Reviewer in Filipino 2nd Quarter PDF

Document Details

chaseisacatemotionally

Uploaded by chaseisacatemotionally

Harvard University

Tags

Filipino literature storytelling analysis composition 2nd quarter review

Summary

This document is a reviewer of Filipino content for the 2nd quarter. It covers elements of fiction, storytelling, and likely classroom instructions. Topics include characters, setting, plot (with its various parts), as well as an analysis of "Alamat ng Unggoy."

Full Transcript

**Reviewer in Filipino** **2^nd^ Quarter** I. **Elemento ng akdang Tuluyan at Ang Alamat ng Unggoy** 1. **[Tauhan]** -- ito ang karakter o mga karakter na nagbibigay-buhay sa akdang tuluyan. 2. **[Tagpuan]** -- Ito ang panahon at lugar kung saa nangyari ang akda. 3. **[Banghay]** --...

**Reviewer in Filipino** **2^nd^ Quarter** I. **Elemento ng akdang Tuluyan at Ang Alamat ng Unggoy** 1. **[Tauhan]** -- ito ang karakter o mga karakter na nagbibigay-buhay sa akdang tuluyan. 2. **[Tagpuan]** -- Ito ang panahon at lugar kung saa nangyari ang akda. 3. **[Banghay]** -- Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari - ***Simula*** -- dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento. - ***Suliranin*** -- dito makikilala ang suliranin o problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan. - ***Tunggalian*** -- Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin - ***Kasukdulan*** -- bahaging pinakamaaksyon. Ito ang bahaging nabibigyang solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang ang pangunahing tauhan o hindi. - ***Kakalasan*** -- sa bahaging ito bumabab ang takbo ng kuwento. Ito ang nagbibigay daan sa wakas. - ***Wakas*** -- ang kinahinatnan o resolusyon ng akda. - **Banghay ng akdang "Alamat ng Unggoy"** **Simula** Noong unang panahon ay may mag-inang nakatira sa isang nayong malapit sa kagubatan at sa isang malinaw na ilog. Sila ay sina Aling Tinang at ang labindalawang taong gulang na si Ogoy. ------------------------------- --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- **Suliranin** Naging mahirap ang buhay lalao na kay Aling Tinang dahil maagang yumao ang kaniyang asawa at lalo pang pinahihirap ito ng pagiging tamad, sutil, sinungaling, at matakaw ni Ogoy. **Tunggalian** **Minsan sa pag-uwi ni Aling Tinang mula sa maghapong pagtatrabaho sa bukid ay naulanan siya kaya't kinabukasan ay nagkasakit siya.** **Kasukdulan** **Sa halip na tulungan ang may sakit na ina ay kmain lang at akmang aalis na si Ogoy pagkakain kaya't hindi na nakapagtimpi si Aling Tinang. Inihagis niya ang sandok sa anak at sa isang kisapmata ay nagging mahabang buntot ito at nagingunggoy si Ogoy.** **Pababang aksyon/Kakalasan** **Takot na nagtatakbo ang nagbagong anyong si Ogoy at mabilis na umakyat at nagpalipat-lipat sa mga baging ng puno habang tinatawag ng ina.** **Wakas** **Hindi na nakabalik sa dating anyo si Ogoy. Mula sa pangalang "Ogoy" kalauna'y tinawag siyang "Unggoy" at sa kanya nagsimula ang mga unang lahi ng mga unggoy.** - **Mga dapat tandaan sa paksang Ang Alamat ng Unggoy at Akdang Tuluyan** - Ang pagiging isang unggoy ni Ogoy ay isang simbolo para sa isang tulad niya dahil **naubos ni Ogoy ang mga saging at mahilig maglambitin sa mga puno sa kagubatan.** - Katulad ni Ogoy na pabigat at nagiging sanhi ng problema ng magulang, maaari pa ring magdusa ang magulang dahil sa kakulangan ng suportang mga anak sa panahon ngayon. - Ayon sa "Alamat ng Unggoy", hindi dito naipakita ang pagdidisiplina ng ina kay Ogoy. Dahil imbes na turuan si Ogoy at pagalitan upang mas matuto ay hinayaan na lamang nito at hindi na pinagsasabihan pa. II. **Pagtukoy sa Paksa, Layon at Detalye sa isang Teksto** - **[Paksa]** -- ito ang pangunahing kaisipan o mensaheng binibigyang-diin sa teksto o akda. - **[Paksang Pangungusap]** -- dito nakalahad ang pangunahing ideya ng isang talata. Karaniwang matatagpuan ito sa una o huling pangungusap ng isang talata. - **[Mahahalagang Impormasyon o Detalye]** -- ito ang mga sumusuportang detalye o impormasyong magbibigay-linaw sa paksa ng pangungusap. - **[Layunin o Layon]** -- ito ang dahilan ng pagsulat ng teksto. Masasalamin nito ang gusting iparating ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwang layunin ng teksto: - Magbigay-impormasyon - Maglahad ng opinion - Magsaad ng argumento - Mangumbinsi - Magpaliwanag - Magbigay-aliw ***Tandaan:*** - Kailangan manaliksik upang magkaroon ng dagdag na mga detalye at mga susuportang impormasyon sa paksang iyong isusulat - Upang mapadali at mapaganda ang pagsusulat ng isang sanaysay o teksto, mas mabuting pumili ka ng paksa na naayon sa iyong interes. III. **Si Buwan, Si Araw, at ang mga Bituin** ***Mga dapat tandan:*** - Si Bathala ang lumikha ng mundo at lumikha ng mga bagay na mabibigay-liwanag dito. Nilikha niya ang malakas at matipunong si Araw at ang mahinhin at magandang si Buwan. Naging magkasama sila sa pagtupad ng tungkulin na pagbibigay liwanag sa mundo hanggang sa sila ay nagmahalan at nagkaroon ng anak. - Dahil sa init na taglay ni araw ay hindi siya pinayagan ni Buwan na lumapit sa anak dahil masusunog ito. Ngunit hindi nakapagpigil si Araw at nilapitan pa rin nito ang anak, ngunit ang kinakatakot ni Buwan ay nangyari nga. Lumiyab ang katawan ng kanilang anak at ito ay nagging abo. - Labis ang naging galit at lungkot ni Buwan at labis naman ang pagsisi ni Araw. Ngunit minsang nagluluksa si Buwan ay biglang hiwaga ang bumalot sa kanilang kapaligaran. Binigyang liwanag ni Araw ang mga abo ng anak na kumalat sa kalawakan at tinawag itong mga bituin. At ang mga abong bumagsak sa mundo ay nilikha niyang mga puno at makukulay na bulaklak. - Sa paraang ito ay tila kasama at kapiling pa rin nila ang kanilang anak. Dahil dito ay bumalik ang sigla at liwanag ni Buwan. - Ang mga ***[kuwentong-bayan]*** - Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimulat lumaganap. - Masasalamin dito ang kultura, kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon at lugar kung saan at kalian ito naisulat. - **Mga kilalang anyo ng kuwentong-bayan:** 1. **[Alamat]** -- mga akdang nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay, pook, o pangyayari. 2. **[Pabula]** -- mga akdang gumagamit ng mga hayop o mga bagay na kumikilos at nagsasalitang parang mga tao. Karaniwang nagtataglay ito ng mahahalagang mensahe o aral. 3. **[Kuwentong Kababalaghan]** -- dito mababasa ang mga kuwento tungkol sa mga hindi pangkaraniwang nilalang tulad ng mg Diwata, duwende, tikbalang, sirena, siyokoy, tiyanak at iba pa. 4. **[Mitolohiya]** -- kuwentong may mga tauhang diyos at diyosa na nagtataglay ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan. IV. **Nagtinda ng Kakanin si Juan Pusong** **Mga dapat tandaan;** - Si Juan Pusong ay mas kilala bilang Juan tamad sa Katagalugan. Pinakatanyag na katangian niya ay ang pagiging tamad, mapanlinlang, at pagiging tuso kaya natatakasan niya ang mga parusang katapat ng mga nagagawa niyang kasalanan. - Ang pagtinda ng kakanin na inutos ng in ani Juan sakanya ay pinagbenta niya sa langaw, aso, balon, at mga palaka. Lahat ng mga ito nasingil ni Juan maliban na lamg sa mga palaka. Labis na nagalit ang kaniyang ina dahil hindi pala sa tao ibinenta ni Juan ang mga kakanin. Dahil dito ay hindi na raw uutusan pa ng ina si Juan sa susunod. Lingid sa kaalaman ng ina na tuwang tuwa pa dahil dito si Juan Pusong. V. **Estruktura ng Tekstong Ekspositori** 1. **[Sanhi at Bunga] -** makikita sa teksto ang paliwanag ukol sa sanhi o dahilan at bunga o epekto ng sitwasyong nakalahad sa teksto. **Halimbawa:** - **[Sanhi:]** Pagtapon ng mga basura sa ilog, kanal at iba pang daluyan ng tubig at ang pagputol ng mga puno o *illegal logging* - **[Bunga:]** pagbaha, pagdami ng iba't ibang uri ng sakit, at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao. 2. **[Suliranin at solusyon]** -- gumagamit ng mga suliranin o isyu at mga posibleng maging solusyon dito. Mahalaga ang maayos na paglalahad sa suliranin at sa mga solusyong ibabahagi para makinabang ang mga mambabasa mula sa impormasyong ito. **Halimbawa:** - **[Suliranin]** -- mga mag-aaral na hirap sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng internet at mga kagamitan sa online learning. - **[Solusyon]** - **magtulungan ang mga paaralan, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor upang magbigay ng libreng internet access at learning mga materials ang mga mag-aaral.** 3. **[Proseso at pagkakasunod-sunod]** -- ipinapakita rito ang tama at maayos na hakbang at pagbuo ng teksto. VI. **Kohesyong Gramatikal sa pagsulat ng teksto** - **Kohesyong Gramatikal --** ginagamit ito upang hindi paulit-ulit ang paggamit ng mga salita o pangalan sa isang pangungusap o teksto. Nagbibigay ito ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. - **Mga pangunahing kohesyong gramatikal:** 1. **Reperensiya --** paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng panksang pinag-uusapan sa pangungusap *Maaari ito maging:* - **Anapora --** pagbanggit muna sa pangngalan bago ang paggamit ng panghalip. **Halimbawa:** - **Ang pinuno** ay susi sa kaunlaran bayan**. Siya** kasi ang gabay na umaakay sa mamamayan tungo sa maunlad na bukas. - **Si Mary** ang panganay sa apat na magkakapatid. **Siya** na ang tumayong magulang simula nang mamatay ang kanilang ina at iwan sila ng kanilang ama. - **Katapora** -- panghalip muna bago ang paggamit ng panggalan na tinutukoy sa ginamit na panghalip. **Halimbawa**: - **Ito** ang nagbibigay liwanag na madilim na gabi, **ang buwan**. - Isa **siyang** ekonomista kaya alam ni **Pangulong Arroyo** kung paano muling sisigla ang turismo sa bansa. 2. **Subsitusyon --** paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. **Halimbawa:** - Napaka-korap ng ating mayor. Kailangan na nating maghalal ng bago. - **Nasira na ang aking laptop. Kailangan ko nang bumili ng bago.** 3. **Ellipsis --** may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap. **Halimbawa:** - Nagpatayo si Mayor Dina ng limang silid-aralan noong isang taon. Sa taong ito naman ay sampu. - Pinaayos na ni Chairmain ang tulay noong nakaraang taon. Ang sirang daan naman ngayon. 4. **Pang-ugnay** -- ginagamit sap ag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, o pangungusap sa pangungusap upang higit na nauunawaan ng mamababasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay. **Halimbawa:** - Ang mga tinda sa palengke ay nagsisitaasan na ng presyo **ngunit** ang mga tindera ay patuloy pa rin sa pagkayod may maitustos lang sa pang araw-araw. - Nagpabakuna ang mga mag-aaral at binantayan sila ng kanilang guro.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser