Aralin 1: Kasaysayan ng Wikang Pambansa - Ikalawang Bahagi PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas, partikular na ang mga mahahalagang panahon at kaganapan na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Filipino. Tinatalakay din ang mga teorya at layunin ng pag-aaral.
Full Transcript
Magand ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Layunin: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang Pambansa Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang Pambansa Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunto...
Magand ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa Layunin: Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang Pambansa Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang Pambansa Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa. Panahon ng mga Katutubo 1. Teoryang Pandarayuhan Dr. Henry Otley Beyer Dr. Robert B. Fox Landa Jocano. Dr. Armand Mijares Baybayin binubuo ng labimpitong titik –tatlong patinig at labing-apat na katinig. Panahon ng mga Espanyol - 3G’s (Gold, God, Glory) - nagsulat ng mga disksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal - Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda ng dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa pamayanan ng mga Indio. Alpabetong Romano o Abecedario - Ito ay binubuo ng 29 ng letra at hango sa Romanong pagbigkas at Pagsulat. ABAKADANG Tagalog na binuo ni Lope K. Santos nang kanyang isulat ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940. Panahon ng Rebolusyong Pilipino - Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan kung saan ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan, pahayagan, sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati. “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Pagdiriwang ng Linggo ng Wika - Nilagdaan noong Marso 26, 1946 - Saklaw sa kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar, isang haligi ng panitikang Pilipino. Sergio Osmeña Pagdiriwang ng Linggo ng Wika - Marso 26, 1954 na ilipat ang linggo ng wika tuwing ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bawat taon. Ramon Magsaysay Pagdiriwang ng Linggo ng Wika - Muling inilipat ang linggo ng wika sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,1955. “Nagsususog sa Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa Buhat sa Marso 29-Abril 4 sa Agosto 13-19 Bawat Taon.” Ramon Magsaysay - Saklaw nito ang kaarawan ni Manuel L. Quezon, Ama ng Wikang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika - Pagtatag ng “Buwan ng Wikang Pambansa” tuwing Agosto 1-31 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg.1041 noong Hulyo 15 , 1997. Fidel V. Ramos Panahon ng mga Amerikano - Ginamit ang Ingles sa pantalastasan at bilang wikang panturo mula sa antas primary hanggang kolehiyo. - Mga sundalo ng Amerikano ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites sa atin. - Jacob Schurman - naniniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya - ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan/pampubliko at nagpapahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo. - Hindi naging madali para sa mga guro ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na tatlong R (reading, writing,arithmetic) kaya hindi maiiwasan ang paggamit ng mga guro ng bernakular. - Nang mapalitan ang direktor ng Kawanihan ng Edukayon, napalitan din ang pamamalakad at patakaran. - Ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. - Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte na siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. - Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. - Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw. - Ngunit matibay ang pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan na nararapat na Ingles ang ituro Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng 1. Ang pagtuturo ng bernakular saIngles: paaralan ay magre-resulta sa suliraning adminastribo. 2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. 3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. 4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa. 5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles: 6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. 7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. 8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan ng mga nagtataguyod sa paggamit ng bernakular: 1. Walumpung porsiyento (80 %) ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang lamang ang panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles at walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay. 2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan ng mga nagtataguyod sa paggamit ng bernakular: 3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog dahil maraming nakakaunawa at nagagamit ito. 4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natuto ang mga mag-aaral kung paano nila malutas ang mga problemang kahaharapin nila sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. 5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan ng mga nagtataguyod sa paggamit 6. Nararapat lamangng nabernakular: magsasagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. 7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino. 8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin. Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin: a. Paghahanap ng guro na Amerikano lamang b. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralin c. Pagbibigay ng malaking tuon sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukayon d. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan e. Pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles f. Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan g. Pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa Paaralan. Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag-aaral, eksperimento at sarbey upang malaman kung epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Narito ang naging resulta: a. Ayon sa obserbasyon ni Propesor Nelson at Dean Fansler (1923) ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles ang mga mag-aaral. b. Ayon sa isinagawang sarbey na pinamunuan ni Dr. Paul Monroe, kahit na napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kanya- kanyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang tahanan at sa iba pang pangaraw-araw na gawain. c. Natuklasan din ni Najeeb Mitri Saleeby na maraming bata ang Panahon ng mga Hapones - Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino - Ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). - Naitatag ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan - Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4, 1946. - Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Komonwelt Blg. 570. 1934. Nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal kung saan isa sa tinalakay at pinagtalunan ay ang pagpili ng wikang pagbabatayan ng wikang pambansa. 1935. Ang pagsusog ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapa-unlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga unibersal na katutubong wika.” Sa tulong ng Batas Komonwelt Blg. 184, naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa upang magsagawa ng pag- aaral sa mga wikang katutubo at sa pagpili ng wikang pambansa. Mga Pamantayan sa Pagpili ng Wikang Pinagbatayan ng Wikang Pambansa Maraming nakaka-intindi at nakakapagsalita Ginagamit bilang midyum ng komunikasyon sa mga sentral na kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Maraming nakasulat na sulating pampanitikan 1937. Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa sa Kautusan Blg. 134. 1940. Dalawang taon mapagtibay ang Kautusang Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. 1946. Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg.570 na ang Pambansang wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula Hunyo 4, 1940. Oktubre 13, 1959. Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino. Oktubre 24, 1967. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan. Marso 27, 1968. Nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap ang Memorandum Sirkular Blg.96 na nag- aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyong pampamahalaan. Agosto 7, 1968. Nilagdaan ni Ernesto Maceda, Kalihim ng Edukasyon, ang Memo Sirkular Blg.227 na nag-uutos sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na idaraos kaugnay ng Exec. Order 187. Agosto 17, 1970. Nilagdaan ni Alejandro Melchor, Kalihim Tagapagpaganap ang Memo Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga tauhang may kakayahan upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at ipa pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan. Marso 16, 1971. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Blg. 304 na nagpapanatili ng pagsasarili g Surian ng Wikang Pambansa. Hulyo 29, 1972. Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika. Disyembre 1, 1972. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg.17 na nag-uutos na limbagin ang Saligang Batas sa wikang Pilipino at Ingles bago idaos ang plebisito sa ratipikasyon nito noong Enero 15, 1973. Disyembre, 1972. Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Art XV, Sek 3 {1}) Hunyo 19, 1974. Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Sa mga paaralan na magsisimula sa taong aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972. Disyembre, 1972. Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Marcos na nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Art XV, Sek 3 {1}) Hunyo 19, 1974. Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Sa mga paaralan na magsisimula sa taong aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972. Agosto 12, 1986. Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyong Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng kapangyarihang bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag niya na taun-taon, ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa. Ito ay pangungunahan ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayon din ng mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay. Nang maupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Cory Aquino isinulong ang paggamit ng wikang Filipino. 1986. Pinagtibay ang Bagong Konstitusiyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV. Seksiyon 6-9, nasasaad ang mga sumusunod: Sek.6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Sek.7 - Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Sek.8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Nang maupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo – ang Ingles, sa halip na ang Filipino. Nalungkot ang maraming tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa atas na ito. Noong ika-5 ng Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg.13-39 ay nagkasundo ang Kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinsyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nilinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok