwa* para sa instruksyon. 5. Gumagamit na *malinaw na pang-ugnay at cohesive devices* upang ipakita ang pagkakatulad at ugnayan ng mga bahagi. 6. *Mahalaga* ang detalyado at tiyak na deskripsyon. #### **Kalikasan** 1. Nagbibigay ng *karagdagang kaalaman*. 2. Nagsisilbing *gabay* upang magtagumpay sa gustong gagawin. 3. *Naglalahad* ng pagkasunod-sunod. #### **Halimbawa** 1. manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o mekanismo 2. resipi 3. gabay sa paggawa ng mga proyekto 4. mga eksperimentong siyentipiko 5. mekaniks ng laro 6. mga alituntunin sa kalsada #### **E. Tekstong Persuweysib** - Layunin ng *tekstong persuweysib* ang *manghikayat o mangumbinsi* sa pamamagitan ng pagkuha ng *damdamin o simpatya* ng mambabasa. Nakabatay ito sa *opinion* at ginagamit upang maimpluwensyahan ang paniniwala, pag-uugali, intension, at paninindigan ng ibang tao. - Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga *iskrip* para sa patalastas, *propaganda* para sa eleksiyon, at *pagrerekrut* para sa isang samahan o networking. #### **Katangian** 1. May *malalim na pananaliksik*. 2. *Kaalaman* sa posibleng paniniwala ng mga mambabasa. 3. *Malalim na pagkaunawa* sa dalawang panig ng isyu. #### **Kalikasan** 1. *Nangungumbinsi* sa mga mambabasa. 2. *Nakabatay* sa opinion. #### **Halimbawa** 1. Talumpati 2. mga patalastas #### **F. Tekstong Argumentatibo** - Ay nakatuon sa *layuning mangumbinsi* sa pamamagitan ng *pangangatwiran* batay sa *katotohanan o lohika*. Maaari itong tungkol sa *pagtatanggol* ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o *pagbibigay* ng kasalungat o ibang ## **PAGSASANAY BILANG 1: PAGSASANAY BILANG 1:** ### **Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik** **Pangalan:** **Taon/Seksyon:** **Guro:** **Petsa:** **MGA GAWAIN** **Gawain Bilang 1** **Panuto:** Piliin sa loob ng kahon ang angkop na uri tekstong isinasaad ng mga katangian o kalikasan nito sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. *HPS: 10* | | | |---|---| | A. | Tekstong Impormatibo | | B. | Tekstong Naratibo | | C. | Tekstong Persuweysib | | D. | Tekstong Deskriptibo | | E. | Tekstong Prosidyural | | F. | Tekstong Argumentatibo | 1. Impormal na pagsasalaysay. 2. Nanghihikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran. 3. Gumamit ng pandiwa para sa instruksyon. 4. Isang tiyak na paksa ang tinalakay. 5. Nangungumbinsi sa mga mambabasa. 6. Direktang paglalarawan. 7. Nakabatay sa opinion. 8. Pumapanig sa posisyong pinagtutuonan. 9. Nagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip. 10. Naglalahad ng pagkasunod-sunod. **Gawain Bilang 2** **Panuto:** Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang bawat teksto sa ibaba. Maging mapanuri at malikhain sa pagbibigay ng kasagutan. *HPS: 15* 1. Muling nabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan. 2. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napansin niya ang batang pulubing inabutan niya ng ilang barya kanina. Naglalakad ito sa gitna ng mainit na sikat ng araw. Walang sapin ang madungis na mga paa. Ang asul na kamisetang suot nito ay kupas at butas-butas. Asul. Kulay ng kapayapaan. Puti. Kalinisan. Pula. Kagitingan. Ayaon kay Bernard, ang pula ay may dalawang kahulugan. Galit at pag-ibig. Pinakatitigan niya ang mukha ng batang naka-asul na kamiseta. Nabasa niya ang isang emosyong bihirang makita sa isang musmos na tulad niya. Galit ang mababakas sa maamong mukha nito. Sa tingin niya, ang asul na kamisetang suot nito ay biglang nagkulay pula. 3. Ang halalan o malayang pagpipili ng mga manunungkulan sa pamahalaan ay haligi ng demokrasya. Ngunit ngayon, ito ay nawawalan ng saysay sa kadahilanang ginawa na itong hanapbuhay ng mga politiko na nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan kapag naluklok na sa puwesto. Kailangang maging mulat ang mga mata ng lahat sa ganitong uri ng politiko. Iwasang muli't muli tayong malinlang ng ganitong uri ng mga huwad na lider ng bansa.Sa pagsapit ng halalan, ipagsanggalanag natin ang pagiging sagrado ng mga balota. Huwag nating hayaang mapunta ito sa kamay ng mga manlilinlang na tanging kaban lamang ng bayan ang pinupuntirya. Maawa tayo sa mga Pilipino at sa susunod na salinlahi.Bantayan natin ang ating boto. **Gawain Bilang 3: Teksto ko 'to!** **Panuto:** Mag-isip ng iyong sariling produkto o negosyo. Sumulat ng isang halimbawang tekstong persuweysib para makumbinsi ang mga tao na tumangkilik o bumili sa iyong produkto. Gawing gabay ang kalakip na rubrik sa pagsulat ng tekstong persuweysib. *HPS: 50* | Pamantayan | | |---|---| | Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto | ✓ | | Naisaad ng malinaw ang pangunahing ideya | ✓ | | Nakabuo ng kapani-paniwalang imahe ng tagapagsalita | ✓ | | Gumamit ng pahayag na nakapupukaw ng damdamin | ✓ | | Nakaugnay sa isyu na iparating ng teksto | ✓ | | Sumusunod sa wastong panuntunan sa pagsulat ng sanaysay | ✓ | | Kabuuuan | 50 pts. | **Panuto:** Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinaka-tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap ng pagbabasa? | | | |---|---| | A. | Awtor | | B. | Babasahin | | C. | Panulat | | D. | Mambabasa | 2. Sino ang nagsabing ang pagbasa ay isang saykolingguwistiks na panghuhula kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa? | | | |---|---| | A. | James Coady | | B. | James Valentine | | C. | Kenneth Goodman | | D. | Leo English | 3. Sa anong gabay ng pagbasa napabilang ang mga sumusunod? Pagbibigay ng reaksiyon, Pagpapalawak ng sariling kaisipan, Paghahambing at pagbibigay ng pagkakaiba, Pagdama sa pananaw at kaisipan ng may-akda at Pagtalakay ukol sa iba pang katangian o kapintasan ng kuwento | | | |---|---| | A. | Paglikha ng sariling kaisipan | | B. | Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan | | C. | Ganap na pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may akda | | D. | Pagsasanib ng kaisipang nabasa upang magbunga ng bagong pananaw | 4. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na “Huwag na huwag kang makapapanhik sa aming hagdan." | | | |---|---| | A. | Huwag umakyat sa hagdan | | B. | Huwag nang pumunta sa bahay | | C. | Huwag nang magpakita | | D. | Huwag nang umuwi | 5. Anong teksto ang nagsasalarawan sa katangian ng tao, bagay, lugar, panahon at pangyayari? | | | |---|---| | A. | Argumentatibo | | B. | Deskriptibo | | C. | Impormatibo | | D. | Naratibo | 6. Anong uri ng teskto na naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw? | | | |---|---| | A. | Argumentatibo | | B. | Deskriptibo | | C. | Impormatibo | | D. | Naratibo | 7. Anong teksto ang nagsasaad ng panuto upang masundan ang hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay? | | | |---|---| | A. | Argumentatibo | | B. | Naratibo | | C. | Persuweysib | | D. | Prosidyural | 8. Anong teksto na ang layon ay mangumbinsi sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan? | | | |---|---| | A. | Argumentatibo | | B. | Naratibo | | C. | Persuweysib | | D. | Prosidyural | 9. Anong teksto ang naglalayong magsalaysay o magkukuwento sa mga pangyayari? | | | |---|---| | A. | Argumentatibo | | B. | Deskriptibo | | C. | Impormatibo | | D. | Naratibo | 10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng tekstong impormatibo? | | | |---|---| | A. | Isang tiyak na paksa ang tinalakay. | | B. | Nagbibigay ng karagdagang kaalaman. | | C. | Naglalahad ng kapani-paniwalang datos. | | D. | Naglalarawan sa tiyak na mga pangyayari. | 11. Ano ang kaibahan ng tekstong impormatibo sa tekstong deskriptibo? | | | |---|---| | A. | Impormatibo: nagpapaliwanag sa katotohanan. Deskriptibo: gumamit ng imahe sa paglalarawan. | | B. | Impormatibo: nagbibigay karagdagang kaalaman. Deskriptibo: nagbibigay mensahe sa paksa. | | C. | Impormatibo: nagsasalaysay sa tuon na paksa. Deskriptibo: nagpapaliwanag sa paksang tinalakay. | | D. | Impormatibo: gumamit ng mga pang-uri sa paglalarawan. Deskriptibo: nagsasaad ng panuto na dapat sundan. | 12. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagbasa, **maliban sa...**. | | | |---|---| | A. | Nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim ng pag-uunawa. | | B. | Nagpapaunlad ng personalidad ng tao. “Reading makes a Man.” | | C. | Naipapahayag ang sariling kaisipan, pananaw at damdamin ng tao. | | D. | Paraan ng paglalakbay ng diwa, kaisipan at maging imahinasyon ng tao. | 13. Paano napapaunlad ng pagbabasa ang personalidad ng tao? | | | |---|---| | A. | Magkaroon siya ng maraming alam na salita | | B. | Mararanasan niya ang maglakbay saan man | | C. | Mailalapat niya ang mga aral sa tunay na buhay | | D. | Mahihinuha niya ang mga pangyayari sa teksto | 14. Bakit mahalagang pag-aralan ang iba't ibang uri ng teksto? | | | |---|---| | A. | Kailangan ito sa asignaturang Filpino sa senior high. | | B. | Magagamit ito sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon. | | C. | Para mas madaling maunawaan ang mga tiyak na paksa. | | D. | Para matututo tayong magsalaysay at mangungumbinsi sa tagapakinig. | 15. Bilang mag-aaral sa senior high, paano mo pahalagahan ang mga natutuhan mo sa araling ito? | | | |---|---| | A. | Sa pamamagitan ng pagsulat ng iba't ibang uri ng teksto. | | B. | Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa lahat ng natutuhan ko. | | C. | Sa pamamagitan ng paggamit nito sa pagbuo ng pananaliksik. | | D. | Sa pamamagitan ng pagtulong sa pagsagot sa modyul ng kaklase ko. | ## **VI. PAGPAPAYAMAN** ### **Mga Layunin ng Pagbasa** - Upang maaliw - Upang tumuklas ng bagong kaalaman - Mabatid ang iba pang karanasan at kapupulutan ng aral - Nakapaglalakbay ang diwa - Nakapag-aaral sa ibang kultura at lahi ### **Mga Uri ng Pagbasa** - Pahapyaw (Skimming) - Mabilisan (Rapid Reading) - Paaral (Study Reading) ### **Apat na Uri ng Pagbasa ayon kina Mildred Dawson at Henry Bamman** - Malakas at Tahimik (Oral & Silent) - Mapanuri (Critical Reading) - Panlibang (Recreational) - Paaral (Work-type Reading) **Sagutin:** 1. Ano ang pinaka-layunin mo sa iyong pagbabasa? Ipaliwanag. 2. Alin sa mga uri ng Pagbasa ang mas ginagamit mo sa araw-araw? Ipaliwanag. ## **VII. MGA SANGGUNIAN** - Atanacio, Heidi C., Yolanda S. Lingat, Rita D. Morales. 2017. "Pagbasa at pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik." In *Pagbasa at pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik*, by Heidi C., Yolanda S. Lingat, Rita D. Morales Atanacio. Quezon City: C & E Publishing, Inc. - Dayag, Alma M., Mary Grace G. Del Rosario. 2016. "Pinagyamang Pluma (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik." In *Pinagyamang Pluma (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik*, by AlmaM. Dayag. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. - Fuentes, Julie. 2018. *fuentesjulie3.blogspot*. January 25. Accessed March 1-2, 2021. *fuentesjulie3.blogspot.com*. - Johanna MarieCastro. n.d.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser