Filipino 11 Past Paper RUQA Quarter 3 2024-2025 PDF

Summary

This is a Filipino 11 past paper from the RUQA 2024-2025 school year. The exam covers reading comprehension, critical analysis, and identification of literary devices. Key topics include cyberbullying, literature analysis, and literary devices.

Full Transcript

REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit Pagbasa at pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pangalan Petsa Seksiyon...

REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikatlong Markahang Pagsusulit Pagbasa at pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pangalan Petsa Seksiyon Sangay Paaralan PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat teksto/tanong at piliin ang titik na katumbas sa iyong sagot. Para sa bilang 1-3 Dahil minahal mo ako isisigaw ko sa buong mundo Dahil minahal mo ako Laging iingatan ang pag-ibig mo Lahat ay gagawin para sayo Dahil minahal mo ako Huhulihin ko ang buwan ni: Sarah Geronimo Pipigilin ang ulan 1. Anong uri ng paglalarawan ang binasang teksto? A. Karaniwan C. Masining na Paglalarawan B. Obhektibo D. Subhektibo 2. Sa anong uri ng tayutay nabapilang ang pahayag na “Huhuliin ko ang buwan”? A. Simile B. Metapora C. Personipikasyon D.Pagmamalabis 3. Ano ang handang gawin ng persona sa awit sa pangalan ng pag-ibig? A. Hulihin niya ang buwan C. Lahat ay makakaya niyang gawin B. Pipigilin niya ang ulan D.Isisigaw niya sa buong mundo ang kaniyang pagmamahal 4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng metapora? A. Oh tukso layuan mo ko! C. Bumaha ng biyaya nang siya ay nanalo ng loto B. Umiiyak ang langit nang kami’y D. Ang mundo ay tanghalan at tayo ang mga maghiwalay artista dito. Mahilig sa hayop at insekto si Ron. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ng mga insekto. Hawak niya ang isang tesktong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.” 5. Anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ni Ron? A. Pag-uulat pang-impormasyon C. Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan B. Pagpapaliwanag D. Pantulong ka isipan Para sa bilang 6-9 Cyberbullying Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e- mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag- hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Narito ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying. Ayon sa ulat sa Googe Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mga mag- aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying. (Halaw mula sa Pinagyamang PLUMA, p.16-17) 6. Ano ang ibig sabihin ng Cyberbullying batay sa teksto? A. Ang paggamit ng teknolohiya para C. Patuloy na pambubully sa paggamit makasira sa imahe ng isang tao. ng mga masasakit na salita. B. Paraan ng pagpapadala ng mga D. Pananakit sa isang taong mahina mensahe sa pamamagitang ng para maitaas ang sarili. teknolohiya 7. Ang sumusunod ay epekto ng cyberbullying sa isang tao maliban sa isa. A.Paggamit ng ipinagbabawal na gamot. C.Natutuhan ang pag-inom ng alak. B.Hindi na pumapasok sa paaralan. D. Pagkakaroon ng maraming kaibigan. 8. Ilang porsyento ang nakaranas ng cyberbullying sa Amerika mula sa mga mag- aaral sa Grade 6 hanggang Grade 12 sa taong 2010? A.10 % B.9% C.15% D. 24% 9. Anong uri ng tekstong impormatibo ang tekstong Cyberbullying? A. Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan C. Pagpapaliwanag B.Pag-uulat pang-impormasyon D. Pantulong na kaisipan 10. Alin sa sumusunod ang tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa paksa ng bababsahin? A. Pangunahing ideya C. Layunin ng May-akda B Pantulong na kaisipan D. Mga istilo sa pagsulat Para sa bilang 11-12 Kahambing ng isang bagong bumubukad na kampupot, na sa halik ng hamog at ngiting araw ay lalong naghahalimuyak ng iniwing bango, si Irene ng taga-Libis ay nagiging hantungan ng pagkalugod at paghanga ng kaniyang mga kanayon. Ineng, ang palayaw sa kaniya. Sa isang maliit na dampa na nakatayo sa may tabi ng ilog nakatira sina Irene. Kung panahon ng bulaklakan ay nakikkilala si Irene sa tawag na "Ang Magsasampagita”. 11. Alin sa sumusunod nabibilang ang tekstong binasa? A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Persuweysib B. Tekstong Deskriptibo D. Tekstong Naratibo 12. Anong tayutay ang ginamit sa pahayag na may sakungguhit sa teksto? A. Simile C. Personipikasyon B. Metapora D. Pagmamalabis Para sa bilang 13-15 “Transcript ng Talumpati ni Senator Grace Poe Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuoan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa susunod na araw, ihahain kop o ang isang komprehensibong programa na nakasentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala. Walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar ng Pilipinas. Sabay-sabay tayong aangat at sama- sama tayong uunlad! Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit siya, sinabi na wala siyang karanasan, at hindi siya Pilipino. Ngunit buong tapang nyang hinarap ang hamon at di niya inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng kapwa Pilipino. Ang kanyang katapatan, tapang at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko naman, sinabi niya: “Anak, sa lahat ng ingay ng politika, huwag mo walain ang iyong sarili. “ Ang aking buhay ay isang bukas na aklat. Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatuntong sa Senado. Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin. Huwag ninyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. 13. Ano ang kabuoang nilalaman ng tekstong binasa? A. Pagkukwento sa kanyang buhay C. Maging matatag sa mga hamon ng buhay B.Paglahad sa karanasan ng D. Pangangampanya sa panahon ng eleksyon kanyang ama 14. Alin sa sumusunod ang tumpak na pagpapaliwanag sa pahayag na “Anak, sa lahat ng ingay ng politika, huwag mo walain ang iyong sarili. “ A. Huwag mawalan ng bait C Maging mabuting mamamayan sa bansa B. Pumanig kung saan ang D. Maging matatag at manindigan sa ipinaglalaban marami 15. Anong paraan ng panghihikayat ang ginamit niya sa kanyang talumpati? A.Gumamit siya ng lohika upang maniwala ang mga tagapakinig B.Naglahad siya ng kwento ng kanyang buhay upang pukawin ang emosyon ng tagapakinig C.Ginamit niya ang kapangyarihan bilang senador upang mapaniwala ang mga tagapakinig. D. Inilahad niya ang kanyang pakay sa halalan upang malaman ng mga tao. Para sa bilang 16-17 Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayan Pilipinas. Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo. 16. “Sana po ay Samahan Ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas”. Alin sa sumusunod ang nais ipahiwatig ni Sen. Grace po sa kanyang pahayag? A. Hindi siya kalimutan ng tao C. Pag-alay ng kanyang sarili sa kampanya B. Iboto siya sa darating na halalan D.Samahan siyang magpanday ng pangarap ng mamamayan 17. Alin sa sumusunod ang layunin ni Sen. Grace Poe sa kanyang talumpati? A. Ninais niyang maintindihan ang sakripisyo ng kanyang ama. B. Maunawaan ng mga tao na lahat ay may pagkakataong umunlad. C. Inilahad niya ang kanyang pagtakbo bilang pangulo. D. Nais niyang huwag siyang kalimutan ng mga tao. Para sa bilang 18-19 Ang tekstong persuweysib o nanghihikayat ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kaniyang paniniwalaan at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda. Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. 18. Ano ang ibig sabihin ng subhetibong tono ayon sa binasang teksto? A.Malayang makapagpahayag C. Naglalarawan ng isang paksa B.Tonong nanghihikayat D. Batay sa sariling pananaw 19. Paano nagkakaiba ang Tekstong Persuweysib at Tekstong Argumentatibo? A. Pareho itong nang- akit sa mambabasa at tagapakinig B. Ang persuweysib ay nanghihikayat sa pamamagitan ng karakter, emosyon at lohika Samantalang, ang argumentatibo ay nakabatay sa patunay at katwirang inilatag. C. Ang tekstong argumentatibo ay nanghihikayat sa subhetibong pananaw samantalang ang persuweysib ay nakabatay sa lohikal na paraan D. Nanghihikayat ang tekstong pwersuweysib samantalang ang arumentatibo ay nangangatwiran. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. ( Impeng Negro” ni Rogelio Sikat) 20. Anong uri ng pahayag ang may salungguhit sa teksto? A. Tuwirang pahayag C. karaniwang pahayag B. Di tuwirang pahayag D. matalinghagang pahayag 21. Anong uri ng propaganda device ang gimamit sa patalastas? A. Bandwagon C. Glittering generalities B. card stacking D. Name calling 22. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa nawawalang salita. Anong cohesive devices ang tinutukoy sa pahayag? A. Ellipsis C. pang-ugnay B. Leksikal D. substitisyon Para sa bilang 23-26 Ako si Mary Jane, isa akong biktima ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin. Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan. Sa limang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain, marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil ng kanilang pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag- aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs. Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay. Naniniwala ako hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng iligal na trabaho, may magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo. Huwag kayong makalimot sa Panginoong Diyos, siya ang maggabay sa inyo para hindi malihis sa tamang landas. Mary Jane 23. Alin sa sumusunod ang kaisipang nais ilahad ng teksto? A. Pinaalalahanan ang mambabasa na huwag tularan ang kanyang ginagawa B.Pagpapahayag na nakulong siya dahil sa droga C. Paalala sa kabataan na huwag agad magtiwala at iwasan ang droga D. Nanghikayat na magdasal palagi at huwag makalimot sa Panginoon 24. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakulong ni Maryjane sa ibang bansa? A. Nakuhaan ng droga ang dalang niyang bag B. Nadakip siya sa intrapment operation sa ibang bansa C. Nagbebenta siya ng pinagbabawal na gamot C. Kaanib siya sa sindikato sa ibang bansa 25. Alin sa sumusunod ang mensaheng nais ipahiwatig sa teksto? A. Huwag sayangin ang buhay B. Manalig sa Panginoon C. Huwag gagamit/magbenta ng bawal na gamot D. Lahat ng pagpipilian 26. Anong uri ng panghihikayat ayon kay Aristotle ang gimamit sa teksto? A. Pathos C. Ethos,Pathos at logos B. Ethos D.Logos Sa panahon ng pandemya lahat ng mamamayang Pilipino ay abala sa paghahanda ng pagkain, gamot, alcohol, sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at labas ng bahay. 27. Anong cohesive devices ang ginagamit sa pahayag? A. kolokasyon C. pag-uulit B.pagbibigay kahulugan D. pag-iisa-isa 28. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak ___ ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. Anong tamang cohesive device ang dapat ipuno sa patlang? A. at C. ngunit B.subalit D. palibhasa 29. Nagtulong-tulong ang mga kabataan sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot. ____ ay namamahagi ng babasahin tungkol sa pag-iwas na masangkot dito. Anong reperensya ang angkop gamitin sa patlang? A. Kami C. Sila B. Sina D. Tayo Nagluto siya ng itlog, ginataang talong at kare-kare. Mahilig talagang magluto ang nanay ng mga lutong bahay. 30. Anong uri ng cohesive device ang tinutukoy ng panghalip sa pahayag? A. Anapora C. Pag-uulit B. Katapora D. Substitusyon 31. _____ ng kanyang mga pagkakamali, pinahahalagahan pa rin siya ng kanyang mga kaibigan. Anong salita/parirala ang angkop ipuno sa patlang? A. Hindi lamang C. Sapagkat B. Gayun paman D. Sa kabila 32. Ang pamilyang Dela Cruz ay matatalino. Si Kyla ay isang Dela Cruz. Samakatuwid, si Kyla ay matalino. Anong uri ng pangangatwiran ang pahayag? A. Silohismo C.Pabuod B. Pasaklaw D.Lohikal Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat ng oras dahil ito ay walang pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o wala, at bata man o matanda. 33. Paano pangalagaan ang ating kalusugan sa panahon ng pandemya? A. Pagkain sa tamang oras B. Pananatili sa loob ng tahanan C. Kumain ng masustansyang pagkain D. Kumain nang marami upang lumusog at masigla Para sa bilang 34-39 Ligtas ba ang pamilya kapag may malakas na lindol? Walang paraan para ma- predict ang paglindol, kaya kailangang siguraduhin na ang bahay ay matatag at ligtas para sa pamilya. Suriin: Malapit ba kayo sa fault line? O maaari bang mag-landslide o mahagip ng tsunami ang inyong lugar? Tiyakin na matibay ang pagkakagawa ng mga pader at poste ng bahay. Ikabit sa pader ang mga mabibigat na furniture at gamit na maaaring bumagsak kapag lumilindol. Alamin ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar sa inyong bahay. Ituro sa mga bata kung paano mag-Drop, Cover and Hold sa oras ng lindol. 34. Alin sa mga sumusunod pinakamahalagang gawin upang matiyak ang kaligtasan ng pamilya sa oras ng lindol? A. Magtago sa ilalim ng kama C. Gawin ang drop,cover & hold B.Tumakbo palabas ng bahay. D. Sumigaw ng tulong. 35. Bakit mahalagang malaman ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar sa bahay? A. Upang matukoy kung saan magtatago kapag may lindol. B. Upang malaman kung saan ilalagay ang mga gamit C.Upang malaman kung saan magluluto ng pagkain. D.Upang malaman kung saan maglalaba ng damit. 36. Alin ang tamang gawin kapag ikaw ay nag "Drop, Cover, and Hold” kung may lindol? A. Dumapa, sumuklob at kumapit sa matitibay na bagay B. Umupo, takpan ang ulo, at humawak sa pader. C. Lumabas ng bahay, takpan ang ilong, at humawak sa kamay ng iba. D. Umupo, takpan ang tenga, at humawak sa upuan. 37. Anong uri ng babasahin ang tekstong binasa? A. Argumentatibo C. Prosidyural B. Persuweysib D. Naratib 38. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop gawin pagkatapos ng lindol? A. Pumunta sa evacuation center B. Suriin ang bahay at mga miyembro ng pamilya. C. Maging alerto sa aftershock pumunta sa ligtas na lugar D. Kumustahin ang pamilya at pakinggan ang kanilang naramdaman 39. Bakit mahalagang magkaroon ng tayo emergency go-bag ? A.Upang may dala na pagkain at tubig B.Upang may dala na mga laruan kapag naglalakbay. C. Malagyan mahahalagang gamit sa panahon ng emergency D. Upang di malimutan ang mga kakailanganin sa pag-alis Para sa bilang 40-42 Inihayag ni Philippine Consul General in Los Angeles Adelio Angelito Cruz na umakyat na sa 24 ang nasawi sa mapaminsalang wildfires sa California. Hindi pa batid kung may kasamang Pinoy na nasawi dahil natupok ang ilang biktima kaya hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan. Ayon kay Cruz, halos 200 Pinoy na ang naitalang nawalan ng tirahan dahil sa wildfires at posibleng madagdagan pa umano ang bilang. Tiniyak niya na ligtas ang mga Pinoy na dinala sa evacuation centers sa lungsod. Inaalam din ng mga Philippine official sa LA kung naka-insured ang mga apektadong bahay ng mga Pinoy. Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr., na tukuyin ang mga Pinoy na nangangailangan ng tulong doon dahil sa epekto ng wildfires. 40. Alin sa sumusunod ang dahilan sa malawakang sunog sa California? A. Pagkalat ng wild fire C. Malaki na ang populasyon sa syudad B. Gawa sa kahoy ang mga D. Pinagtatawanan nila ang Panginoon kabahayan 41. Ilang mga Pilipino ang tinatayang naging biktima sa malawakang sunog ? A. dalawampu’t apat C. dalawandaan B. dalawampu D. dalawanlibo’t apat 42. Anong uri ng teksto and binasang akda? A. Impormatib C. Argumentatibo B. Deskriprib D. Naratib BISA Ang bisa ng isang pahayag ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag. Tatlong bisa ang taglay ng mga akdang pampanitikan. 1. Bisang pangkaisipan-nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may kabuluhan upang yumabong at yumaman ang ating isipan. 2. Bisang Pangkaasalan- nakatutulong sa paghubog ng pag-uugali. Ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng indibidwal at sap ag-angat sa kaniyang kalagayan. 3.Bisang Pandamdamin- ay naantig ng damdamin ng tauhan sa akda. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagpukaw sa ating pandama, alaala, at tuwirang pagpapahayag ng damdaming nais ihatid. 43.“Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng hindi maganda. Ang pagpapakumbaba at pag-unawa sa nagawang kamalian ay nagbubunga ng muling pagtanggap at pagkakaintindihan. Anong bisang pampanitikan nahahanay ang halimbawang teksto? A. Bisang pangkaisipan C. Bisang pandamdamin B. Bisang pangkaasalan D. Bisang pampanitikan 44. Kung ikaw ay nagbabasa ng isang teksto.Alin sa sumusunod na pahayag makikitaan ng bisang pandamdamin mula sa iyong binasa? A. Nakagawa si Jean ng sariling wakas sa binasang kwento. B. Natutunan ni Alex na magpakumbaba at magpatawad C. Naging mapanuri si Jack sa mga bagaybagay. D. Naiyak si Joy sa dinanas ng tauhan sa kwento. Para sa bilang 45-48 Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. Sumasabaysa tila gumagapang na mga sasakyan. Ang tagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa lamig ,ang pagbugsu-bugsong buhos sa malawak ngunitkarima-rimarim na paligid. Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito, hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon. Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillanes 45. Anong uri ng pagpapahayag ang binasang teksto? A. Pagsasalaysay C. Paglalahad B. Paglalarawan D. Pangangatwiran 46. Alin sa sumusunod ang bisang kaisipan ang idinulot ng teksto? A. Nakaririmarim at maingay na pook C. Masagana ang hangin sa paligid B. Maingay ang daloy ng trapiko D. Pook na magandang balikan 47. Alin sa sumusunod ang uri ng tayutay na ginamit sa pahayag na “ Angtagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa lamig? A. Apostrope C. Pagtutulad B. Pagmamalabis D. Pag-uyam 48. Ano ang ibig sabihin ng masangsang na nakasalungguhit sa teksto? A. Masarap langhapin C. Nakakasira ng sikmura B. Di kaaya-ayang amoy D. Amoy basura Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galing sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan. 49. Anong uri ng pagpapahayag ang halimbawang tekstong binasa? A. Paglalahad C. C. Pagsasalasay B. Paglalarawan D. Pangangatwiran 50. Anong ibig sabihin ng nagdadalawang-isip sa pahayag? A. Nag-aalinlangan C. Naguguluhan B. Nakatitiyak D. Di nalalaman ________________________________________________________________________________ Binabati Kita! Natapos mo ang Pasulit! _________________________________________________________________________________

Use Quizgecko on...
Browser
Browser