Pag-usbong ng Renaissance (Araling Panlipunan 8) - PDF

Document Details

CohesiveAltoFlute6953

Uploaded by CohesiveAltoFlute6953

Agusan National High School

Tags

Renaissance Araling Panlipunan Kasaysayan Pag-aaral

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala ng araling panlipunan, partikular na tungkol sa Renaissance.

Full Transcript

**WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS** **Araling Panlipunan 8** **Ikatlong Markahan, Unang Linggo** **PAG-USBONG NG RENAISSANCE** Pangalan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Pangkat: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Kasanayang Pagkatuto:**...

**WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS** **Araling Panlipunan 8** **Ikatlong Markahan, Unang Linggo** **PAG-USBONG NG RENAISSANCE** Pangalan: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Pangkat: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Kasanayang Pagkatuto:** Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance (MELC --Week 1) **Layunin: (Unang Araw)** - Nakapagtatalakay sa mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance. **Pangunahing Konsepto:** Project EASE --Modyul 11 (Pahina 2-15) Ang muling pagsilang ng karunungan sa loob ng tatlong siglo makalipas, matapos ang Panahong Midyibal sa Europeo, nagsimula ang maraming pagbabagong panlipunan, pampulitika at higit sa lahat sa mga bagong kaisipang pinalaganap ng mga pilosopo at siyentista mula ika-14 hanggang ika- 16 na dantaon. Ang salitang Renaissance ay hindi na bago, hango ito sa salitang Latin "renovatio" o " spiritual rebirth." Ano ang ibig sabihin ng Renaissance? Sa salitang Pranses, ito ay nangangahulugang: muling pagsilang o rebirth. Muling pagkamulat, muling pagkabuhay at pagpapanibago o revival. Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay-daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong imperyo ng Europeong mananakop. Isang panahon sa Renaissance na nabuhay na muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito, naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan, kumbaga, " all the talented people came, for its their time to shine," *BAKIT SA ITALYA?* Pinakamahalagang salik ang kinaroonang pangheograpiya ng Italya. Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ng bentahe ang mga lunsod-estado ng Italya na noong panahon yaon, ang pinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Naganap sa Italya ang Renaissance (Renasimyento), sa kadahilanang itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika, na sila ang may kaugnayan sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europa. Dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang- sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ng kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italya, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italya, ay kanyang kinaroonan. Bunga nito naging maunlad at sentrong pangkomersyo ang mga lungsod- estado ng Italya. Kabilang sa mga mayayamang bangkero, mangangalakal at maharlikang angkan ng lungsod- estado ay nagkaroon ng pagkakataon at kakayahan na itaguyod ang mga alagad ng sining.Ginamit nila ang kanilang kayamanan sa pag-aanyaya sa mga matatalino at malikhaing manunulat at artista upang itaguyod na muli ang mga kaalamang o kaisipang klasikal. *Ang Pagsilang ng Humanismo* Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon, na lahat ng kaalaman ay napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at katibayan. Nagbago sa panahon ng Renaissance ang pananaw sa buhay ng tao. Sa kauna-unahang pagkakataon, natuklasan ng tao ang kanyang sarili, higit na silang mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati'y madali nilang tanggapin. Ang pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagtatag ng tuntungan sa kilusang tinatawag na Humanismo. Ang Humanismo ay isang kilusang kultura na ang saloobin sa buhay ay ang panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano. Hinubog ng mga humanistang palagay ang pag-iisip at saloobin ng tao upang baguhin ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval Period. Ang Humanismo ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito na hindi lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ay pangunahing tungkulin sa mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan. **Gawain 1: Concept Definition Map** **Panuto: Kompletuhin ang mga impormasyong hinihingi ng diyagram tungkol sa Renaissance.** **KONTRIBUSYON AT EPEKTO NG RENAISSANCE** **Layunin: (Ikalawang Araw)** - Nakapagpapaliwanag sa mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance. (Budget of Works- 2) **Pangunahing Konsepto:** Project EASE-Modyul 11 (Pahina18-21) Hindi matutumbasang pamana ng Renaissance sa sangkatauhan ang mga kahanga-hangang likha sa iba't-ibang larangan ng sining at panitikan. Kilalanin natin ang mga taong kinilala sa mga pambihirang nagawa nila sa panahon ng Renaissance. *Sa Larangan ng Sining at Panitikan* *Francisco Petrarch* (1304-1374). Ang "Ama ng Humanismo". Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang " Songbook," isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura. *Goivanni Boccacio* (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kanyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang "Decameron",isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang(100) nakatatawang salaysay. *William Shakespeare* (1564-1616) Ang "Makata ng mga makata." Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. *Desiderious Erasmus* (c.1466-1536). " Prinsipe ng mga Humanista." May-akda ng "In Praise of Folly" kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. *Nicollo Machievelli* (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng "The Prince." Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: " Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan." "Wasto ang nilikha ng lakas." Ang bagong kaisipang politikal na nasasaad dito ay ang kanyang payo na kung saan ang pinuno ay kailangang maging malupit, gumagawa ng katusuhan at panlilinlang para manatili sa kapangyarihan. Ang implikasyon ng mga prinsipyong ito: ang estado ay nariyan hindi para sa kasiyahan ng mamamayan; sa halip, ang mamamayan ay nariyan para sa estado. *Miguel de Cervantes*. Sa larangan ng panitikan, sinulat niya ang nobelang "Don Quixote de la Mancha," aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. *Sa Larangan ng Pinta* *Michelangelo Bounarotti* (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang istatwa ni Kristo pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon. *Leonardo da Vinci* (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang " Huling Hapunan" (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kanyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba't- ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. *Raphael Santi* (1483-1520). "Ganap na Pintor", "Perpektong Pintor". Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra maestrang " Sistine Madonna", "Madonna and the Child" at "Alba Madonna." *Agham sa Panahon ng Renaissance* *Nicolas Copernicus* (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang teoryang Copernican; " Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw." Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal din tinangkilik ng simbahan. *Galileo Galilei* (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kanyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang Copernican. *Sir Isaac Newton* (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kanyang "Batas ng Universal Gravitation," ang bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. **Gawain 2: May Ginawa Ako! Ikaw Ba?** **Panuto:** Punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging kontribusyon sa iba-ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito. **ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE** **Layunin: (Ikatlong Araw)** +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | PERSONALIDAD | LARANGAN | KONTRIBUSYON | +=======================+=======================+=======================+ | Halimbawa: | Agham | Teleskopyo | | | | | | Galileo Galilei | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ **Pangunahing Konsepto:** Kasaysayan ng Daigdig (Pahina 306-307) Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Sa pagsulat ng tula, mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630). **Gawain 3: Ano ang Gusto Mo!** **Panuto: Sa isang long bondpaper, lumikha ng isang poster na naglalaman ng mga naging kontribusyon ng Renaissance o ng mga kababaihan sa panahon ng Renaissance. Gamiting gabay ang sumusunod na rubric.** ![](media/image2.png) ***Sanggunian:** Project EASE, Araling Panlipunan III (Kasaysayan ng Daigdig). Department of Education, Deped Complex. Pp. 2-21.* *K-12 Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig) 2014. Kagawaran ng Edukasyon. 5^th^ Floor, Mabini Bldg., Deped Complex. Pp. 306-307* ***Answer Key:*** *Gawain 1: Concept Definition Map* *(Makikita ang sagot sa mga pangunahing konseptong ibinigay)* *Gawain 2: **May Ginawa Ako! Ikaw Ba?*** *(Makikita ang sagot sa mga pangunahing konseptong ibinigay)* *Gawain 3: Ano ang Gusto Mo!* *(Magkakaiba ang mga output)* Author: **MARILOU A. BARDOQUILLO** School: Libertad National High School Division: Butuan City Email Address: **Tagasuri:** 1. **MARILOU A. BARDOQUILLO** MT-I, Social Studies Dept. Libertad National High School 2. **SHARON M. POMERA** Head, Social Studies Dept. Libertad National High School 3. **CARLOS C. CATALAN JR., PhDM** Division Aral Pan Coordinator Butuan City Division

Use Quizgecko on...
Browser
Browser