Filipino 6 Gramatika PDF
Document Details
Uploaded by VividOxygen
Tags
Summary
This document provides a detailed explanation of Filipino grammar and sentence structures, including different types of verbs, adverbs, and prepositions. It includes examples and key concepts. The document is written for secondary school-aged students.
Full Transcript
Filipino 6 Pandiwa Uri ng Pandiwa Katawanin ( Intransitive Verb ) ❖ mga pandiwang walang tuwirang layong tumatanggap ng kilos ❖ Nagtataglay ito ng kahulugang buo kaya Hindi na nangangailangan ng tagatanggap ng kilos. Halimbawa: 1. Mabilis na nagtakbuhan ang mga magnanakaw...
Filipino 6 Pandiwa Uri ng Pandiwa Katawanin ( Intransitive Verb ) ❖ mga pandiwang walang tuwirang layong tumatanggap ng kilos ❖ Nagtataglay ito ng kahulugang buo kaya Hindi na nangangailangan ng tagatanggap ng kilos. Halimbawa: 1. Mabilis na nagtakbuhan ang mga magnanakaw 2. Masiglang pumasok sa trabaho si Nanay Rosa. Palipat ( Transitive Verb ) ❖ May tuwirang layong tumatanggap ng kilos ❖ Pinangungunahan ng : Ng mga , sa , sa mga, kay , kina , ni , Nina , ng Halimbawa: 1. Kinuha ni Joseph ang lapis sa loob ng kanyang bag 2. Kinulekta ng guro ang papel ng mga mag aaral pagkatapos ng kanilang pagsusulat. Pokus ng Pandiwa 1. Pokus sa Aktor Ang pandiwa ay nasa pokus sa AKTOR, kapag ang simuno ang gumaganap ng kilos Ito ay sumasagot sa tanong na “SINO” Halimbawa: 1. Naglalaba s Nanay tuwing Sabado at Linggo. 2. Si Dr. Jose Rizal ang nagulat ng Noli Me Tangere at E Filibusterismo 2. Pokus sa Gol Ang pandiwa ay nakapokus sa Gol kung ang simuno ang binibigyang diin sa pangungusap G gumawa ng kilos ay nasa bahagi ng panaguri. Ito ay sumasagot sa tanong a “ANO” Halimbawa: 1. Tinahi ni Yaya ang butas ng pantalon ni Ate. 2. Ang pinakamagandang sapatos ay binili ni Lucy. 3. Pokus sa Lokatib Ang pandiwa ay nasa pokus sa LOKATIB kung ang simuno ay ang Lugar na inangyarihan ng kilos Ito ay sumasagot sa tanong ng “SAAN” Halimbawa: 1. Ang mga platong ito ay pinagkainan ng mga bisita sa slusalo. 2. Ang tindahan ay binilhan ni Rosana ng tinapay. 4. Pokus sa Kagamitan Ang pandiwa ay nasa pokus ng kagamitan kung ang simuno ay ang kasangkapang o bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa Ito ay sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?” Halimbawa: 1. Ang traysikel ang ipinanghatid Niya sa kanyang mga anak sa eskwela. 2. Ang kutsarita ay ipinanghalo ni Lolo Amado sa kanyang kape. 5. Pokus sa Benepaktib Ang pandiwa ay pokus sa BENEPAKTIB kung ang simuno ay tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na “PARA KANINO?” Halimbawa: 1. Ipinagluto ni Mang PEdring ng hapunan ang kanyang pamilya 2. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling kuwento. 6. Pokus sa Sanhi Ang pandiwa ay nasa pokus ng SANHI kung ang simuno ang nagpapahayag ng SANHI ng kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na “BAKIT” Halimbawa: 1. Ikinaiyak ng mga manonood ang pagkamatay ng bidang babae. 2. Ang pagbuhos ng malakas a ulan ay ikinatuwa ng mga magsasaka. Pang-uri ✓ Salitang naglalarawan o nagbibigay Turing sa pangalan o panghalip. Halimbawa: 1. Ang malaking bag na iyan ang palaging dala ni Mary tuwing papasok sa paaralang. 2. Ang kulay ng balat ni Lloyd ay kayumanggi. Uri ng Pang-uri ❖ Panlalarawan Naglalarawan ng higis, anyo, lasa, Amoy, kulay at laki ng mga bagay. Naglalarawan ng Katangian at ugali sa tao o hayop. Naglalarawan ng layo, lawak, anda ng Lugar o bagay. - Mainit ang panahon - Ipot na Daan - Mabait na kaibigan ❖ Pamilang Salitang nagsasad ng bilang ng mga pangngalan. Nagsasad ng dami o kakauntian ng mga pangngalang inilalarawan. Halimbawa: 1. Nasa iktalong kabanata na ako ng nobelang binasa ko. 2. Taglima kayo ng tinapay na dala ko. ❖ Pantangi Binubuo ng pangngalang Pambalana at pantangi. Halimbawa: 1. Dumayo ang lalaking Amerikano Dito upang tikman Ang mga lutong pinoy. 2. Masipag pagdating sa trabaho ang mamamayang Pilipino. Kaantasan ng Pang-uri Lantay ✓ Naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip Halimbawa: 1. Matalim ang itak na ginamit ni Italy sa pagputol ng Puno. 2. Ang suot niyang damit ay makulay. Pahambing ✓ Patulad Paghahambing ng dalawang magkatulad na Katangian Panlapi : sing-, kasing-, agsingpareho, kapwa Halimbawa: PArehong maalaga ang mga magkapatid na Rose at Lita sa kanilang mga magulang ✓ Di-Magkatulad A. Pasahol – Kulang sa Katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing (di gaano, di gasino, di masyado) Halimbawa: Di masyadong maayos ng pagkakagawa nitong mesa kaysa sa silya. B. Palamang – naghihigit sa Katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. (Higit, Lalo, mas, di hamak) Halimbawa: Higit na masipag si Jay kaysa Kay Lloyd. Awiting Bayan Tinatawag ding kantahing-bayan ay isa sa mga Uri ng sinaunang panitikang Pilipino. Nasa anyong-patula na inaawit at karaniwang binubuog labindalawang pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw- arawna pamumuhay ng mga tao sa Isang bayan. Mga Uri ng Awiting Bayan Balitaw ▪ Ito’y mga awit ng pag-ibig a ginagamit sa panghaharana g mga Bisaya. Kundiman ▪ Ito Naman ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibiga ng mga Tagalog. Ang isa pang uri nito ay ang pananapatan o mga awiting inaawit kapag dumadalaw o nanghaharana ang binata sa kanyang nililiyag o nililigawan. Dalit ▪ Awit na panrelihiyon o himno ng pagkilala sa Maykapal. Diyona ▪ Awitin sa panahon ng pamamanhikan o kasal. Dung-aw ▪ Awitin sa patay ng mga Ilokano Kumintang ▪ Awit sa pakikidigma o pakikilaban Kutang-kutang ▪ Awit sa lansangan na Ang layong ay magpatawa. Soliranin ▪ Awit sa paggagaod o pamamangka Maluway ▪ Awit sa sama-samang paggawa. Oyayi o hele ▪ Awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag ding lullaby sa Ingles. Pangangaluluwa ▪ Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog. Sambotani ▪ Awit ng pagtatagumpay. Talindaw ▪ Isa pang awit pamamangka.