Mga Tala sa Pagsusulit sa Ika-8 Baitang Araling Panlipunan PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay mga tala sa pagsusulit para sa ika-8 baitang na Araling Panlipunan, na sumasaklaw sa Renaissance, Humanismo, at mga yugto ng Imperyalismo. Ang mga tala ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nakatutulong sa pag-aaral ng kasaysayan.

Full Transcript

**GRADE 8 ARALING PANLIPUNAN** **THIRD QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: RENASIMYENTO (Renaissance)** - **PAG-USBONG NG RENASIMYENTO** - Ang Simbahang Katolika ang pangunahing institusyon noong Panahong Medyibal. Napag-isa nito ang lipunan sa pananampalataya sa Diyos - An...

**GRADE 8 ARALING PANLIPUNAN** **THIRD QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: RENASIMYENTO (Renaissance)** - **PAG-USBONG NG RENASIMYENTO** - Ang Simbahang Katolika ang pangunahing institusyon noong Panahong Medyibal. Napag-isa nito ang lipunan sa pananampalataya sa Diyos - Ang Simbahang Katolika ang pangunahing institusyon noong Panahong Medyibal. Napag-isa nito ang lipunan sa pananampalataya sa Diyos. - Malaking dagok para sa mga Europeo ang pagkamatay ng halos 20 hanggang 30 milyong katao s tinaguriang Black Death na nagdulot ng bubonic plague noong panahong Medyibal - **RENASIMYENTO**- Ang Renasimyento ay nangangahulugang ''muling pagsilang'' o ''rebirth''. Sa panahong ito ay natuklasan muli at binalik ng mga Europeo ang mga kaalamang klasiko mula sa Gresya at Roma. - Nagsimula ang Rensimyento sa Italya sa kadahilanang maunlad at kilala ito bilang sentrong sosyopolitikal at sosyoekonomiko sapagkat kontrolado at monopolisado nito ang mga rutang pangkalakalan sa Dagat Mediteraneo - **HUMANISMO**- Ang Humanismo ay termino na ginamit upang ilarawan ang isang kilusang intelektuwal na nagpapahalaga sa pag-aaral ng klasikal na literatura ng mga Griyego at Romano noong panahon ng Renasimyento. Sa panahong ito nagkaroon ng bagong kamalayan ang mga Eurpeo sa pangunguna ng mga humanista. \- Pinaunlad ang kakayahan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aaral ng humanidades na kinabibilangan ng retorik, tula, etika, at kasaysayan. Naging pamatayan noong Rensimyento ang pagkakaroon ng maraming kakayahan o ang pagiging Uomo universale (universal man **HUMANISTA** **AMBAG** --------------------- --------------------------------------------------------------------------------- Francesco Petrarch "Ama ng Humanitismong Italyano" Niccolo Machiavelli May akda ng The Prine (II Principe) William Shakespeare Siya ay itinuturing na pinakamahusay na dramatista sa daigdig mula sa Inglatera - **AMBAG NG RENASIMYENTO** - Napakalaki ng naiambag ng Renasimyento sa larangan ng sining ng pagpipinta, pag-ukit, at arkitektura sa daigdig. - Pagkakaroon ng kuryosidad at pag-igting ng kagustuhan ng tao na matuto gamit ang mga makabagong teknolohiya - Pagsuporta at pagtangkilik ng simbahan at ng mga burgesy sa maraming mga pinto, eskultor, arkitekto, at mga likhang-sining nila - Ang mga inobasyon sa Teknik tulad ng pagkakaimbento ng linear perspective na ginamit upang makagawa ng mga tatlong dimensiyong likhang-sining sa pagpipinta +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Leonardo da Vinci | Itinuturing na polymath dhil | | | hindi lamang siya pinto at | | | arkitekto, siya rin ay | | | siyentipiko, inhinyero, imbentor, | | | manunulat, at pilosopo. | | | | | | Ang tanyag niyang obra ay ang | | | Mona Lisa (La Giocanda), Last | | | Supper, Vitruvian Man, at | | | Salvador Mundi | +===================================+===================================+ | Michelangelo di Lodovico | - Mahusay na eskulto, pintor, | | Bounarroti Simoni | arkitekto, at makata | | | | | | - **Eskultura:** sikat na obra | | | niya ay ang David at Pieta | | | | | | - **Pagpipinta:** mga ipininta | | | sa kisame at altar sa Sistine | | | Chapel | | | | | | - **Arikitektura:** dinisenyo | | | niya ang ***dome*** sa St. | | | Peter's Basilica | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Raphael Sanzio | Naging bantog siya sa kanyang mga | | | ipinintang larawan ni Maria na | | | kung tawagin ay Madonna. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Filippo Brunelleschi | Lumikha ng disenyo ng tanyag na | | | duomo ng Katedral sa Florence. | | | | | | May mgaginawa rin siya na mga | | | military fortification | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Giovanni Pierluigi da Palestrina | Siya ay Italyanong kompositor na | | | may napakalaking impluwensiya sa | | | pagbuo ng mga awitin sa simbahang | | | Romano Katolika. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ - **REPORMASYON AT KONTRA-REPORMASYON** - **KRISIS SA SIMBAHAN-** Sa lakas ng kapangyarihan ng Simbahan noon ay naging materyalistiko, mapang-abuso, malupit, at tiwali ang ilang klerigo at maging ang Papa. Ang mga tumuligsa sa Simbahan ang siyang nagsimula ng kilusang tinawag na Repormasyon. a. **MARTIN LUTHER-** Sa mga bumatikos sa Simbahan, ang Aleman na si Martin Luther (1483- 1546) ang naging pinakamaimpluwensiya. Ito ang dahilan kung bakit labis niyang tinutulan ang isinasagawang pagbebenta ng indulhensiya. Patuloy na nagsulat ng polyeto si Luther at tinuligsa ang umano\'y pang-aabuso ng Simbahan. Matapos ang halos isang taong pananatili sa Wartburg **ay itinatag ni Luther ang sekta ng Lutheranismo** (pananalig ang kailangan ng tao upang maligtas b. **ULRICH ZWINGLI-** Mariin niyang tinutulan ang pamumuno ng Papa sa Simbahan, pag-aayuno, indulhensiya, pagkakaroon ng imahen sa simbahan, pagsamba sa mga santo, monastisismo, at celibacy o hindi pag-aasawa c. **JOHN CALVIN-** Bumuo siya ng sekta ng Protestantismo na kung tawagin ay Calvinism. Calvinism partikular na ang paniniwala sa predistinasyon. Ayon sa predistinasyon, ang Diyos ang nagtatakda ng kapalaran ng bawat tao. - **REPORMASYON SA INGLATERA-** Ang repormasyon sa Inglatera ay naganap dahil sa kagustuhan ni Haring Henry VIIl na ipawalang-bisa ang kasal sa asawang si Catherine ng Aragon na anak nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Espanya. Nais ni Henry VIII na magkaroon ng anak na lalaki na magiging tagapagmana ng trono ngunit babae ang kanilang anak ni Catherine. **-** Sa panahong ito, isinalin ang Bibliya sa wikang Ingles at naghanda ng The Book of Common Prayer para sa lahat ng mananampalataya. - **KONTRA REPORMASYON- Nabahala ang Simbahang Katolika sa paglaganap ng Protestantismo kung kayat minabuti ng parmunuan na magsagawa ng Kontra-Repormasyon o Repormasyong Katoliko** - **Epekto ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon** - Humantong sa politikal at panlipunang kaguluhan ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katolika. - subalit sa kabila ng mga negatibong pangyayari ay may mga idinulot din naman itong kabutihan tulad ng pagkakaroon ng reporma at pagbabago sa loob ng Simbahang Katolika na nagbigay-daan sa pagkahinto ng pang-aabuso ng ilang mga klerigo at Papa noon. - Muli ring naibalik sa mga hari o monarko ang suporta ng mga tao kung kaya lumakas ang ilang mga bansa sa Europa - Dahil din sa Repormasyon ay umiral ang kalayaan sa pananampalataya. - Napaunlad din sa panahong ito ang edukasyon sapagkat hinikayat ng mga Protestante ang mga tao na basahin ang Bibliya. Upang mas maintindihan ng lahat ang Bibliya ay isinalin ito sa mga wikang bernakular. - Nagtayo rin ng mga paaralan at unibersidad ang mga Heswita upang mas mapaigting ang edukasyon **LESSON 2: UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO at KOLONYALISMO** - **PANAHON NG KOLONISASON** a. **KOLONYALISMO-** Ang kolonyalismo ay isang sistema kung saan ang isang bansa (ang \"kolonyal na kapangyarihan\") ay nagtatag ng direktang kontrol at pamamahala sa isang ibang bansa o teritoryo (ang kolonya). Karaniwang layunin ng kolonyalismo ang eksploitan ang likas na yaman, paggawa, at kalakal ng kolonya para sa kapakinabangan ng bansang nanakop. b. **IMPERYALISMO-** isang mas malawak na konsepto na tumutukoy sa dominasyon at pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng hindi direktang kontrol o sa pamamagitan ng pamamahala ng mga malalayang estado o teritoryo. ang imperyalismo ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng ekonomiya, politika, o kultura - ang unang yugto ng kolonyalismo ay tumutukoy sa **pamamayani ng Portugal at Espanya** bilang mga unang imperyong sumakop sa Timog-Silangang Asya, partikular na sa mga kapuluang bansa nito - **MARCO POLO-** Nailimbag ang aklat ni Marco Polo noong 1300. Siya ay isang mangangalakal mula sa Venice na naglakbay sa iba't ibang bahagi ng Asya, particular na sa Tsina noong 1271-1295 - Nakilala ni Marco Polo si **Rustichello da Pisa** at kwinento niya ang kanyang karanasan. Sinulat niya ang aklat na **IL Milione (The Million/The Travels of Marco Polo)** - Aklat na pumukaw sa interes ng mga Europeo sa kagandahan ng kultura at likas na yaman ng Asya, at nag-udyok sa kanila na maglayag patungong Silangan. - Ang magnetikong kompas ay ginamit nila para matukoy ang direksiyon ng hilaga. Samantala, sa pamamagitan naman ng posisyon ng mga bituin ay natutukoy ang latitud na kinaroroonan ng barkong naglalayag gamit ang **astrolabe.** - Nakagawa rin ang mga Portuges ng **caravel.** Ang caravel ay hindi kalakihang barko na may tatlo hanggang apat na poste na pinagkakabitan ng layag. Madali itong maneobrahin at nagagamit sa malayuang paglalakbay - **PAG-USBONG NG PAMBANSANG MONARKIYA** - Nagkaroon ng matinding kaguluhan sa Italya dahil ang mga pinuno ng mga lungsod-estadong ito ay may tunggalian sa kapangyarihan at teritoryo. - Sa pagwawakas ng kaguluhan ay pinangunahan ng mga monarko ng Espanya, Pransiya, at Inglatera ang pagkuha ng tanging karapatan na pamunuan ang kanilang mga nasasakupan. - **MERKANTILISMO-** Umiral ang patakarang merkantilismo sa Europa noong ika-16 na siglo na naglayong mapalawak ang kalakalan upang magkaroon ng kita ang mga monarko na siyang gagamitin upang maitaguyod ang estado**. Nakapailalim dito ang doktrina ng bullionismo kung saan mahalaga ang pagkakaroon ng maraming bullion (ginto o pilak) sapagkat ito ang basehan ng tagumpay at yaman ng isang bansa.** - **MGA DAHILAN NG PAGGAGALUGAD** - Itinaguyod ni Prinsipe Henry the Navigator ng Portugal ang mga aktibidad sa paglalayag. Bagama\'t siya mismo ay hindi nakapaglayag, hindi matatawaran ang kaniyang suporta sa mga naunang eksplorasyon sa karagatang Atlantiko. - Sa panig naman ng mga Espanyol, ang mag- asawang monarko na sina Ferdinand Il at Isabella I ang nagtaguyod sa mga paglalayag a. Ang Portugal at Espanya ay kapuwa bansang Kristiyano. Katulad ng mga krusador noong Panahong Medyibal**, ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga katutubo sa mga bansang kanilang nadidiskubre ay itinuturing nilang misyon** b. ang pag-iral naman ng sistemang merkantilismo ang dahilan kung bakit nais din ng dalawang bansang ito na makatuklas ng mga **lupaing maaaring mapakinabangan sa kalakalan at wakasan ang monopolyo ng mga Venetian at Turkong Ottoman.** c. Sa pananaw ng mga Europeo, ang pagkakatuklas sa mga bagong lupain ay paraan upang sila ay maging dakila at tanyag sapagkat sa pamamagitan nito ay **mabibigyan nila ng karangalan ang bansang kanilang pinagsisilbihan gayundin ang mga monarkong namumuno rito.** - **MGA BANSANG NANGUNA SA PAGGAGALUGAD** a. **PORTUGAL-** Nanguna ang Portugal sa paggalugad nang simulan nitong galugarin ang Kanlurang Aprika sa panahon ni Prinsipe Henry the Navigator. Ang mga unang narating ng mga Portuges ay ang isla ng Madeira, Azores, at Capo Verde (Cape Verde) sa Karagatang Atlantiko. Noong 1500, habang tinatahak ni Pedro Cabral ang ruta patungo sa India ay natagpuan naman niya ang isang lupain (kasalukuyang Brazil) at sinakop niya ito sa ngalan ng hari. Mula sa Malacca ay nagpatuloy ang ekspedisyon ng mga Portuges noong 1514 patungong Tsina at Moluccas. Dahil dito, nanguna ang Portugal sa kalakalan ng pampalasa noong mga panahong iyon. b. **ESPANYA-** Nagsimulang magpadala ng ekspedisyon sina Haring Ferdinand II at Reyna Isabella I ng Espanya matapos nilang makuha ang Granada mula sa mga mananakop na Moro. Ang unang ekspedisyon na sinuportahan ng mag-asawang monarko ay ang paglalayag ni Christopher Columbus, na mula sa Genoa, noong 1492 - Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng Espanya at Portugal, na napakaagresibo sa paglalayag at pagtuklas noon, ay napagkasunduan nilang magkaroon ng linya ng demarkasyon sa paggalugad na humantong sa **Kasunduan sa Tordesillas noong 1494.** Itinatakda sa kasunduan ang 370 legwa sa kanluran ng Cabo Verde bilang linya ng demarkasyon. Ang Espanya ay maggagalugad pakanluran mula sa demarkasyon, samantalang pasilangan naman ang Portugal - Napakalaking ambag naman sa kasaysayan ang ginawang ekspedisyon ni Fernao Magalhaes na isang Portuges. Kilala rin siya sa tawag na Fernando Magallanes (sa Espanyol) at Ferdinand Magellan (sa Ingles) ngunit naglayag sa ngalan ng Espanya**.** - **FERDINAND MAGELLAN**- Siya ang itinuturing na unang Europeong nakarating sa Asya sa pamamagitan ng pagtawid pakanluran sa Karagatang Atlantiko at paglusot sa kipot sa dulo ng Timog Amerika at muling pagtawid pakarnluran sa Karagatang Pasipiko. Nakarating siya sa isla ng Homonhon sa Pilipinas noong 1521. Ang eksplorasyong ito ni Magellan ay isang patunay na ang mundo ay bilog sapagkat nagtagpo ang mga Espanyol at Portuges sa Moluccas. - Upang linawin ang hangganan ng kanilang nasasakupan sa mga lugar na malapit sa Moluccas ay isinagawa naman ang **Kasunduan ng Zaragoza** - **Eksplorasyon ng Iba pang Bansang Euroepo** a. **OLANDA-** Napangibabawan ng mga Olandes ang Portugal sa pangongolonya noong ika-17 siglo. Hindi ginamit ng mga Olandes ang relihiyon bilang motibo sa kanilang paggalugad, sa halip sumentro sila sa kalakalan. Binuo nila ang Dutch East India Company noong 1602 upang mamahala sa kanilang pakikipagkalakal ng mga produktong bulak, seda, tsaa, kape, at lalong-lalo na ng mga pampalasa. b. **INGLATERA-** Pinagtuunan nila ng pansin ang pakikipagkalakalan at pagpapalakas ng nabigasyon. Itinatag ni Reyna Elizabeth I ang East India Company upang mangasiwa sa kanilang pakikipagkalakal c. **PRANSIYA-** Sa simula pa lamang ng 1500s ay regular na ang paglalayag ng mga Pranses sa Newfoundland upang mangisda. Noong 1524, ay kinomisyon ni Haring Francis I si Giovanni da Verrazzano upang maghanap ng ruta mula sa Newfoundland patungo sa Hilagang Kanlurang Amerika, patungong India. **LESSON 3: REBOLUSYONG SIYENTIPIKO** - Ang Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ay humamon sa mga sinaunang paniniwala ng mga tao hinggil sa daigdig na nakabatay noon sa mga idea at paliwanag ng mga pilosopong Griyego at ng Simbahan a. **PTOLEMY-** batay sa teorya ni Ptolemy, astronomo noong ikalawang siglo, na kung tawagin ay geocentric o teoryang Ptolemaic. Isinasaad sa teoryang ito na nakapalibot at umiinog ang mga planeta, araw, at iba pang bituin sa mundo. b. **COPERNICUS-** Ang kanyang paliwanag ay nakasulat sa On the Revolutions of the Heavenly Spheres na inilimbag noong 1543. Ayon sa kanya, ang mundo at ang iba pang planeta ay umiikot sa paligid ng araw sa kalawakan. Ang teoryang ito ay kinilalang heliocentric o teoryang Copernican. c. **Pinag-aralan ni Brahe** ang galaw ng mga bituin, d. **Samantalang si Kepler** naman ang dumepensa sa mga idea ni Copernicus sa kanyang akdang Mysterium Cosmographicum (Cosmographic Mystery) noong 1596. e. **GALILEO GALILEE-** nakadiskubre ng teleskopyong mas mahusay sa naimbento ni Hans Lippershey noong 1608 na nagbigay-daan sa masusing pag-aaral niya sa kalawakan**.** f. **ISAAC NEWTON-** ang nakapagpliwanag sa pagkilos ng mga planeta sa kanyang aklat na Mathematical Principles of Natural Philosophy o Principia noong l687. Nakapaloob dito ang kanyang mga paliwanag sa **gravity at inertia.** Ang mga pag-aaral ni Newton hinggil sa mga paksang ito ang isa sa dahilan ng **kanyang pagkakatuklas sa sangay ng matematika na tinatawag na calculus.** Si Newton sa ngayon ay **itinuturing bilang isa sa mahahalagang haligi ng makabagong siyensiya** - **Paghihikayat sa Siyentipikog Pag-aaral** - **Ang pagtingin ng tao sa mundo noong ika-16 at 17 siglo ay nagsimulang magbago dahil sa sunud-sunod na pag-aaral hinggil sa kalikasan ng daigdig.** a. **FRANCIS BACON**- Isinulong niya ang siyentipikong pamamaraan o metodo sa pag-aaral ng agham. Para sa kanya, upang mapatotohanan ang isang katanungan o teorya ay dapat dumaan ito sa obserbasyon at eksperimentasyon. **Tinawag ang metodong ito na inductive reasoning** b. **RENE DESCARTES-** Para sa kanya, ang mga bagay-bagay sa mundo ay dapat pagdudahan at hanggat hindi ito nahahanapan ng katibayan at napapangatwiranan ay hindi ito totoo. Dahil dito, naging tanyag ang kanyang pahayag sa kanyang akdang Discourse on Method noong 1637 na **Cogito, ergo sum (I think, therefore I am) sa Ingles.** Nangangahulugan ito na dahil siya ay nakapag-isip o nakapagdududa, siya ay umiiral o totoo. Ang metodo sa agham na pinasimulan ni Descartes ay **ang deductive reasoning.** - **Ambag ng mga Siyentipiko** a. **Carolus Linnaeus (1707-1778)** Isa siyang Swedish na botaniko na nagpasimula ng pagpapangalan at pagkakategorya ng mga halaman at hayop batay sa kanilang mga katangian na kung tawagin ay taksonomiya. Tinagurian siyang \"Ama ng Taksonomiya.\" b. **Anders Celsius (1701-1744)-** Isa siyang Swedish na astronomo na nakaimbento ng centigrade thermometer scale na kung tawagin ay celsius. c. **Robert Boyle-** Naging tanyag siya sa kanyang pormulasyon ng Boyle\'s Law. d. **John Dalton-** Siya ay isang Ingles na kimiko at meteorologo na kilala sa pagkakatuklas niya ng atom. - **PANAHON NG KALIWANAGAN** - Ang mga pagbabagong politikal at panlipunan sa Europa noong ika-18 dantaon ay nag-ugat sa Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment. hinikayat nila ang paggamit ng rasyonal na pag-iisip upang mapag-aralan ang ibat ibang aspekto ng lipunan- pamahalaan, batas, ekonomiya, relihiyon, at edukasyon. Ang mga intelektwal noong panahong ito ay tinawag na mga philosophe **a. THOMAS HOBBES-** kinilala dahil sa kanyang akdang Leviathan. Pinag-aralan ni Hobbes ang kalikasan ng tao. Para sa kanya, ang tao ay likas na masama at makasarili. At dahil ganíto ang tao, kaya nitong saktan ang isat isa para makuha ang kanyang nais tulad ng kapangyarihan at ari-arian. **b. JOHN LOCKE-** inilathala ang akda niya ang Two John Locke Treatises of Governmnent. Para sa kanya, ang lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at pantay-pantay. Maaaring gawin ng tao ang kanyang nais subalit hindi ito dapat nakapagdudulot ng pasakit sa iba. **c. JEAN JACQUES ROUSSEAU-** Isa sa mga pinakamaimpluwensiyang pilosopong Pranses. Siya ang may-akda ng Social Contract, hinggil sa politika, at, hinggil sa edukasyon, na parehong inilimbag noong 1762 - **BAGONG TEORYA SA EKONOMIYA** - **Umiral ang sistemang merkantilismo sa Europa noong ika-16 dantaon**. Sa pagsapit ng ika-18 dantaon ay ***lumitaw ang mga pisyokrat (physiocrat)*** pangkat ng mga ekonomista sa Pransya na pinamunuan ni Francis Quesnay. **Naniniwala rin sila na Iupa ang pinagmumulan ng lahat ng kayamanan**. Ayon din sa kanila, ang lahat ng mapagkakakitaan ay dapat bukas sa lahat. **Ang konsepto ng malayang kalakalan o laissez faire ay nagmula sa mga pisyokrat** **LESSON 4: REBOLUSYONG INDUSTRIYAL** - Ang salitang Rebolusyong Industriyal ay ginamit at ginawang popular ng Ingles na ekonomikong historyador na si Arnold Toynbee upang ilarawan ang mga pagbabago sa produksiyon noong ika- 18 hanggang ika-19 na dantaon - Ang Rebolusyong Industriyal ay **mahalagang yugto sa kasaysayan sapagkat sa panahong ito naganap ang transisyon ng dating ekonomiyang nakadepende sa pagbubungkal ng lupa tungo sa ekonomiyang nakadepende sa mga malkinarya.** - **MGA TAMPOK NA IMBENSIYON** a. **John Kay- Flying shuttle (1734)- sa pamamagitan ng mekanikong paglipat ng shuttle ng sinulid, napabilis ang paghahabi ng tela** b. **James Watt- Steam engine (1769)- makinang pinapatakbo sa pamamagitan ng pinaiinit na singaw** c. **John McAdam- Macadamization- proseso ng pagpapatag at pagpapatibay ng kalsada; tinagurian si McAdam na "Ama ng Makabagong Kalye"** d. **Wilbur (1867-1912) at Orvielle Wright (1871-1948)- Kauna-unahang nakapagpalipad ng eroplano (1903) sa North Carolina** e. **Samuel FB Morse- Electric telegraph at Morse Code (1838) na ginagamit sa telekomunikasyon** f. **Alexander Graham Bell- Telepono (1876)- kung saan una niyang sinabi ay "Mr. Watson, come here, I want to see you"** - **EPEKTO NG REBOLUSYONG INNDUSTRIYAL** - Isang magandang dulot nito ay ang pagkakaroon ng sistemang patente (patent) sapagkat napapangalagaan nito ang karapatan ng mga imbentor. Maaari silang magsagawa ng legal na aksyon sa mga magtatangkang gayahin o angkinin ang kanilang mga nilikha - napabilis ang produksyon dahil sa mga bagong makinaryang gamit sa iba\'t ibang industriya. - napadali rin ang komunikasyon at transportasyon hindi lamang sa Inglatera kundi sa buong mundo. - nagdulot ng malaking pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya - naging dahilan ng mabilisang pagdami ng mga kalakal na naging laganap at tinangkilik sa malaking bahagi ng daigdig. - paglaki ng populasyon ng mga lungsod. Ang paglaki at pagbilis ng produksiyon ay nagdulot ng pangangailangan sa mga manggagawa, partikular na sa mga pabrika - Dumami ang nandayuhan mula sa mga pamayanang rural tungo sa mga lungsod na nagbigay-daan sa paglala ng problema sa sanitasyon at polusyon. - umunlad din ang pambansang ekonomiya subalit mas lalong nakikita ang agwat ng mayayaman at mahihirap. - mas kinailangan ang mga kagamitang hilaw at mas umigting ang kompetisyon para rito **LESSON 5: IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO** Sa ikalawang yugto ng pananakop o imperyalisno **noong ika-19 na dantaon ay nagkaroon ng iba pang dahilan kabilang na ang mga sumusunod:** 1. malaking pakinabang ang pagkakaroon ng kolonya noong panahon ng Rebolusyong Industriyal sapagkat **ang mga kolonya ay maaaring pagkunan ng mga kagamitang hilaw at bagsakan ng mga nagawang produkto ng mga industriyalisadong bansa** 2. ang pagkakaroon ng mga kolonya ay hindi lamang susi sa materyal na karangyaan kundi **simbolo rin ito ng pagiging malakas na bansa;** 3. ang **pagkakaroon ng base-militar sa mga kolonya ay makatutulong sa seguridad ng bansang mananakop**; at dahil sa **paniniwala sa teoryang social darwinism ng mga Europeo** - **teoryang social darwinism**, Nag-ugat ang paniniwalang ito sa teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin na may kinalaman sa survival of the fittest o matira ang matibay kung saan ang mga taong nagiging matagumpay umano sa lipunan ay higit na mahusay. Sa tingin ng mga imperyalista, sila ay higit na malakas sa mga lahi sa Aprika, Amerika, at Asya. - Maiuugnay din ito sa isinulat na tula ng Amerikanong si Rudyard Kipling na may pamagat na **White Man\'s Burden** (patungkol sa responsabilidad diumano ng mga kanluraning bansa na gawing \"sibilisado\" ang ibang mga pamayanan at kultura. - at **sa idea ng manifest destiny** (palawakin ang teritoryo nito, magkaroon ng kolonya, maging dominante at makapangyarihan sa daigdig. ) na mula naman kay John L. O\'Sullivan