Araling Panlipunan Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon LGBTQ+ PDF

Summary

This document is a module on Araling Panlipunan (Social Studies), specifically covering responses of the Filipino government to issues of violence and discrimination, especially against the LGBTQ+ community. It includes questions pertaining to the topic.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon LGBTQ+ Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Modyul Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu 6 ng Kara...

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 6: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon LGBTQ+ Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Modyul Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu 6 ng Karahasan at Diskriminasyon Ika-anim na Linggo Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Pamantayang Pangkasanayan: Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan. Kakayahan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Paksa: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon Subukin Isa na namang makabuluhang linggo sa inyo mga butihin kong estudyante. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at handa na namang matuto. Pero bago natin umpisahan ang paglalakbay sa aralin ay subuking sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Paalala: huwag munang buksan ang mga bahagi ng modyul. Mangyari maging tapat sa sarili at pahalagahan ang pag-aaral. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang panukalang tumatalakay sa SOGIE? A. Senate Bill 519 C. House Bill 215 B. House Bill 258 D. Senate Bill 115 2. Anong ordinansa ang umiiral sa Quezon City nang arestuhin ang isang transwoman sa isang mall ng siyudad? A. Anti-Mendicancy Ordinance C. Anti-Discrimination Ordinance B. Anti-Indecency Ordinance D. Anti-Smoking Ordinance 3. Sino sa mga sumusunod ang tinutukoy bilang marginalized women? A. biktima ng pang-aabuso C. biktima ng illegal recruitment B. maralitang tagalungsod D. mga babaeng nakakulong 2 4. Sila ang mga kababaihan na nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan sa buhay A. marginalized women C. marginalized men B. indigenous people D. women in especially difficult circumstances 5. Ang panukalang batas na magbibigay proteksiyon laban sa diskriminasyon at karahasan sa mga lesbian, gay. bisexual at transgender. A. Bill of Rights B. Magna Carta of Women C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women D. Sexual Orientation Gender Identity and Expression Bill 6. Isinabatas ang Magna Carta of Women upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay- pantay ng mga babae at lalaki. Kailan ito isinabatas? A. Hulyo 8, 2003 C. Hulyo 8, 2008 B. Hulyo 8, 2006 D. Hulyo 8, 2010 7. Ito ang kauna-unahan internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at political na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya A. Bill of Rights B. Magna Carta of Women C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women D. Sexual Orientation Gender Identity and Expression Bill 8. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mga state parties ng CEDAW maliban sa A. Igalang ang karapatan ng kababaihan B. Itaguyod ang karapatan ng kababaihan C. Ipagtanggol ang karapatan ng kababaihan D. Ipapagpapaliban ang karapatan ng kababaihan 9. Sino sa mga sumusunod ang saklaw ng Magna Carta? A. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan B. mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan C. marginalized women at women in especially difficult circumstances D. lahat ng nabanggit 10. Ito ay nagsasaad ng mga batas na nagbibigay lunas o proteksyon sa mga kababaihan at kabataan mula sa karahasan. A. Anti-Violence Against Women and their Children Act B. Anti-Violence Against Men and their Spouse Act C. Anti-Violence Against Lesbian, Gay. Bisexual and Transgender Act D. Social Orientation and Gender Identity Bill 11. Si Gretchen Custodio Diez ay isang transwoman na inaresto sa Quezon City, alin sa mga sumusunod ang dahilan ng kanyang pagkaaresto? A. paggamit ng pinagbabawal na gamut B. pakikipaghalikan sa pampublikong parke C. paggamit sa comfort room ng mga babae D. padadala ng mga malalaswang larawan ng kalalakihan 3 12. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at kanilang mga anak. Sino sa mga sumusunod ang tinutukoy na babae sa batas na ito? A. kasalukuyan o dating asawang babae B. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki C. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon D. lahat ng nabanggit 13. Ang mga sumusunod ay nilalayon ng CEDAW maliban sa A. Ipinagbabawal ang mga patakarang umaagrbyado sa kababaihan B. Nilalayon nitong itaguyod ang hindi pagkakapantay-pantay sa kababaihan C. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan. D. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang mga layunin nito. 14. Layunin ng Magna Carta na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, paano ito maipatutupad? A. Sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. B. Sa pamamagitan ng pagtatarabaho sa mga gawaing pinangungunahan ng mga kalalakihan C. Sa pamamagitan ng pakikipagkompetensiya sa mga kalalakihan gamit ang kasanayan. D. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban para matapos ang diskriminasyon. 15. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Alin sa mga sumusunod ang patunay nito? A. Ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng babae tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. B. Gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan. C. Dapat basagin ang stereotype at tanggalin ang istrukturang panlipunan tulad ng kustombre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki. D. Lahat ng nabanggit 4 Aralin 1: Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon Alamin Malugod na pagbati mga mahal kong mag-aaral, isa na namang makabuluhang paglalakbay ang ating sisimulan sa linggong ito. Sa pagkakataong ito isa na namang makabuluhang paksa ang pag- uusapan natin at ito ay patungkol sa tugon ng pamahalaan at mamamayan ukol sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: 1. natatalakay ang mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng kababaihan at ng kanilang mga anak; 2. natutukoy ang iba’t ibang tugon ng pamahalaan laban sa karahasan sa kababaihan at LGBTQ+; at 3. napahahalagahan ang maidudulot nito sa kapakanan ng kababaihan at LGBTQ+. Panimulang Gawain PANUTO: Tingnan ang mga salitang nakasulat sa mga larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel. Additional pics for LBTQ+ (done) Pamprosesong Tanong 1. Anong mga salita na makikita sa mga larawan? 2. Ano ang nais iparating ng mga larawan na ito? 5 Tuklasin at Suriin Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon May mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan tulad ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta of Women. Anti-Violence Against Women and Their Children Act Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ba ang pwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito? Ang mga mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang mga kababaihan at kanilang mga anak. Mula sa batas na ito may mga pagtukoy ukol sa mga kababaihan, narito ang mga sumusunod: Ang kababaihan sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Mula sa pagpapaliwanag na iyan, lubhang malawak ang pagbibigay ng halaga para sa kababaihan. Anti-Violence Against Women and Their Children Act Ang mga anak naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong taong gulang, lehitimo man o hindi, at mga anak na may labing walong taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng sexual o dating relationship sa babae. Ibig sabihin malawak ang saklaw ng batas na ito sa mga lalaking lumalabag at gumagamit ng karahasan sa mga kababaihan. http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinaykomiks.pdf 6 Magna Carta of Women Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Itinalaga ng Magna Carta of Women ang pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad ng komprehensibong batas. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng babae tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan. Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin ang istrukturang panlipunan tulad ng kustombre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan (ethnicity) ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, marginalized women at women in especially difficult circumstances.  marginalized women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante at kababaihang Moro at katutubo.  women in especially difficult circumstances ay mga babaeng nasa panganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at babaeng nakakulong. Learners Module- Araling Panlipunan 10 7 Ano ang CEDAW? Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang inilallarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna- unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at political na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyember 18, 1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang PIlipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Ang CEDAW ay ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006 pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan? 1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatas nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan. 2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanmay hindi nito maaaring bawiin. 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang mga layunin nito. 4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo 5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae. Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW? Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae at may tungkulin ang estado na solusyonan ito. May tungkulin ang state parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Ang state parties ay inaasahang: 1. Ipawalang bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina; 2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at Sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan; 3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon at 4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan. Sanggunian: CEDAW Primer (UNIFEM CEDAW, 2006) 8 Artikulo ukol sa SOGIE Bill MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga panukalang magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual orientation" at "gender identity or expression" (SOGIE bill) — panukalang batas na naglalayong proprotekta sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp. Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang transwoman na nakilala bilang si Gretchen Custodio Diez sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti- discrimination ordinance na umiiral sa lungsod. Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:  Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado  House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE? Isyu ng 'sexual orientation' Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaunting pagkakaiba. Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao. Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito sa tatlo:  Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex  Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex  Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:  Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit kaninuman Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga "male," "female" o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao. Ayon sa Senate Bill No. 159, ang gender expression ay: "Outward manifestations of the cultural traits that enable a person to identify as male or female according to patterns that, at a particular moment in history, a given society defines as gender appropriate." Ito naman ang gender expression ayon sa House Bill No. 258: The way a person communicates gender identity to others through behavior, clothing, hairstyles, communication or speech pattern, or body characteristics." Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions. Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex," kinikilalang transgender ang isang tao. Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan. Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki rin ang gusto. Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. 9 Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae habang babae rin ang gusto. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging kung sino sila. Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae. Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki. Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit. philstar.com/Pilipino.star.ngayon/bansa/2019/08/14/1943370/sogie.ipinaliwanag Isagawa/Pagyamanin Matapos mong nabasa ang mga teksto na nakapaloob sa aralin, isagawa at pagyamanin ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. PAGLALARAWAN MO…SASAGUTIN KO: Gamitin ang mga paglalarawan na nasa loob ng kahon upang maibigay ang mga konsepto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel Ito ay isang panukalang batas na naglalayong alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon at itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng uring kasarian. Isang batas na naglalayong mabigyang lunas at proteksyon ang mga kababaihan at ang kanilang mga anak laban sa karahasan at naging biktima ng karahasan. Ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at political gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya Isang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon laban sa diskriminasyon sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at iba pa. Pamprosesong Tanong: 1. Anong mga batas ang inilalarawan ng bawat kahon? 10 2. Ano ang pagkakaiba ng mga batas na ito? 3. Ano naman kaya ang pagkakapareho ng mga batas na ito? Isaisip Tungkulin ng pamahalaan na mapangalagaan ang kapakanan ng lahat ng mamamayan anuman ang katayuan sa lipunan at kasarian nito. Sa paglipas ng panahon maraming mga batas ang nagawa at naipasa halimbawa nito ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act at Magna Carta of Women para mas mapalawig ang pangangalaga sa kapakanan ng kababaihan. May mga panukalang solusyon para makamtan ang gender equality sa bansa. Sa kasalukuyan, may mga panukalang batas para sa kapakanan ng mga mamamayan na kasapi ng LGBTQ+ halimbawa nito ang SOGIE Bill. Pamprosesong Tanong: 1. Nagampanan ba ng pamahalaan ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan partikular sa mga kababaihan? Ipaliwanag. 2. Naging pantay ba ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at batas para sa kapakanan ng mga kababaihan at LGBTQ+? Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. Maging tapat sa sarili. 1. Ang pangalan ng transgender na inaresto sa loob ng isang mall sa Quezon City dahil sa paggamit ng banyo ng mga __________________. A. Babae B. Lalaki C. LGBT D. Tomboy 2. Ang House Bill 258 ay mas kilala bilang… A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill B. CEDAW D. SOGIE Bill 3. Nilalayon ng SOGIE Bill na maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipinong LGBT. Ano ang ibig sabihin ng SOGIE… A. “sexual organization for gender initiative and educ.” B. “sexual orientation" at "gender identity or expression” C. “selective orientation” at “general information or evolution” D. “standard operations and general instructions for education” 4. Ang sumusunod ang mga konsepto ng sexual orientation na napapaloob sa House Bill 258 at Senate Bill 159 maliban sa: A. Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex B. Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex C. Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex D. Pansexual orientation – pagka-akit sa lahat 5. Siya ang may panukala ng SOGIE Bill sa senado… A. Sen. Franklin Drilon C. Sen. Risa Honiveros B. Sen. Gwendolyn Garcia D. Sen. Ralph Recto 11 6. Ang kahulugan ng kababaihan sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay tumutukoy sa sumusunod maliban sa: A. kasalukuyan o dating asawang babae B. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon C. babaeng single na nagkaroon ng mapang-abusong karelasyon D. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki 7. Ang CEDAW ay kilala rin bilang __________________. A. The Women's Constitution B. International Bill for Religious Women C. The Woman’s Anti-Violence and Education Act. D. United Nations Treaty for the Rights of Women 8. Ang batas na ito ay ipinasa upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na sa __________________. A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill B. CEDAW D. SOGIE Bill 9. Ang pag-gawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan ay bahagi sa pagpapatupad ng aling kasunduan / batas? A. Bill of Rights C. Magna Carta of Women Bill B. CEDAW D. SOGIE Bill 10. Ang sumusunod ay layunin ng CEDAW maliban sa? A. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanmay hindi nito maaaring bawiin. B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan. C. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang umaagrabyado sa kalalakihan at LGBTQ+, anumang mga layunin nito. D. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo 11. Ano ang pagkakaiba ng marginalized women at women in especially difficult circumstances? A. Ang marginalized women ay kababaihang nang-aabuso sa kapwa babae at ang women in especially difficult circumstances ay mga babaeng biktima ng LGBTQ+ B. Ang marginalized women ay kababaihang naging biktima ng kahirapan at ang women in especially difficult circumstances ay mga babaeng biktima ng karahasan C. Ang marginalized women ay kababaihang naging biktima ng karahasan at ang women in especially difficult circumstances ay mga babaeng biktima ng kahirapan sa buhay. D. Ang marginalized women ay kababaihang inaabuso ang kanilang mga anak at ang women in especially difficult circumstances ay mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga anak. 12. Ayon sa mga panukalang batas HB 258 at SB 159 naiiba ang gender identity sa gender expression? Ang gender identity ay tumutukoy sa gonads at chromosome patterns ng isang tao isang halimbawa nito ay: A. Si Juliana na nagpalagay ng suso B. Si Juliana na naggupit at damit lalaki C. Si Juliana na isinilang na may aring panalaki D. Si Juliana na nagpapalit ng ari sa ibang bansa 12 13. Paano inilarawan ng House Bill 258 ang gender expression: A. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang tao ang kaniyang pagkakakilanlang pangkasarian o gender identity tulad ng ayos ng buhok, pananamit, mga gawi, pananalita at iba pa B. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang tao ang kaniyang oryentasyong seksuwal o sexual orientation at kung sino ang nais niyang makasama panghabangbuhay C. Ayon dito ang gender expression ay kung paano ipinapahayag ng isang tao ang kaniyang sarili kabiliang dito ang pagiging magaling mag- English, maging trendy at fashionable sa pananamit at pagiging sikat. D. Ayon dito ang gender expression ay ang kabuuang pagpapakita na siya ay hindi naaayon sa kaniyang gender tulad ng pagko-cross dress, pagsuot ng make-up at iba. 14. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng gender expression? A. Si Juan ay isinilang bilang isang lalaki, ngunit mas ginugusto niyang kumain ng tsitsirya habang nanunuod ng tv. B. Si Marites ay isang bisexual, lagi niyang kinakasama ang kanyang pinakamamahal sa buhay na si Marisol. C. Si Marife ay isang babae, matapos ang isang cosplay kung saan nagdamit siya bilang si Gusion (isang lalaking karakter sa mobile legends) nadiskubre niyang di pala bagay sa kanya. D. Si Francis isang lalaki, araw-araw na nagbabasketbol, malinis ang gupit ng buhok, lalaking lalaki kung magsalita at mahal na mahal ang kanyang nobya. 15. Alin sa sumsusunod ang nagpapakita ng pagkakakapantay-pantay sa babae, lalaki at LGBTQ+? A. Si Mario at Maria ay natanggap bilang construction workers sa isang ipinapatayong gusali. B. Si Ben at Aimee na laging kumakain sa isang kainan sa mall kahit hindi pa bakunado si Aimee. C. Si Pamela na 35 years old, na pinagbabawalang maghanap ng nobyo o mag-asawa ng mga magulang dahil bata pa raw ito. D. Si Juan at Julio na pinipilit buwagin at tapusin kanilang relasyon ng kanilang mga magulang dahil ayaw nil ana maging bakla ang anak. 13 Karagdagang Gawain Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nais iparating na mensahe ng tula? 2. Makatwiran ba ang paghingi ng pantay na karapatan ng kababaihan at LGBTQ+? Bigyan ng paliwanag. 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita na pantay ang iyong pagtingin sa lahat ng tao? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian sa pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan? 14 Susi sa Pagwawasto Expression) 4. SOGIE BILL (Sexual Orientation Gender Identity and OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN (CEDAW) 3. CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS CHILDREN ACT 2. ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR 1. MAGNA CARTA OF WOMEN ISAGAWA AT PAGYAMANIN: Sanggunian Mga Aklat:  Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Rex Printing Company Inc.  Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng Edukasyon. Mga larawan:  www.google.com  https://d3525k1ryd2155.cloudfront.net/h/651/510/843510651.0.l.jpg  https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSNzmQ- Qq0WgHsl1yuNH6O3tBgWNfoEm18cvQ&usqp=CAU 15

Use Quizgecko on...
Browser
Browser