Summary

Ang dokumento ay isang reviewer ng Araling Panlipunan 8 na naglalaman ng mga mahahalagang konsepto, tao, at kaganapan sa kasaysayan.

Full Transcript

HUWAG I-PRINT ARALING PANLIPUNAN 8 1. Merkantilismo- Nakatulong sa paglago ng mga burgis ang merkantilismo, o ang kalakalang naaayon sa paggamit ng ginto at pilak bilang sistema ng pananalapi. 2. Silk road- Bago ang ika-14 na siglo, malayang nakapagkalakal ang mga Eur...

HUWAG I-PRINT ARALING PANLIPUNAN 8 1. Merkantilismo- Nakatulong sa paglago ng mga burgis ang merkantilismo, o ang kalakalang naaayon sa paggamit ng ginto at pilak bilang sistema ng pananalapi. 2. Silk road- Bago ang ika-14 na siglo, malayang nakapagkalakal ang mga Europeo sa mga Tsino at iba pang Asyano sa pamamagitan nito. 3. Mary Wollstonecraft- Naniwala siya na ang mga babaeng may pinag-aralan ay makapagpapaunlad ng lipunan.’ 4. Umusbong ang lupon ng mga mamamayang napalago ang kani-kanilang mga kayamanan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga kalakalan sa mga bayan at lungsod na tinawag na bourgeoisie 5. Hiniling Haring Henry VIII kay Papa Clement VII na payagan ang kanyang annulment kay Catherine upang mapakasalan si Anne Boleyn. 6. Francis Bacon- nananalig sa obserbasyon upang matukoy bilang katotohanan ang isang argumento sa agham 7. Leif Erikson- ang kauna-unahang Europeo nakapaglakbay sa ibang lupain 8. Naniwala naman ang Pranses na si Jean Jacques Rousseau na karapatan ng mga taong magsagawa ng rebolusyon kung sa tingin nila'y hindi na ginagampanan ng pamahalaan ang kanyang tungkuling pagsilbihan ang mga mamamayan 9. Rene Descartes- ayon sa kaniya na tanging ang ideyang napatotohanan lamang ng ebidensya ang siyang paniniwalaang katotohanan. 10. Kolonyalismo- ang pananakop sa mga pook na malayo sa nananakop sa bansa 11. Noong 1517, nabuo ang repormasyon, isang kilusang may layong baguhin ang pamamalakad ng Simbahang Katolika. 12. Marco Polo- Italyanong mangangalakal, na tumungo sa Tsina gamit ang silk road upang maglakbay at mangalakal. Mga (5) Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon  Pagyabong ng Kaalaman at Teknolohiya- Sa pagdating ng mga kolonyalista, naibahagi nila sa mga katutubo ang mga kaalaman, partikular na ang teknolohiya, mula sa kanilang mga bansa  Pagkalat at paghahalo-halo ng mga kultura- Pangunahin sa mga kulturang lumaganap dahil sa kolonyalismo ay ang Kristiyanismo. Kasama sa mga layunin ng mga Espanyol at Portuges sa kanilang paglalayag ay ang ipakalat ang Kristiyanong paniniwala.  Pagpapalaganap ng pananalapi- Upang mapabilis ang kalakalan, gumamit ng sistema ng pananalapi ang lahat ng kolonyalista-sa kabila ng pagtutol dito ng maraming mga katutubo noon. Bunsod nito, umusbong ang mga bangko bilang impukan ng mga mangangalakal at mga mamamayan.  Girian ng Bansa- Bukod sa pagpapaligsahan ng mga Europeong bansa sa pagtatatag ng kolonya, sumiklab din ang mga labanan sa pagitan ng mga katutubo at ng mga kolonyalista.  Pag-usbong ng nasyonalismo- Naging daan ang kolonyalismo upang umusbong sa maraming katutubo ang nasyonalismo o pag-ibig sa kanilang bayan 13. Magmula pa lamang noong Imperyong Romano, naniniwala na ang mga Europeo sa geocentric theory ni Claudius Ptolemy 14. Subalit noong 1543, sa kanyang aklat na "On the Revolutions of the Heavenly Spheres," iwinasto ito ng paring si Nicolaus Copernicus. 15. Andreas Vesalius- ang pag-aaral sa anatomiya ng tao at binali ang mga lumang paniniwala ng mga Europeo. 16. William Harvey- ng pagdaloy ng dugo sa sistema ng tao. Nalaman niyang ang puso ang pinagmumulan ng dugo. 17. Edward Jenner- ang nakatuklas ng unang bakuna sa mundo: ang bakuna laban sa bulutong

Use Quizgecko on...
Browser
Browser