Filipino 10 Quarter 3 Week 1 & 2 PDF
Document Details
Uploaded by EnhancedModernism
Sta. Lucia Academy, Inc.
Tags
Summary
This Filipino 10 document covers lessons for Quarter 3, Week 1 and 2. It includes information on literature, specifically mythology, and an introduction to rhetoric concepts like debate. The document also includes grammar concepts, such as sentence structures and word derivations.
Full Transcript
FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN)...
FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) PAUNANG SALITA Ang panitikan o panulatan sa pinakapayak na paglalarawan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Ito rin ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamit ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran. Sa pangatlong markahan, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng mitolohiyang mula sa Tribong Tonga ng Africa, mga anekdota sa buhay ni Nelson Mandela, tula na isinulat ng African-American na si Maya Angelou, isang epiko na kabilang sa panitikang Iran, isang sanaysay na tumalakay sa mapait na kalagayan ng mga African noong panahon ng apartheid, at isang nobela mula sa Nigeria. Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, mga sangkap ng kasanayang komunikatibo, mga uri ng tula, mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin, at tuwiran at di tuwirang pahayag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa mga Modyul. Sa pagtatapos ng mga aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bansa. Bilang pamantayang pagganap, inaasahang makabubuo ka ng isang nakapanghihikayat na Travel Brochure tungkol sa kultura at kagandahan ng Africa at Persiya. PAUNANG PAGTATAYA: MARAMIHANG PAGPIPILIAN MGA PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO ANG MGA MAG-AARAL AY INAASAHANG… ARALIN 1 makikilala ang kaanyuan, mga uri o format ng debate o pagtatalo; at mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na debater; maipapaliwanag ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo; magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika; at masusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan. F10PB-IIIa-80 ARALIN 2 matukoy ang kaanyuan, katangian, at mga uri ng anekdota; maibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa Youtube; maiuugnay ang salita batay sa ginamit na panlapi; at masusuri ang napanood na anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat, at iba pa. F10PB-IIIb-81 ARALIN 1 PANITIKAN: MITOLOHIYA PAGTUKLAS: PICTURE ANALYSIS PAGLINANG/PAGPAPATIBAY STA. LUCIA ACADEMY, INC. 1|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) ANO ANG DEBATE O PAGTATALO? Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa. Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater. 1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda ang malawak na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang ipinahahayag. 2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa. 3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba. Mga Uri o Format ng Debate Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxford at Cambridge. 1. Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaan. 2. Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan. Ang mga sumusunod ay ang iba pang uri ng debate: ✓ Mock Trial – ito ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga manananggol o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag- roleplay. ✓ Impromptu Debate – ito ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase ng debate. Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso hanggang matapos nang magsalita ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 2|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) ✓ Turncoat Debate – ito ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng dalawang minuto. GAWAIN 1: KILALANIN MO! BASAHIN AT UNAWAIN! Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi (Isang Mitolohiya mula sa Tribung Tonga ng Africa) Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng marami, lalo na ng mga mamamayan ng tribung Tonga o Ba Tonga na naninirahan sa magkabilang pampang ng ilog Zambezi. Ayon sa mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, si Nyaminyami, ang diyos ng ilog ay tahimik na naninirahan sa Lawa ng Kariba na karugtong ng ilog Zambezi kasama ang kanyang asawa. Maraming katutubo na raw ang nakakita kay Nyaminyami tulad ni pinunong Sampakaruma subalit walang matibay na ebidensiyang magpapatunay rito. Ayon sa mga nakakita, si Nyaminyami raw ay may ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Siya'y isang dambuhala sa lapad na halos tatlong metro at habang hindi nila magawang hulaan. Naniniwala ang mga mamamayan ng Tonga na si diyos Nyaminyami ay naging mabuti sa kanila. Katunayan, sa mga panahon daw ng matinding taggutom na dala ng mahahabang tagtuyot sa Africa ay nabuhay sila sa tulong ng mga bahagi ng katawan ni Nyaminyami na ibinibigay o iniiwan niya para sa mga mangingisda. Kinilala at iginalang ng mga Tonga si Nyaminyami at sa loob ng napakahabang panahon, naniwala silang pinoprotektahan sila ng diyos ng ilog kahit wala silang masyadong naging ugnayan sa mga tagalabas. Namuhay sila nang mapayapa subalit ang lahat ay nagbago noong mga huling taon ng 1940’s nang mapagtibay ang desisyon ng pamahalaang ipatayo ang Dam ng Kariba. Ikinatakot ng mga mamamayan ang balita, lalo na nang malamang ang dam ay itatayo sa mismong tabing malaking batong pinaniniwalaang tahanan ng diyos ng ilog na si Nyaminyami at ng kanyang asawa. Katunayan, napakalaki ng paggalang ng mga mamamayan sa bahaging iyon ng lawa at walang mangingisdâ ang nangahas lumapit man lang doon dahil ang mga naunang nangisda raw roon ay nahigop ng alimpuyo sa tubig at hindi na muling nakita. Kayâ nga tinawag nila ang higanteng batong iyon na "kariva" o “karinga” na ang ibig sabihin ay "ang bitag" at dito rin nagmula ang pangalang "Kariba" para sa lawa. Nang magdatingan ang mga puting inhenyero at mga manggagawang magpapasimula na sa paggawa ng dam ay nakiusap at nagbabala ang mga nakatatanda ng Tonga. "Huwag na ninyong ituloy ang plano. Hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ni diyos Nyaminyami sa inyo at sa inyong proyekto." Pinagtawanan lang ng mga Puti ang ganitong mga babala at paniniwala. Itinuloy pa rin nila ang mga panimulang gawain sa pagtatayo ng dam tulad ng pagpapaalis sa mga mamamayan ng Tonga sa pampang ng ilog na kanila nang naging tahanan sa napakahabang panahon. Pinalipat din ang mga mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog. Pinagpuputol din ng mga dayuhan ang libo-libong matatandang puno upang makagawa ng daan at upang may magamit sa pagbuo ng tirahan ng mga manggagawa. Subalit ang ikinatatakot ng matatanda ay nangyari nga noong gabi ng Pebrero 15, 1950. Isang napakalakas na bagyo mula sa karagatang Indian, isang pangyayaring hindi karaniwang nagaganap sa lugar na ito ang bumayo at nagdala ng napakalakas na hangin at ulang naging, sanhi ng napakalaking baha sa buong lambak ng Zambezi. Inanod ang maraming kabahayan at ang lahat ng madaanan ng ilog na umapaw nang mahigit pitong metro. Tatlong araw ang inabot bago narating ng rescue team ang lugar at sila'y nanlumo sa nakitang pinsala. Ang katawan ng mga namatay na usa at iba pang hayop ay nangakasabit sa sanga ng matataas na kahoy na nagpakita kung gaano kataas ang inabot ng tubig baha. Sa kasamaang palad ay namatay ring lahat ang mga kasama sa rescue team nang mabagsakan sila ng mga gumuhong lupa. Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi rin nahadlangan ang pagpapatayo ng dam. Hindi inisip ng mga puti na ito'y isang babala ni Nyaminyami kundi nagkataon lang na may dumating na bagyo at binaha ang lambak ng Zambezi. Subalit noong 1957, nang halos patapos na ang dam ay dumating ang pinakamalaking baha sa kanilang kasaysayan. Sinasabing ang ganito katinding-baha ay dumarating lámang nang minsan sa isanlibong taon. Inanod ng 'baha ang malaking bahagi ng papatapos na sanang dam gayundin ang mga kagamitan sa paggawa nito. Maraming búhay rin lalo na ng mga manggagawa sa dam ang nawala. Ang nakapagtataka, ang katawan ng mga puting manggagawa ay hindi lumutang. Hinanap ang mga ito sa kung saan-saang bahagi ng ilog at lawa subalit walang nakita isa man sa kanila. Dahil dito'y kinausap ng mga pinuno ang mga nakatatandang Tonga. "Paano nangyaring ang katawan ng mga Itim ay lumutang samantalang, wala ni isa man sa mga Puti ang nakita kahit pa hinanap na sila kung saan-saan?" ang nagtatakang tanong ng mga kinatawan ng pamahalaan, "Tulungan ninyo kaming mahanap ang mga katawan nila." "Si Nyaminyami ang may gawa ng dambuhalang baha. Mag-aalay kayo ng isang itim na báka para mawala ang galit niya at nang ilabas niya ang katawan ng mga Puti," ang sabi naman ng mga nakatatanda. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 3|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) "Kalokohan! Hindi totoo ang Nyaminyami na iyan! Tumulong na lang kayong maghanap sa mga nawawala," ang sagot ng mga pinuno. Subalit kahit anong tindi nang tulong-tulong na paghahanap ay hindi pa rin natagpuan ang katawan ng mga nawawala. Nang malapit nang magdatingan ang mga kapamilya ng mga manggagawang namatay ay wala nang nagawa ang mga pinuno kundi subukin ang mungkahi ng mga nakatatandang Tonga. Nagsagawa ng ritwal ang mga Tonga saka ipinaanod ang inialay na itim na báka sa Lawa ng Kariba. Kinabukasan, wala na ang itim na baka kung saan ito ipinalutang at sa halip, ang katawan ng mga puting manggagawang tatlong araw nang hinahanap ang nakitang nakalutang. Walang maibigay na matibay na paliwanag maging ang mga pinuno ng mga gumagawa ng dam sa mahiwagang pangyayaring ito. Subalit natitiyak ng matatandang Tonga; kagagawan ng galit na galit na si Nyaminyami ang lahat ng ito. Pagkatapos ng malaking baha ay pinag-aralan ng mga eksperto ang daloy ng tubig sa ilog Zambezi at saka nila pinag-usapan ang patungkol sa itinatayong dam. Nagkasundo silang ang ganoon kalaking baha ay nangyayari lamang nang minsan sa isanlibong taon kaya't itinuloy pa rin nila ang pagtatayo ng dam. Sa kabila ng paniniwala ng mga eksperto ay alam ng matatandang Tonga na muling gaganti si Nyaminyami at may mangyayari pa uling sakuna. Dahil kasi sa pagtatayo ng dam ay nalubog sa halos tatlumpung metrong tubig ang batong tirahan ng diyos ng ilog at ang masaklap, sinasabing naiwan daw sa kabilang bahaging dam ang kanyang pinakamamahal na asawa at alam nilang ito ay lubhang nagpagalit sa kanya. "Tigilan na ninyo ang pagsira sa tahanan ng diyos Nyaminyami. Hayaan n'yo na kaming makabalik sa pampang na dati naming tirahan. Kung hindi ay muli ninyong matitikman ang bagsik ni Nyaminyami," ang babala nila sa mga puti. "Kalokohan! Mga eksperto na mismo ang nagsabi, nangyayari lamang ang ganoon kalaking baha tuwing isanlibong taon. Itutuloy namin ang pagpapatayo ng dam!" ang matigas na paninindigan ng mga pinuno. At hindi nga nagkamali ang mga Tonga. Nang sumunod na tag-ulan ay muling sumiklab ang galit ni Nyaminyami na ngayo'y mas matindi pa kaysa sa dalawang nauna. Isang mas malaki pang baha ang naganap kaysa sa naranasan nila nang nagdaang taon. Sa laki ng baha ay naging lubhang mapaminsala ito. Nasira nito ang coffer dam, ang tulay sa pagitan ng itinatayong dam at ng pampang, at ang malaking bahagi ng dam na malapit na sanang matapos. Sinasabing ang ganoon kalaking baha ay nangyayari lamang nang minsan sa sampung libong taon. Subalit hindi nito napigil ang pagpapatayo ng dam. Itinuloy pa rin ito ng pamahalaan at noong 1960, natapos din sa wakas ang Dam ng Kariba. Ito ngayon ang pangunahing pinagmumulan ng suplay ng koryente para sa mga bansang Zimbabwe at Zambia. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas na bahaging Ilog Zambezi at nakatanaw na tila ba nagbabantay sa kabuoan ng Dam ng Kariba. Dinarayo na rin ito ngayon ng napakaraming turistang nais makapaglaro ng mga isport na pantubig at upang makita ang kagandahan ng paligid at ng dam na ilang beses nang muntik-muntikang hindi maitayo dahil sa paghagupit ng kalikasang pinaniniwalaang kagagawan ng diyos ng ilog. Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa mataas na bahagi ng ilog Zambezi. Madalas silang nakararamdam ng pagyanig sa paligid. Naniniwala silang ito ay ang mga pagkakataong galit ang diyos Nyaminyami at nagpipilit maabot ang kanyang kabiyak na nasa kabilang bahagi ng dam. Naniniwala silang isang araw ay magigiba rin ni Nyaminyami ang dam subalit sa kanilang puso't isipan ay umasa rin silang sana’y hindi na ito mangyari sapagakat kung magtatagumpay si Nyaminyami ay tiyak na isang trahedyang walang katulad ang idudulot nito sa mga mamamayang wala namang kinalaman. Patuloy na lamang nilang pag-iingatan at aalagaan ang kanilang kapaligiran bilang pagbibigay-pugay sa kanyang alaala. TUKUYIN MO: ILOG NG ZAMBEZI Ang Ilog ng Zambezi ay ikaapat sa pinakamalaking ilog sa Africa. Ito' y nasasakop ng anim na bansa. Sa ilog na ito matatagpuan ang Dam ng Kariba. Tanyag ang lugar na ito sa mga turistang nais makakita sa kagandahan ng dam at sa kalikasang nakapaligid sa ilog. Maraming bahagi kasi ng mga kagubatan sa magkabilang pampang ng ilog ang protektado sa ilalim ng Nature Conservation Act. Ang isa pang dinarayo sa lugar na ito ay ang iba't ibang water sports tulad ng white water rafting, kayaking, river boarding, at jet boating. Ang Kariba Dam kung saan sinasabing nakatira ang diyos ng ilog na si Nyaminyami ay isa sa pinakamalaking dam sa buong mundo sa taas nitong 128 metro at habang 579 metro. Dumaan sa maraming kalamidad ang dam bago tuluyang nabuo noong 1960. Ang mga kalamidad na ito ay sinasabing kagagawan ni Nyaminyami dahil sa galit niya sa pagtatayo ng dam na sumira sa kanyang tahanan, naglayo sa kanila ng kanyang asawa, at naging dahilan ng paglipat ng tirahan ng humigit-kumulang 57,000 mamamayang kabilang sa Tribung Tonga o Ba Tonga na sinasabing minahal at prinotektahan ng diyos ng ilog. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang takot sa paniniwalang gigibain ni Nyaminyami ang dam lalo pa't ito ngayon ay nagpapakita ng mga senyales ng paghina ng estruktura. Ayon kay Felix Nkulukusa, ang permanent secretary ng Zambian Ministry of Finance, ang dam ay maaaring bumagsak kung hindi maiaayos ang STA. LUCIA ACADEMY, INC. 4|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) mahihinang bahagi nito sa loob ng tatlong taon. Inaagapan naman ito ng dalawang bansang nakasakop sa dam, ang Zambia at Zimbabwe. Unti-unting isinasaayos at pinatitibay ang mahigit limampung taong gulang na dam. Aabot kasi sa mahigit 3.5 milyong tao mula sa mga bansang Zambia, Zimbabwe, Malawi, at Mozambique ang maaaring madamay o malagay sa panganib kung sakaling tuluyang bumigay ang dam. BALARILA: MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinasalin sa wika o diyelektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika: 1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin. 2. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapaparaphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin. 3. Pilin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin. 4. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba'y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika. 5. Isaalang-alang ang yong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalita sa genre na kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang isang taong walang gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa rin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito. 6. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya't dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin. 7. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkakaroon nang mas malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito. PAGPAPALALIM GAWAIN 2: IPALIWANAG MO! GAWAIN 3: GAMITIN MO! GAWAIN 4: SURIIN MO! ARALIN 2 PANITIKAN: ANEKDOTA PAGTUKLAS PAGLINANG/PAGPAPATIBAY ANO ANG ANEKDOTA? Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. KATANGIAN NG ANEKDOTA 1. Dapat maging makatotohanan ang paksa. Dapat batay sa tunay na karanasan ang paksa. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 5|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) 2. Dapat maging kapana-panabik. 3. Dapat may isang paksa lamang. 4. Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa kaiisipan ng mga mambabasa 5. Dapat maging payak ang pagbibigay ng di pangkaraniwang pangyayari. 6. Tuwirang isinusulat ang anekdota. 7. Dapat magtaglay ng mga konkretong pangalan, aktibong pandiwa at ilan lamang ang pang-uri at pang-abay ang mga pangungusap. URI NG ANEKDOTA A. Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao – nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong lalong makilala ang pansariling buhay ng taong iyon. B. Ang anekdotang hindi hango sa tunay na buhay – madalas na katatawanan ngunit madalas ding may mahalagang tinutukoy. GAWAIN 1: ALAMIN MO! SI NELSON MANDELA Si Nelson Mandela ay isang political lider, pilantropo at aktibista para sa mga taong itim na naapi dahil sa kanilang kulay. Siya ang kauna-unahang president ng South Africa, ang bansang pinangalingan niya. Kilala siya sa kanyang aktibong papel sa pagtataguyod sa pagkakapantay-pantay ng mga tao sa South Africa na noo’y pinamumunuan ng isang racist. Siya rin ang pumawi sa apartheid system na naging balakid para sa mga South African upang mamuhay ng mapayapa at maayos, malayo sa diskriminasyon. Si Nelson ay pinanganak noong July 18, 1918 sa Transkei, South Africa. Parte siya ng Tembu tribe bilang anak ng kanilang lider. Di tulad ng kanyang ama, siya ay nakatanggap ng pagkakataong mag-aral sa University College of Fort Hare. Dahil sa pagiging matalisik na estudyante, siya ay nakakuha ng law degree noong 1942. Sa panahon niya sa unibersidad, naging madilat na siya sa isyung racism na laganap sa kanyang bansa. Kaya naman sa 1943, nag desisyon siyang sumali sa ANC o African National Congress at tumulong pabagsakin ang apartheid system. Pero noong 1956, si Nelson, kasama ang ibang miyembro ng ANC, ay ikinulong dahil sa kasong treason. At pagkatapos ng mahabang proseso sa hukuman, silay pinalaya na. Dahil ipinagbawal na ang ANC, naisipan ni Nelson na gumawa ng panibagong grupo na tinawag na uMkhonto we Sizwe na ang ibig sabihin ay “Spear of the Nation” na naging guerrilla act movement at military wing ng ANC. Ngunit, nalaman ng iba ang kanyang plano na pabagsakin ang gobyernong apartheid. Ito ang naging dahilan ng muli niyang pagkakulong noong 1963 dahil sa pagtangkang isabotahe ang apartheid system. Noong siya’y lumabas sa kanyang pagkakabilango, ipinagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban para pabagsakin ang apartheid system. Kaya naman sa 1993, siya at si President FW de Klerk ang nanalo ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang pagsasawalang bisa sa apartheid system at sa paglalagay ng pundasyon para sa makabagong demokratikong South Africa. Hinahangaan siya ng mga tao dahil sa kanyang kabutihan, pagkumbaba at pagiging tunay na maginoo. Ang mga sumusunod na anekdota ay ipinapakita kung bakit minamahal ng madaming tao si Nelson Mandela. BASAHIN AT UNAWAIN! MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI NELSON MANDELA Ayon kay John Carlin Ayon sa pagsasalaysay ni John Carlin, isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief ng London Independent sa South Africa mula 1989 hanggang 1995, kinapanayam niya noon si Nelson Mandela isang buwan matapos nitong manalo bilang pangulo ng South Africa nang makarinig sila ng katok sa pinto. Isang puting babae ang pumasok sa opisina ng Pangulo na may dalang tray na may tsaa at tubig. Nang makita ni Nelson ang babae ay ni hindi nito tinapos ang sinasabi, agad tumayo at nakangiting kinumusta ang babae, saka ipinakilala si John Carlin. Nagpasalamat si Nelson sa tubig at tsaa at umupo lang muli nang makaalis ang babae. Ang labis na nagpahanga kay John Carlin ay hindi lang ang naging mabuti at mainit na pagtrato ni Nelson Mandela sa babae kundi sa katotohanang ang babaeng ito na pinakitaan niya ng paggalang at pagpapahalaga ay dating empleyado ng mga pangulong naging malupit at nagdiskrimina sa mga itim natulad niya. Katunayan, walang pinaalis ni isa si Mandela sa mga dating empleyado ng nagdaang administrasyon. Nanatili silang lahat at nang makilala nila ang likas na kabutihan ng bago nilang pangulo ay minahal at hinangaan nila ito nang labis pa kaysa sinuman sa mga puting pangulo ng kanilang bansa. Katunayan, ang STA. LUCIA ACADEMY, INC. 6|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) kanyang chief of protocol na isang malaking lalaki at naglingkod sa mga nagdaang pangulo nang mahigit labintatlong taon ay napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at kagandahang-loob na ginawa ni Mandela para sa kanya. Ayon kay Jessie Duarte Ayon naman sa kuwento ni Deputy Secretary-General Jessie Duarte na naging personal assistant ni Mandela mula 1990 hanggang 1994, nakasanayan na raw ni Mandela ang pagtiklop at pag-aayos ng kanyang mga pinagtulugan. Minsan daw, nang sila ay nasa Shanghai,China ay tumuloy sila sa isang napakalaki at napakagandang hotel. Sinabihan ni Duarte ang pangulo na huwag tiklupin ang kanyang pinagtulugan dahil ayon daw sa kultura ng nasabing bansa, ang mga tagapagligpit ang dapat magligpit at maaaring makainsulto sa kanila kung ang bisita ang mag-aayos ng kanyang tinulugan. Dahil dito’y ipinatawag ni Mandela sa kanilang manager ng hotel ang mga babaeng tagapagligpit sa silid upang kausapin at paliwanagan kung bakit siya ang nagtitiklop at nag-aayos ng kamang kanyang tinulugan. Ayaw niyang mainsulto o masaktan ang damdamin ng mga ito nang dahil lang sa paggawa niya sa nakasanayan. Ayon pa kay Duarte, hindi niya pansin kung “matataas” na tao ay masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban subalit ayaw niyang ang “maliliit” na taong sumama ang loob o masaktan nang dahil sa kanya. Ayon kay John Simpson Ayon naman sa kuwento ni John Simpson, isang mamamahayag at World Affairs Editor ng BBC News, ang isang hindi niya malilimutang karanasan kaugnay ni Mandela ay nang magtungo ito sa dating paaralan ni Simpson sa Cambridge upang maging tagapagsalita. Kilala si Mandela bilang isang mahusay na tagapagsalita. At sa pagkakataong iyon, sinabi raw niya ang sumusunod: “Ako’y labis na kinakabahan sa pagsasalita rito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil ako isang matandang pensionado.” Mahinang tawanan ang naging sagot ng tagapakinig. Hindi nila malaman kung nagbibiro o sadyang ibinababa lang’ni Mandela ang sarili. “Pangalawa, dahil ako’y walang trabaho.” Ngayo’y mas malakas ang naging tawanan dahil alam ng lahat na hindi pa katagalan nang bumaba siya bilang Pangulo. “At pangatlo, dahil mayroon akong nakapasamang criminal record.” Ang lakas ng hagalpakan ng mga tao pagkarinig sa sinabi ng Pangulo ay halos bumasag sa mga bintanang salamin ng bulwagan. Ayon kay Matt Damon Ipinakita naman ng karanasan ni Matt Damon, isang kilalang artista sa Amerika ang halina ni Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa mga bata. Kasama si Damon sa mga artistang gumanap sa pelikula tungkol sa buhay ni Mandela, ang Invictus. Nang magpunta raw sila sa South Africa para magshooting ng pelikula ay sinabihan silang makikilala na nila si Mandela at pwede nilang dalhin ang mga anak nila. Dinala niya ang mga anak na si Gia, na noo’y walong taong gulang at si Isabella, na noo’y dalawang taong gulang naman. Habang naghihintay silang makapasok ay nagtanong si Isabella nang ganito: “Daddy, sino po ang nasa likod ng pinto?” Hawak daw ni Damon ang kamay ng noon at marahil ay nadama nito ang mabilis ma pagtibok ng kanyang puso na puno ng pananabik sa mangyayari. Sinagot niya ang anak at sinabing:” Si Ginoong Mandela, isang nakapaespesyal na tao. Makikilala natin siya at maghehello tayo sa kanya.” Nang makapasok sila ay magiliw silang sinalubong ni Ginoong Mandela habang hindi mapaknit ang paningin ng dalawang bata sa kanya. May taglay siyang halina kaya’y maging ang mga bata ay batid na isang hindi pangkaraniwang tao ang nasa harap nila. ALAMIN MO: Mga Kaalaman na may Kaugnay sa mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela UGNAYAN SA ISYUNG PANLIPUNAN Ang kwentong ito ay maganda sapagkat ipinapakita nito ang determinasyon niya na ipaglaban ang karapatan ng mga tao sa South Africa. Ang apartheid system na ipinatupad noong 1940s ay nagdulot ng karahasan sa mga South African. Marami ang nawalan ng mga bahay at napilitang lumipat sa mga hiwalay na lugar. At dahil ditto,nahirapan silang i-access ang mga pangpublikong serbisyo tulad ng mga hospital at paaralab. Sila ay hindi nabigyan ng respeto ng sinaunang gobyerno sapagkat kinuha sa kanila ang karapatan na mamuhay ng maayos. Kinuha sa mga South African ang kanilang mga karapatan bilang tao. Pero sa kabila ng kanyang pagkabilango, nagawa parin ni Nelson na ipagpatuloy and kanyang adbokasiya. Ang racism ay patuloy na nagiging isyu sa kasalukuyang lipunan. Halos kalahati ng populasyon sa mundo ang nakakaranas nito. Dahil sa racism, marami ang nakakaranas ng kalupitan at karahasan. Marami ang hindi nabibigyang ng pantay na pagtrato. At hindi lahat ay nagkakaroon ng mga pantay na opportunidad sa buhay. Pero tulad ni Nelson, dapat ipaglaban ang karapatan at pagkakapantay ng bawat isa. Dapat tayoy hindi maging parte ng problema, kundi ng solusyon. Matuto tayong respetuhin ang pagkakaiba ng isat isa. Dapat nating maintindihan na ang kulay natin ay mas malamin pa sa kung ano talaga tayo bilang tao. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 7|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) SIMBOLISMO 1. Nelson Mandela: Si Nelson Mandela ay sumisimbolo para sa katarungan, pagkakapantay-pantay ng mga tao, at ang pagkakaroon ng dignidad. Kahit madaming paghihirap ang kanyang naranasan, patuloy niyang ipinaglaban ang karapatan at hustisya para sa nga South African. At ipinakita niya ang kanyang dignidad sapagkat handa niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang pinapaniwalaan. Siya rin ay simbolismo ng pagkakaroon ng pagmamalasakit at sakripisyo para sa kapwa. 2. Apartheid System: Ang systemang ito ay sumisimbolo sa mga isyung napapanahon sa ating kasalukuyang lipunan, at ito ay ang diskriminasyon at racism tungo sa mga South African. Dahil sa apartheid system na ipinatupad, marami ang nakaranas ng pagmamalupit at panghuhusga sa National Party noong 1948. 3. South Africa: Ang bansang South Africa ay sumisimbolo sa mga taong nakakaranas ng racism. PAHAYAG NG PAGSANG-AYON Ako ay sumasaludo sa mga ginawang kabutihan ni Nelson Mandela sapagkat siya’y nagpakita ng pagsisikap upang makamit ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa South Africa. Pinatunayan niya na maabot natin ang ating ninanais kung tayo ay may tiwala sa ating sarili at patuloy na lalaban. At kahit mayroon paring racism sa ating mundo, masasabi kong hindi para sa wala ang kanyang ginawa dahil patuloy siyang nagiging inspirasyon sa ibang tao upang gumawa ng tamang pagbabago sa ating mundo. Dapat nating gawing motibasyon ang kwento ni Nelson Mandela upang magsimulang gumawa ng tama para sa ikabubuti ng lahat sa ating mundo. Maituturing bayani ng Africa si Nelson Mandela. PANANAW AT PAANO NAIPAPAKITA? Ang akdang ito ay ipinapakita ang sosyolohikal na pananaw sapagkat ipininakita sa kwento ni Nelson ang estado ng kanyang lipunan noon. Trinato ng gobyerno noon na mas maliit ang mga South African kaysa sa kanila. Patuloy na lumaban si Nelson kasama ang iba pang South Africans upang ipasawalang bias ang naging systema ng bansa nila noon. At dahil sakanilang pakikipaglaban, ang mundo ay nasaksihan ang dinaranas ng mga tao sa South Africa. Ipinapakita din ng akdang ito ang katapangan ni Nelson Mandela sa mga panahong pinahirapan siya. Nagpakita siya ng tunay na kabaitan at pagmamalasakit para sa kanyang naaaping kapwa. At sa kabila ng mga suliraning dinanas niya, nagsumikap parin siyang kamitin ang kalayaan para sa mga tao ng South Africa. BALARILA: APAT NA SANGKAP(KOMPONENT) NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO APAT NA SANGKAP(KOMPONENT) NG KASANAYANG KOMUNIKATIBO Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa wikang ginagamit niya ay mapupunta ito sa kanyang puso. Ngunit kung ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi mo naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot mo ang iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap? Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at Merril Swain. 1. Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas,pagbaybay at maging sa pagbibigay kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong mga salita ang angkop at kung kailan sila nagagamit nang tama sa pagsasalita o sa pakikipagusap. “Ang Pag-ibig ay parang gramatika, kaunting pagkakamali at di na nagkakaintindihan.” 2. Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang, o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin sa sosyo-lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang partikular na lugar. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 8|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) 3. Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail at artikulo. 4. Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin o gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang bagay. Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang ginagamit. ALAMIN MO: Panlapi PANLAPI - ay isang morpemang o katagang idinudugtong o ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita o anyo ng salita. MGA URI NG PANLAPI 1. UNLAPI - ang panlapi ay idinadagdag o ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. Madalas na ginagamit dito ay mag-, nag-, na-, ma-, um-, in-, atbp. Hal. (unlapi+salitang-ugat) ✓ mag+laba = magLABA ✓ nag+sulat = nagSULAT ✓ na+galit = naGALIT ✓ ma+bango = magBANGO ✓ um+uwi = umUWI ✓ in+alis = inALIS 2. GITLAPI - ang panlapi naman ay ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat. Kadalasang ginagamit dito ang -um- at -in-. Hal. (gitlapi+salitang-ugat) ✓ in+buhos = BinUHOS ✓ in+ tanggal = TinANGGAL ✓ um+takbo = TumAKBO ✓ um+sayaw = SumAYAW 3. HULAPI - ikinakabit naman ang panlapi sa hulihan ng salitang-ugat. Ginagamit dito ang panlaping -an, - han, -in, -hin Hal. (salitang-ugat+hulapi) ✓ sayaw+an= SAYAWan ✓ opera+han= OPERAhan ✓ inom+in= INUMin ✓ takbo+hin= TAKBUhin 4. KABILAAN - ang panlapi ay ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. Hal. (unlapi+salitang-ugat+hulapi) ✓ pinag+luto+an = pinagLUTUan STA. LUCIA ACADEMY, INC. 9|Pahina FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) ✓ ipag+tabuy+an =ipinagTABUYan ✓ mag+suntuk+an = magSUNTUKan ✓ mag+tawag+an = magTAWAGan ✓ pag+buti+hin = pagBUTIhin 5. LAGUHAN - makikita naman ang panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. Hal. (unlapi+gitlapi+salitang-ugat+hulapi) ✓ pinag+um+sikap+an = pinagSumIKAPan ✓ mag+in+dugo+an = magDinUGUan ✓ ipag+um+sigaw+an = ipagSumIGAWan ✓ mapag+sa+sabi+han = mapagSAsaBIhan PAGPAPALALIM GAWAIN 2: IBIGAY MO! GAWAIN 3: IUGNAY MO! GAWAIN 4: SURIIN MO! PAGTATASA SA SARILI TALASANGGUNIAN: Marasigan, E.V, del Rosario, M.G at Dayag, A.M (2016). Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City, Philippines. Private Education Assistance Committee. (2017). Learning Module Repository: 2017_Filg10a1 https://peac.org.ph/learning-module-repository/ https://unangaralin.wordpress.com/unangaralin/ang-debate-o-pakikipagtalo/ https://pdfcoffee.com/anekdota-2-pdf-free.html https://www.scribd.com/document/495929119/Mga-Anekdota-Sa-Buhay-Ni-Nelon-Mandela STA. LUCIA ACADEMY, INC. 10 | P a h i n a FILIPINO 10 Aralin 1: Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi Balarila: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika Aralin 2: Panitikan: Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela (Anekdota) Balarila: Apat na Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo LINGGO 1 AT 2 (PANGATLONG MARKAHAN) PANGALAN: ____________________________________________ PANGKAT: _________________ MARKA: _______ GAWAIN BILANG: ________ Magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. F10WG-IIIa-71 A. GAMITIN MO! Piliin at bilugan ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong. Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon) ang kalangitan at ang kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kaniya-kaniyang (2) Covered (palaruan, nasasakupan, palayan). Si Langit ay Diyos ng (3.) Galaxy (kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.) Pond (Kalikasan, katubigan, Tubigan) ay (5.) Married (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si Dagat ay (6). Chic (makisig, mayabang, mabait) na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Adlaw ay (7.) Cheerful (masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan din ay ginto. Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, marami, grupo) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) Silver (pilak, ginto, tanso). B. ISALIN MO! Isalin ang mga sumusunod na pariralang wikang Ingles sa wikang Filipino. 1. Raining cats and dog: _______________________________________________________________________ 2. Hard to tell: _______________________________________________________________________________ 3. Make a long story short: _____________________________________________________________________ 4. Once in a blue moon: ________________________________________________________________________ 5. Barking up the wrong tree: ___________________________________________________________________ GAWAIN BILANG: ________ Mabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. F10PT-IIIb-77 IBIGAY MO! Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa ginamit na panlapi. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Kinuha: __________________________________________________________________________________ 2. Binigyan: _________________________________________________________________________________ 3. Pinagtulungan: ____________________________________________________________________________ 4. Ginagawa: ________________________________________________________________________________ 5. Pinaglutuan: _______________________________________________________________________________ GAWAIN BILANG: ________ Maipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at iba pang mitolohiya sa mundo. F10PN-IIIa-76 IPALIWANAG MO! Gamit ang isang maikling talata, ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Mitolohiya ng Africa at ng Mitolohiyang Pilipino. STA. LUCIA ACADEMY, INC. 11 | P a h i n a