Mga Hakbang sa Paglaban sa Karahasan sa Kababaihan, LGBT at Lalaki (PDF)
Document Details
Uploaded by CaptivatingStonehenge5693
St. John's Wort Montessori School
Tags
Related
- Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, Panimulang Edukasyon PDF
- Mga Tip sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay PDF
- Karapatan ng mga Kababaihan - PDF
- Tugon ng Pamahalaan Tungkol sa Karahasan at Diskriminasyon PDF
- Araling Panlipunan Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon LGBTQ+ PDF
- Mga Karapatan ng Kababaihan sa Pilipinas, Tagalog PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at ang Magna Carta of Women. Pinag-aaralan nito ang mga karapatan ng kababaihan at ang mga hakbang na maaaring gawin upang labanan ang karahasan laban sa kanila, gayundin ang mga LGBT at lalaki. Mayroon ding impormasyon tungkol sa mga prinsipyo ng Yogyakarta.
Full Transcript
Anti-Violence Against Women and Their Children Act Of 2004 Ano ang Anti-Violence Against Women And their children(VAWC)? Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay...
Anti-Violence Against Women and Their Children Act Of 2004 Ano ang Anti-Violence Against Women And their children(VAWC)? Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sinu-sino ang pwedeng mabigyang proteksyon? Inililinaw na ang "kababaihan" ay kinikilala maging sa mga kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Samantalang ang "mga anak" ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi, at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili. Sinu-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang aabuso at pananakit at maaaring kasuhan ng batas na ito? Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng batas ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng "sexual or dating relationship" sa babae. Magna Carta of Women Ano ang Magna Carta of Women? Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women, isinabatas noong Agosto 14, 2009, ay naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan. Ito'y isang komprehensibong batas ng karapatang pantao na naglalayong tanggalin ang diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala, pagbibigay proteksyon, katuparan, at pagsulong ng mga karapatan ng mga kababaihang Pilipino, lalo na ang mga kabilang sa mga marginalized na sektor ng lipunan. Ano ang mga karapatan na binibigay ng batas na ito? Karapatan ng kababaihan 1. Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas. 2. Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado. 3. Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna. Karapatan ng kababaihan 4. Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t ibang uri ng pagsasanay. Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong institusyon ng edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa naikakasal. 5. Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports) 6. Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno, hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa. Karapatan ng kababaihan 7. Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng media. 8. Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may bayad sa mga babae na sumailalim sa isang medikal na operasyon, pagbubuntis o gynecological na mga sakit. Karapatan ng kababaihan 9. Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga bagay at usapin kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping pampamilya. 10.Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng politika at pamumuno at itulak ang ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan. Sino ang saklaw ng Magna Carta of Women? Sino-sino ang saklaw ng Magna Carta of Women? Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Higit napagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba't ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances. Responsibilidad ng Pamahalaan Ang Pamahalaang Pilipinas ay may pangunahing tungkulin sa pagpapatupad ng nasabing batas. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno, kabilang ang mga pamahalaang lokal. Ang mga pagmamay-ari at kontroladong korporasyon ng gobyerno ay dapat managot na ipatupad ang mga probisyon ng Magna Carta of Women sa ilalim sa kanilang mandato, partikular ang paggarantiya ng mga karapatan ng kababaihan na nangangailangan ng tiyak na akson mula sa Estado Ano ang ibig sabihin ng VAWC? Ano ang Magna Carta of women? Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang labanan ang karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak? Magbigay ng isa sa mga karapatan ng kababaihan “TUGON NG PANGDAIGDIGANG SAMAHAN SA MGA ISYU SA KARAHASAN AT DISKRIMINASYON” DISKRIMINASYON Diskriminasyon ay ang pagpapabaya o pagtrato ng hindi patas sa isang tao o grupo batay sa kanilang kasarian, edad, lahi, relihiyon, o iba pang mga katangian. Sa konteksto ng gender, diskriminasyon ay maaaring nararanasan ng iba't ibang mga kasarian, kabilang ang mga kababaihan, kabataan, transgender, at iba pa. Ito ay maaaring mangyari sa maraming paraan, kabilang ang pagbabawal sa trabaho, pagpigil sa oportunidad, o pangmamaliit na pananalita. Bagamat hindi lahat ay mararanasan ang parehong uri ng diskriminasyon, marami ang nakararanas ng hindi patas na trato dahil sa kanilang kasarian. GINAWANG TUGON NG UNITED NATION SA ISYUNG DISKRIMINASYON AT KARAHASAN SA KASARIAN UN FREE AND EQUAL Noong Hulyo 2013, inilunsad ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) ang "UN Free & Equal" isang pandaigdigang kampanya upang ihayag ang nais nilang pagkapantay-pantay ng mga tao, lalo na ng mga taong bahagi ng LGBTQ. UN FREE AND EQUAL Ang layunin nito ay ang maunawaan ang mga problema sa karapatang-tao ng mga LGBTI sa buong mundo. Ito ay naglalayong na ang mga tao ay gumawa ng aksyon sa pamamagitan ng factsheet, infographics, mga video at iba pang mga multimedia, at ibahagi ito sa media o cyber space. Ang mga video ng kampanya ng UN Free & Equal ay nakikita ng higit sa 14 milyong tao sa 2019 pa lamang. “LGBT rights are Human Rights” Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki-moon upang hikayatin ang mga miyembro ng Nagkakaisang Bansa na mawakasan ang mga pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga LGBT. Naniniwala ka ba na "ang mga karapatang LGBT ay mga Karapatang Pantao rin”? YOGYAKARTA PRINCIPLE