Araling Panlipunan 8 Ikatlong Markahan S.Y. 2021-2022 (Tagalog) PDF
Document Details
![TopJasper3588](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-17.webp)
Uploaded by TopJasper3588
Navotas City
2021
Tags
Related
- ARALING PANLIPUNAN 10 Past Paper PDF
- ARALING PANLIPUNAN 10 Unit Test 1 PDF
- Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
- Pag-usbong ng Renaissance (Araling Panlipunan 8) - PDF
- Araling Panlipunan 8 Ikatlong Markahan - Modyul 1 Panahon ng Renaissance PDF
- AP G8 Test Questionnaire Q3 2024-2025 PDF
Summary
This module covers the 3rd quarter of Araling Panlipunan for 8th grade in the Philippines, School Year 2021-2022. It contains questions and answers about the Renaissance and the Humanist movement. It includes multiple choice questions and essay topics.
Full Transcript
DIVISION OF NAVOTAS CITY 8 ARALING PANLIPUNAN Ikatlong Markahan S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 1...
DIVISION OF NAVOTAS CITY 8 ARALING PANLIPUNAN Ikatlong Markahan S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rowena L. Amomas, Michelle P. Nocete, Charlotte Anne P. Dimandal, Elsa O. Lansangan, Ma. Ligaya L. Alcoy, Pedro I. Gilbueno Jr., Edison R. Macascas, Marc Erlwin L. Flores, and Jennifer C. Ugalde Editor: Ruth R. Reyes Tagasuri: Cristelita L. dela Cruz Tagaguhit: Tagalapat: Johnny Fred A. Limbawan Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS Lorena J. Mutas, ADM Coordinator Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Navotas City Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City ____________________________________________ Telefax: 02-8332-77-64 ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________ [email protected] Nilalaman Subukin......................................................................................... 1 Modyul 1........................................................................................ 3 Modyul 2 at 3................................................................................. 8 Modyul 4........................................................................................ 13 Modyul 5 at 6................................................................................. 17 Modyul 7........................................................................................ 23 Modyul 8........................................................................................ 29 Modyul 9........................................................................................ 34 Tayahin.......................................................................................... 39 Susi sa Pagwawasto........................................................................ 41 Sanggunian ……………………………………………………………….……. 44 Sa pagsisimula natin sa markahan na ito, basahin mo munang maigi ang mga sumusunod na mga tanong para malaman mo kung hanggang saan pa lamang ang iyong nalalaman sa markahan na ito. Bigyang pansin ang mga katanungan na hindi nasagot ng wasto at subuking alamin ang mga sagot sa modyul na ito. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa papel. 1. Kasabay ng pag-usbong ng Renaissance ay sumibol ang kaisipang Humanismo. Paano nakaapekto ang kaisipang Humanismo sa Renaissance? A. Napigil nito ang pagalaganap ng Renaissance sa Europe. B. Nagsilbi itong daan upang maging makapangyarihan ang Simbahan. C. Maraming Humanista ang nagsulong ng Reporma sa Simbahan. D. Lumaganap ang Renaissance sa iba’t ibang bahagi ng Europe. 2. Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagbigay daan sa Rebolusyong Intelektwal noong panahong Renaissance sa Europe. Paano ito nakaapekto sa kaisipan ng mga mamamayan? A. Pinahalagahan nila ang mga gawang sining B. Naging masigla ang pagtuklas ng mga bagong lupain C. Nagkaroon ng pagbubuklod ang mga bansang England, France at Portugal D. Nabago ang dating maling paniniwala at pamahiin noong Gitnang Panahon 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa motibo ng eksplorasyon? A. Katalinuhan B. Katanyagan C. Kayamanan D. Kristiyanismo 4. Sino itong Europeong manlalakbay na galing tsina ang nagpakilala pa ng husto sa Europe kung kagaano kaganda ang Asya? A. Christopher Columbus B. Ferdinand Magellan C. Ibn Battuta D. Marco Polo 1 5. Anong bansa ang pinagsimulan kung saan sumibol ang Rebolusyong Industriyal? A. Italya C. Inglatera B. Pransiya D. Estados Unidos 6. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13 kolonya sa Timog Amerika sa Britanya dahil sa: A. Paghingi ng karagdagang buwis B. Hangad na patalsikin ang hari ng Britanya C. Pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan D. Pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya 7. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika bilang protesta sa Parliamento ng Britanya. A. Maging Malaya at isang karangalan B. Walang pagbubuwis kung walang representasyon C. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan D. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng himagsikan 8. Maraming bansa ang dumaan sa pagbubuwis ng buhay sa kapakanan ng kanilang bansa laban sa mga mananakop. Alin sa sumusunod ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng isang bansa upang magkaisa ng layunin sa nasabing sitwasyon? A. Magkaroon ng kalayaan B. Maging bayani ng kanilang bansa C. Magkaroon ng maunlad na pamumuhay D. Maipahayag ang damdaming nasyonalismo 9. Bunga ng bagong teknolohiya sa produksyon sa panahong ito, nagkaroon ng mabilis na transpormasyon ang mga bansang Kanluranin sa larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura. A. Rebolusyong Amerikano C. Rebolusyong Industriyal B. Rebolusyong Pranses D. Rebolusyong Bolshevik 10. Dahil sa higit na pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang Kanluranin, ito ang naging pakay nila sa pananakop ng ibang bayan at pagtatatag ng mga kolonya. A. Hilaw na materyales B. Pakikipag-ugnayan C. Pakikipagkaibigan D. Diplomasya 2 MODYUL 1 Mapupukaw ang iyong kaalaman sa modyul na ito kung paano namulat ang tao sa katotohanang mahalaga ang pagkatao at sa mahalagang sinikap ng tao na linangin ang kanyang mga potensyal sa paggamit ng pag-iisip, pangangatwiran at pag-eeksperimento na siya naming nagsulong sa pag-unlad ng kilusang intelektual at humanistikong pag-aaral. Sa modyul na ito, mababatid mo kung ano nga ba ang tinatawag nating Renaissance, mga salik na nagbigay-daan sa sa kilusang ito, ang paglaganap ng humanismo at higit sa lahat ang kahalagahan nito sa kasaysayan. Sa aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naipapahayag ang katuturan ng renaissance 2. Naiisa-isa ang mga dahilan sa pagsilang ng renaissance sa Italya 3. Natatalakay ang humanism sa panahon ng renaissance Aralin ANG PAG-USBONG NG 1 RENAISSANCE Nakita mo na ba ang larawan ni “Mona Lisa”? Nabasa mo na rin ba ang Kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto, hinggil sa Aralin ito. Tara umpisahan na natin. Pag-usbong ng Renaissance Dahil sa pag-unlad ng agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod- estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi 3 sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrari, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Bakit sa Italy? Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga Unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 4 Ang mga Humanista Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang Humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ang Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin”. Pinag- aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag- aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa asignaturang ito. Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Ano ang pagkakaiba sa pagtingin ng mga humanista ng sinaunang panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Mga Ambag sa Iba’t-ibang Larangan Larangan ng Sining at Panitikan Larangan ng Pinta Larangan ng Agham Francesco Petrarch Michelangelo Nicolas (1304-1374) Buonarroti (1475- Copernicus “Ama ng Humanismo” 1564) (1473-1543) “Songbook” pinakasikat “Teoryang Giovanni Boccacio na iskultor ng Helliocentric (1313-1376) Renaissance, , “Angpag- “Decameron” nagtataglay ng “Estatwa ni ikot ng isang (100) nakakatawang David” at “La daigdig sa salaysay. Pieta” aksis nito, William Shakespeare Leonardo da Vinci sansinukob (1564-1616) (1452-1519) Galileo Gallilei “Makata ng mga Makata” “Huling (1564-1642) Hapunan” 5 Isinulat ang walang Raphael Santi Isang kamatayang dula gaya ng (1483-1520) astronomo “Julius Caesar Romeo and “Ganap na at Juliet, Hamlet, Anthony at Pintor”, matimatiko, Cleopatra at Scarlet.” “Perpektong nakaimbent Desiderious Erasmus Pintor” o ng (1466-1536) Pinakamahus teleskopyo. “Prinsipe ng mga Humanista” ay na pintor Sir Isaac Newton May akda ng “Praise of Folly” ng (1642-1727) Niccolo Machievelli Renaissance. Batas ng (1469-1527) Ilan sa mga Universal Isang diplomatikong tanyag na Gravitation. manununlat obra “The Prince” maestrang Miguel de Cervantes “Sistine (1547-1616) Madonna”, Sa larangan ng panitikan Madonna and isinulat nya ang nobelang the Child” at “Don Quixote de la Mancha” “Alba Madonna.” Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng mga kasagutan sa kaniyang mga katanungan. Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang na panahon patungo sa Modernong Panahon. Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan rin sa pag- usbong ng Rebolusyong Intelektwal at malawak nakaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sankatauhan. Gawain 1: (√) o (x) Panuto: Tayain ang mgasumusunod napahayag kung naaayon (/) o hindi (X) sa mga aral ng Renaissance. _______1. Isinilang ang Renaissance sa matandang lungsod ng Athens. _______2. Itinaguyod ng mga maharlikang ang bansa Italy ang mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. _______3. Ang Renaissance ay nangangahulugang “rebirth of knowledge” _______4. Ang Renaissance ay kilusang pampolitika at pang-ekonomiya. 6 _______5. May ambag sa panitikan sina Raphael, Michelangelo, Leonardo. Gawain 2: Maala-ala mo kaya? Magbigay ng impormasyon tungkol sa sumusunod na tauhan/konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Humanismo__________________________________________________ 2. Renaissance__________________________________________________ 3. William Shakespeare__________________________________________ 4. Francisco Petrarch ___________________________________________ 5. Last Supper __________________________________________________ Humanist in the Making! Panuto: Gumawa ng akda o likhang sining na nakatuon sa kapaligiran at pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng likhang sining. Rubric sa Pagmamarka ng likhang Sining Pamantayan Deskripsyon Puntos Kaangkupan sa Nakatuon ang akda o likhang 13 paksa ng gawain sining sa kagalingan o pamumuhay ng tao sa kasalukuyang panahon. Makatotohanang nailarawan ang tao sa akda o likhang sining Pagkamalikhain Gumamit ng mga angkop na 7 paraan sa pagsulat o pagguhit, Malikhain at original ang gawa. Kabuuan Kabuuang puntos na nakuha 20 7 MODYUL 2 at 3 Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo. Aralin UNANG YUGTO NG 2&3 KOLONYALISMO Taong 1500 hanggang 1700 nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ito ang nagbigay-daan sa kolonyalismo at imperyalismo ng mga bansa. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa samantalang ang imperyalismo naman ay ang panghihimasok, pag- impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin Mga Motibo at Salik ng Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin Tatlong bagay ang itinuturing na motibo ng eksplorasyon: Paghahanap ng Kayamanan Pagpapalaganap ng Kristiyanismo Paghahangad ng Katanyagan Mga Salik na nagtulak sa eksplorasyon: Pagiging mausisa dulot ng Renaissance Pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay Pagkatuklas Pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pagdagat (Compass at Astrolabe, at Caravel) 8 Ang Asya ay kaakit-akit na lugar para sa mga europeo. Limitado pa lamang ang kanilang kaalaman tungkol dito ngunit hindi ito naging hadlang para mapasimulan ang eksplorasyon. Nagkaroon ng sapat ng kaalaman ang mga europeo dahil sa mga tala ng mga manlalakbay tulad ni Marco Polo at Ibn Battuta. Mas lalo pa nanaig ang pagnanais nilang magalugad ito. Mahalaga ang naging aklat ni Marco Polo na “The Travels of Marco Polo” sapagkat ipinakita niya rito kung gaano kaganda at kayaman ang China. Samantala, itinala naman ng muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kaniyang mga Nakita sa kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Dahil sa mga tala nila mas lumala pa ang kanilang hangarin na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya. Paghahanap ng Spices Mahalaga ang spices para sa mga Europeo. Ito ay matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga europeo ay amh paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan sa Europe at Asya at kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Naghangad ang mga Europeong mangangalakal na magkaroon ng direktang kalakalan sa Asya na mga spices na kailangan nila. Mga Pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin Ang mga sumusunod ay mga bansang europeo na nagpaligsahan para sa kapangyarihan. Nanguna ang Portugal at Spain sa eksplorasyon sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo. Sinundan sila ng iba pang mga bansa tulad ng Netherlands, England, at France. Portugal Nanguna ang bansang Portugal sa pagkakaroon ng interes na makahanap ng spices at ginto sa karagatan ng Atlantic. Hinananap nito ang rutang papuntang Asya noong 1420-1528. Ang Cape of Good Hope ang pinangalan ni Bartholomeu Diaz sa timog na bahagi ng Africa noong 1488. Dahil din sa paglalakbay ni Vasco Da Gama nakilala ang mga Muslim at Hindu na magaling sa pakikipagkalakalan gaya ng seda, porselana at mga bagay na kailangan ng mga Portuges. Nakilala din dito si Prinsipe Henry the Navigator. Bilang tagapagtaguyod ng mga paglalayag. Spain Naghangad din ang Spain ng kayamanan sa Silangan. Noong 1492, namuno si Christopher Columbus, isang Italyano sa paglalayag. Nagpunta sila sa India at pakanluran ng Atlantiko. Narating niya ang Bahamas, napagkamalan niya itong India dahil kakulay din ng mga taga Bahamas ang taga India. Narating din nila ang Haiti, Cuba at Dominican Republic kung saan nakatagpo siya ng maraming ginto. Narating din Columbus ang isla ng Caribbean at South America. Pinaliwanag din ni Amerigo Vespucci, isang italyanong nabigador na nakatagpo si Columbus ng Bagong Mundo, ngunit nang lumaon ay isinunod kay Vespucci ang pangalan nito na America. 9 Paghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng ekspedisyon ng Portugal at Spain, humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa ng Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalaban. Taong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa (isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang Timugang Pola) na kung saan ang Spain ay tutungo sa may Kanlurang bahagi samantalang ang Portugal naman ay sa may Silangang bahagi. Paglalakbay ni Ferdinand Magellan Nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan (isang portuges na manlalakbay na sinuportahan ng spain) noong 1519. Nilakbay niya ang rutang pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng south America (brazil). Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang sa marating ang Pilipinas. Netherlands Napunta sa mga Dutch ang pagiging pangunahing bansang kolonyal noong ika-17 na siglo. Nakuha nila ang Moluccas sa kamay ng Portugal at ginawa itong taniman ng mga halaman na mabili sa mga pamilihan. Mayroon din silang kolonya sa North America. Nanguna dito si Henry Hudson na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Narating niya ang New York Bay noong 1609 at tinawag itong New Netherland. Ipinangalan din kay Hudson ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA. England Naging tanyag ang England bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan sa Europe. Binigyan ng England ang English East India Company ng karapatang makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Ang unang kolonyang English ay naitatag sa Roanoke Island sa may silangang baybayin ng America ngunit hindi rin ito nagtagal. Noong 1607 hanggang 1733 ay nakapagtatag ng kolonya sa dalampasigan ng Atlantic Ocean. Sa kabuuan, 13 kolonya ang naitatag sa silangang dalampasigan ng North America. France Sa pangunguna ni Jacques Cartier noong 1534 ay naabot nila ang St. Lawrence River at ipinasailalim sa France ang lugar. Itinatag naman ni Samuel de Champlain ang Quebec noong 1608 bilang unang permanenteng kolonya ng French. Naabot ni Louis Jolliet at misyonerong heswita na si Jacques Marquette ang Mississippi River at naglakbay hanggang sa Arkansas River. Pinangunahan naman ni Rene-Robert Cavelier ang ekspedisyon sa Mississippi hanggang sa Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari ng France na si Louis XIV at tinawag niya itong Louisiana. 10 Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin Nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad. Nakapukaw ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan. Nagdulot ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig. Gawain 1: Terminolohiya: Ibigay ang mga kahulugan ng mga sumusunod. 1. Eksplorasyon - 2. Spices - 3. Ruta - 4. Teknolohiya - 5. Imperyalismo – Gawain 2: Tukuyin kung saang bansa nanguna sa paglalakbay ang mga sumusunod. Suriin kung ito ay napapabilang sa bansang Portugal, Spain, France, England, o Netherlands. 1. Amerigo Vespucci – 2. Bartholomeu Diaz – 3. Christopher Columbus – 4. Ferdinand Magellan – 5. Henry Hudson – 6. Jacques Cartier - 7. Louis Jolliet - 8. Prinsipe Henry - 9. Rene-Robert Cavelier - 10. Vasco da Gama – Gawain 3: Mabuti o Masama: Tukuyin kung nakabuti o nakasama ang mga sumusunod na epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin. Lagyan ng tsek ang box at ipaliwanag ito. 1. Paglakas ng ugnayan ng silangan at kanluran. Nakabuti Nakasama 11 Paliwanag: _______________________________________________________ 2. Paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan. Nakabuti Nakasama Paliwanag: _______________________________________________________ 3. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman, at sakit. Nakabuti Nakasama Paliwanag: ________________________________________________________ 4. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop. Nakabuti Nakasama Paliwanag: ________________________________________________________ 5. Interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Nakabuti Nakasama Paliwanag: ________________________________________________________ Panuto: Dugtungan ang mga salita upang makabuo ng pahayag at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Kung ako ay nabuhay noong panahon ng eksplorasyon, sasama ako sa paglalakbay ni ___________________________ dahil__________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________. Pamprosesong Tanong: 1. Nakatulong ba sa mga sinakop ang pagdating ng mga dayuhan sa kanilang lugar? Bakit? 2. Paano nabago ng mga kanluranin ang pamumuhay ng mga bansang kanilang nasakop? 12 MODYUL 4 Pagkatapos mo mapag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito: Inaasahang nasusuri mo ang mga dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal. REBOLUSYONG SIYENTIPIKO, Aralin ENLIGHTMENT, AT 4 REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Ang mga bagong kaalaman at teknolohiya na nadala at ipinakilala ng eksplorasyon, maging ng Renaissance at Repormasyon ay nagbunsod upang pagtuunan ng mga tao ang edukasyon at agham. REBOLUSYONG SIYENTIPIKO Nicolaus Copernicus Isang siyentistang Polish na naniniwala na ang mundo ay bilog at hindi patag. Ayon sa kanya ang mundo ay umiinog sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan. Ito ay nakilala bilang Teoryang Heliocentric. Johannes Kepler Alemang astrologo na bumuo ng pormula sa matematika upang mapatunayang ang pag-ikot ng mga planeta sa araw. Galileo Galilei Italyanong Siyentista na naparusahan ng Inquisition dahil sa kanyang pagtanggap sa Teoryang Heliocentric ni Copernicus na naging daan sa kaniyang habang buhay na House Arrest. Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kanyang imbensiyon na teleskopyo at naging dahilan ng kanyang pagdidiskubre sa kalawakan. 13 ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito mula sa batayang kaisipangiminungkahi ng mga pilosopo. Maari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA Ang mga pagbabago sa siyensiya ay naging daan sa mga pilosopo at mga mapag-isip (thinkers) na magkaroon ng ideya na kung ang sistematikong batas ay maaring kasagutan sa paglikha ng sansinukuban at natural na kapaligiran. Thomas Hobbes Isang pilosopong Ingles na ang pinagtuunan ng pag aaral ay ang pulitika. Ginamit niya ang ideya ng batas natural upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kanyang aklat na Leviathan noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan diin niya na ang mga tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan at maging masunurin dito. Kapalit nito ang pangangalaga at proprotekta na ibibigay ng pamahalaan sa kanya. John Locke Pilosopong taga Inglaterra na may parehong paniniwala gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kanyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatwiran,may mataas na moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari. Baron de Montesquieu Pilosopong Pranses na naniniwala sa paghahati ng kapangyarihansa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan. Ang Lehislatura na ang pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas, ang Ehekutibo na nagpapatupad ng batas at ang Hudikatura na tumatayong tagahatol. REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitang makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis at lumaki ang produksiyon. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagpasimula ito noong 1760 na kung 14 kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan. Dito at nagsimula ang rebolusyon sa agrikultura. Noong 1800 ang Gran Britanya ang nagpasimula nito dahil sa pagkakaroon niya ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya sa pabrika. Lumaganap ang pakikipagkalakalan at ito ay naging dahilan ng pagiging matatag na ekonomiya. Sinuportahang mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. Pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Gran Britanya. Dati sa ilalim ng domestic system ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati- hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kanya namang pinagbibili at pinatutubuan. Ang mga mayayaman lamang ang mayroong oportunidad na magkaroon ng maraming damit. Ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. Ang imbensyon ng mga makinarya ay nagpadali sa pagprodyus ng mga tela at mabibili sa murang halaga. Ang makinang spinning jenny na gawa ni James Hargreaves ng Englatera noong 1764 ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maari nang gawin ng isang manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya. Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay halos ginagawa ng 50 manggagawa. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa Estados Unidos. Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para madagdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensiyon na ginawa ang tao na gawa sa bakal gaya ng mga makinarya sa bukid, baril at tren. Sa makabagong telekomunikasyon naging kilala si Alexander Graham Bell Isang Siyentistang Scottish at imbentor ng unang telepono. Si Samuel B. Morse naman ng Amerika ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa ibang lugar. Si Thomas Alva Edison, Amerikanong nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang ng lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan. Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapag-suplay ng tubig na magbibigayng enerhiyang haydroelektrik at nagpatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika. Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanap-buhay sa mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking 15 puhunan at nagbago sa pamumuhay ng mga tao hanggang mabuo ang panggitnang uri ng mga tao sa lipunan. Epekto ng Industriyalisasyon Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalisasyon. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na panggitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga union ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang nagsilbing pamilihan ng kanilang mga produkto. GAWAIN Panuto: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa mga tekstong binasa sa aralin, Punan ng mahalagang inpormasyon ang talahanayan ng mga naging kontribusyon sa iba-ibang larangan ng mga personalidad. PERSONALIDAD BANSANG LARANGAN KONTRIBUSYON PINAGMULAN 1. Galileo Galilei 2. Nicolaus Copernicus 3. Johannes Kepler 4. Thomas Hobbes 5. John Locke 6. Baron de Montesquieu 7. Alexander Graham Bell 8. Samuel Morse 9. Eli Whitney 10. James Hargreaves Panuto: Pumili ng isang imbensyon noong panahon ng Rebolusyong Industriyal at ipaliwanag ang pakinabang nito sa kasalukuyang panahon. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 16 MODYUL 5 at 6 Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong ukol sa absolutong monarkiya at ang dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampulitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa Amerika at Pransiya. Nagpasimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog Amerika at Britanya. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago ng lipunan. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano. Aralin REBOLUSYONG 5&6 AMERIKANO Ang Digmaan para sa Kalayaan sa Amerika Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagang Himagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala naman silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magiging tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados Unidos ng Amerika. Ang Labintatlong Kolonya Nagalit ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng mga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplataya na 17 resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay ang Massachusetts at sa Timog ay ang Georgia. Bawa’t isa sa kolonya ay may mga sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang Britanya laban sa Pransiya upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Ito ang dahilan kung bakit nais ng Britanya na ang mga kolonya ay mag- ambag sa naging gastusin ng Britanya at ito’y nais nilang kunin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis. “Walang Pagbubuwis kung walang Representasyon” Matapos Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang walang pagbubuwis kung walang representasyon”. Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonista ang nagsuot ng katutubong kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. Tinawag ang mga batas na ito sa Amerika bilang Intolerable Acts. Ang Unang Kongresong Kontinental Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Britanya sa Amerika ay dagling sumaklolo sa naging kahinatnan ng Insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’t isang kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala ng dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at samasamang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Pinagkaisahan nila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Britanya. Sa bawa’t kolonya ay bumuo sila ng magiging kabilang ng kanilang boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan. Ang Pagsisimula ng Digmaan Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong 18 grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay sa pangyayari. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad. Ang Ikalawang Kongresong Kontinental Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies of America” (Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikano na kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa sapagka’t tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776. Ang Deklarasyon ng Kalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ng Britanya. Sila sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. Buwan na ng Agosto ng tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na magretreat sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pag-plaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre, 1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang pag- atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kanyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa Nueba York. Paglusob sa Canada Simula noong 1777 ay pinasimulan ng mga British ang pag-atake sa Amerika mula sa Canada, nguni’t sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na 19 sa halos 20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre 1777 ay nanalo sa Labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pagatake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates. Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan Ang bansang Pransiya ay tradisyunal na kalaban ng Britanya at ang mga Pranses ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay pinasimulan ng bigyan ng rekognisyon ng pamahalaang Pranses ang Estados Unidos ng Amerika bilang isang malayang estado. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ng mgaBritish ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng Britanya. Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti ng sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan. Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Britanya ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo subali’t tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika.Samantala, ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng Inglatera ay lumipat sa Canada at nanatiling kolonya ng Britanya. Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na 20 sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 at nagbuo ng isang republika ng lumaon. Gawain 1: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Rebolusyong Amerikano. Isulat sa patlang ang mga titik (A – E). __1. Pagdaraos ng Unang Kongresong Kontinental. __2. Pagdeklara ng kalayaan ng Amerika laban sa mga mananakop. __3. Pagkakabuo ng labintatlong kolonya. __4. Pagpapatawag muli ng Ikalawang Kongresong Kontinental. __5. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa. Gawain 2: Isulat ang titik K kung ang ang pangungusap ay nagpahayag ng katotohanan. Kung hindi, isulat ang titik HK. _____ 1. Ang idea ng Karapatan,pagkakapantay-pantay,at kalagayan ang sigaw ng rebolusyon sa America noong Ika-18 siglo. _____ 2. Sumiklab ang American Revolution dahil hinangad nila ang maging makapangyarihan. _____ 3. May kinalaman sa pagbubuwis at restriksiyon sa kalakalan na ipinatupad ng Great Britain ang ikinagalit ng mga Amerikano. _____ 4. Ang deklarasyon ng Kalayaan ng 13 kolonya sa America ay inihanda ni Thomas Jefferson. _____ 5. Isinilang ang United States of America sa pagtatapos ng Rebolusyong Amerikano. Gawain 3: Itala sa talahanayan ang mga mahahalagang pangyayari sa Rebolusyong Amerikano at ang naging bunga nito. Paksa: Rebolusyong Amerikano Mahahalagang Pangyayari: Resulta: 21 Panuto: Ipagpalagay na sa iyo inatas ang pagsasagawa ng isang mapayapang “protest rally” upang ipaalam ang iyong hinaing na may kinalaman sa talamak na korupsyon. Ipakita sa pamamagitan ng pagbuo ng disenyo sa statement T-shirt na ito. 22 MODYUL 7 Malaki ang naging impluwensya ng mga kaisipan ng mga kaisipan ng Enlightenment sa Europe at America. Sa paglagnap ng mga progresibong kaisipang ito ay naging higit namapanuri ang mga mga mamamayan sa Simbahan at sa kanilang pamahalaan. Natuto rin silang mag-isip para sa kanilang sariling kapakanan at magsa-alang alang sa kanilang mga karapatan. Ating tunghayan sa modyul na ito kung paano nakaapekto ang pagsiklab ng American at French Revolution noong ika-18 siglo. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng rebolusyong Amerikano at Pranses Aralin 7 REBOLUSYONG PRANSES Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang Pransiya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon monarko na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine rights of king. Ang divine rights ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyoses kaya siya ay pinili ng diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakakaraming bilang nga mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa. Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang Pranses ng malaking halagang pera para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang 23 magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kanyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin ang maraming digmaan na sinalihan ng Pransiya kabilang na dito ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses. Sina Haring Louis XVI at Reyna Marie Antoinette ng Pransiya Ang Pambansang Asembliya Upang mabigyan ng lunas ang kakulangan sa pera na kailangan ng Pransiya nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng mga representante ng tatlong estates. Noong 1788 ay nagkaroon ng isang pagpupulong kung saan pinili ang mga magiging representante ng bawat isang estado. Sa panahon ng halalan ay naging mainit na usapin ang ukol sa mga radikal na ideya at ang pamamaraan na dapat sundin ukol sa pamumuno sa Pransiya. Ang mga dumalong representante ay naimpluwensiyahan ng nangyaring Digmaang Sibil sa Inglaterra at ng Digmaan para sa kalayaan ng Amerika, kung saan ang mga tao ay naging kasangkapan upang patalsikin ang pamumuno ng isang absolutong hari. Kaya ng sila’y muling nagkita-kita noong Mayo 1789 sa Versailles malapit sa Paris ay dinominahan ng ikatlong estado ang bilang ng mga representante. Sinasabing ang kasapi ng ikatlong estado ang tunay na representante ng malaking bilang ng populasyon ng Pransiya. Binigyang diin ng ikatlong estado na hindi sila magtatapos ng pagpupulong hangga’t hindi nabubuo ang isang sinulat na Konstitusyon ng Pransiya. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Tennis Court Oath. Ito ay kanilang isinagawa sa isang tennis court dahil hindi pinahintulutan ng hari na ipagpatuloy nila ang kanilang pagpupulong. Ang kasapi ng ikatlong estado ay sabay-sabay na sumumpa rin dito upang kanilang wakasan ang absolutong pamumuno ni Haring Louis XVI. Binalewala ni Haring Louis XVI ang nasabing pangyayari at kanyang itinatag ang bagong institusyon na tinawag na Asembliyang Nasyonal. Sa asembliyang ito ay ginawa niyang pare-pareho ang bilang ng mga representate ng bawa’t isang estado. Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, Pransiya Ang Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembliya. Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Noong Hulyo 14 ay isang malaking kaguluhan ang nangyari ng sugurin ng mga nag-aalsang tao ang Bastille. Ang Bastille ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga 24 nakakulong dito. Ang pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago sa pamumuno at pagtatatagng isang Republika. Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng Pransiya at tinawag ng mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa mga pakikipaglaban. Sila’y binuo na ng mga sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asembliya. Karaniwan silang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang Pransiya. Naging kilala ang peryodong ito sa ingles bilang “Great Fear”. Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 ng ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembliyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay ukol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses ay kinakailangnang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang- batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa Asembliyang bubuo ng mga batas ay idinaos. Ang Pagsiklab ng Rebolusyon Maraming mga monarko sa Europa ang naapektuhan ng malaki sa pagsiklab ng Rebolusyon sa Pransiya. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang pulbusin ang mga rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na posibleng ang mga nobilidad ng Pransiya ay nakikipagbuo ng alyansa sa iba pang mga bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at daan sa mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI mga ilang araw lang ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunud- sunod nitong pangyayari ay idineklarang isang Republika ang Pransiya. 25 Ang manananggol na si Maximilien Robespierre Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng guillotine at tinawag ang pangyayaring ito bilang Reign of Terror.Umabot sa 17,000 katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga namatay sa mga kulungan. Ang Pransiya sa ilalim ng Directory Taong 1794 ng humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay din sa pamamagitan ng guillotine. Napagwagian naman ng Pransiya ang kanyang pakikidigma sa mga bansang Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britanya. Taong 1795 ng ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang- batas na ang naging layunin ay ang magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan ng 5 tao na taun-taon ay inihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay. Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera, iba’t ibang pangkating pampultika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na bumalik sa monarkiya. Si Napoleon Bonaparte Ang Pagiging Popular ni Napoleon Kailangan ng Pransiya ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon kaya noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kanyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses, ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang pampultika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan. Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na naging pinuno ng Pransiya noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kanyang ideya ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay di tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa dahilang nagkaroon pa ng mga peryodo ng kapayapaan sa pagitan ng mga labanan. Ang digmaan ay nagwakas ng si Napoleon ay natalo sa Digmaan sa Waterloo noong 1815. Nasangkot ang France sa maraming labanang inilunsad ni Napoleon Bonaparte na kung tawagin ay Napoleonic Wars. Nasakop nya ang Hilagang Italya, Switzerland, Timog Germany. Dinaig din nya sa ilang labanan ang 26 pwersa ng Russo, Austrian at Prussian. Isinunod nya ang Spain at Portugal. Ngunit noong 1813 napulbos ang hukbong Pranses sa Leipzig at unti-unting bumagsak sa kamay ng Britain, Austria, Prussia. Hinalinhan ni Haring Louis XVIII si Napoleon matapos ipatapon sa St. Helena kung saan sya ay namatay dahil sa arsenic poisoning. Naging mahalagang bunga ng rebolusyong Pranses ang pagtangkilik sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran ng maraming kilusang panlipunan, political, at pangkabuhayan. Gawain 1: Kronolohiya Panuto: Pagsunod –sunurin ang mga pangyayari noong French Revolution. Rebolusyong Pranses (1-6) ______ Pagbuo ng National Assembly ______ Pagpugot kay haring Louis XVI gamit ang guillotine ______ Pagtatatag ng Legislative Assembly ______ Pagbagsak ng Bastille ______ Reign Of Terror ______ Pagpapadala ni Haring Louis XVI ng mga sundalong Swiss sa Paris Gawain 2: Panuto: Suriin ang mga katanungan at lagyan ng shade ang tamang sagot. RA: rebolusyong Amerikano, RP: rebolusyong Pranses. RA RP Both 1. Tinaguriang Reign of Terror O O O 2. Nag-aklas ang third estate dahil sa malaking buwis na O O O nais ipataw sa kanila na iniaatang ng hari, first at second estate. 3. Isang pangyayari na tinawag n Boston party O O O 4. Naging saligan nito ang Declaration of the Rights of Ma O O O 5. Naging masaklap ang kapalaran nila Danton at O O O Robespierre 6. Naging saligan ang rebolusyong pangkaisipan O O O 7. Nagwaging patalsikin ang monarkiya ni Haring Louis XVI O O O 8. Pagtatag ng United States of America O O O 9. Pinamunuan ito ng popular na lider na si Napoleon O O O 10.Naging mahirap ang kanilang karanasan upang makami O O O ang kalaayaan mula sa mga mananakop at monarkiya 27 Panuto: Pagguhit. Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga pamana ng Rebolusyong pranses sa daigdig. Gawin gabay ang mga sumusunod na pamantayan sa pagmamarka. Rubric sa Pagmamarka ng Poster Pamantayan Deskripsyon Puntos Nilalaman Malinaw na naipakita sa larawan ang 10 mga pamana ng American at French Revolution Pagkamalikhain Angkop ang ginamit na mga kulay 5 disensyo at istilo sa pagguhit sa poster Presentasyon Malinis at kaaya-aya sa paningin ang 5 ginawang poster Kabuuan Kabuuang puntos na nakuha 20 28 MODYUL 8 Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin ukol sa: IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO (IMPERYALISMO) Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Natutukoy ang mga sanhi na nagbunga sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo) 2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo) 3. Nauunawaan ang mga epekto ng Unang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo) Aralin IKALAWANG YUGTO NG 8 KOLONYALISMO ANG IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO (IMPERYALISMO) Sa ating mga naunang aralin, ating natutunan ang Rebolusyong Industriyal sa Europe at ang mga epekto nito sa lipunan. Ito ang nagbunga ng mabilis na transpormasyon ng mga bansang Europeo. Mula sa pagiging agrikultural na bansa, ang mga ito ay nagpanday ng mga lokal na industriya. Upang makalikha ng mga kalakal, kinakailangan ng mga pabrika ng hilaw na materyales. Ito ang nagtulak sa mga bansang European na maglakbay tungo sa ibayong bansa at ipasailalim ang mga lupaing ito sa kanilang kapangyarihan. Ito ang Imperyalismong Kanluranin. Sa araling ito, ating pag-aaralan ang mga naging sanhi nito, mga mahahalagang pangyayari sa panahong ito, at ang mga naging epekto nito. 29 ANG MGA SANHI NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Sa pag-asam ng higit na kapangyarihan at karangalan para NASYONALISMO sa kanilang mga sarili, ang mga Kanluraning bansa ay nag- agawan ng mga kolonya at pinalawak ang saklaw sa pandaigdigang kalakalan. Ang Kristiyanismo ay laganap sa mga bansang Kanluranin. MISSIONARY Bunga ng “misyon” na palaganapin ang kanilang SPIRIT pananampalataya sa buong mundo, sila ay nagpadala ng mga misyonero sa kanilang paglalayag tungo sa Asya at Africa. Dahil sa kaunlarang tinamasa ng mga Kanluraning bansa, lalong tumindi ang kanilang pangangailangan para sa hilaw EKONOMIYA na materyales. Ang mga hilaw na materyales na ito ay ginagamit ng mga pabrika upang gawing kalakal na maaaring ipagbili sa merkado. MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI PAGKAKAHATI Nagtipon-tipon ang mga Kanluraning bansa upang NG AFRICA pagkasunduan ang paghahati-hati ng Africa sa pamamagitan ng “effective occupation.” Kanilang pinagkasunduan ang mga bahagi ng Africa na kanilang malayang masasakop. Ngunit ang kanilang pananakop ay sinalubong na mainit na paglaban ng mga katutubong African. Isa sa mga pinakamalakas na pwersang African na lumaban sa mga mananakop na European ay ang mga Zulu. DIGMAANG OPYO Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Great Britain at Tsina (SILANGANG bunga ng pagtatangkang pagpigil ng pamahalaang Tsino sa ASYA) kalakalan ng opyo. Ang opyo ay isang pinagbabawal na gamot na nagbunga ng laganap na adiksyon sa Tsina. Ito ay iligal na inaangkat ng mga dayuhang mangangakal, sa partikular ng mga British, mula sa India at tungo sa Tsina. Nang wasakin ng pamahalaang Tsino ang suplay ng opyo, nag-init ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Great Britain at nagbunga sa dalawang digmaan. Sa parehong pagkakataon, natalo ang Tsina at napwersang isuko ang kanilang teritoryo sa mga dayuhan. REBELYONG Ang India ay napailalim ng Great Britain at naging kolonya SEPOY (TIMOG nito. Ito ay kinilala bilang isa sa mga pinakamahalagang ASYA) kolonya ng Great Britain dahil sa naangkat na hilaw na materyales mula rito. Karamihan ng mga sundalong naglilingkod sa pamahalaang kolonyal o “Sepoy” ay Muslim 30 at Hindu. Ang mga sundalong ito ay naglunsad ng rebelyon laban sa pamahalaang kolonyal nang sila ay piliting tanggalin ang cartridge ng kanilang baril na may sebo mula sa baka at baboy na pinaniniwalaang marumi ng mga Muslim at Hindu. MGA NAGING EPEKTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN Sa kabuuan, hindi naging maganda ang ibinunga ng imperyalismong kanluranin sa Asya at Africa. Kanilang sinakop at pinanghimasukan ang mga bansa at teritoryo sa mga kontinenteng ito. Dahil dito, nawalan ng Kalayaan at kasarinlan ang mga mamamayang napailalim ng kanilang kapangyarihan. Kinontrol ng mga dayuhang mananakop ang kalakalan at pag-aangkat ng mga mineral at cash crops mula sa mga kolonya. Dahil sa pagsusulong ng dayuhang kulturang dala ng mga mananakop, namatay ang kulturang katutubo na matagal nang umiiral sa kanilang bayan. Hindi rin naging mabuti ang pagtrato ng mga European sa kanilang mga sinakop. Sila ay inapi at inabuso ng mga ito. Bunga ng mga bagong sakit na dala ng mga European at kanilang pakikipagdigma sa mga katutubo, maraming tao ang nasawi. Hanggang sa kasalukuyang panahon, damang-dama ang mga negatibong epekto ng yugtong ito sa larangan ng pulitika. GAWAIN BLG. 1 PANUTO: Suriin ang sumusunod na diagram. Punan ang mga patlang sa flowchart ng mga naging sanhi ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo. Sa kahon, ipaliwanag ang iyong sagot. 31 GAWAIN BLG. 2 PANUTO: Tinalakay sa ating modyul ang ilang mahahalagang pangyayari sa panahon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng mga ito sa kasalukuyang panahon? MAHAHALAGANG PANGYAYARI EPEKTO SA KASALUKUYANG PANAHON Pamatayan 5 3 1 Kabuuang Puntos Paglalahad Malinaw ang Naipahayag Hindi malinaw 5 pagpapahayag ang sariling ang ng sariling saloobin pagpapahayag saloobin at ngunit maari ng saloobin at maayos ang pang hindi maayos daloy ng mga paunlarin ang ang daloy ng kaisipan. daloy ng mga mga kaisipan kaisipan. Kinalaman sa Angkop sa Angkop sa Hindi angkop 5 Paksa paksa ang paksa ang sa paksa ang sagot, sagot. sagot napalalim at napalawak ang ugnayan nito sa paksa. Nilalaman Nakapagbigay Nakapagbigay Hindi 5 ng higit sa ng isang nakapagbigay isang mahalagang ng mahahalagang pangyayari(1) mahalagang pagnyayari sa sa Ikalawang pangyayari sa ikalawang Yugto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo Yugto ng Kolonyalismo at nailahad Kolonyalismo at nilahad ang ang epekto ng at ng epekto epekto ng mga nito sa nitosa nito sa kasalukuyang kasalukuyang kasalukuyang panahon. panahon. panahon. Kabuuang Puntos 15 32 PANUTO: Sa kasalukuyan, ating nakamit na ang kasarinlan at kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makipag-usap sa mga mamamayang sinakop ng mga European sa panahon ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo, ano ang sasabihin mo sa kanila? Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang postcard. Sa harap ng postcard, gumuhit ng larawan mula sa kasalukuyan na nais mong ipakita sa kanila. Sa likod, magsulat ng maikling liham. Pamatayan 5 3 1 Kabuuang Puntos Paglalahad Malinaw ang Naipahayag Hindi malinaw 5 pagpapahayag ang sariling ang ng sariling saloobin pagpapahayag saloobin at ngunit maari ng saloobin at maayos ang pang hindi maayos daloy ng mga paunlarin ang ang daloy ng kaisipan. daloy ng mga mga kaisipan kaisipan. Kinalaman sa Angkop sa Angkop sa Hindi angkop 5 Paksa paksa ang paksa ang sa paksa ang sagot, sagot. sagot napalalim at napalawak ang ugnayan nito sa paksa. Nilalaman Nakapagbigay Nakapagbigay Hindi 5 ng higit sa ng isang nagbigay ng isang mahalagang anumang pangyayari sa pangyayari (1) mahalagang kasalukuyan sa pangyayari sa nan ais kasalukuyan kasalukuyan. ipabatid sa nan ais liham. ipabatid sa liham. Pagkamalikhain Gumamit ng Gumuhit ng Gumuhit ng 5 pangkulay sa larawan sa larawan sa pagguhit ng postcard at postcard. larawan at kinulayan ito. naglagay ng karagdagang disenyo sa postcard. Kabuuang Puntos 20 33 MODYUL 9 Ang modyul na ito ay tumatalakay sa Pagsibol ng Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na may pamantayan sa pagkatuto na “Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.”. Sa pagtatapos mo ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kompetensi o kasanayan: 1. Natutukoy ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa at kanilang naging gampanin sa pag-usbong ng nasyonalismo; 2. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari nakaimpluwensya sa pag-unlad ng nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig; at 3. Napapahalagahan ang nasyonalismo sa pagtataguyod ng kalayaan at pagkakapantay pantay ng tao sa bawat bansa. PAGSIBOL NG Aralin NASYONALISMO SA IBA’T- 9 IBANG BAHAGI NG DAIGDIG Ang nasyonalismo ay isang ideyolohiya na nagpapakita ng maalab na pagmamahal ng tao sa sarili nilang bansa. Ito din ay masidhing damdamin na nagtutulak sa isang tao upang ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan. Ngunit ito din ay isang proseso na dapat linangin at paunlarin, hindi ito maaring maganap ng biglaan. Para sa iba, ito ay pagiging matapat sa bansa, ngunit sa iba ito ay pagsasakripisyo maging ng kanilang mga buhay. Sa araling ito, alamin natin kung paano ipinakita at sumibol ang damdaming nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dumaraan ang bawat bansa sa iba’t ibang sitwasyon kung saan lumalabas ang pagiging makabayan ng mga mamamayan. Magsimula tayo sa Soviet Union o 34 Russia na pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na bansa na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Noong ika-13 na siglo, ito ay sinakop ng mga Tartar o Mongol na umabot nang mahigit 200 taon. Ito ay nag-iwan ng bakas sa kanilang kaugalian, pananalita at pananamit. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo at nakapagpabagsak sa mga tartar sa mga labanan ng Oka si Ivan the Great. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, ginimbal ng mga Ruso ang mundo sa pagsasagawa ng isang himagsikan. Ngunit bago pa man maganap ang himagsikan kilala ang Russia bilang pinakamalaking burukrasya sa mundo na kontrolado ng mga maharlika at pulisya. Karamihan din sa mga Ruso ay mga mahihirap na magsasaka, walang karaparan natatamasan at baon sa pagkakautang. Noong dumadami na ang pagawaan at industriyang kontrolado ng mga czar, nahikayat ang mga Ruso na pumunta sa mga bayan at lungsod at doon magtrabaho. Dito din sila nagkaroon na pagkakataon na makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, ang mga mga mag-aaral at intelektwal na mga Ruso ay lumikas at nagtungong kanlurang Europe, dito nila nakatagpo ang mga tagasunod ni Karl Marx at Friedrich Engels na naniniwala sa ideolohiyang komunismo o pagkakapantay pantay ng tao sa lipunan. Sa pangunguna ng komunistang Soviet na pinamumunuan ni Vladimir Lenin at Joseph Stalin pinasimulan ang October Revolution kung saan nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin. Russia in the World.svg. Photograph. Wikimedia Commons. April 11, 2011. Accessed February 20, 2021. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e4/Russia_in_the_World.svg. Nasyonalismo sa Latin America Maraming dahilan kung bakit sumibol ang damdaming nasyonalismo sa Latin America at ilan dito ay ang mga sumusunod: 1. Ang paglaganap ng mga kaisipan mila sa Europe at America na naging dahilan ng pagsiklab ng himagsikan sa France at America. 2. Kawalan ng katarungan, mataas na buwis, at pang-aabuso ng pamahalaan sa mga mamamayan ng kanilang nasakop na bansa. 35 3. Kahirapan ng mga karaniwang mamamayan at karangyaan ng iilan. 4. Ang pagpapabaya sa mga karapatan ng mga bansang sakop. 5. Hindi pagbibigay ng pagkakataon at pantay na oportunidad sa lipunan at politika. Ang mga mananakop lang ang may karapatangb humawak ng mataas na posisyon sa pamahalaan. Ang mga naantalang Kalayaan sa Latin Amerika ay nagkaroon ng bagong sigla noong sakupin ni Napoleon III ang Spain at Portugal. Noong 1808, napaalis ni Napoleon si Ferdinand VII ng Spain sa kanyang trono. Si Simon Bolivar, isang sundalo ang ipinahayag ng mga taga-Venezuela na “Tagapagpalaya” noong 1813. Lumakas ang pagnanasang makalaya ng mga mamamayan sa South America kaya mula Venezuela at Columbia, nagmartsa si Bolivar sa Andes, sa Ecuador at Peru. Nagtatag siya ng isang estado ma pinangalanan na Bolivia. Nakilala din niya si Jose de San Martin, isang taga-Argentina na nagpalaya sa Chile. Lumaban ang Spain sa mga kolonya sa America hanggang 1824, ngunit papalubog na noon ang kapangyarihan nila, kaya’t napilitan silang kilalanin ang Kalayaan ng mga bagong bansa sa Latin America. Samantala, ang himagsikan sa Mexico laban sa Spain ay sinimulan ni Miguel Hidalgo, isang pari na matagal nang kumikilos para sa ikauunlad ng katarungan panlipunan ng bansa. Pagkapahayag niya ng Kalayaan noong 1810 ay tinalo sila ng mga hukbo ng Spain. Bagamat dalawang magkasunod na pinunong pari ang binitay, nagpatuloy ang himagsikan na nagtagumpay sa pamumuno ni Agustin de Iturbide, isang heneral na kastila na tumalikod sa sariling bansa. Noong Setyembre 15, 1821, limang bansa sa Latin America ang nagpahayag ng kanilang Kalayaan sa pamumuno ni Padre Jose Simeon, ito ay Guatemala, Honduras, El Salvador, Nicaragua at Costa Rica. Operation Bolivar World War II Latin America.png. Image. Wikimedia Commons. May 31, 2013. Accessed February 20, 2021. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e4/Russia_in_the_World.svg 36 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Magtatapos na ang ika-18 siglo ay wala pa din gaanong nalalaman tungkol sa Africa na dati ay tinatawag na madilim na kontinente. Ngunit unti unti ay nakilala at sinakop ito ng mga bansang kanluran gaya na lamang ng France, Italy at Germany. Natuklasan nila na mayaman ang mga bansa dito sa iba’t ibang likas na yaman na maaring linangin gaya ng bulak, phospate, goma na napipiga mula sa katas ng puno at ivory o garing galling sa elepante, bukod pa dito mayroon din ruta na mapapabilis ang kalakalan patungong India. Bunsod nito, sa loob lamang ng tatlumpung taon, ang mga pook na dati ay hindi kilala ng tao ay naangkin ng mga kanluraning bansa. Ang kontinente ay pinaghati-hatian ng mga bansang kanluranin. Sila ay nagtayo ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang siyang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago magsimula ang 1914 ay tatatlo lamang ang malayang bansa sa Aprika: ang Ethiopia, Liberia at South Africa. Ang nasyonalismo ay lumaganap pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging Malaya nang walang karahasan. Ngunit may mga bansang dumanak din ng dugo upang makamtan ang Kalayaan gaya ng Congo at Algeria. Ang Rhodesia, Nyasaland ay Zimbabwe at Malawi. Ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ay lumaya noong 1975. Sa kasalukuyan, maraming proyekto ang isinasagawa upang umunlad ang mga bansa gaya ng patubig, paaralan, reporma sa lupa, paggawaan, transportasyon at komunikasyon. Sa kabuuan, ang nasyonalismo, bagaman masalimuot na damdamin, ito ay nag-uugat sa pagkamulat ng kamalayan ng mga tao mula sa mga kaisipan ipinalaganap ng mga pilosopo. Ito din nagmumulat sa katotohanan na ang bawat taong isinilang ay may karapatang mabuhay, lumaya at maging maligaya. May mga bansang nakamtan ang kanilang Kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan ngunit may mga bansa din na may nagbuwis ng buhay upang tuluyang maging Malaya. Ang pagnanais na makamtan ang Kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkamit ng iisang layunin. Nakahanda silang isakripisyo ang buhay upang makamtan ang Kalayaan at prinsipyong ipinaglalaban. Gawain: Dugtungan ito! Ngayong naunawaan mo na ang paksa, magkakaroon tayo ng pagsasanay. Sa iyong palagay, bakit naging mahalaga na mapukaw sa damdaming nasyonalismo ng isang tao? Sagutan ito sa pamamagitan ng pagdugtong sa pangungusap na nasa ibaba. 37 Mahalagang mapukaw ang damdaming nasyonalismo sa isang tao sapagkat _______________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ May Magagawa Ako! Bilang isang kabataan, Magbigay ng tatlong bagay kung paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bansa o damdaming nasyonalismo. Maipapakita ko ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng mga sumusunod 1 2 3 38 Panuto. Basahin at suriin mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Dahil sa higit na pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang Kanluranin, ito ang naging pakay nila sa pananakop ng ibang bayan at pagtatatag ng mga kolonya. A. Hilaw na materyales C. Pakikipagkaibigan B. Pakikipag-ugnayan D. Diplomasya 2. Bunga ng bagong teknolohiya sa produksyon sa panahong ito, nagkaroon ng mabilis na transpormasyon ang mga bansang Kanluranin sa larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura. A. Rebolusyong Amerikano C. Rebolusyong Industriyal B. Rebolusyong Pranses D. Rebolusyong Bolshevik 3. Maraming bansa ang dumaan sa pagbubuwis ng buhay sa kapakanan ng kanilang bansa laban sa mga mananakop. Alin sa sumusunod ang nagbubuklod sa mga mamamayan ng isang bansa upang magkaisa ng layunin sa nasabing sitwasyon? A. Magkaroon ng kalayaan B. Maging bayani ng kanilang bansa C. Magkaroon ng maunlad na pamumuhay D. Maipahayag ang damdaming nasyonalismo 4. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika bilang protesta sa Parliamento ng Britanya. A. Maging Malaya at isang karangalan B. Walang pagbubuwis kung walang representasyon C. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan D. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng himagsikan 5. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13 kolonya sa Timog Amerika sa Britanya dahil sa: A. Paghingi ng karagdagang buwis B. Hangad na patalsikin ang hari ng Britanya C. Pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan D. Pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya 39 6. Anong bansa ang pinagsimulan kung saan sumibol ang Rebolusyong Industriyal? A. Italya C. Inglatera B. Pransiya D. Estados Unidos 7. Sino itong Europeong manlalakbay na galing tsina ang nagpakilala pa ng husto sa Europe kung kagaano kaganda ang Asya? A. Christopher Columbus C. Ibn Battuta B. Ferdinand Magellan D. Marco Polo 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa motibo ng eksplorasyon? A. Katalinuhan C. Kayamanan B. Katanyagan D. Kristiyanismo 9. Pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagbigay daan sa Rebolusyong Intelektwal noong panahong Renaissance sa Europe. Paano ito nakaapekto sa kaisipan ng mga mamamayan? A. Pinahalagahan nila ang mga gawang sining B. Naging masigla ang pagtuklas ng mga bagong lupain C. Nagkaroon ng pagbubuklod ang mga bansang England, France at Portugal D. Nabago ang dating maling paniniwala at pamahiin noong Gitnang Panahon 10. Kasabay ng pag-usbong ng Renaissance ay sumibol ang kaisipang Humanismo. Paano nakaapekto ang kaisipang Humanismo sa Renaissance? A. Napigil nito ang pagalaganap ng Renaissance sa Europe. B. Nagsilbi itong daan upang maging makapangyarihan ang Simbahan. C. Maraming Humanista ang nagsulong ng Reporma sa Simbahan. D. Lumaganap ang Renaissance sa iba’t ibang bahagi ng Europe. 40 41 Gawain 1 at 3 Gawain 2 Iba’t-ibang 1. SPAIN kasagutan 2. PORTUGAL 3. SPAIN 4. NETHERLANDS 5. FRANCE 6. FRANCE 7. FRANCE 8. PORTUGAL 9. FRANCE 10.PORTUGAL Modyul 2 at 3 Gawain 2 Gawain 1 (X) o (√) Iba’t-ibang 1. X, dahilsa Italy sagot isinilang na may magandang lokasyon 2. / 3. / 4. X, dahil ito ay kilusang kultural at intelekwal 5. X, dahil sa sining sila may ambag Modyul 1 Subukin 1. B 2. D 3. A 4. D 5. C 6. A 7. B 8. A 9. C 10.A 42 Gawain 1 1 5 3 2 4 6 Gawain 2 1. RP 2. RP 3. RA 4. RP 5. RP 6. RA 7. RP 8. RA 9. RP 10. BOTH Modyul 7 Gawain 1 1. C 2. E 3. A 4. D 5. B Gawain 2 1. K 2. HK 3. K 4. K 5. K Modyul 5 at 6 Gawain 1. Italya, Agham Teleskopyo 2. Poland, Agham, Heliocentric 3. Germany, astrolohiya, Mathematical formula 4. England, Politika, Leviathan/ Natural Law 5. England, Pilosopo, Kasunduan/ Social Contract 6. France, Pilosopiya/ Pulitika, 3 sangay ng pamahalaan 7. Scotland, Siyentipiko Telepono 8. USA, Agham, Telegrapo 9. USA, Agham, Cotton Gin 10.England, Agham, Spinning Jenny Modyul 4 43 Tayahin Ang mga ay kasagutan 1. A ay nakabatay sa mga 2. C paksang natalakay. 3. A 4. B 5. A 6. C 7. D 8. A 9. D 10.B Modyul 9 Modyul 8 Sanggunian MODULE 1 Aklat Mark Alvin M. Cruz,Mark Andrew F. Fietas at Michael M.Mercado, K12 Kasaysayan ng Daigdig L.M pp.300-308, Vibal Group Inc. 2015 Eleonor D. Antonio, Kayamanan Batayang Kagamitang Pampagtuturo (Kasaysayan ng Mundo) III Binagong Edisyon pp. 214-227 Learners Module (akda nina Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher h. Pasco, Owel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S. Asis) Project Ease Module sa Araling Panlipunan 8 MODULE 2 & 3 Aklat Blando, R. et al. “Modyul 3: Aralin 2 ‘Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.” Chapter. In Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigidig, 1st ed., 326–341. 2014. Pasig City, NCR: Vibal Group, Inc., 2014. Mateo, G. et al “Unit 3: Aralin 24 ‘Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.” Chapter. In Kasaysayan Ng Daigdig, New Edition., 240– 248. 3. Quezon City, NCR: Vibal Publishing House, Inc., 2012 Cruz, M. et al. “Chapter 13 ‘Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.” Chapter. In Kasaysayan Ng Daigdig, 250–258. 2014. Quezon City, NCR: VIBAL PUBLISHING HOME, INC., n.d. MODULE 4 Aklat Mateo, PhD Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, edisyon 2012 Learners Module (akda nina Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, \ Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher h. Pasco, Owel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S. Asis) Project Ease Module sa Araling Panlipunan Modyul 13 44 MODULE 5 & 6 Aklat Blando, R. et al. “Modyul 3: Aralin 3 ‘Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano” Chapter. In Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigidig, 1st ed., 386–395. 2014. Pasig City, NCR: Vibal Group, Inc., 2014. Molina, R. V., Alcantara, B. J., Somera, L., Moncal, J., Sismondo, G., & Fronteras, A. (2016). Makisig – Araling Asyano. 274-281. MAGALLANES PUBLISHING HOUSE MODULE 7 Aklat Mark Alvin M. Cruz,Mark Andrew F. Fietas at Michael M.Mercado, K12 Kasaysayan ng Daigdig L.M pp.285-294, Vibal Group Inc. 2015 Eleonor D. Antonio, Kayamanan Batayang Kagamitang Pampagtuturo (Kasaysayan ng Mundo) III Binagong Edisyon pp. 396-410 Learners Module (akda nina Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher h. Pasco, Owel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S. Asis) Project Ease Module sa Araling Panlipunan8 MODULE 8 Aklat Abejo, Arthur, et al. Kasaysayan Ng Daigdig 8. Vibal Group Inc., 2017. Perry, Marvin...... Et Al. A History of the World. Houghton Mifflin, 1988. MODULE 9 Mga Aklat: Blando, Rosemarie C. etal. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan- Modyul para sa mga Mag-aaral. Vibal Group, Inc, 2014. Vivar. Teofista L. etal. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon. SD Publishing, Inc, 2000 45 Mga Larawan: Russia in the World.svg. Photograph. Wikimedia Commons. April 11, 2011. Accessed February 20, 2021. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e4/Russia_in_t he_World.svg. Operation Bolivar World War II Latin America.png. Image. Wikimedia Commons. May 31, 2013. Accessed February 20, 2021. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e4/Russia_in_t he_World.svg 46 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division Office Navotas Learning Resource Management Section Bagumbayan Elementary School Compound M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City Telefax: 02-8332-77-64 Email Address: [email protected]