received_1050777486620233.jpeg
Document Details
Uploaded by TriumphalForsythia4689
Tags
Full Transcript
## Konsepto Bilang 4 ### I. Paksa: Wikang Panturo/Opisyal ### II. Konsepto Nagsimulang ituro ang pambansang wika noong taong 1940 na kilala bilang tagalog sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Itinuturo ito 40 minuto araw-araw bilang regular at kailanganing kurso sa dalawang seme...
## Konsepto Bilang 4 ### I. Paksa: Wikang Panturo/Opisyal ### II. Konsepto Nagsimulang ituro ang pambansang wika noong taong 1940 na kilala bilang tagalog sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Itinuturo ito 40 minuto araw-araw bilang regular at kailanganing kurso sa dalawang semester at naging dagdag asignatura ito sa lahat ng paaralang sekondarya. Itinuro ang tagalog sa lahat ng publiko at pribadong paaralang elementarya noong 1943. Naging asignatura ito sa lahat ng taon sa antas ng elementarya at hayskul. Noong 1943 naman ay nagbukas ang tagalog institute kung saan sinimulan ang pagtuturo ng tagalog sa mga kaguruang di katutubong tagapagsalita. Ang Mother-Tongue Based Multi-Lingual Education ay gumawa ng isang batas na opisyal ng ituturo simula kindergarten hanggang ikatlong baitang ang Mother-Toungue o ang unag wika. Noong 1944 naging parehas ang pagtingin sa Filipino at Ingles. Maganda ang naging tunguhin ng pagtuturo at paggamit ng FILIPINO bilang wika ng edukasyon. Ang kurikulum ng Filipino sa iba't ibang antas ng edukasyon sa bansa ay may layuning luminang ng kakayahang komunikatibo ng pag-aaral tungo sa pagiging mabisang tagapagpahayag. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay lumikha ng batas para mangasiwa sa seleksyon, propagasyon, at paglinang sa wikang pambansa na tagalog ang maging batayan sa paglinang ng ating wika. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong labing-siyam na dayalekto na galing sa iba't ibang katutubong lugar at kasama na rin dito ang tagalog.