AP G8 Test Questionnaire Q3 2024-2025 PDF
Document Details
Uploaded by CoolestAlgorithm8405
2024
Tags
Related
- Araling Panlipunan 7 Ikalawang Markahan - Modyul 1 PDF
- Pointers for Araling Panlipunan 6 PDF
- ARALING PANLIPUNAN REPORT (PDF)
- Araling Panlipunan 6 - Ikalawang Markahan - Modyul 5 PDF
- Mga Hamon sa Kasarinlan ng Pilipinas (Araling Panlipunan 6) PDF
- Araling Panlipunan 8 Ikatlong Markahan - Modyul 1 Panahon ng Renaissance PDF
Summary
This is a past paper for Grade 8, Araling Panlipunan, for the third quarter of the 2024-2025 school year. It contains multiple choice questions on various topics of Philippine History and Culture. The questions cover concepts such as Merkantilismo, Renaissance, and colonialism.
Full Transcript
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 3rd Quarter – Grade 8 ARALING PANLIPUNAN GENERAL INSTRUCTIONS. Do not write anything on this test paper. After carefully reading all the questions, reflect all your answers on the separate...
REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 3rd Quarter – Grade 8 ARALING PANLIPUNAN GENERAL INSTRUCTIONS. Do not write anything on this test paper. After carefully reading all the questions, reflect all your answers on the separate ANSWER SHEET. Shade the circle that corresponds to your chosen answer. 1. Ang Merkantilismo ay sistemang naniniwala na nakapagparami ng yaman ang pakikipagpalitan , pakikipagkalakalan batay sa interes ng paglaki nito sa reserba ng ______________. a. Tanso at pilak b. Ginto at pilak c. Pilak at bakal d. Tanso at ginto 2. Sa panahon ng Renaissance nagkaroon ng pagbabago sa Agham at teknolohiya. Alin sa mga pahayag ang naging resulta ng mga pagbabagong ito? 1. Naimbento ang makabagong paraan ng paglilimbag. 2. Nakagagawa ng mga siyentipiko at modernong paraan ng pagsasaliksik. 3. Maraming ideya ang nagsulputan nan aka impluwensya sa maraming tao. 4. Nagbigay daan sa pagiging masiglahin ng mga tao. a. 1,2,3,4 c. 1,2 b. 1, 2, 3 d. 3,4 3. Nangyari ang kolonyalismo kapag nasakop ng isang bansa o kaharian ang isa pang teritoryo, nakubkob ang populasyon, na exploit ang mga tao at pinagkukunang yaman. Batay sa pahayag, alin ang iginiit ng mga kolonyalista sa naging kolonya nito? a. Tahasang pagpagamit ng wika ng mga kolonyalista sa kolonya nito. b. Pagpapahalaga sa kultura ng mga kolonya. c. Pagbibigay pugay sa pananampalataya ng mga kolonya. d. wala sa nabanggit 4. Mula noong ika-13 siglo ay naka depende na ang Europa sa spices na matatagpuan sa Asya lalo na sa India.Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon at nutmeg.Bakit kinagiliwan ng mga Europeo ang spices o pampalasa? a. Ginagamit nila bilang pampalasa ng pagkain. b. Pam preserba ng pagkain. c. Ginagamit sa pabango, kosmetiks at medisina. d. lahat ng nabanggit 5. Ang Portugal, Spain, France, England at Holland ang naghati-hati sa daigdig bilang kolonya noong ika-16 na siglo. Nagtamasa ng mga kayamanan mula sa mga kolonyang bansa ang mga mananakop na europeo. Ano ang mahihinuha mo sa talatang ito? a. Naging malupit ang mga ito sa mga kolonyang bansa para mapanatili nila ang control sa mga ito. b. Naging maganda ang relasyon ng mga kolonya at mananakop nito. c. Naging matapang ang mga tao. d. naging payapa ang mga bansang sinakop. 6. Maliban sa mga Kastila ang Pilipinas ay napasailalim din ng pananakop ng ibang bansa. Nagdulot ito ng malaking impluwensya sa kasaysayan, pamumuhay kultura at tradisyon ng mga Pilipino maging sa kasalukuyang panahon. Alin sa sumusunod ang naging impluwensya ng mga Amerikano sa mga Pilipino? a. kumpleto ang handaan pag may lechon sa hapag kainan. b. Basketball ang tanyag na sports sa Pilipinas. c. Paghahanda ng 13 prutas sa pagsalubong ng bagong taon. d. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. 7. Lahat ng nabanggit ay epekto ng industriyalismo. Maliban sa isa? a. Suliraning Panlipunan b. Pagkakaroon ng union ang manggagawa. c. Pagkakaroon ng migrasyon sa mga lungsod. d. Pagkawala ng iskwater. 8. Anong makina ang ginagamit upang mapadali ang paghihiwalay ng buto at iba pang material sa bulak upang mapadali ang produksiyon ng tela. a. Spinning jenny c. Steam Engine b. Cotton gin d. Cotton 9. Ang mga sumusunod ay dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko. Alin ang hindi kabilang? a. Relihiyon c. Repormasyon b. Renaissance d. Explorasyon 10. Dahil sa pananakop ng mga taga – Europa, naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyon sa Asya ang ______________. a. pag-unlad ng kalakalan b. pagkamulat sa Kanluraning panimula c. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa d. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas 11. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng Rebolusyong Siyentipiko. MALIBAN sa isa. Ano ito? a. Lumawak ang kaalaman ng tao sa Agham. b. Lumawak ang pang-unawa ng tao tungkol sa mundo. c. Napabuti ang kaalaman sa Anatomiya at kalusugan ng tao. d. Hindi naging interesado ang tao sa mga nagaganap sa mundo. 12. Paano naiugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano? a. Dahil ito ay nagdulot ng kalayaan sa kanilang paniniwala at gawi. b. Dahil ito ay nagdulot ng matinding pagkamulat sa mga Europeo na naging ideya at wika sa Rebolusyongb Pranses at Amerikano. c. Dahil ito ay nagdulot sa kanila na mas lalo nilang mahalin at ipaglaban ang kanilang bansang Pranses at Amerika. d. Dahil sa hindi na nila kayang unawain ang kasalukyang pamumuno kung kaya nagresulta ito sa malawakang pagbabago sa kanilang kaisipan bilang Pranses at Amerikano. 13. Ang lahat ng pangungusap ay mahalagang kaisipan ng mga Philosophes maliban sa isang aytem: a. Ang kaligayahan ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. b. Namayani sa kanila ang absolutong pamumuno ng hari dahil ito ang likas na batas. c. Ang katotohanan ay maaaring malalaman gamit ang katuwiran. d. Naniniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan” 14. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pang ekonomiko? a. pagpapatayo ng ospital, pagpapagawa ng tulay at kalsada b. panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan c. pagbibigay proteksyon sa mamamayan d. paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan 15. Alin sa mga sumusunod ang humihingi na bigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga kababaihan upang magkaroon ng pagkakapantay- pantay? a. The Social Contrat c. A vindictum of the Rights of Women b. Encyclopedia d. The Spirit of the Laws 16. Ang naging bunga ng makabagong kaisipan sa Europa at Hilagang Amerika ay ang: a. Pagiging deboto at masunurin sa doktrina ng Simbahan b. Paniniwala sa mga superstisyon at mahika c. Karapatang makapagpahayag sa sariling damdamin at kaisipan d. Nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga monarko 17. Ito ay tumutukoy sa rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. a. Rebolusyong Siyentipiko c. Rebolusyong pangkaisipan b. Rebolusyong Pranses d. Rebolusyong Amerikano 18. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong military ang France sa United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo? a. Magkakampi ang France at United States b. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. c. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. d. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang Inglatera. 19. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? a. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng Rebolusyong Politikal. b. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan. c. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng renaissance sa Europe. d. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan. 20. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses? a. Pagtanggal ng sistemang piyudal b. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” c. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika d. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran 21. Bakit labis na tinuligsa ng mga merkantalismo ang pagbabago sa patakaran ng ekonomiya sa panahon ng Rebolsuyong Pangkaisipan? a. dahil ayaw nila na kumikita ang gobyerno sa kanilang mga transaksyon. b. dahil naninwala sila sa patakarang Laissez-Faire. c. dahil ang Pagunahing tungkulin ng ang pagbibgay ng pagbibigay ng proteksyon sa mga negosyate. d. dahil naniniwala sila na ang market o pamilihan ay maaring dumaloy ng maayos na hindi pinakikialaman ng pamahalaan. 22. “Walang Pagbubuwis kung walang Representasyon” ito ang naging slogan ng mga amerikano laban sa parliamentaryong englis noong rebolusyong amerikano. Ano ang ibig ipahiwatig nito? a. Ang pagbubuwis ay sobra b. hindi sila magbibigay ng buwis hanggat walang kinatawan mula sa kanilang kolonya. c. Ang mga parliamentaryong englis ay sukdulan ang kanilang kasamaan. c. hindi kaya na mga amerikano ang patakran ng mga englis. 23. Ano ang nais ipabatid ng 13 kolonya nag binou nila ang unang kongresong continental? a. Nais nilang labanan ang mga English b. magkaisa ag lahat ng kolonya ng amerika c. magkaisa at labanan ang mga englis sa radikal na pamamaraan. d. wala sa nabanggit 24. Ano ang naging simula ng French Revolution? a. Pagpapalayas sa mga dayuhan b. Pagsugpo sa karahasan ng gobyerno c. Pagsiklab ng digmaan sa ibang bansa d. Pag-aalsa ng mga maralita laban sa pamahalaan 25. Ano ang Stamp Act? a. Paglalagay ng selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa Kolonya b. Pagtattoo sa mga mangangalakal mula sa kolonya c. Pagbabawas ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya d. Pagbabawal ng pag-angkat ng kahit anong produkto mula sa 13 kolonya 26. Ito ay pangyayari kung saan tinapon ang tone- toneladang tsaa sa pantalan bilang pagprotesta sa ipinapataw na buwis sa tsaa. a. Virginia Tea Party c. Boston Tea Party b. New York Tea Party d. Maryland Tea Party 27. Ano ang implikasyon sa Pamahalaan ng mga prinsipyong nabanggit sa Declaration of the Rights of the man? a. Na ang lipunang pranses ay kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay, at kapatiran. b. Na ang bawat lipunang pranses ay mayroong kalayaan. c. Na ang mga mamamayang pranses ay mayroong kalyaan sa ekspersyon. d. Na ang batas ng mga pranses ay para sa mga pranses. 28. Masidhing damdamin ng pagmamahal sa bayan. a. Imperyalismo b. Kolonyalismo c. Nasyonalismo d. Merkatilismo 29. Ano ang mga motibo ng eksplorasyon? a. Paghanap ng bagong ruta sa kalakal b. Pagpapalaganap ng relihiyon c. Paghahanap ng kayamanan d. Lahat ng nabanggit 30. Ano ang tawag sa Sistema kung saan ang mga bansa ay nagtatag ng mga kolonya at ipinatutupad ang kanilang control sa ibang lugar? a. Kolonisasyon b. Globalisasyon c. Kapitalismo d. Imperyalismo 31. Ang pinakapopular at matagumpay na heneral na nasakop ang malaking bahagi ng Europe at kinilalang emperor a. Abbe Sieyes b. Napolen Bonaparte c. Louis XVI d. Maximilien Robespierre 32. Siya ang pinuno ng Russia ng sumiklab ang Rebolusyong Bolshevik a. Napoleon Bonaparte b. Vladimir Lenin c. Karl Marx d. Josef Stalin 33. Ang pinakamalaking bansa sa daigdig na sumakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe a. Amerika b. Russia c. Africa d. Spain 34. Sa panahon ng pag aalsa, ang taong sumama sa pakikidigma ay tinatawag na a. Sundalo b. Repormista c. Rebolusyonaryo d. Knights 35. Kinilalang bayani ng digmaan ng paghahangad ng kalayaan sa Amerika a. Thomas Jefferson b. Thomas Paine c. George Washington d. Paul Revere 36. Ang bagong lahi kung saan magkaroon ng anak ang mag asawang taga Europe at mga katutubo ng Asya. a. Mix b. Tisoy c. Mestizo d. Half 37. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o Napatunayan ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan? a. ang mundo ay bilog. b. mayaman sag into ang Pilipinas. c. Mayaman ang kultura ng mga taga-silangan. d. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-silangan. 38. Alin sa mga sumsusunod na paraan ng pananakop ang ginamit ng mga Dutch sa asya na maituturing na dahilan kung bakit mas nagtagal ang kanilang control sa Asya kaysa America? a. pagtatakda ng Sistema ng plantasyon b. pagkakatatag ng Dutch East India Company c. pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang paggawa d. pagpapatibay sa mga trading outpost o himpilang pangkalakalan 39. Paano mo ilalarawan ang epekto ng Kolonyalismo? a. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Europeo. b. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan. c. Ang kolonyalismo ay nagdulot mg positibo at negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga kanluranin. d. Nagdala ang kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng maraming pagkamatay ng mga katutubo. 40. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning panlipunan na idinulot ng Rebolusyong Industriyal? a. Maraming bata ang napilitang magtrabaho. b. Naging dahilan ito ng hidwaaing pampolitika. c. maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy. d. kakaunti ang mga makinarya na ginamit sa industriya. 41. Alin sa sumusunod ang hindi ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa Europe? a. Nadagdagan ang kapangyarihan ng Hari at Reyna. b. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe. c. Maraming aklat ang naisulat tumgkol sa agham sa panahong ito. d. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga kanluranin. 42. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pang-ekonomiko? a. pagbibigay proteksyon sa mamamayan b. paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan c. panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan d. pagpapatayo ng ospital, pagpagawa ng tulay at kalsada 43. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan sa kalakalan? a. para madagdagan nila ang ibibigay na buwis sa pamahalaan b. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa c. Upang maimpluwensyahan nila ang mga paglilingkod sa pamahalaan d. dahil Malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang Negosyo 44. Paano nakatulong ang mga imbensyong sa teknolohiya at agham sa paglalayag? a. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop b. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista c. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan d. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo 45. paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang Sistema ng kalakalan upang mapaunlad ang mga bayan na kaharap o malapit ditto? a. Pinalawak nito ang sistemang barter b. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis c. naging susi ito ng mabilis na transportasyon d. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao 46. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang sinakop nila? a. pinaunlad nila ang mga bansang sinakop b. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita c. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo d. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber 47. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo? a. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan. b. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan. c. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang kanluranin. d. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa banyaga. 48. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing mekanismo sa paglunsad ng ikalawang yugto ng pananakop? a. Rebolusyong Pranses b. Rebolusyong Industriyal c. Rebolusyong Amerikano d.Rebolusyong pang kalikasan 49. Anong damdamin ang ipinakita ng pagiging mataopat at mapagmahal sa bansa? a. Demokrasya c. Nasyonalismo b. Liberalismo d. Sosyalismo 50. Aling pahayag ang hindi nagpapakita sa damdaming Nasyonalismo? a. Pagmamahal sa sariling wika. b. Pagbubuwis ng buhay para sa bayan. c. Pagtangkilin sa sariling produkto ng bansa. d. Pagpapayaman upang mapaunlad ang sarili.