Modyul ng Iba't-ibang Teksto Tungkol sa Pananaliksik (Tagalog)
Document Details
Uploaded by StrongFrancium9648
FCD Central Institute – San Pablo City
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay modyul na nakatuon sa iba't-ibang uri ng teksto sa Tagalog. Tinalakay ang iba't ibang uri ng teksto tulad ng impormatibo, deskriptibo, argumentatibo, at naratibo. Isinasama rin ang mga elemento ng bawat uri ng teksto at ang mga cohesive devices na ginagamit sa pagsusulat.
Full Transcript
**PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T -IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK** **TEKSTONG IMPORMATIBO** - isang uri ng babasahing di piksyon - naglalayong magbigay ng impormasyon - hindi nakabase sa kaniyang sariling opinion kundi sa katotoohanan at mga datos - nakadaragdag ng kaalaman o kay...
**PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T -IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK** **TEKSTONG IMPORMATIBO** - isang uri ng babasahing di piksyon - naglalayong magbigay ng impormasyon - hindi nakabase sa kaniyang sariling opinion kundi sa katotoohanan at mga datos - nakadaragdag ng kaalaman o kaya'y napagyayaman ang dating kaalaman **Elemento ng Tekstong Impormatibo** - Layunin ng may-akda -ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon - Pangunahing Ideya- dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa - Pantulong na Kaisipan- paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang makabuo sa isipan - Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin - Paggamit ng mga nakalarawang representasyon - Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto - Pagsulat ng mga talasanggunian Mga Uri ng Tekstong Impormatibo 1. **Paglalahad ng Totoong Pangayayari/Kasaysayan**- inilalahad ang mga totoong pangayayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon 2. **Pag-uulat Pang-impormasyon**-nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, kapaligiran at pangyayari. 3. **Pagpapaliwanag**- nagbibigay ng paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangayyari. **TEKSTONG DESKRIPTIBO** - mga salitang naglalarawan - ginagamitan ng 5 uri ng pandama (5 senses) -Paningin, pang-amoy, pandinig, panlasa at pansalat - mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat - **Subhetibo**- nakabatay sa imahinasyon o kathang isip ng may-akda - **Obhetibo**- nakabatay sa katotohan, maaaring nangyari sa totoong buhay **Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo** 1. **Pagpapatungkol (Reference)** -paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap Dalawang uri: - Anapora -- nakikita sa hulihang pangungusap - Katapora- nakikita sa unahang pangungusap 2. **Pagpapalit (Substitution)** -paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling uulitin ang salita. Hal. Ang **dalagang** nasa dakong iyon ay kay gandang tunay. Maamo ang mukha ng **babaeng** ito. 3. **Ellipsis** -pagtitipid sa pahayag Hal. **Bumili** si Gina ng apat na **aklat** at si Rina nama'y tatlo. 4. **Pang-ugnay**-paggamit ng mga salitang pang-ugnay Hal. Ang mga magulang ko ay nagsusumikap **para** sa aking mga kapatid. 5. **Kohesyong Leksikal-** Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Dalawang Uri a. **Reitrasyon**- kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses 1. Pag-uulit o repetisyon 2. Pag-iisa-isa 3. AllPagbibigay-kahulugan b. **Kolokasyon**- mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't-isa - Hal. Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hila-timog - Puti-itim, maliit-malaki, mayaman-mahirap **TEKSTONG PERSUWEYSIB** - Manghikayat o manumbinsi sa babasa ng teksto - May subhetibong tono. Malayang ipinapahayag paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig - Taglay ang personal na opinion at paniniwala ng may-akda Ayon kay Aristotle may tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi 1. Ethos -Paggamit ng kredibilidad ng may-akda 2. Pathos- Paggamit ng emosyon o damdamin 3. Logos-Paggamit ng lohika, pagpapakita ng datos o ebidensya **TEKSTONG NARATIBO** - Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkaaksunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. - Layon nito ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. - Nakapagtuturo ng kabutihang asal, at mahahalagang aral. **Iba't-Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo** 1. **Unang Panauhan**- isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naalala o naririnig, kaya gumagamit ng panghalip na *ako*. 2. **Ikalawang Panauhan**- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na *ka o ikaw*;hindi ito gaanong ginagamit ng manunulat 3. **Ikatlong Panauhan**- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya; tinatawag din itong na *narrator.* May tatlong uri ng ganitong uri ng pananaw: - **Maladiyos na Panauhan**-nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan. - **Limitadong Pananaw**-Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isang tauhan subalit hindi ang iba pa. - **Tagapag-obserbang Panauhan**- Hindi niya napapasok ang o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin. 4. **Kombinasyong Pananaw o Paningin**- hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. 1. **Tauhan** Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang mga sumusunod: a. Pangunahing Tauhan - tinatawag na bida b. Katunggaling Tauhan -tinatawag na kontrabida c. Kasamang Tauhan-kasama o kasangga ng pangunahing tauhan d. Ang may-akda- ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay laging magkasama sa kabuoan ng akda Ayon kay E.M Forster, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo. a. Tauhang Bilog (Round Character) -may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad b. Tauhang Lapad (Flat Character) -ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang kataingang madaling matukoy o predictable. 2. **Tagpuan at Panahon -**Tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) 3. **Banghay-** Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. - Epektibong simula upang maipakilala ang mga tauhan, tagpuan at tema. (Orientation o Introduction) - Pagpapakilala ng Suliranin (Problem) - Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyon (Rising Action) - Pagtuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (Climax) - Pababang Pangyayaring na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (Falling Action) - Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (Ending) Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitma-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri iro sa tatlo: a. Analepsis (Flashback) -Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. b. Prolepsis (Flash-forward) -Dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa hinaharap c. Ellipsis- May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. 4. **Paksa o Tema-** Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari **TEKSTONG ARGUMENTATIBO** - Ang tekstong ito ay naglalayon ding kumbinsihin ang mababasa ngunit hindi lamang nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, nakabatay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. - Inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran at ebidensya na nagpapatibay ng kaniyang posisyon o punto. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tekstong Argumentatibo | Tekstong Persuweysib | +===================================+===================================+ | - Nangungumbinsi batay sa datos | - Nangungumbinsi batay sa | | o impormasyon | opinion | | | | | - Nakahihikayat dahil sa merito | - Nakahihikayat sa pamamgitan | | ng mga ebidensya | ng pagppukas ng emosyon ng | | | mambabasa at pagpokus sa | | - Obhetibo | kredibilidad ng may-akda | | | | | | - Subhetibo | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo** 1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo. Hal. Ang pagpapatupad ng Kto12 Kurikulum 2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig mo dito. 3. Mangalap ng ebidensya. Ito ay mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon. 4. Gumawa ng burador (draft) 5. Isulat na ang draft. 6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks. 7. Muling isukat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya. **TEKSTONG PROSIDYURAL** - Isang uri ng ekspositori - Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan - Nagpapaliwanag ito kung paano isinasagawa ang isang bagay. - Layunin nitong mapabatid ang mga wastong hakabang na dapat isagawa.