Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng isang pananaw sa tekstong impormatibo. Binibigyang-diin ang mga elemento at estilo sa pagsulat. Kasama rin ang mga bahagi ng tekstong deskriptibo.

Full Transcript

**REVIEWER SA PAGBASA** **TEKSTONG IMPORMATIBO-** isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magas...

**REVIEWER SA PAGBASA** **TEKSTONG IMPORMATIBO-** isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba't ibang websites sa Internet. **ELEMENTO** **Layunin ng may-akda-**Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo:mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay. **Pangunahing Ideya-**Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. **Pantulong na Kaisipan-**Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila. **ISTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN** **Paggamit ng mga nakalarawang representasyon-** Makatutulong ang paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo. **Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto-**Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis nakasalungguhit o paglagay ng "panipi" upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin. **Pagsulat ng mga Talasanggunian-**Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito. **URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO** **Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan**-Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. **Pag-uulat pang-impormasyon-**Ang uri ng tekstong impormatibongito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid. **Pagpapaliwanag-**Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. **TEKSTONG DESKRIPTIBO-**maihahalintulad sa isang larawang pinipinta o iginuguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Mga pang-uri at pang-abay ang pangkaraniwang ginagamit ng manunulat upang malarawan ang bawat tauhan, tagpuan, kilos o anumang bagay na nais niyang magbigay buhay sa imahinasyon ng mambabasa. **GAMIT ANG COHESIVE DEVICDE O KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO** Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod: Reperensya (reference), Substitusyon (substitution), Ellipsis, Pang-ugnay at Leksikal. **REPERENSYA (Reference)-**Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag- uusapan sa pangungusap. **ANAPORA**-kailangan bumalik sa tektso upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy **KATAPORA**- nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino ang tumutukoy kapag ipinagpapatuloy ang pagbabasa ng tektso. **SUBSTITTUSYON (SUBSTITTUTION)** Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. **ELIPSIS**-May binabawasan na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag upang matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang pangungusap. **PANG-UGNAY**-Nagagamit ang mga pag-ugnay tulad ng "at" sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parilala sa parilala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay. **KOHESYON LEKSIKAL-**Mabibisang salita ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon. **RETIRASYON**-Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit, pag-iisa isa, at pagbibigay-kahulugan. **KOLOSKASYON**-Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareho o magka-ugnay sa isa\'t isa kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkaapreha o maari ring magkasalungat. **BAHAGI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO** **PAGLALARAWAN SA TAUHAN**-Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang makatotohanan din ang pagkakalarawan nito. **PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN AT EMOSYON-**Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito'y ang kanyang damdamin o emosyong taglay **PAGSASAAD SA AKTUWAL NA NARARANASAN NG TAUHAN-**Maaaninag ng mga mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito. **PAGGAMIT NG DIYALOGO O PAG IISIP-**Maipapakita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya. **PAGSASAAD SA GINAWA NG TAUHAN-**Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa'y higit pang mauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan **PAGGAMIT NG TAYUTAY O MATATALINHAGANG MGA SALITA-**Ang mga tayutay at matatalinhagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa. **PAGLALARAWAN SA TAGPUAN-**Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligirang ito. **PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG BAGAY-**Sa maraming pagkakataon sa isang mahalagang bagay umiikot ang mg pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. **TEKSTONG NARATIBO-**Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o sa mga tauhan, nangayri sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. **MGA KATANGIAN** **UNANG PANAUHAN-**Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na **AKO** **IKALAWANG PANAUHAN-**Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya\'t gumagamit siya ng mga panghalip na **KA O IKAW** subalit tulad ng unang nasabi hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. **IKATLONG PANAUHAN-**Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay **siya**. Ang tagapagsalaysay ay napag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. **MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG** **DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG-**Sa ganitong uri ng pagpapahayag ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. ito ay ginagamitan ng **PANIPI** **DI DIREKTA O DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG-**Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. **Hindi na ito ginagamitan ng PANIPI.** **ELEMENTO** **TAUHAN-**may dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan ang expository at ang dramatikong expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatika naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkios o pagpapahayag. TAGPUAN AT PANAHON-tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari. **BANGHAY-**Ito ang tawag sa maayos na daloy ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. **TEMA O PAKSA-**Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa **TEKSTONG PROSIDYURAL-**Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. **APAT NA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL** **INAASAHAN O TARGET NA AWPUT-**Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katagian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. **MGA KAGAMITAN-**Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailanganupang makumpleto ang isinasagawang proyekto **METODO-**Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto. **EBALWASYON-**Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. **TEKSTONG PERSUWEYSIB-** Ang panghihikayat o mangungumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at mangumbinsi na ang punto ng manunulat at hind isa iba ang siyang tama. **AYON KAY ARISTOTLE MAY TATLONG KATANGIAN NG NG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT O PANGUNGUMBINSI.** **ETHOS-** Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala. **PATHOS-**Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa Ayon kay Aristotie, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. **LOGOS** ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan. **IBA'T IBANG URI NG MGA PROPAGANDA DEVICE** **NAME CALLING-**Pagbibigay ng hindi Magandang Taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin **GLITTERING GENERALITIES-**Ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. **TRANSFER-**Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. **TESTIMONIAL-** Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto. **PLIAN FOLK-**Mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo. **CARD STACKING-**Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi Magandang katangian. **BANDWAGON-**Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na. **TEKSTONG ARGUMENTATIBO-**Naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat. Batay sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi ethos, pathos, logos ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang mambabasa. Inilalahad ng may akda ang mga argumentatibo, katwiran at ebidensyang magpapatibay ng kanyang posisyon o punto. **ELEMENTO** **PROPOSISYON-** Ay ang pahayag na inilatag upang pagtalunan o pag-usapan. **ARGUMENTATIBO-**Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser