Aralin-1 Anekdota PDF
Document Details
Uploaded by ScenicHeliodor547
Alvin Ringgo C. Reyes
Tags
Summary
This document provides an overview of anecdotes, their types, and examples in the Filipino language. It covers different categories of anecdotes, discussing their purposes and how they are used in storytelling.
Full Transcript
THIRD QUARTER Aralin-1 Anekdota Isang Mapagpalang araw! “Ang Paghuhusga” ( Anekdota mula sa bansang Persia) Ang anekdota ay isang maikling salaysay tungkol sa isang tunay na tao o pangyayari na inilahad sa paraang nakatatawa o nakamamangha at may layuning magbigay-punto. Nagmula ito sa...
THIRD QUARTER Aralin-1 Anekdota Isang Mapagpalang araw! “Ang Paghuhusga” ( Anekdota mula sa bansang Persia) Ang anekdota ay isang maikling salaysay tungkol sa isang tunay na tao o pangyayari na inilahad sa paraang nakatatawa o nakamamangha at may layuning magbigay-punto. Nagmula ito sa salitang Griyegong “ anekdota” na nangangahulugang “ mga di- nailathalang bagay” 1. Mahihinuha sa etimolohiyang ito noon pa man, mas pasalita na talaga ang paraan ng paglalahad ng anekdota kaysa pasulat. 2. Gamit ang anekdota upang hikayatin ang mga tagapakinig, magsilbing pangganyak sa isang mas mahabang diskurso. Mauuri ang anekdota sa mga sumusunod: 1.Anekdotang Nagpapatawa- nagdaragdag ito ng katatawanan o pang- aliw sa paksang tinatalakay. Isang opisyal ng isang kampo sa Cape ang bumili ng dalawang leopard. Humingi siya ng permiso kung pwede niyang isama ang mga hayop sa kaniyang tinutuluyan sa Kastilyo. Gayunpaman, dahil maraming bata sa baraks noong mga panahong iyon, hindi siya pinayagan. Ipinaalaga na lang niya ang mga leopard sa isang kapitbahay na Malayo. Nang kinukuha na niya ang mga leopard sa Malayo, itinuro nito ang iisang leopard. “ Iyan ang mga pares ng leopard. Kaya lang, nasa loob nan g tiyan ng isa ang kasama niya.” Mula sa “ South African Anecdotes: Collected From Various Sources,Oral and Written” ( 1914 ) ni A. Ellman, salin ni Alvin Ringgo C. Reyes Nakakatawa ang anekdotang ito dahil sa pamimilosopo ng Malayo. Itinuturing niyang pares pa rin ang leopard kahit malinaw na mag-isa na lang ito, hindi dahil may aktuwal itong kasama, kundi dahil nasa loob na ng tiyan nito ang kinain nitong kasama. 2. Anekdotang Gumugunita- sinasariwa nito ang isang pangyayari sa nakaraan na napapanahong ikuwento. Noong 1825, nang mapadpad ang sikat na manlalakbay na si G. Nathaniel Isaac sa South Africa, binisita niya ang dakilang Haring Chaka ng Zulu. Tinanong ng hari si G. Isaac kung ano ang lagay ng politika sa Europa at sa daigdig. Naikwento ni G. Isaac ang lawak ng naabot ng imperyong Briton at ang pagbagsak ng Imperyong Frances ni Napoelon sa Digmaan sa Waterloo sampung taon na ang nakararaan. Tugon ng haring hubad ang pang-itaas, “ Ngayon, nakikita ko nang dalawa lang ang pinakadakilang mga pinuno sa buong mundo: ang kapatid kong si George na Hari ng lahat ng Puti at ako, si Chaka, ang Hari ng lahat ng Itim. Mula sa “ South African Anecdotes: Collected From Various Sources,Oral and Written” ( 1914 ) ni A. Ellman, salin ni Alvin Ringgo C. Reyes Tunay na mga tao at pangyayari sa kasaysayan ang sinasariwa ng anekdota. Sa maikling salaysay, nakilala ang ilang personalidad sa kasaysayan gaya nina Haring George III ng Gran Britannia, Napoleon Bonaparte ng Francia, Haring Chaka ( Shaka ) ng Zulu at Nathaniel Isaacs. Nagbigay rin ng pahiwatig sa naging mga tagumpay ng Gran Britanya sa pakikidigma at naging mga kabiguan naman ng Francia gayundin, sa reputasyon ng dalawang hari bilang mga pinuno. 3. Anekdotang Pilosopikal- layon nitong pagnilayan o papag- isipin nang mas malalim ang mga tagapakinig tungkol sa paksang tinatalakay. May isang tao sa Timog Africa na ang laging sinasabi, “ Naku, sana nakita niyo iyan bago ang digmaan.” Nang bumisita ang Samahang Briton sa Timog Africa ilang taon na ang nakalilipas, namangha sila sa ganda ng Southern Cross. Isang katutubo ang nagsalita mula sa likod, “ Naku, sana nakita n’yo iyan bago ang digmaan.” Mula sa “ South African Anecdotes: Collected From Various Sources,Oral and Written” ( 1914 ) ni A. Ellman, salin ni Alvin Ringgo C. Reyes Hinahamon ng anekdotang ito na pag- isipan ang mas malalim na mensahe ng pahayag na paulit-ulit sinasabi ng tauhan. Namamangha ang mga Briton sa ganda ng lugar na kanilang binisita sa Timog Africa ngunit kung hindi nila giniyera ang bansa, baka lalong maganda ang kanilang nakita. May pahiwatig ito ng pangongonsensiya. 4. Anekdotang Inspirasyonal- layon nitong magbigay pag-asa at lumikha ng iba’t ibang positibong damdamin sa mga tagapakinig gaya ng pagtitiwala, pagsisikap sa buhay, hindi pagsuko, at iba pa. May isang bayan na noong digmaan ay isinailalim sa Batas Militar. Lahat ng gagawin ay kailangang ipaalam sa mga awtoridad na sundalo. Isang araw ng Disyembre, nagsulat ang Provost nang isang batang babae ang pumasok sa tanggapan niya. Sabi nito, “ Sir, nakikiusap po ako, pwede po ba ninyo akong bigyan ng permit na papasukin si Santa Claus sa bahay namin.?” Mula sa “ South African Anecdotes: Collected From Various Sources,Oral and Written” ( 1914 ) ni A. Ellman, salin ni Alvin Ringgo C. Reyes Nagbibigay-inspirasyon ang anekdota na balikan ang pagiging inosente ng kabataan. Kung kailan tumanda, saka naging mahirap at komplikado ang buhay ng tao. May digmaan, may mahigpit na pagkontrol, may sapilitang pagsunod. Hindi ito gaya noong bata pa na malinis ang puso at naniniwala lamang sa mga bagay na mabuti. Bakit hindi ito balikan kahit matanda na? Baka mas maging masaya at payapa ang buhay. 5. Anekdotang Nagbababala- nagbibigay ito ng babala sa mga tagapakinig tungkol sa mga panganib o pinsala ng paksang tinatalakay. Noong 1883, nagsasagawa ng pagdinig si Hukom Burgers sa Circuit Court ng Lydenburg nang maabala sila ng walang-tigil na pagtilaok ng manok ng kapitbahay. Kita sa mukha ng hukom ang pagkabuwisit ngunit nagpatuloy lang ito. Maya-maya pa, lalong dumalas ang pagtilaok. Hindi na nakapagpigil ang hukom at inutusan ang Sheriff na dalhin sa korte ang nagkasalang manok. Dinala nga ang manok sa korte. Isang huwes na aral, hinatulan ni Hukom Burgers ng pagsuway sa korte ang manok at sinentensiyahan ito ng kamatayan. Agad ipinatupad ng sheriff ang sentensiya at ginilitan ang manok. Mula sa “ South African Anecdotes: Collected From Various Sources,Oral and Written” ( 1914 ) ni A. Ellman, salin ni Alvin Ringgo C. Reyes Babala ang anekdota na kung ang manok ay hinatulan ng kamatayan, hindi ito malayong gawin sa tao kapag isinantabi niya ang awtoridad ng korte o sinuway ang utos nito. Ipinahihiwatig din na agad pagsunod s autos ng hukom na seryoso ang korte sa sinasabi nito. Mga Elemento ng Anekdota 1. Maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang na pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala at tanyag na tao ang anekdota. Layunin nito na ipabatid ang isang pambihirang katangian ng taong pinapaksa. 2. Ang mga elemento ng anekdota ay ang paksa, banghay ( pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari ), layunin ng pagkakasulat, at anyo ( makatotohanan o hindi totoo ). Mga Elemento ng Anekdota 3. May mga anekdotang nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari. May mga pagkakataon namang ito ay kathang-isip lamang na madalas ay katatawanan ngunit naghahatid ng mahalagang aral. 4. Mang-aliw, makapagturo ng pag-iingat, makapaglarawan ng katangian, gawi, at asal ng mga tauhan, magpaalala, magbigay- inspirasyon, at manghikayat ang ilan pa sa layunin ng anekdota. 1. Basahin at unawain ang anekdotang “ Ang Panghuhusga”. 2. Sagutin ang mga mahahalagang katanungan sa inyong mga gawain at tapusin din ang mini-peta. References: 1. Concha, Christopher Bryan A. et.al. (2020) WOW Filipino! 10 Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc. 1253 G. Araneta Avenue Corner Ma. Clara St. Sto. Domingo, Quezon City 2. Angeles, Mark Anthony S. et.al. (2019 ) FILIPINO ng LAHI,Tagapaglathala at tanging tagapamahagi ang DIWA LEARNING SYSTEMS INC. 4/F SEDCCO 1 Bldg. 120 Thailand corner Legaspi St. Legaspi Village,1229 Makati City PANGWAKAS NA PANALANGIN