Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Outline PDF
Document Details
Uploaded by SurrealZombie825
Tags
Summary
This document outlines different reading theories and various types of texts, specifically for Filipino students. It focuses on explaining the different types of reading and how they are used in academic writing.
Full Transcript
**Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik** **Aralin 1** **PAGBASA** - tumutukoy sa pag-unawa sa mga tunog, salita, pangungusap, at mga talatang nakasulat o nasisipat (nakikita ng mata). Ang pagbasa ay kalakip ng pag-intindi, epektibo ang naging pagbabasa kapag...
**Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik** **Aralin 1** **PAGBASA** - tumutukoy sa pag-unawa sa mga tunog, salita, pangungusap, at mga talatang nakasulat o nasisipat (nakikita ng mata). Ang pagbasa ay kalakip ng pag-intindi, epektibo ang naging pagbabasa kapag naunawaan ang mga salitang nakikita ng mga mata. **MGA TEORYA SA PAGBASA** 1. Teoryang Iskema - Ang utak ay isang malaking imbakan ng mga impormasyon - Batay sa teoryang ito, ang mga tekstong binabasa ay nakapagdaragdag ng mga bagong iskema sa umiiral na kaban ng iskema ng mambabasa. Samaktuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto - Alinsunod sa teoryang ito, ang proseso ng pagbasa ay isinasagawa upang mapatunayan kung ang ekspektasyon, hinuha o hula ng mambabasa tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. 2. Teoryang Bottom-Up - Ang proseso ng pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga letra, salita, parirala, pangungusap, at talata tungo sa ganap na pag-unawa sa teksto - Ang "bottom" o "ibaba" sa hagdan ng pag-unawa ay ang mga letra na pinakasimpleng yunit sa teksto, at ang "top" o "itaas" naman ay ang ganap na pag-unawa o komprehensyon sa buong teksto. - Ito ay tinatawag ding text-based, outside in, o data-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto mismo. 3. Teoryang Top-Down - Ang pag-unawa ay nagmumula sa mambabasa hindi mula sa teksto - Ang mambabasa ay aktibong kalahok o participant sa proseso ng pagbasa. - Tinatawag ding inside-out o conceptually-driven ang pananaw na ito dahil sa pagsandig nito sa paniniwalang ang pagbuo ng kahulugan o pagkalap ng impormasyon sa proseso ng pagbasa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto - Ang pagbuo ng kahulugan mula sa binabasang teksto ay pinoproseso sa pamamagitan ng pag-uugnay ng hinuha, hula o palagay ng mambabasa batay sa kanyang sariling karanasan at pananaw sa kaisipang inilalahad ng teksto. 4. Teoryang Interaktibo - Kombinasyon ng bottom-up at top-down - Ang proseso ng pagbasa ay kombinasyon ng direksyong teksto patungong mambabasa at mambabasa patungong teksto. - Samakatuwid, mahalaga ang dating kaalaman ng mambabasa dahil nakakatulong ito sa mas mabilis na pag-unawa sa binabasa at ang teksto mismo dahil tiyak na may bago itong maiaambag sa iskema ng mambabasa o maitsek kung tama ang iskema ng mambabasa. **TEKSTO-** anumang uri ng sulating mababasa ninuman**.** Anumang tekstong mabasa ay may layunin. Maaaring ang layon nito ay magbigay ng impormasyon, direksiyon, o paglalarawan. **1. TEKSTONG IMPORMATIBO** - Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na di-piksyon. Ang nilalaman nito ay mula sa mga aktwal na datos, katotohanan o pangyayari - Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't-ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham o siyensiya, heograpiya ay iba pa - Naglalahad ito ng mga bagong kaalaman tungkol sa isang paksa. Puno ito ng mga impormasyong bago sa kaalaman ng bumabasa. Karaniwang nagsasaad ito ng bagong pangyayari, datos at iba pang kaalaman - Di tulad ng ibang teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may akda ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinion kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang pagpabor o pagkontra sa paksa - Kadalasan ang sumusulat nito ay iyong may sapat na kaalaman tungkol sa paksa dahil layunin nitong pataasin ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa isang paksa o konsepto at tulungan siyang maunawaan ito - Dahil dito, inaasahan na ang tekstong impormatibo ay may tumpak, wasto, napapanahon at makatotohanag nilalaman o impormasyon na batay sa mga tunay na datos at ipinahayag sa malinaw na pamamaraan **Elemento ng tekstong impormatibo** 1. Layunin ng may akda - maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may akda sa pagsulat niya ng tekstong impormatibo 2. Pangunahing ideya - Di tulad sa tekstong naratibo na hindi agad ipinahahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda sa tekstong impormatibo, dagliang inilalahad ang ang mga pangunahing ideya sa mambabasa - Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi---tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin 3. Pantulong na kaisipan - Maglagay ng mga pantulong na kaisipan o detalye upang makatulong na mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila 4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- makakatulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayann, timeline at iba upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo b. Pagbibigay diin sa mahahalagang salita sa teksto- gumamit ng estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o nalagyan ng panipi upang madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin c. Pagsulat ng mga talasanggunian- ilagay ang mga aklat, kagamitan at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito. **Mga uri ng tekstong impormatibo** 1. Naglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan - Inilalahad dito ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon - Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi sa katotohang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan o historical account - Kung ito naman ay balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kalian, at paano nangyari ang inilalahad 2. Pag-uulat pang-impormasyon - Nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid 3. Pagpapaliwanag - Uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari - Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan Karaniwang ginagamitan ng mga larawan, dayagram o flowchart na may kasamang paliwanag **May iba't ibang impormasyong makukuha muasa isang tekstong impormatibo tulad ng mga sumusunod:** 1. *Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik* Tinutukoy nito ang mga kaalamang mula sa nasaliksik ng sumulat ng tekstong impormatibo. Kadalasan, itinuturing niya itong bagong kaalaman o kaya naman ay dati na makatutulong upang masuportahan ang isinasagawang pananaliksik.Dahil malawak ang konsepto ng kaalaman, maging ang awtput ng isang karunungan, nagagamit ang isang bagong tuklas na konsepto bilang pangunahing impormasyon na nagsisilbing bago sa pandinig o persepsiyon ng nagbabasa ng tekstong impormatibo. 2. *Impormasiyong natuklasan buhat sa tekstong binabasa* Maraming teksto ang nagiging pangunahing sanggunian ng kaalaman.Nakukuha ang mga ito dahil ginamit sa pagtalakay ng mg paksa sa isang teksto at malaon ay natutuklasan at nagagamit sa iba pang pamamaraan ng pagsulat. 3. *Impormasyong nauugnay sa isang reaidad na naging impormatibo* May mga impormasiyong nahahango sa isang teksto at nauugnay sa kasalukuyang estado ng buhay na malaon ay nagagamit sa realidad. 4. *Impormasyong bago buhat sa mas malalim pang pananaliksik ng sumulat* Natutulungan ng pagbabasa at lubos na pananaliksik ang pagtuklas ng mga kaalamang buhat sa kakayahan ng isang manunulat. Nagiging batayan ang mga ito ng pagkuha ng mga sangugunian at nakatatawid ang isang nananaliksik sa pagbuo ng kaniyang landas na pananaliksik bilang bagong kaalaman na hahamon sa kaniyang karunungan at pagkatao. **Halimbawa ng tekstong impormatibo:** **Halimbawa 1: Anunsiyo Hinggil sa Libreng Bakuna** Hinihikayat ang mga magulang na dalhin ang kanilang anak na edad 5 pababa, sa malapit na Barangay health center, sa ika-25 na Pebrero, para sa libreng bakuna laban sa tigdas. Ang libreng pagbabakuna ay magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. **Halimbawa 2: Balita Hinggil sa Climate Change ( Ulat ni PB Changco para sa Philippine Information Agency- Cotabato City noong Pebrero 25, 2015)** Dapat maging alerto ang lahat sa nararanasang pabago-bagong panahon saan mang dako ng mundo kabilang ang Pilipinas sa tumitinding epekto ng Climate Change, ito ang panawagan ni DAF-ARMM Regional Secretary Makmod Mending, Jr. Ang biglaang pagbuhos ng ulan sa panahon ng tag-ulan at tindi ng tag-int ng temperatura sa tag-ulan ay palatandaan ng epekto ng climate change sanhi ng green gas emission na nakaaapekto sa kapaligiran at kalikasan, ayon kay Mending. Ang pagpapalakas ng kampanya upang maibsan ang epekto ng climate ay isa na pangunahing agenda ng gobyerno sa pamamagitan ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Agriculture. **Halmbawa 3: Update sa Kaso ni Mary Jane Veloso( Mula sa liham ni G. Martinez sa Pinoy Weekly noong Disyembre 2015)** Sa ngayon ay dinidinig sa Nueva Ecija Regional Trial Court ang mga kaso laban sa kanyang mga recruiter na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao. Dalawa ang naksampang kaso laban sa kanila- large scale at syndicated ilegal recruitment at estafa na isinampa laban sa kanila ng iba pang mga nabiktima, at ang kasong qualified trafficking na isinampa mismo ng Department of Justice batay sa mga reklamo ni Mary Jane at ng kanyang pamilya. Sa ngayon ang kasong large scale at syndicated illegal recruitment pa lamang ang gumugulong sa korte. Pitong buwan mula nang isampa ang kaso laban sa kanila, saka pa lamang na arraign sina Sergio at Lacanilao nitong Nobyembre. Kaliwa't kanan ang mga delaying tactics ng kanilang mga abogado at mabagal ang ag-usad ng kaso. **2. TEKSTONG DESKRIPTIBO** - May teksto na kapag binasa, may imahen o larawang nabubuo sa isipan ng bumabasa. - Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, karanasan, sitwasyon at iba pa - Ang TD ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit na sa halip na pintura o pangkulay ang gagamitin, ginagamit ng manunulat ang mga salita upang makabuo ng larawan sa isipan ng mambabasa - Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig at malalasahan o mahahawakan ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito **Dalawang uri ng tekstong deskriptibo** 1. Karaniwang paglalarawan- kadalasang gumagamit ng payak na anyo ng pananalita sa paglalarawan Halimbawa 1: - - - - Halimbawa 2: Halimbawa 3: 2. Masining na paglalarawan- gumagamit ng mabulaklak na mga salita sa paglalarawan para makabuo ng imahen. Halimbawa 1: Halimbawa 2: Halimbawa 3: **Mga estratehiya sa mabisang paglalarawan** - - - **Mga Cohesive Devices o Kohesyong gramatikal na ginagamit sa tekstong deskriptibo** 1. Reperensiya- Ito ay ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong **anapora** (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya'y **katapora** (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpapatuloy ang pagbabasa ng teksto). Halimbawa: A. Anapora: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging kaibigan. B.Katapora:Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan undi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang. 2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita Halimbawa: 3. Ellipsis-May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maintindihan o magiging malinaw parin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo. 4. Pang-ugnay- nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay,parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay. Halimbawa: **Mga ideyang maaaring maging pangunahing paksa upang makabuo ng epektibong paglalarawang teksto:** **Halimbawa ng paglalarawan sa tao:** 1. Mapipintog ang kanyang mga muscle.Usbong ang kanyang kaalaman. Buo ang dibdib, bakat ang mga ugat.Samakatuwid, matipuno ang kanyaniyang katawan. Nag-iimbita sa isang pagtanggap na maganda ang temlo ng kaniyang pagkatao. 2. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang damit niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. 3. Ang gulang ni Ineng ay kinagigiliwan naming lubos, palibhasa'y nakatatawag loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata, na sa bilugang pisngi'y may na sa kanyang pagngiti'y binubukalan mandin ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa namamanibalang mangga, saka ang mga labi't ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati't pangarap. **Halimbawa ng paglalaraawan sa isang bagay:** 1. Makislap na animo'y hinugot sa pusod ng dagat na nabudburan ng mga perlas. Makintab ang mga panlabas na anyo nito. Solido naman ang panloob na akala mong isang konkretong pundasyon. Nagagamit ang bagay na bilang pantulong upang mahubad ang lisya at dumi ng katawang-tao. 2. Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag malapit na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-bastang palamuti, yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magandang bulaklak naman ang biniliko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. 3. Ang kanilang bahay ay yari sa naglalakihang kahoy na may kakaibang disenyo. **Halimbawa ng paglalarawan sa isang lugar**: 1. Kasinlayo ng ibayo ang destinasyon ko. Hindi man tuwid ang mga daraanan, diretso lang dapat ang tingin upang matahak ang landas ng patutunguhan. Akala mong malayo subalit hindi naman pala. Akala mong malapit subalit may pagtahak parin pala. 2. Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig nakatira si Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may mga sari saring pananim na sa isang maayos na panulukan ay may malalagong sampaguita na dahil sa kagaanan di umano ng kamay ng nag-aalaga ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak. **Halimbawa ng paglalarawan sa isang ideya o konsepto:** 1. Hindi mo malalaman kung ano ang dapat isipin o gawing desisyon. Ito ang bumabagabag sa aking diwa. Ito ang sumusulyak sa aking damdamin. Ito ang nagpapagulo sa aking ulirat. Sa tuwing naiisip ko ito, halos pinupunit nito ang aking pagkatao. Sa tuwing, nararamdaman ko ito, hinihiwalay nito ang aking katawan at kaluluwa. Bumabagabag ito sa aking kabuuan. 2. May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntonghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. 3. Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang na poot. 4. Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang kanyang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi **3. TEKSTONG NARATIBO** - Sa bawat araw ng buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukwento niya sa iba. Maaaring simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang buhay. Ang mga karanasan ay hindi lamang basta naibabahagi nang pasalita sa halip ay naitatala rin ito sa mga pahina ng talaarawan - Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon nang may maaayos na pagkasunod-sunod mula simula hangggang katapusan - Pangunahing layunin ng ganitong teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay aliw o saya. Ang mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat sa kwento at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang nasaksihan. **Iba't-ibang uri ng tekstong naratibo:** **MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO** **May iba't-ibang pananaw o punto de vista (point of view)** - - - - - - **May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin o damdamin** - - **Elemento ng tekstong naratibo** 1. **Tauhan**- lahat ng tekstong dekriptibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan **Dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan:** **Ang karaniwang tauhan sa akdang naratibo ay ang sumusunod:** - - - **Dalawang uri ng tauhan (E.M. Foster)** - **Tauhang Bilog** - **Tauhang Lapad** 2. **Tagpuan at Panahon** 3. **Banghay** **Karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:** - - - - - - \*\*\*hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas, ang mga ito ay tinatawag na anachrony: - - - 4. **Paksa o Tema** **Halimbawa ng Tekstong Naratibo:** "Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas" Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina. Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito. "Nak, ba't ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?" tanong ng ina sa bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay. "Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus," sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas. Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos. "Ma, kanino po 'tong rubber shoes?" tanong ni Kulas sa ina niya. Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila. Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila. "Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo," sabi ni Julio. Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan. Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak. "Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?" tanong ni Vina sa anak. Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas. Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon. "Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin," pagtatapat ng bata. "Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa," sabi ni Vina sa anak. Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito. Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling. **4. TEKSTONG PROSIDYURAL** -inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang Gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwag ito kung paano gagawin ang isang bagay.Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. HALIMBAWA: **1.RESIPE NG KARE-KARE** Mga sangkap: -1buntot ng baka -1/2 tasang mani -2 talong -2 pata na baboy -atsuwete -sibuyas -1 taling sitaw -asin -bawang -1 taling petchay **PARAAN NG PAGLULUTO** **IHANDA ANG SUMUSUNOD NA SANGKAP:** -Dikdikin ang bawang. -.Hiwain ang sibuyas panggisa \- Putul-putulin ang sitaw -Hiwain ng pahalang ang talong -Isangag ang mani,dikdikin ito nang pinong-pino. -Sa isang mangkok,lagyan ng isang kutsarang lihiya ang asuwete. -Hiwain ang buntot ng pata ang baka sa tamang laki.Palambutin - - - - - - - **2.ANG PAGGAWA NG PAROL** Mga kakailanganin: -10 patpat ng kawayan,1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada ang haba -4 na patpat ng kawayan,1/4 pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang haba. -papel de hapon o cellophane -tali **Unang hakbang** -bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan Ikalawang hakbang -pagkabitin ang mga dulo ng kawayan gamit ang mga inihandang tali. **Ikatlong hakbang** -ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng inyong parol. **Ikaapat na hakbang** -balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol. Kung nais mong gumamit ng iba't ibang kulay ay puwede. Nakita mo rin na kailangang maging maliwanag ang paglalahad ng mga prosidyur upang mauunawaan at masundan ito ng bumabasa. Ngayon ay mag-isip ka ng mga paraan kung paano ka magluto ng sarili mong putahe sa pagluluto. Isulat ang mga prosidyur kung paano ka magluto ng inyong putahe. **5. TEKSTONG PERSUWEYSIB** - **Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa sa teksto.Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi niya ang punto ng manunulat.** - **Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.** - **Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang inihahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.** *TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI(Aristotle)* *1.Ethos*-Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi at baka hindi sila mahikayat na mainiwala rito. *2.PATHOS-* tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Halimbawa: pagsasalaysay ng isang makakaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat. *3.LOGOS-* tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ay dapat siyang paniwalaan. \*Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o anong uri ang mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay mga taong may hawak na mataas na pososyon o mga negosyante, makabubuting gumamit ng kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitin ng apela o emosyon. ***[PROPAGANDA DEVICES]*** *[1.Name- calling]*-pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto. Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong kandidato ![](media/image2.jpeg) *2.[Glittering Generalities]-*ito ay ang magaganda at nakasisislaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa paniniwala at pagpapahalaga ng mga mambabasa. Halimbawa: mas makakatipid ka sa bagong \_\_\_\_\_\_\_\_. Ang inyong damit magiging maputi sa\_\_\_\_\_\_\_ putting-puti. ![](media/image4.jpeg) *3.[Transfer]-*ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa ibang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Manny Pacquio gumagamit ng\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_kapag masakit ang katawan. ![](media/image6.jpeg) *4.[Testemonial]-* kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorse ng isang tao o produkto. *5.[Plain Folks]-* karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. ![](media/image8.jpeg) *6.[Card Stacking]*-ipinapakita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto. Halimbawa: ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na masarap pa.(ngunit hindi nito sinasabi na kakaunti lang ang sustansiyang taglay) ![](media/image10.jpeg) *7.[Bandwagon]-*Panghihikayat na kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: buong bayan ay nag LBC peso padala na. ![](media/image12.png) **Halimbawa ng tekstong persuweysib na nanghihikayat:Patalastas** Soapguard?!?! Ano ba 'tong soapguard itong pinapag-usapan ng mga tao? Simple lang yan... Ang soapguard ay isa lamang sa mga iba't ibang mga produkto ng Werdna.Co,.Soapguard, ang soapguard ay isang makabagong henerasyong sabon. Ito ay nakakapatay ng 101% ng mga bakterya sa inyong mga katawan. Walang tatalo rito dahil ang ibang mga produkto ay umaabot lamang sa 100% na pinapatay na mga bakterya. Sulit na sulit ang Soapguard! 15 pesos lamang ito. Ang Soapguard ay nabibili sa iba't ibang kulay, depende sa kulay na gusto ng mga mamimili. Maaari ito maging puti, pula, berde, at iba pa. Sakitin ka ba? Kung oo ang sinagot mo, ito ang sabon na bagay sayo! Tuwing ginagamit mo ito, ubos ang bakterya sa katawan mo! Allergic ka ba sa ibang mga sabon? Kung oo ulit ang sagot mo, ang Soapguard ay bagay na bagay sayo. Itong sabon ay isang sabon na walang mga kemikal, natural ito kaya hindi ka magkakaroon ng allergy. Ang Soapguard din ay punum-puno ng mga iba't ibang bitamina na nakabubuti si inyong mga kutis. Bili na! Nabibili ito sa lahat ng bilihan na malapit sa inyo. Palaging alalahanin: ANG SOAPGUARD AY MAS MURA SA SAKIT! **6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO** -ito ay teksto na naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi, ito ay gumagamit ng logos na paraan. Upang kumbinsihin ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanayang posisyon o punto. Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at tekstong persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o nanghihikayat. Ganunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito. Suriin ang talahanayan sa ibaba: +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tekstong Argumentatibo | Tekstong Persuweysib | +===================================+===================================+ | -Nangungumbinsi batay sa datos | -nangungumbinsi batay sa opinyon | | | | | -nakahihikayat dahil sa merito ng | -nakahihikayat sa pamamagitan ng | | mga ebidensiya | pagpukaw ng emosyon ng mamababasa | | | at pagpokus sa kredibilidad ng | | -obhetibo | may-akda | | | | | | -subhetibo | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **HAKBANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO** 1.Pumili ng paksang isususlat na angkop para sa tekstong argumentatibo. Hal.k-12 curriculum 2.Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at an ang mga dahilan mo sa pagpanig ditto. 3\. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na sususporta sa inyong posisyon. 4\. Gumawa ng borador(draft) Unang talata: Panimula Ikalawang talata:kaligiran Ikatlong talata:Ebidensyang susuporata sa posisyon. Maaaring magdagdag pa ng talata kung maraming ebidensiya. Ikaapat na talata:Counter argument Ikalimang talata:Unang konklusyon na lalagom sa iyong sinulat Ikaanim na talata:Ikalawang talata na sasagot sa tanong na "e ano ngayon kung yan ang inyong posisyon. 5\. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo. 6.Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks. 7.Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya. ***Halimbawa ng tekstong Argumentatibo:Death Penalty*** Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa panahon ni Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa bago muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa at pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa ito.Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan, supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito. Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa relihiyon. Bilang isang bansang may higit sa 80% Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at respeto ang buhay ng bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay ang karapatang pantao na nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng problema ay nadadaan sa dahas kung minsan ay lalo pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito hindi kung kalian natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos. Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa planong pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay sumasalamin sa masamang kinahinatnan ng mga tao sa mundo ngayon. Naiiba na ang kanilang paniniwala sa sarili nila.Ang batas na ito ay hindi makatutulong sa problema ng mga tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Isang halimbawa na lamang nito ay ang kaso ni Marcial "Baby" Ama na nahatulan ng kamatayan gamit ang silya-elektrika noong 1961. Si Ama ay 16 na taong gulang pa lamang nang bitayin dahil sa pagsaksak sa isang lalaki sa isang kaguluhan. Sa mata ninuman, hindi tama ang ginawa ni Ama, pero tama bang pumatay ng isang menor de edad para sa hustisya? Ang pagsisintensiya ng kamatayan ay isang desisyong hindi nakaatang sa kamay ninuman. Nasa Diyos lamang ang pagpapasya sa magiging kahihinatnan ng tao. Ang isang maling pagdedesisyon ay kapalit ng buhay ng isang tao na kailanman ay hindi na maibabalik. Isang halimbawa nito ay ang nangyari kay Eduardo Agbayani na ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae. Sa araw ng pagbitay sa kanya ay sinabi ng tatlong biktima na handa nilang patawarin ang kanilang ama at ipatigil ang pagbitay. Agad itong itinawag ng pangulo noong si Joseph Estrada noong 3:12 ng hapon ngunit hindi na umabot ang kanyang balita dahil nabitay na ang akusado sa ganap na 3:11 ng hapon. Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang ginawa ni Eduardo. Dapat lamang na harapin niya ang kanyang mga kasalanan at pagsisihan ang mga ito lalo na't handang magpatawad ang kanyang mga biktima. Ngunit, dahilan na lamang sa batas na ito, nawalan na siya ng pagkakataong magawa ang mga ito. Hindi na maibabalik ang mga nakalipas na segundong lumipas. Ang parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga masasamang loob ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na pareho itong nagdudulot ng matinding kapahamakan at kasalanan, hindi lamang sa taong naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos. Bilang isang bansang binubuo ng mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating Bibliya. Ang ikalima sa "Sampung Utos ng DIyos" ay ang huwag kang pumatay nang kapwa mo tao. Sa pagpanig natin sa parusang kamatayan, tayo ay sumusuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa paglabag sa kautusang ito, hindi ba't nagiging katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba nila sa atin? Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa ikabubuti ng bansa ang muling pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan niyang mapapababa nito ang lebel ng krimen sa bansa, mababawasan ang laman ng mga congested na mga kulungan, at maibibigay ang hustiya para sa mga biktima.Matatawag bang tagumpay ang isang panukalang pambansa kung pinapairal ito gamit ang takot? Makokonsidera bang tamang rason ang dami ng mga tao sa kulungan para isa-isahin sila upang lumuwag? Mahirap ang proseso ng hustisya, pero kailan nga ba masasabing nakamit na ang hustisya?Hustisya ba ang maitatawag sa paglabag sa kautusan ng Diyos para lamang makaganti sa ibang tao? Mapapagaan ba ang kalooban ng biktima kung makikita niyang wala ng buhay ang gumawa sa kanya ng masama? Sa lahat ng mga bansang demokrasya sa mundo, ang Pilipinas ay ang pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng nasa death row noon. Sa muling pasusulong ng parusang kamatayan sa Pilipinas, unti-unti muling lalaganap ang maling pag-iisip ukol sa hustisya.Ang buhay ng tao ay isang sagradong biyaya mula sa Diyos. Wala sa ating mga kamay ang pagdedesisyon para sa magiging katapusan nito. Binibigyan ng batas na ito ang tao ng kapangyarihan na hindi kailanman ibinigay sa atin ng Panginoon. Sa paghahangad ng hustisya, hindi kinakailangang gumawa ng karagdagang kasalanan. Hindi dapat tumbasan ng kasalanan ang isa pang kasalanan. Ang akdang ito ay sumasalamin sa pagtutol ko sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan sa aking bansa. Mag-uumpisang mawalan ng saysay ang buhay kung magiging pipi tayo tungkol sa mga bagay na mahalaga.