Pagsusulat ng Tekstong Deskriptibo PDF
Document Details
![ResponsiveExtraterrestrial9983](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-11.webp)
Uploaded by ResponsiveExtraterrestrial9983
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga gabay sa pagsulat ng tekstong deskriptibo sa Filipino. Tinatalakay nito ang mga elemento ng tekstong deskriptibo, mga paraan ng pagsulat, at ang mga halimbawa ng deskriptibong paglalarawan.
Full Transcript
PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng sulatin na naglalarawan ng isang tao, lugar, bagay o karanasan. Layun nitong bigyang-buhay ang imahinasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan. Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo 1. Pa...
PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng sulatin na naglalarawan ng isang tao, lugar, bagay o karanasan. Layun nitong bigyang-buhay ang imahinasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng detalyadong paglalarawan. Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo 1. Pangunahing Paksa -Ito ang sentro ng paglalarawan, maaaring tao, lugar o bagay. 2. Sensory Details -Gumagamit ito ng mga detalye mula sa limang pandama: Paningin : Paglalarawan sa kulay, hugis at anyo. Pandinig: Mga tunog na naririnig sa paligid. Pang-amoy: Mga amoy na bumabalot sa paligid. Panlasa: Mga lasa na maaaring maranasan. Pandama: Mga tekstura o damdamin. Paraan ng Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo 1. Pumili ng Paksa -Pumili ng isang tao, lugar, bagay o pangyayari na mayroon kang sapat na karanasan tungkol dito. 2. Mag-isip ng mga detalye - Isaalang-alang ang mge sensory details: Paningin, Pandinig, Pang-amoy, Pandama at Panlasa 3. I-organisa ang Ideya -Magplano ng estruktura ng inyong teksto. Chronological Order - Sunod-sunod na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Spatial Order - Paglalarawan batay sa lokasyon o posisyon ng mga bagay. 4. Gumawa ng Balangkas Pamagat Panimula: Maikling pagpapakilala sa paksa. Katawan: Detalyadong paglalarawan gamit ang sensory details. Konklusyon: Pagbubuod o personal na pananaw tungkol sa paksa. 5. Magsimula sa Pagsulat Maging Malikhain - Gumamit ng mga salitang makulay at kaakit-akit. Maging Tumpak -Siguraduhing ang mga paglalarawan ay akma at tumpak. Ang Aking Paboritong Lugar Ang aking paboritong lugar ay ang hardin ng aming tahanan. Sa tuwing ako’y naroroon, parang ako’y nasa isang paraisong puno ng kagandahan at kapayapaan. Ang hardin ay napapalibutan ng mga matataas na puno na nagbibigay lilim at sariwang hangin. Ang mga dahon nito ay berde at makintab, na tila ba naglalaro sa sinag ng araw. Sa gitna ng hardin, may isang malawak na damuhan na kasing berde ng esmeralda. Pinapaligiran ito ng iba’t ibang klase ng bulaklak na may sari-saring kulay. Ang mga rosas na kulay pula ay tila mga mahalagang hiyas na kumikislap sa liwanag ng araw, habang ang mga asul na delphinium ay nagdadala ng kalmado sa paligid. Ang matamis na amoy ng mga bulaklak ay umaabot sa aking ilong, na nagdadala ng saya sa aking puso. Mayroon ding isang maliit na lawa sa isang sulok ng hardin. Ang tubig nito ay malinaw at tila salamin, kung saan makikita ang mga isdang lumalangoy. Sa tabi ng lawa, may mga batong nakasalansan na maaaring pag-upuan. Sa mga pagkakataong ako’y nagnanais magpahinga, dito ako umuupo at nagmamasid sa mga ibon na masayang nag-aawitan sa mga sanga ng punong mangga. Sa bawat umaga, ang hardin ay puno ng buhay. Ang mga paru-paro ay nagsasayaw sa hangin, at ang mga bubuyog ay abala sa paglikom ng nektar mula sa mga bulaklak. Ang tunog ng mga ibon ay tila musika na nagbibigay ng kasiyahan at kahulugan sa aking araw. Ang hardin ay hindi lamang isang lugar; ito ay isang kanlungan ng kalikasan at katahimikan. Tuwing ako'y nandito, nakakalimutan ko ang mga alalahanin at nagiging masaya lamang sa mga simpleng bagay na nagbibigay ng inspirasyon at kapayapaan.