Filipino 10 Reviewer PDF

Summary

This Filipino 10 document contains a review of grammar and sentence structures, focusing on verbs and their aspects. It includes examples, definitions, and explanations for Filipino language learners.

Full Transcript

FILIPINO 10 6Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling. -Filipo...

FILIPINO 10 6Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling. -Filipos 4:6 Ang Kahon ni Pandora (Isang Mitolohiyang Griyego) (Mas makatutulong kung babasahin muli ang akda.) Ang Parabula ng Sampung Dalaga (Isang Parabula) (Mas makatutulong kung babasahin muli ang akda.) Pandiwa- ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Panlaping Makadiwa- ito ang tawag sa mga panlaping ginagamit sa pandiwa. Uri ng Pandiwa A. PALIPAT - PALIPAT ang pandiwa kung ito ay may TUWIRANG LAYONG TUMATANGGAP SA KILOS. Ang LAYON ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina. Halimbawa: 1. Si Anika ay naglaba ng mga props na gagamitin nila sa Lunes. Pandiwa: naglaba Tuwirang Layon: props(ito ang tuwirang layon sapagkat ito ang tumatanggap ng kilos na ‘nilabhan’) 2. Si Cathreen ay magsusulat ng script para sa kanilang inaasahang pagganap. Pandiwa: magsusulat Tuwirang Layon: script (ito ang tuwirang layon sapagkat ito ang tumatanggap ng kilos na ‘magsusulat’) B. KATAWANIN - KATAWANIN ang pandiwa kapag ito ay HINDI NA NANGANGAILANGAN ng tuwirang layong tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-isa. Halimbawa: Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o pangyayari 1. Si Dorie ay nagbasa. 2. Naglinis si Maria. Pandiwa: 1. nagbasa 2. naglinis Halimbawa: Pandiwang palikas na walang simuno. 1. Tulong! 2. Takbo! Aspekto ng Pandiwa Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag nito. 1. ASPEKTONG NAGANAP O PERPEKTIBO- ito ay nagsasaad na TAPOS NA o NANGYARI na ang kilos. Halimbawa: 1. Ipinaglaba ni Angela ang kanyang lola. 2. Nagsulat ng liham si ate para sa kaarawan ng kanyang kaibigan. * ASPEKTONG KATATAPOS- BAHAGI ITO ng ASPEKTONG NAGANAP sapagkat ang kilos ay KATATAPOS pa lang gawin o mangyari. - Sa pagbuo nito’y idinurugtong ang panlaping ka- at INUULIT ANG UNANG PANTIG ng salita. Halimbawa: 1. KABIBIGAY ko lang ng laruan mo ay nasira na ito agad. 2. KALULUTO ko lamang ng ulam kaya’t tinanghali kami nang kain. 2. ASPEKTONG NAGAGANAP O IMPERPEKTIBO- ito ay nagsasaad na ang kilos ay KASALUKUYANG NANGYAYARI o kaya’y PATULOY NA NANGYAYARI. Halimbawa: 1. Si Chanel ay GUMAGAWA ng kanyang proyekto. 2. Si Ynah ay NAG-AARAL ng kanyang leksyon. 3. ASPEKTONG MAGAGANAP O KONTEMPLATIBO- ito ay nagsasaad na ang kilos ay HINDI PA ISINASAGAWA o GAGAWIN PA LAMANG. Halimbawa: 1. BIBILI ako mamaya ng mga sangkap ng adobo. 2. KAKAIN ako mamaya ng paborito kong tsokolate. IBA PANG MGA HALIMBAWA: 1. Nagturo ng aralin ang guro kong si Bb. Yumol. Pandiwa: Nagturo Uri: PALIPAT (sapagkat mayroong tuwirang layon—aralin) Aspekto: ASPEKTONG NAGANAP o PERPEKTIBO 2. Tumatalon si Luiza ngayon. Pandiwa: Tumatalon Uri: KATAWANIN (sapagkat WALANG tuwirang layon at inilalahad lang ang kilos o pangyayari) Aspekto: ASPEKTONG NAGAGANAP o IMPERPEKTIBO 3. Kasisilong ng mga palay natin. Pandiwa: Kasisilong Uri: PALIPAT (sapagkat mayroong tuwirang layon—palay) Aspekto: ASPEKTONG NAGANAP o PERPEKTIBO/ ASPEKTONG KATATAPOS Ang Tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino Ang Tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino ay ang Pang-angkop, Pag-ukol, at Pangatnig. Sa pagsasalaysay ay madalas na nagagamit ang mga pang-ugnay. 1. PANG-UKOL- kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Basahin sa talahanayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng mga kataga, salita, o pariralang ginagamit bilang pang-ukol. alinsunod sa/alinsunod kay laban sa/laban kay ayon sa/ayon kay para sa/para kay hinggil sa/hinggil kay tungkol sa/tungkol kay kay/kina ukol sa/ukol kay Halimbawa: 1. AYON KAY Carmela maraming long weekend ngayong taon. 2. TUNGKOL SA pang-ugnay ang aming araling ngayon. 2. PANGATNIG- Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na pangungusap. Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang iba’t ibang halimbawa ng pangatnig. at Kapag Ngunit Samakatuwid anupa Kaya O Sa madaling salita Bagaman Kundi Pagkat Upang Bagkus Kung Palibhasa Sanhi Bago Habang Pati Sapagkat Dahil sa Maliban Sakali Subalit datapwat nang Samantala ni Halimbawa: 1. Inaantok na ako SUBALIT kailangan ko pang mag-aral dahil sa Lunes na ang pagsusulit. 2. Napagdesisyunan kong mag-aral na ng leksyon BAGO pa ako dalawin ng katamaran. 3. PANG-ANGKOP- Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdurugtong sa magkakasunod-sunod na salita sa isang pangungusap para maging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing. NA -NG -G NA- Ito ay nagdurugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang ‘n’. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay. Halimbawa: 1. Ang malinis na hangin. 2. Basag na bote ang natapakan ko kanina. -NG-Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u. Halimbawa: 1. Masaya kami sapagkat mayroon kaming masaganang ani. 2. Bago ang lamesang naiwan sa silid. -G-Ito naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa katinig na ‘n’ ngunit kinakaltas na ito kaya ang pang-angkop na ‘g’ ang ginagamit. Halimbawa: 1. Ang larawang ito ay kuha sa Baguio. 2. Ito ang hapunang inihanda para sa iyo. IBA PANG MGA HALIMBAWA: 1. Tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo ang nababalitaan ko sa telebisyon. Pang-ugnay na Ginamit: Tungkol sa Uri: Pang-ukol 2. Maglilibot kami malinis na parke ngunit hindi kami matuloy. Pang-ugnay na Ginamit: ngunit Uri: Pangatnig Pang-ugnay na Ginamit: na Uri: Pang-angkop GOD BLESS! - Bb. Yumol

Use Quizgecko on...
Browser
Browser