Kasaysayan at Pagkabuo ng Wikang Pambansa PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kasaysayan at pagbuo ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Pinag-aaralan ang mga panahong pinagdaan ng wika at ang mga batas at proklamasyon na may kinalaman rito.
Full Transcript
ARALIN 2 Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa PANANAKOP NG ESPANYA ESPANYOL ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. PANANAKOP NG AMERIKANO Sa simula ay Ingles at Espanyol ang wikang ginagamit. MARSO 4, 1899 Naging tanging wikang panturo ang INGLES batay sa sa...
ARALIN 2 Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa PANANAKOP NG ESPANYA ESPANYOL ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. PANANAKOP NG AMERIKANO Sa simula ay Ingles at Espanyol ang wikang ginagamit. MARSO 4, 1899 Naging tanging wikang panturo ang INGLES batay sa sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman. Noong 1935, “Halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang INGLES na.” SA KONSTITUSYONG PROBISYONAL NG BIAK-NA-BATO (1897) itinadhanang TAGALOG ang opisyal na wika. KONSTITUSYON NG MALOLOS (ENERO 21, 1899) itinadhanang pansamantalang gamitin ang ESPANYOL bilang opisyal na wika. MARSO 24, 1934 pinagtibay ni Pang. Franklin D. Roosevelt ang Batas Tydings-Mcduffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. PEBRERO 8, 1935 pinagtibay ng Pamabansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong MAYO 14, 1935. SEKSIYON 3, ARTIKULO XIII “ Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang INGLES at KASTILA ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal. SEKSIYON 3, ARTIKULO XIV NG KONSTITUSYON NG 1935 “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” BATAS KOMONWELT BLG. 184 ( NOBYEMBRE 13, 1936) Pinagtibay ito ng Batasang Pambansa na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na siyang pipili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa. ENERO 12, 1937 - itinalaga ng Pang. Quezon ang mga kagawad ng SWP alinsunod sa Sek. 1, Batas Komonwelt 185. JAIME de VEYRA (Bisaya) - Pangulo SANTIAGO A. FONACIER (Ilocano) - Kagawad FILEMON SOTTO (Cebuano) - Kagawad CASIMIRO PERFECTO (Bicolano) - Kagawad FELIX S. RODRIGUEZ (Bisaya) - Kagawad HADJI BUTU ( Mindanao) - Kagawad CECILIO LOPEZ (Tagalog) - Kagawad NOBYEMBRE 7, 1937 inilabas ng SWP ang resolusyon na TAGALOG ang gawing BATAYAN ng Wikang Pambansa. DISYEMBRE 30, 1937 lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blng. 134 na nagpapatibay sa TAGALOG bilang batayang Wikang Pambansa. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263 pagpapalimbag ng diksyunaryo at gramatika. pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga Panahon ng Pananakop ng mga Hapones ARTIKULO IX, SEKSIYON 2 NG KONSTITUSYON NG 1943 “Ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng TAGALOG.” PROKLAMASYON BLNG. 12 (MARSO 26, 1954) ang petsa ng pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” ay Marso 29-Abril 4 na isasagawa taun-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas. (ito ay nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay) PROKLAMASYON BLNG. 186 ( SETYEMBRE 23, 1955) Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay gagawin na mula Agosto 13-19, bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7 ( AGOSTO 13, 1959) Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ang kautusang “Ang pambansang Wika ay tatawaging PILIPINO.” OKTUBRE 24, 1967 nilagdaan ng Pang. Marcos ang kautusang nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat nakasulat saPilipino. MARSO 27, 1968 inilabas ni Rafael Salas ang Memorandum na nag-aatas na lahat ng letterhead ng tanggapan ay nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. 1970- naging Wikang Panturo ang PILIPINO sa elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 1974- sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa. 1978- iniatas ang pagkakaroon ng 6 na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo maliban sa kursong pang- edukasyon. MARSO 12, 1987, PANGKAGAWARAN BLG. 22 S. 1987 gagamitin ang FILIPINO sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas, kasunod ng Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay FILIPINO. Bakit TAGALOG ang napiling Batayan ng Pambansang Wika? ito ang may pinaka maunlad na estruktura, mekanismo, at panitikan. ginagamit na ng nakararami kaya di na magiging suliranin ang adapsiyon nito. upang magpahayag ng kaakuan ang mga Pilipino. TAGALOG, PILIPINO, at FILIPINO TAGALOG - katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) PILIPINO - unang tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas (1959) Filipino - kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasam ng Ingles (1987) “ Mahirap maging banyaga sa sariling bayang pinagmulan kaya kailangang magkaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa mga mamamayan”. - Manuel L. Quezon