Filipino 10 Quarter 2 Reviewer PDF

Summary

This document contains a comprehensive overview of Filipino 10 Quarter 2 material. It touches upon speeches, writing, grammar, and rhetoric related to the Filipino language. The material includes discussions on speeches and characteristics of speeches, as well as various aspects of Filipino grammar.

Full Transcript

FILIPINO 10 Quarter 2 Aralin 2.1: Panitikan: Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) Talumpati mula sa Brazil na isinalin ni Sheila C. Molina Naglalahad (Uri ng Teksto) Sino si Dilma Rousseff? Noong Enero 1, 2011, nanumpa a...

FILIPINO 10 Quarter 2 Aralin 2.1: Panitikan: Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil) Talumpati mula sa Brazil na isinalin ni Sheila C. Molina Naglalahad (Uri ng Teksto) Sino si Dilma Rousseff? Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff. Isinilang - Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil. Ama ay Bulgarian at ang ina ay Brazilian. Nakasama niya si Carlos Araujo na siya niyang naging pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang siya’y tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010. Ang Talumpati sanaysay na binibigkas kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko ang mga kaisipan ay maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan may paksang pinagtutuunan ng pansin din ang tagapakinig/bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa maaaring isaulo ng bumibigkas ang nilalaman ng talumpati maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay extemporaneous Ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ay ang pagpili ng paksa nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Paksa ng Isang Talumpati 1) Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na pitong layunin: - magturo - pumuri - magpabatid - pumuna - manghikayat - bumatikos - manlibang 2) Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay? May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan. Editoryal isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari layunin ang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa Lathalain isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat hindi kathang-isip lamang nagtataglay ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw pangunahing layunin na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo Ang tatlong uri na nabanggit (talumpati, editoryal, at lathalain) ay naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng mga tagapakinig. Panaguri at Paksa - panlahat na bahagi ng pangungusap - maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi kung saan napalalawak ang pangungusap gamit ito nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri A. Panaguri – pahayag tungkol sa paksa 1) Ingklitik – mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil? Ibinaba ang poverty income threshold. Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilya na may limang miyembro. 2) Komplemento/Kaganapan – pariralang pangngalan na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap) Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap) Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (layon) Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan) Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat. (kagamitan) Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (sanhi) Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo. (direksyunal) 3) Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pangabay Batayang Pangungusap : Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat. B. Paksa – ang pinag-uusapan sa pangungusap 1) Atribusyon o Modipikasyon – may paglalarawan sa paksa ng pangungusap Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon. Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo. 2) Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ay nagpapahayag ng lugar Inaayos ang plasa sa Brazil. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati. 3) Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko. Aralin 2.2: Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang, Anonymous Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean Nagsasalaysay (Uri ng Teksto) Pinagmulan ng mga Isla ng Caribbean - for 100 years, ang Caribbean Islands ay pinaninirahan ng tatlong katutubong tribo- ang Arawaks, ang Ciboney at ang Caribs (tribo na nagbigay ng pangalan sa isla) - sa pagdating ni Christopher Columbus, unang European na nakarating sa isla, ay nagkaroon ng dramatikong pagbabago sa kasaysayan ng Caribbean - Spain ang orihinal na umangkin sa isla - hindi ito ikinasiya ng mga nakatira roon maging ng mga bansa sa Europa na nag- aagawan sa isla - nalipol ang karamihan ng natives ng isla, kasama ang kanilang pamumuhay kung kaya’t pabago-bago ang kultura ng isla - karamihan ng mga labanan ay natigil dahil ang mga bansa sa Europa ay humubog ng sarili nilang kultura sa mga sarili nilang teritoryo Dagli - sa Ingles sketches - dito nagmula ang maikling kuwento - ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante (2007), ito ay mga sitwasyong may 1) mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad 2) gahol (kulang) sa banghay 3) mga paglalarawan lamang - isang salaysay na lantaran at walang-timping nangangaral, namumuna, nanunudyo, o kaya’y nagpapasaring - napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ngunit naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction (1990) - nauusong estilo ng maikling kuwento - ito’y mga kuwentong pawang sitwasyon lamang (plotless) - si Eros Atalia ay naglathala ng kaniyang aklat na “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)”, 2011 - ayon kay Atalia, walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli - dito, nagtitiwala ang sumulat sa kakayahan ng mambabasa na umunawa at makahanap ng kahulugan Mga mungkahing paraan ni Atalia sa pagsusulat ng dagli: 1) magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin, o tagpo 2) magsimula lagi sa aksyon 3) sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo 4) magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento 5) gawing double blade ang pamagat (may dalawang kahulugan) Pagsasanib ng Gramatika at Retorika 1) nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin ng tao upang malinaw na mailarawan ang nadarama ng tao Halimbawa: - galit na galit - galit - nakakalungkot 2) salitang nagsasalaysay ng mga pangyayari mga palatandaan na ang nagsasalita ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring batay sa karanasan, nasaksihan o napanood Halimbawa: - hindi umano - apat na taon pa - ngayon pong araw - noong bata pa lang na ito ako - kuwento ni Jojie - kagabi po - nasaksihan - noon - pagkatapos po - nakita ko - sumunod - kung minsan po Aralin 2.3: Panitikan: Ang Matanda at Ang Dagat, mula sa nobelang “The Old Man and The Sea” ni Ernest Hemingway Nobela mula sa United States of America Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago Naglalahad (Uri ng Teksto) Nobela - itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan - binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito. Ito ay may mga katangiang dapat taglayin: a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan b.) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon e.) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad f.) nag-iiwan ng kakintalan (impression) Elemento ng Nobela a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan b. Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda (una - kapag kasali ang mayakda, pangalawa - ang may-akda ang nakikipag-usap, pangatlo - batay sa nakikita ng may-akda) e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela f. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari g. Pamamaraan - estilo ng manunulat h. Pananalita - diyalogong ginamit i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari Ang Matanda at Ang Dagat - isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba (1951) at inilabas taong 1952 - nanalo ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Nobel Prize (1954) - ang kahuli-hulihang nobela na nailimbag ni Hemingway Tema ng Nobela - litaw na litaw ang teoryang Realismo - matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan - nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan - naniniwala ang may-akda sa teoryang ito na hindi dapat pigiliin ang katotohanan - mas higit na binibigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay Simbolismo: 1) dagat – lipunan/buhay 2) Santiago – tayo/mga tao 3) Marlin – mga oportunidad sa buhay 4) Pating – mga suliranin sa buhay Talasalitaan: nagapi – natalo bingwit – kawil o panghuli ng isda lulon-lulon – dala-dala pakikibaka – pakikipaglaban napagtanto – napag-isip salapang – harpoon, matalim na bagay na may lubid prowa – harap ng bangka dentuso – pating, Mako sharks popa – likod ng bangka sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga naranasan o nabasa, karaniwang humahantong sa pagsangayon o pagtutol maaari ring maipahayag ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol sa tulong ng mga pang-ugnay 1) Totoo / Tinatanggap ko / Tama ka / Talaga / Tunay (nga) / pero / subalit / ngunit / datapwat / bagkus Halimbawa: Talagang mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula. 2) Tama ka / Totoo ang sinasabi mo, pero / ngunit / subalit Halimbawa: Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena, ngunit nagpakita pa rin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang katutubo si Angel Aquino. 3) Sadyang / Totoong / Talagang, pero / ngunit Halimbawa: Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa. Aralin 2.4: Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante, ni Snorri Sturluson Mitolohiya mula sa Iceland Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Nagsasalaysay (Uri ng Teksto) nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa, kabilang ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa tinatawag na mitolohiyang Norse o mitolohiyang Eskandinaba ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa (nagsasalita ng Germanic languages) - Svandinavia, Sweden, Norway, Denmark, at Iceland Ang mga Diyos ng Norse - kilala sa tawag na Aesir - ang mga diyos ng digmaan at ng kalangitan - kawangis (kamukha) ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante - bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng Greek Gods - naninirahan sa Asgard Asgard - walang ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan, tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan Alam ng mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak ng kanilang mga kalaban, kasama ang Asgard. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan sa Jotunheim. 1) Odin – bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao, ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng pagwawakas 2) Frigga – asawa ni Odin, isang makapangyarihang diyosa na kayang makita ang hinaharap Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga. 1) Balder pinakamamahal sa lahat ng mga diyos ang kaniyang kamatayan ang tinuturing na pinakalamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir 2) Thor diyos ng kulog at kidlat ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir sa kaniya hinango ang araw ng Huwebes (Thursday) madalas niyang dala ang malaking martilyo na Mjolnir 3) Freyr – tagapangalaga ng mga prutas sa mundo 4) Heimdall – tanod ng Bilfrost (bahagharing tulay patungo sa Asgard) 5) Try diyos ng digmaan sa kaniyang hinago ang araw ng Martes (Tuesday) Mitolohiya - isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral - hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento - natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao - sa pamamagitan nito, nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan Mga Elemento ng Mitolohiya 1) Tauhan – mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan 2) Tagpuan – may kaugnayan ito sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon 3) Banghay – maaaring tumatalakay sa sumusunod: a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian b. tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig 4) Tema – maaaring nakatuon sa sumusunod: a. magpaliwanag sa natural na pangyayari b. pinagmulan ng buhay sa daigdig c. pag-uugali ng tao d. mga paniniwalang panrelihiyon e. katangian at kahinaan ng tauhan f. mga aral sa buhay Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante - isinulat ni Snorri Sturluson Mga Tauhan: o Thor – diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir o Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan o Skymir – naninirahan sa kakahuyan o Utgaro-Loki – hari ng mga higante o Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki o Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka Pokus tagaganap – nandito ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos nito Halimbawa: Umibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak. Iba pang halimbawa: 1) Nagbihis si Thor at kinuha ang kaniyang maso. 2) Naglakbay sila buong araw. 3) Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad. Pokus sa Layon – nandito ang pokus kung ang pinag-uusapan ang siyang layon ng pangungusap Halimbawa: Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson. Iba pang halimbawa: 1) Isinakay ni Thor sa kaniyang karuwahe ang kaniyang kambing. 2) Iniutos ni Thor sa magsasaka na ihiwalay ang buto sa balat ng kambing. 3) Kinuha ni Thor ang baon niyang bag. Pokus sa Kagamitan – tawag sa instrumento o kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa na gumaganap bilang simuno ng pangungusap Halimbawa: 1) Ipanlalaban niya ang sariling niyang mga kuko sa malalaking bato. 2) Ipinambaril niya ito sa kawawang anak. 3) Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso. Pokus sa Pinaglalaanan – kapag ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng pangungusap Halimbawa: 1) Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga. 2) Upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa kaniyang anak. 3) Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde. Aralin 2.5: Panitikan: Ang Aking Pag-ibig, mula sa “How Do I Love Thee” Sonnet 43 ni Elizabeth Barrett Browning Tulang Pandamdamin mula sa England Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago Naglalarawan (Uri ng Teksto) Tula - anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin - may mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan - maitutulad sa isang awit - nagsisilbing pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa - nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan kariktan (isa sa elemento ng tula) - paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan, at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa Apat na pangkalahatang uri ng tula: 1) tulang pandamdamin o tulang liriko 2) tulang pasalaysay 3) tulang padula 4) tulang patnigan Ang How Do I Love Thee/Ang Aking Pag-ibig ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Soneto - isang uri ng tula na nagmula sa Italya - may labing-apat (14) na taludtod at sampung (10) pantig sa bawat taludtod may tiyak na sukat at tugma na dapat isaalang-alang ang mga manunulat malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining - kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat - ang bawat taludtod sa karaniwang damdamin at kaisipan ay nagpapakilala ng matinding damdamin Paggamit ng Matatalinghagang Pahayag - isang katangian ng tula - pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito - karaniwang ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa - nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. - mismong larawan ng kamalayan ng manunulat Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay. Tayutay - sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita kaya malalim at piling-pili ang mga salita rito - tinatawag ding palamuti ng tula dahil ito’y nagpapaganda sa isang tula Mga Uri ng Tayutay: 1) Pagtutulad o simile paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian ginagamitan ng tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa 2) Pagwawangis o metapora naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing 3) Pagmamalabis o hyperbole pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag 4) Pagtatao o personipikasyon paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay Aralin 2.7: Panitikan: Aginaldo ng mga Mago, “Gift of the Magi” ni O. Henry (William Sydney Porter) Maikling Kuwento mula sa United States of America Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Nagsasalaysay (Uri ng Teksto) upang ipaunawa sa mga mambabasang tulad mo ang tunay na kahalagahan ng pagsasakripisyo at pagbibigayan lalo na tuwing sumasapit ang araw ng kapaskuhan Ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo. (Mateo 2: 1-12) Ang mga Mago ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem. Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan. isang di-pangkaraniwang katangian ng wikang Filipino ang pagtitiyak ng semantic na relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap sa tulong ng iba’t ibang panlapi. napapaloob ito sa konsepto ng pagpopokus maipopokus o maitutuon ang pandiwa sa tagaganap o aktor ng kilos, ayon sa layon o gol, gayon din sa tumatanggap o benepisyari, direksiyon, sanhi o dahilan, ganapan o lokasyon, gamit o instrumento. Pokus sa Ganapan tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay o maging ng tao na ginaganapan ng pandiwa ang paksa o simuno ng pangungusap ginagamit sa pagpapahayag nito ang mga panlaping makadiwang -an/-han, pag-an/- han, mapag-an/-han, paki-an/-han, at ma-an/han. Halimbawa: 1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay sa piling ng paralisadong ama. 2. Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang-ugat si Aling Loring. 3. Ang parke ay pinagpraktisan namin ng sayaw. Sa mga pangungusap, ipinokus ng pandiwang pinagkukunan at pinagkunan ang paksa o simunong plasa at Aling Loring na parehong nasa pokus sa Ganapan. Pokus sa Sanhi tawag sa pandiwa kapag ang paksa o simuno ay nagpapakilala ng sanhi o dahilan ng kilos ginagamit dito ang mga panlaping makadiwang i-, ika-, at ikapang-. Halimbawa: 1. Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral. 2. Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pang-unawa. 3. Ang sobrang pagmamahal ay ikinasama ng kalagayan ni Maria. Sa unang pahayag, ang pangyayari sa buhay ang ipinokus ng pandiwang Ikinalungkot. Sa ikalawang pahayag naman, ang paksa o simuno ng pangungusap na lahat ng katotohanang natuklasan ko ang itinuon ng pandiwang natuklasan upang tukuyin ang pokus sa sanhi.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser