Pagsusuri ng Renaissance at Humanismo (Tagalog) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa mga ideya ng Renaissance at Humanismo. Tinatalakay nito ang mga pangunahing konsepto at impluwensiya ng dalawang kilusang ito sa Kasaysayan. Isang mahusay na mapagkukunan para sa mga mag-aaral na interesado sa kasaysayan ng mundo at Tagalog.

Full Transcript

REBYUWER PARA SA PORMATIBONG PAGTATAYA AT SUMATIBONG PAGTATAYA Predestination – ito ay paniniwala na ang lahat ng bagay na nangyayari ay itinakda na ng Diyos, na ang Diyos ay may plano na sa bawat indibidwal at wala ng makapagbabago nito. Act of Supremacy –...

REBYUWER PARA SA PORMATIBONG PAGTATAYA AT SUMATIBONG PAGTATAYA Predestination – ito ay paniniwala na ang lahat ng bagay na nangyayari ay itinakda na ng Diyos, na ang Diyos ay may plano na sa bawat indibidwal at wala ng makapagbabago nito. Act of Supremacy – tawag sa batas na kumilala kay Henry VIII bilang kataas- taasang pinuno ng simbahang Inglatera o simbahang Anglican. Habeas Corpus – ito ay utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ito ipinipiit. Monopolyo – ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan pag-aari lamang ng isang kompanya o bansa ang lahat ng pamilihan sa isang uri ng produkto o serbisyo. Bourgeoisie – katawagan sa mga Middle class o pangkat ng mga taong naging aktibo sa iba't-ibang negosyo tulad ng pangangalakal at artisano noong mga huling taon ng panahong Midyibal. Ang Humanismo ay tumutukoy sa kilusang intelektuwal na nagbibigay halaga sa potensyal at nagawa ng tao sa halip na daigdig o kalikasan. Ang Renaissance ay mula sa salitang Prances na nangangahulugang "muling pagsilang". Si Leonardo Da Vinci ay kinilala bilang isang tunay na Renaissance man na interesado sa maraming bagay na nagaganap sa mundo. Ang Bourgeoisie ay tumutukoy sa kaayusan ng lipunang naimpluwensyahan ng pangkat ng mga taong tipikal na aktibo sa iba't-ibang negosyo tulad ng pangangalakal at pagbebenta ng mga produktong gawa sa kamay. Ang merkantilismo ay teoryang pang-ekonomiya na nagbibigay-diin sa paniniwalang ang karangyaan ng isang bansa ay nakabatay sa reserbang pondo o kapital nitong bullion (ginto at pilak). Michelangelo - Siya ang nag disenyo ng mga gusali, sumulat ng mga tula, naglilok ng eskultura at nagpunta ng mga kagila-gilalas na larawan. Leonardo da Vinci - Siya ay kinilala bilang isang tunay na "Renaissance Man" na interesado sa maraming bagay na nagaganap sa mundo. Baldassare Castiglione - Siya ang nagsulat ng aklat na pinamagatang "The Courtier" noong 1528. Giovanni Boccacio - Siya ang may akda ng kilalang Decameron, isang serye ng makatotohanang kwento na naghahatid ng mensaheng ang pagmamahal ay isang likas at makapangyarihang damdaming hindi maaaring ipagkaila. Donatello - Siya ang naglilok ng makatotohanang tindig at ekspresyon ng personalidad ng isang indibidwal. Francesco Petrarch - Kinilala bilang Ama ng Humanismong Renaissance Ang magandang lokasyon ng Italy na nagbigay ng pagkakataon sa kalakalan ang dahilan kung bakit nagsimula sa Italy ang Renaissance Mga aral na iniwan ng Humanismo sa buhay natin ay ang pagpapahalaga sa tao kabilang na ang mga: ✓ Pagtatanggol sa Karapatan ng mga kababaihan sa lipunan. ✓ Pagbibigay oportunidad sa tao na maipamalas ang kanyang kakayahan. ✓ Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa pagsisikap ng magulang na matulungan kang maabot ang iyong pangarap. Mailalarawan ang pinuno ng isang Machiavelllian kung siya ay gumagamit ng kapangyarihan para makuha ang ninais kahit sa masamang paraan. Mga bunga ng kahanga-hangang likha sa sining at panitikan na hindi matutumbasang pamana sa sangkatauhan sa panahon ng Renaissance: ✓ Nagbigay-daan sa rebolusyong intelektuwal ✓ Nagbigay sigla sa mga eksplorer na tumuklas ng mga bagong lupain ✓ Pagsulong at pagkakabuklod-buklod ng mga bansa Mga pagbabago sa kabuhayan ng mga tao sa panahon ng Renaissance dulot ng printing press: ✓ Bumaba ang presyo ng aklat at dumami ang kopya ng mga ito. ✓ Umangat ang kaalaman ng mga tao sa iba’t ibang larangan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser