Mga Karapatan ng Kababaihan sa Pilipinas, Tagalog PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Karapatan ng mga Kababaihan - PDF
- 1987 Konstitusyon ng Pilipinas PDF
- Mga Hakbang sa Paglaban sa Karahasan sa Kababaihan, LGBT at Lalaki (PDF)
- YOGYAKARTA PRINCIPLES: Mga Karapatan ng LGBT
- Tugon ng Pamahalaan Tungkol sa Karahasan at Diskriminasyon PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay mayroong mga impormasyon tungkol sa CEDAW (Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination against Women), mga batas ng Pilipinas, at ang mga samahang sumusuporta sa LGBTQIA+ community sa Pilipinas. Ang mga impormasyon ay tumatalakay sa mga karapatang pantao at kapakanan ng kababaihan at LGBTQIA+.
Full Transcript
***Ang CEDAW*** Ang *CEDAW* ay ang *Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women*. Karaniwang inilalarawan bilang *International Bill for Women*, kilala rin ito bilang *The Women's Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women*. Ito ang kauna-unahan at...
***Ang CEDAW*** Ang *CEDAW* ay ang *Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women*. Karaniwang inilalarawan bilang *International Bill for Women*, kilala rin ito bilang *The Women's Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women*. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng mga babae hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng *United Nations General Assembly* ang CEDAW noong Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng *UN Decade for Women*. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng *Convention of the Rights of the Child,* ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito. ***Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?*** 1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng mga babae. 2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may responsibilidad ang estado sa mga babae na kailanma'y hindi nito maaaring bawiin. 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa mga babae, anumang layunin ng mga ito. 4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng mga babae hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo. 5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre (*custom*) at mga gawain nagdidiskrimina sa babae. ***Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?*** Bilang *State Party* sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at 'di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng mga babae. Ang ***State Parties*** ay inaasahang: 1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina; 2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan; 3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at 4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan. Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga babae, ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na magbibigay ng benepisyo sa mga babae sa kanilang mga trabaho. ***Ang Paternity Leave*** Ang *Paternity Leave* o *Republic Act 8187* ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa *Paternity Leave* ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki. Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at regulasyon na ipinakilala rito ay may kaukulang parusa o multa na hindi lalampas sa dalawampu\'t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpu (30) araw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan. Ang isang lalaki ay maaaring mag file ng *Paternity Leave* bago, habang at pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang niyang kumpletuhin ang mga impormasyong hinihingi *sa Paternity Notification Form* buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng *marriage contract.* Sa bahaging ito naman ng aralin, iyong mababasa ang mga samahan na nagtataguyod ng mga karapatang pantao at kapakanan ng LGBTQIA+ community sa Pilipinas. ***Mga Samahan ng LGBTQIA+ Community*** Patuloy na nakararanas ang mga LGBTQIA+ ng karahasan at diskriminasyon. Hanggang ngayon, isa pa ring usapin ang kanilang mga karapatan. Sa Pilipinas, malaki ang naitutulong ng mga organisasyon o samahang ito na ang layunin ay magbigay ng proteksiyon at mapaunlad pa ang kakayahan ng LGBTQIA+. Ilan sa mga samahang nabuo ng komunidad ng **LGBTQIA+** ay ang sumusunod: 1. **UP Babaylan** -- itinatag noong 1992, ito ang pinakamalaking samahang LGBTQIA+ ng mga estudyante. Ito ay isang samahan na naniniwalang ang lahat ng tao ay dapat na may pantay na karapatan anuman ang lahi, nasyonalidad, relihiyon, kasarian, o oryentasyong seksuwal. Ang organisasyon ay naglalayon na maging daan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral na LGBTQIA+. Sa puntong ito, ang samahan ay nagsisikap na lumikha ng mga ugnayan sa pagitan ng mga unibersidad sa bansa at iba pang mga organisasyon at institusyon na nagbabahagi ng mga prinsipyo at layunin nito. 2. **Progressive Organization of Gays in the Philippines** (*PRO Gay Philippines*) -- itinatag noong 1993, isinusulong ang ukol sa mga isyung pampulitika tulad ng pantay na karapatan anuman ang oryentasyong seksuwal at alisin ang diskrimasyon sa mga lugar ng trabaho at kasal sa parehong kasarian. 3. **Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network --Philippines,** (*LAGABLAB*) -- itinatag noong 1999, pangunahing layunin nito na isulong at proteksiyonan ang karapatang pantao at kalayaan ng mga LGBTQIA+. Patuloy din silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang malabanan ang diskriminasyon batay sa oryentasyong seksuwal. Nagsasagawa rin sila ng mga pagsasaliksik ng mga pang-aabusong nararanasan ng LGBTQIA+. 4. **Transsexual Women of the Philippines** (*STRAP*) -- isang organisasyong itinatag noong 2002 upang labanan ang stigma at diskriminasyon batay sa pagkakakilanlang pangkasarian at oryentasyong seksuwal. Ang samahang ito ay nagtuturo at nagbibigay ng mas epektibong pananaw ukol sa kanilang karapatang pantao at pagkakapantay-pantay. Ang isa sa mga pangunahing gawain nito ay mapataas ang kamalayan ng mga LGBTQIA+ sa kampanya laban sa karahasan at diskriminasyon. 5. **LADLAD Party List** -- ang una at tanging *political party* para sa mga lesbian, bakla, bisexual at transgender (*LGBTQIA+*) na mga Pilipino. Ang mga miyembro nito ay mga indibiduwal, samahan ng LGBTQIA+ at mga *heterosexual* na tagasuporta. Ang misyon ng samahan ay proteksyonan at itaguyod ang karapatang pantao at pag-access sa hustisya ng mga LGBTQIA+. Upang mapataas ang kamalayan tungkol sa mga isyu ng LGBTQIA+, matugunan ang mga isyu sa kalusugan, masimulan ang pang-ekonomiya at panlipunang suporta sa mga proyekto para sa mga LGBTQIA+.