Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Xavier University – Ateneo de Cagayan
Tags
Related
- Reading with Texts and Media: A Competence Model (PDF)
- LESSON-1-Fundamentals-of-Reading-Academic-Text.pdf
- Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto PDF
- Identifying Explicit and Implicit Claims in Texts PDF
- Reading and Text Analysis - Journalistic Texts - S1-L2 - 2024-2025 PDF
- Reading and Thinking Strategies Across Text Types PDF
Summary
This module, titled 'Pagbasa at Pagsusuri sa Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,' is designed for students to identify and analyze various text types. The document outlines the parts of the study guide, the learning expected, standards and performance requirements of the relevant competency, a topic that may cover texts relating to the Filipino student's self, family, communities and world.
Full Transcript
lOMoARcPSD|16078935 Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ( Pivot) Bachelor of Science in Electrical Engineering (Xavier University - Ateneo de Cagayan) S...
lOMoARcPSD|16078935 Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ( Pivot) Bachelor of Science in Electrical Engineering (Xavier University - Ateneo de Cagayan) Scan to open on Studocu Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagbasa at Pagsusuri SHS sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Lilibeth Lubiano Editor: Maria Leilane E. Bernabe Tagasuri: Juana Macalangay Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director Job S. Zape Jr., CLMD Chief Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian Department of Education – Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. 1 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. 2 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! 3 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Week 1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at dinisenyo para sa iyo. Ito ay nabuo upang lubos mong maunawaan ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kabuuan ng modyul na ito ay makatutulong upang maibigay sa iyo ang mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang pagkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay isinaayos upang sundin ang batayang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod ng iyong binasa ay maaaring magbago upang tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon. Ang modyul na ito ay patungkol sa paksang: Aralin 1 - Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Matapos mong pagdaanan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay: Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98) Layunin: 1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito 2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa 3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binabasa 4 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Subukin Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang kuwaderno. Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa. 1. Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay dahil ipinagbabawal ang "mass gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19). (Relativo, James. et.al.(2020, May 23) Babaeng kadete mula Isabela 2020 PMA topnotcher. Nakuha noong Mayo 23, 2020. Mula sa https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/bansa/2020/05/22/2015772/ babaeng- kadete mulaisabela-2020-pma-topnotcher) A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 2. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo. (Lee, Ricky. (2018)Bahay ni Marta, Quezon City: Triprint Corporation) A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 3. Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo. Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal? (Tulfo, Ben. (2020, May 22) Digital taxation sa digital economy. Nakuha noong Mayo 22, 2020. Mula sa:https://www.philstar.com/pilipino star ngayon/opinyon /2020/05/ 22/2015605/digital-taxation-sa- digital-economy) A. Argumentatib C. Persuweysib B. Deskriptib D. Prosidyural 4. Mga hakbang sa pagtatanim: Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin. Pangalawa, ihanda ng lupang pagtataniman o plotting. Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim. Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw. A. Argumentatib C. Persuweysib B. Deskriptib D. Prosidyural 5 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 5. Ayon pa sa SWS, 16.7% ang nakaranas ng moderate hunger na tinatayang nasa 3.5 milyong pamilya samantalang nasa 2.8% o 699,000 pamilya ang nakaranas ng severe hunger (Escudero, Malou. (2020, May 23) Bilang ng nagugutom na Pinoy Dumoble. Nakuha noong Mayo 23, 2020. Mula sa https://www.philstar.com/ pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/23/2015947/bilang- ng nagugutom-na-pinoy-dumoble0 A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal B. Obhektibo D. Subhektibo 6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatib maliban sa: A. Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan B. Pag-uulat ng impormasyon C. Pagpapaliwanag D. Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal 7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan. A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib? A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib. B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong impormatib. C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit. D. Lahat ng nabanggit. 9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano. A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 10.Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay? A. Deskriptib C. Persuweysib B. Impormatib D. Prosidyural 6 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 11.Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag? A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal B. Obhektibo D. Subhektibo 12.Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa mga tiyak na panahon. Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunod-sunod. A. Argumentatib C. Naratib B. Deskriptib D. Persuweysib 13.Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paanong isinasagawa ang isang tiyak na bagay. A. Deskriptib C. Persweysib B.. Impormatib D. Prosidyural 14.Pangunahing layunin ng tekstong impormatib ang magpaliwanag sa mga mambabasa tungkol sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa tekstong impormatib? A. Biyograpiya C. Maikling Kuwento B. Encyclopedia D. Papel Pananaliksik 15.Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto. A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman B. Pagbuo ng hinuha C. Pagkakaroon ng mayamang karanasan D. Wala sa nabanggit 7 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Aralin Filipino: Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo 1 sa Pananaliksik Ang araling ito ay naglalaman ng mga pag-aaral sa pagtukoy ng iba’t ibang paksa at pagkilala sa iba’t ibang uri ng teksto. Balikan Bagong aralin ang hatid ng modyul na ito. Madaragdagan ang iyong kaalaman sa pagtukoy sa paksa ng iba’t ibang tekstong iyong nababasa. Makatutulong ito upang mabigyan ka ng idea sa araling tatalakayin at higit pang makilala ang mga uri ng teksto. Basahin mong mabuti ang mga sumusunod na pahayag at unawain ito. Isulat sa sagutang kuwaderno ang iyong kasagutan. Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag. 1. Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa hinggil sa isang isyu. 2. Layunin nito na ipinta sa imahinasyon ng mga mambabasa ang isang bagay, tao, lugar, pangyayari, karanasan atbp. 3. Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa ang isang bagay o paano ito binubuo. 4. Ang uri ng teksto na ito ay nagkukuwento ng mga yugto ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksyon. 5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa isang napapanahong isyu. 8 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tuklasin Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Tekstong Impormatib Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp. Tekstong Deskriptib Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan. Uri ng tekstong Deskriptib 1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat. 2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram. 9 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tekstong Persuweysib Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: 1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. 2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. 3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig. Tekstong Naratib Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela. Mga bahagi ng Tekstong Naratib: 1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan. 2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon. 3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin. 10 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tekstong Prosidyural Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp. Tekstong Argumentatib Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp. Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito. Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag- unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito. 11 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Suriin Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa tinalakay na aralin. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto? 2. Bakit mahalagang mabatid ng isang mambabasa ang uri ng tekstong binabasa? 3. Sa iyong palagay makatutulong ba sa iyo ang pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit? Pangatwiranan. 12 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kuwarderno ang sagot. 1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa kuryente. 2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba nito? 3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na natatakpan ng puting kumot. 4. “O pagsinang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.” 5. Adobong manok at baboy A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito. B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito. D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto. E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para makatulong sa pagpapalambot ng mga karne. F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at asim nito. Maaari rin maglagay ng asukal para sa mga nais na manamis-namis ang kanilang adobo. G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyong panlasa. 13 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Isaisip 1. Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. 2. Tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. 3. Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. 4. Tatlong elemento ayon kay Aristotle: Ethos (etika), Logos (lohika), at Pathos (emosyon). 5. Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. 6. Mga bahagi ng tekstong naratib: Ekposisyon, Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, Resolusyon o denouement. 7. Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. 8. Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. 9. Ang iba’t ibang uri ng teksto ay may iba-iba ring paraan ng pagpapahayag na naayon sa layunin nito. 14 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Gawain Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay mo ang balita sa iyong sarili, iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad. (Impormatib, Persuweysib, Argumentatib, Deskriptib, Naratib, Prosidyural). Isulat ito sa isang buong papel. Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka Napapanahon ang napiling paksa at mahusay na 20 naiugnay ito sa sarili, pamilya, pamayanan, bansa o sa daigdig Maayos at malinaw na nailahad ang mga 10 impormasyon Tumpak ang datos na ibinahagi at naayon sa uri ng 10 tekstong napili Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideyang 10 ibinabahagi sa teksto 50 15 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Week 1 Alamin Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labing- isa ng Senior High School sa Taong Panuruan 2020-2021. Ito ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag- aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88) Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa 2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa 3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng tekstong binasa Ako si Titser O na iyong makakasama. Naríto ako upang tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad. 16 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Subukin Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa COVID-19 sa tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. 1. Unang kawal 2. Pangkaraniwan 3. Daglat ng General Community Quarantine 4. Paglayo-layo ng mga tao 5. Bago sa pangkaraniwan 6. Pananatili sa isang lugar 7. Paghuhugas ng kamay 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment 9. Likidong panlaban sa COVID-19 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit 11.Pagtulong ng walang inaasahang kapalit 12.Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno 13.Daglat ng Modified Community Quarantine 14.Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig 15.Paglakas ng katawan galing sa sakit B F R O N T L I N E R A N P A E P E D E M Y A C O Y C A Y N O R M A L M C Q S U K G A D R O P L E T D U Q D S G N S O C I A L M A Y C A A A I D I S T A N C I N G M M L H H A N D W A S H F E C E I A N E W N O R M A L P Q C N N A L C O H O L H K P N A G G Q U A R A N T I N E T F T 17 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagtukoy ng Kahulugan at Aralin Katangian ng Mahahalagang 2 Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito. Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. May hindi ka ba naintindihan? Magbigay ng mensahe sa iyong guro upang sa gayon matulungan ka niya! 18 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Balikan Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na may pinagbabatayan. A. Impormativ A. Narativ B. Persweysiv C. Prosijural 2. Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento ang mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon. A. Impormativ B. Narativ C. Persweysiv D. Prosijural 3. Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y maisakatuparan ang mga hakbangin. A. Impormativ B. Narativ C. Persweysiv D. Prosijural 4. Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito ang imahinasyon ng sinomang babasa ng teksto. A. Impormativ B. Narativ C. Deskriptiv D. Prosijural 5. Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran. A. Impormativ B. Argyumenteytiv C. Deskriptiv D. Prosijural Mahusay! Natukoy mo ang mga paksa. Ngayon, iyong tuklasin at basahin ang isang tula na ginawa ko. Para sa iyo yan! 19 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tuklasin TEKSTONG IMPORMATIV NEW NORMAL ni Niňo T. Cansicio Binago ng COVID-19 ang ating buhay, Dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay, Ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan, Isang kaugalian na resulta ng New Normal. New Normal na nakasentro sa kalusugan, Prayoridad ang pagpapalakas ng katawan, Upang matiyak na kayang labanan, Ang anomang uri ng virus na di natin namamalayan. Kahit edukasyon malaki ang pinagbago, Maraming nagsulputan sa pagkatuto, Nariyan ang distance learning na modular, Na tiyak lahat ay makikinabang. Kahit magwakas ang pandemyang ito, Leksiyong naiwan, hindi malilimutan, Pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan, Nagkaroon ng bagong kultura at kagawian. 20 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Gabay na Tanong: Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa. Kopyahin ang tanong at sagutan sa inyong sagutang papel. 1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan? 2. Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo? 3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto? 4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan mo ito ng kahulugan? 5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong naunawaan? Kumusta ka na? Natapos mo ba ang mga gawaing inilaan ko para sa iyo? Kung hindi pa, tapusin na ‘yan para makamove- on ka na! Masaya akong natapos mo ito kaya simulan mo na itong kasunod! 21 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Suriin Pagpapakahulugan ng Salita Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. Halimbawa : pambihira - katangi-tangi 2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan Halimbawa : Paghanga- pagmamahal 3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa. 4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. Halimbawa : Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit) Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa) Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan) 5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. Halimbawa : Di-maliparang uwak – malawak 22 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Kaantasan ng Wika Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito. A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan 2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining. Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang- araw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na) Buang! (Baliw) 2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Meron - Mayroon Nasan - Nasaan Sakin - sa akin 3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (bente pesos) Pinoy (Pilipino) 23 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (Crocodile) Bata (Child/Girlfriend) Durog (powdered/high in addiction) Papa (father/lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam - paki Malay ko at pakialam ko -ma at pa Anong sinabi -ansabe Anong nangyari -anyare 5. Pagbabaliktad Halimbawa: Etneb- bente Kita- atik Ngetpa- panget Dehin- hindi 24 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay AWIT- AW ang sakIT 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo Torpe / Tyope /Torpe -naduwag 8. Paghahalo ng Salita Halimbawa: Bow na lang ng Bow Mag-MU Mag-jr (joy riding) 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45-Baril 143- I love you 50/50- naghihingalo 10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti - isputing Kulang -kulongbisi 11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag) Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi 12. Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino -Pinoy Mestiso-Tiso-Tisoy 25 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 13. Pagpapaikli at pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon-Talon-Lonta Sigarilyo-Siyo-Yosi 14. Panghihiram at pagpapaikli Halimbawa: Security -Sikyo Brain Damage - Brenda 15. Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get -Gets/Getsing Cry -Crayola Tandaan na may mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 26 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagyamanin Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian ang mahahalagang salitang ginamit sa teksto. Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong, at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 27 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay. Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinomang may lagnat o ubo. 28 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang. Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta. Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo. 29 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili. Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization, nakuha noong Mayo 25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/ pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban- sa-covid-19 Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot. 1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig. A. Palagian B. Malimit C. Mabilisan D. Lahat ng ito 2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. A. Hindi alam B. Wala sa katinuan C. Hindi apektado D. Wala sa nabanggit 3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene. A. Pagtakip ng ilog at bibig B. Paghuhugas ng paa C. Pagpapahinga D. Pagpapapawis 4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig B. Talamsik ng tubig sa kanal C. Tulo ng tubig sa gripo D. Patak ng ulan sa bubong 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang. A. Pagtigil C. A at B B. Pagpirmi D. Paghinto 30 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa teksto. Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot. 1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay maituturo sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba. A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal 2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad. A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal 3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal 4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal 5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID- 19 sa lagnat at tuyong ubo. A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal Mahusay! Nalampasan mo ang mga gawain na ibinigay ko. Binabati Kita! 31 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Isaisip Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang makabuluhang pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang salita sa loob ng pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring gamitin sa loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa nakahiwalay na papel. Hindi sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa 1. tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring gumawa ng tentatibong 2. sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung ano ang 3. ng salita halimbawa kung ito ay pormal at di pormal. 4. ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang 5. , kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa 6 ng aklat kung mayroon ito. Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at 7. ang pakikipagkomunikasyon. Ang kaantasan ng wika ay nahahati sa dalawa, ang pormal at 8.. Ang mga uri ng pormal na wika ay 9 at Pampanitikan. Samantala ang impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at 10.. Mga Mahahalagang Salita diksyunaryo balbal hulaan di pormal kahulugan epektibo katangian glosari pambansa paghihinuha 32 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Week 2 Alamin Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto. Naglalaman ang modyul na ito ng paksang: Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto Kasanayang Pampagkatuto: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-IIIb-91) Layunin: 1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto, 2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at 3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan ng isang graphic organizer Subukin Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang batayan? A. Obhetibo B. Subhetibo 2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan? A. Obhetibo B. Subhetibo 33 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang- linaw ang temang taglay ng akda? A. Tagpuan B. Banghay 4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento? A. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan 5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy? A. Tauhang Bilog B. Tauhang Lapad 6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ng may akda? A. Obhetibo B. Subhetibo 7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap. A. Argumentatibo B. Persuweysib 8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan? A. Impormatibo B. Deskriptibo 9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa. A. Impormatibo B. Deskriptibo 10.Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong paglalarawan? A. Naratibo B. Deskriptibo 34 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 11.Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay balat-sibuyas”? A. Obhetibo B. Subhetibo 12.Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa lohika at katotohanan? A. Argumentatibo B. Persuweysib 13. Ano ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib? A. Debate B. Patalastas 14.Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong sinukluban ng langit at lupa”? A. Kalungkutan B. Kalituhan 15. Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento? A. Impormatibo B. Naratibo 35 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Aralin Katangian at Kalikasan ng 3 Iba’t Ibang Uri ng Teksto Sa modyul na ito ay tatalakayin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Dito ay pagtutuunang-pansin ang mga katangian ng teksto sa tulong ng mga gawain upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman ukol dito. Balikan Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungang ito: - Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto? Bakit? Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Tuklasin mo na ang katangian at kalikasan ng mga tekstong iyong napag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t ibang tekstong iyong mababasa. 36 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tuklasin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Mabangis na Lungsod”. Ilista sa papel ang mahahalagang detalye na iyong mababasa upang makatulong sa pagsagot sa mga katanungan. MABANGIS NA LUNGSOD (ni Efren R. Abueg) Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw- araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung ano-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan. “Mama... Ale, palimos na po.” Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas. 37 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 “Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit kailanman ay hindi nakarating sa kaniyang bituka. “Maawa na po kayo, Mama... Ale... gutom na gutom na ako!” Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. “Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag- iwas. “Adong... ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na 38 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda. “Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!” Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. “Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya. Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg,” G7Fil Ira & Khads, Pebrero 2013, http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/ 39 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Suriin PAGSASANAY 1 Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong naratibong ang “Mabangis na Lungsod”. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang tagapagsalaysay sa binasang teksto? Sa anong pananaw o paningin ito isinasalaysay? 2. Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o lapad? 3. Sino naman ang katunggaling tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o lapad? 4. May kasamang tauhan ba sa akda? Kung mayroon, sino siya? Siya ba’y tauhang bilog o lapad? 5. Anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa binasang teksto? PAGSASANAY 2 Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa tekstong “Mabangis na Lungsod”. Isulat sa sagutang papel kung ito ay paglalarawang Subhetibo o Obhetibo. 1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. 2. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. 3. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas. 4. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. 5. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas. 40 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Pagyamanin PAGSASANAY 1 Panuto: Basahin ang talatang nasa ibaba at tukuyin ang mga salitang naglalarawan na iyong makikita. Isulat ang sagot sa sagutang papel. “Ang mundo ay napakaganda, ang simoy ng hangin ay maipadarama tulad sa bango ng mga bulaklak, ang magandang tanawin tulad sa kagandahang loob, ang dalisdis ng tubig sa banayad na haplos at ang init ng araw tulad ng init ng aking pagmamahal.” PAGSASANAY 2 Panuto: Bigyan ng subhetibo at obhetibong paglalarawan ang sumusunod na mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Subhetibong Mga Salita Obhetibong Paglalarawan Paglalarawan 1. Aklat 2. Pag-ibig 3. Paaralan 4. Kayamanan 5. Liwanag PAGSASANAY 3 Makinig! Manood! Umawit! Panuto: Pakinggan ang awiting “Bulag, Pipi’t Bingi” ni Freddie Aguilar at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Saan tungkol ang awiting Bulag Pipi’t Bingi ni Freddie Aguilar? 2. Ano-anong mga paglalarawan ang inyong natatandaan sa awitin? 3. Paano mo mailalarawan ang kagandahan ng mundo sa mga bulag, pipi, at bingi na bata? 4. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? 5. Ano-anong katangian ng tekstong deskriptibo ang makikita sa awitin? 41 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Isaisip Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang papel. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto? 2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga katangiang ito? 3. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag- aaral ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang sagot. 42 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Isagawa Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin. Ibigay ang mga katangian nito sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong papel. Uri ng Teksto Katangian ng uri ng teksto Tekstong Impormatibo Tekstong Deskriptibo Tekstong Naratibo Tekstong Prosidyural Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo 43 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat na sinaliksik at tinaya. 2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda. 3. Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa. 4. Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. 5. Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring subhetibo at obhetibo. 6. Obhetibo ang paglalarawan kung ito ay nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan. 7. Isa sa mga katangian ng tekstong impormatibo ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa. 8. Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging subhetibo kung saan nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ang may akda. 9. Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. 10. Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon. 11. Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento. 44 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 12. Ang mga tekstong argumentatibo at persuweysib ay parehong may layuning manghikayat sa mambabasa. 13. Ang tekstong impormatibo ay maaaring maging bahagi ng tekstong naratibo. 14. Ang salitang “balat-sibuyas” ay isang halimbawa ng obhetibong paglalarawan. 15. Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate kung saan ay layunin nitong manghikayat ng mambabasa batay sa 45 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Week 2 Alamin Ang modyul na ito ay dinisensyo at isinulat para sa iyo. Makatutulong ito sa iyo upang lubos na maunawaan ang tungkol sa pagsulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang Uri ng teksto. Ang saklaw ng modyul na ito ay ang mahahalagang aralin na magagamit mo sa iyong pag-aaral at sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga pananalitang ginamit ay tumutugon sa kakayahang abot ng mga mag-aaral. Ang pagkakaayos ng mga aralin ay naaayon sa pamantayan ng pagkakasunod-sunod ng kurso subalit maaari din itong mabago na tutugon sa kasalukuyang aklat na ginagamit mo Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb – 89) Layunin ng modyul na ito na matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. natutukoy ang mga elemento sa pagsulat ng tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural 2. nagagamit ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural 3. nakasusulat ng halimbawang tekstong impormatib, deskriptib, at prosidyural 46 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Subukin Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay na papel. 1. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga katangian ng isang tao, bagay, hayop, o lugar. A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural 2. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural 3. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural 4. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan. A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan 5. Ang ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag. A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan 47 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 6. May ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga. A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan 7. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag. A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan 8. Higit na dapat bigyang-pansin ang sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa sa isang sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa. A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas 9. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa. A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas 10.Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ito ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata. A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas 11.Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan. A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap 48 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 12.Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan. A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap 13.Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan. A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap 14.Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan. A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng mga sangkap 15. Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng. Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari. A. Maingat na pagsasaayos ng paksa B. Pagpili ng paksa C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap 49 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Aralin Ang Pagsulat ng Ilang Halimbawa ng Iba’t ibang uri 4 ng Teksto Sa mga nakaraang modyul na iyong pinag-aralan ay natutuhan mo ang mga batayang kaalaman tungkol sa tekstong impormatib, deskriptib, at persweysib. Nakapagbasa at nakapagsuri ka din ng ilang mga halimbawang teksto na nasa mga uring ito. Sa araling ito, tiyak na matutuwa ka sa iyong bagong matutuhan. Balikan Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda para sa iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sa iyo. Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay hango sa salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa kaniyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng musika. Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba- iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari ding i-record. Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, 50 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.” Sagutin sa iyong sagutang papel: 1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa? A. awit B. musika C. pagguhit D. sayaw 2. Ano kaya sa iyong palagay ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito? A. awitan ang mambabasa bilang sining B. gumuhit ng larawan bilang sining C. magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining D. magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining 3. Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto? A. almanac B. diksyunaryo C. magasin D. esayklopidya 4. Ang teksto ay. A. nagbibigay-impormasyon B. naglalarawan C. nagpapaliwanag D. lahat ng nabanggit ay tama 5. Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na makahulugan ang paksa? A. Ipinaliwanag B. Inilarawan C. Inisa-isa D. Lahat ng nabanggit ay tama 51 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Mga Tala para sa Guro Kinakailangang sikapin ng guro na maiproseso ang mga katugunan ng mga mag-aaral. Ang sagot ng mga mag-aaral ay magsisilbing gabay niya sa pagsulat ng teksto. Tuklasin Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Tuklasin sa mga larawan sa ibaba ang mga salitang tinutukoy nito. Ang bawat bilang ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pagsulat. 1. 52 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 2. 3. 4. 53 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 5. Suriin Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan. Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib: Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan. Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag. Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga. Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag. 54 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatib? Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa. Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa. Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata. Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama. Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan. Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalang- alang Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan. Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan. Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan. Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan. Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan. Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap. Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya’y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan ng bumabasa o nakikinig. Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay nang malinaw na larawan. 55 Downloaded by KIMBERLY REVELLAME ([email protected]) lOMoARcPSD|16078935 Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa; Unang uri ay maaaring maging pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro- kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat. Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may salungguhit: “Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na may malalagong halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.” Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1969. Hindi ba’t ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may tinik, halos wala, malalago ay kay dali mong naunawaan? Dahil ang mga ito ay may mababaw lamang na pakahulugan at tiyak ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong pakikipagtalastasan. Ang ikalawang uri naman ng paglalarawan ay ang masining na paglalarawan: dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama. Sa halimbawang ito: “Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinag