Filipino Language Development and Education in the Philippines
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Full Transcript
KABANATA I PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON Aralin I Wika sa Kontekstwalisadong Komunikasyon TAGALOG PILIPINO FILIPINO? Konstitusyon 1935, ARTIKULO XIV SEKSYON 3 “ANG KONGRESO AY GAGAWA NG MGA HAKBANG TUNGO SA PAGPAPAUNLAD AT...
KABANATA I PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON Aralin I Wika sa Kontekstwalisadong Komunikasyon TAGALOG PILIPINO FILIPINO? Konstitusyon 1935, ARTIKULO XIV SEKSYON 3 “ANG KONGRESO AY GAGAWA NG MGA HAKBANG TUNGO SA PAGPAPAUNLAD AT PAGPAPATIBAY NG ISANG WIKANG PAMBANSA NA BATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA KATUTUBONG WIKA” TAGALOG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134 1940- PAARALAN BAKIT ‘TAGALOG’ ANG NAGING BATAYAN BILANG WIKANG PAMBANSA? 1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng ‘Tagalog’ kumpara sa ibang wika. 2. Mas madaling matutuhan ang wikang Tagalog. 3. Ito ang ginagamit sa sentro ng kalakalan, Maynila. 4. May historikal na basehan, ginamit ito sa himagsikang pinamunuan ni Andres Bonifacio. 5. May mga aklat panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog. 6. Maunlad sa kayarian, mekanismo, literatura, at ginagamit ng nakakaraming Pilipino. BAKIT ‘PILIPINO’ KASUNOD NA ITINAWAG SA TAGALOG? PILIPINO Agosto 13, 1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Jose Romero, Kagawaran ng Edukasyon BAKIT ‘FILIPINO’ ANG TAWAG SA WIKANG PAMBANSA? 1. Upang mapawi ang isip-rehiyonista 2. Ang bansa natin ay Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Pilipino ang wikang Pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring pangalan ng wika. 3. walang ibang katawagang maaaring ilapat sa wikang Pambansa Pilipino batay sa Tagalog. ‘Kontekstwalisado’ paraan ng mga bagay-bagay o kaalaman nang maiugnay sa makabuluhang karanasan at makahulugang buhay. KONTEKSTWALISASYON AT LOKALISASYON Kontekstwalisado ang wika kapag ginagamit ito sa lipunan ng mga katutubong ispiker, lalo na kung ang nagsasalita ay ang nagmamay-ari ng wika sa partikular na lugar. WIKANG INGLES VS. WIKANG FILIPINO CHED MEMORANDUM ORDER BLG. 04 serye ng 1997 6-9 na yunit ng asignaturang Filipino CHED MEMORANDUM ORDER BLG. 59 serye ng 1996 mandatoring wikang panturo “a sound and comprehensive general education— that includes socially relevant subjects such as… national language studies— is important at the university level as observed from the educational practices in highly-developed countries…any drastic curricular change must be sought not merely to cope up with global standards but more importantly to produce holistically educated citizens who would contribute much to nation-building. TANGGOL WIKA Ito ay isang alyansang nabuo upang labanan ang pagnanais ng Commission on Higher Education (CHED) na paslangin ang mga asignaturang Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Ang mga nasabing inisyatiba ay epekto ng pagtatangka ng ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order (CMO) Blg. 20, Serye ng 2013 na alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. CHED MEMORANDUM ORDER BLG. 4 SERYE NG 2018 14 NA ARGUMENTO NG TANGGOL WIKA (Marcelino D.M. 2017) 1. Walang makabuluhang argumento ang mga anti- Filipino, ang wikang tanggal- wika sa pagpapatanggal ng Wika at Panitikan. VS. TANGGOL WIKA. TANGGAL WIKA. POSISYONG PAPEL HINGGIL SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO 2. Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junior at Senior High School ay may panumbas pa rin sa kolehiyo. Kaugnay/Katumbas/ Kahawig na 3. Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral at hindi simpleng wikang panturo lamang. Kalinangang Pilipino (WIKA, KULTURA, AT KABIHASNAN) Daluyan ng “KASAYSAYAN NG PILIPINAS” Salamin ng “IDENTIDAD NG FILIPINO” Susi ng “KAALAMANG BAYAN” 4. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura. Konstitusyon 1987, Artikulo XIV Seksyon 6 Wikang Pambansa sa Intelektwal na Diskurso Default na Wika ng CHED ENGLISH 5. Bahagi ng college readiness at standards ang Filipino at Panitikan 6. Sa ibang bansa, may espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang Pambansa. “Akademikong Wika” Unibersidad sa Estados Unidos Wikang Ingles Princeton University University of Alabama Duke University Yale University Harvard University At marami pang iba. Unibersidad sa Thailand WIKANG THAI Chulalongkorn University Unibersidad Sa Malaysia WIKANG BAHASA MELAYU Universiti Sains Malaysia Universiti Kebangsaan Malaysia Universiti Tenaga Nasional Unibersidad sa Indonesia WIKANG BAHASA INDONESIA Universitas Gadjah Mada Institu Teknologi Bandu 7. Binigyan ng CHED at DepEd ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang Pambansa. SPECIAL PROGRAM IN FOREIGN LANGUAGE (SPFL) DepEd Order Blg. 46, Serye ng 2012 Policy Guidelines on the Implementation of Special Curricular Programs of the Secondary Level SPANISH , JAPANESE (NIHONGO), FRENCH, GERMAN, AT CHINESE (MANDARIN) AT KOREAN (HANGUL) 10, 526 estudyante ng SPFL sa buong CHED MEMORANDUM BLG. 23, Serye ng 2010 Elective na Asignatura Chinese (Mandarin), Spanish, Nippongo, Arab. Atbp. 8. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino. May potensyal itong maging isang nangungunang wikang global kaya dapat itong lalong pag- aralan sa Pilipinas. FILIPINO AT/O PANITIKAN AT/O ARALING PILIPINAS 46 na Unibersidad sa ibang bansa. Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China, Japan, Canada, Malaysia, at Brunei 40 Philippine Schools Overseas (PSOs) Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, KSA, UAE ESTADOS UNIDOS TAGALOG 1.7M CHINESE 3.4M SPANISH 40.5M PILIPINAS(Dayuhang Mag-aaral) ADMU, CEU, Adventist University of the Philippines, UE, UST, JRU, DLSU DLSU (BASIFI) Basic Filipino TAGALOG (WIKIPEDIA) 68 sa 299 na wika TAGALOG (INTERNET) 31 sa 140 na wika 9. Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei ng mga bansang kasapi ng ASEAN integration. ENGLISH ang working language ng ASEAN BAHASA MELAYU (ASEAN) Najib Razak Punong Ministro, Malaysia MANGUNA SUMABAY MAPAG-IWANAN “sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations(ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural.” (Departamento ng Filipino DLSU, 2014” 10. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National Achievement Test (NAT) NATIONAL ACHIEVEMENT TEST/NAT SY: 2014-2015 FILIPINO 59.29 MPS Grade10 68.90 MPS Grade 6 TARGET 75 DEPED 11. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: Ang wika sa demokratik at malayang domeyn ay mahalaga sa pagbabagong panlipunan. Ang Filipino ang wika sa mga tatawagin kong demokratiko at mapagpalayang domeyn— Ang larangan ng publikong diskurso, ng ordinaryong talastasan ng mga mamamayan, ang pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa kapuwa Pilipinoang diskursong kontra- gahum, kontra-agos, at kontra establisyemento” “WIKA-Sambayanan ang kanyang mga suliranin, at kung paano malulutas ang mga ito” -Renato Constantino, Miseducation of the Filipino 12. Multilingwalismo ang kasanayang akma sa ika-21 siglo. “ Every European citizen should master two other languages in addition to their mother tongue" International Publishing Association (2016) 470, 000 Tsina 338, 986 Estados Unidos bagong aklat. 13. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad, at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa. FOREIGN DIRECT INVESTMENT 14. May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo. KONGKLUSYON: Sa paaralan unang ipadama ang pagpapahalaga ng pagkamakabayan, lalo na sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Sa pag-aaral ni Rodriguez (2019), napag-alaman na ang mga mag-aaral ng Grade 12 ng Senior High School ay di-gaanong napahusay ang kakayahan sa asignaturang Filipino, lalo na sa gawaing pananaliksik bilang panapos na gawain sa Filipino. “ ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong” -San Juan (2015) “Ang pagkawasak ng inyong pagkamakabayan ay ang pagwasak din ng inyong pagkamakabansa” -Simoun, El Filibusterismo “Ang bansang naghahangad na bigyang prayoridad ang wikang dayuhan ay bansang magulo, alipin, walang sariling wika, at mailap ang kalayaan.” Sanggunian: Bayang, E. at Tubo, T. (2019).Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House, Inc. Acerit, M., Caja, C. Conti, T., del Mundo, SJ. T., Manalang V., Medina, B., San Juan, D. Urciano, J. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House ARALIN II MGA BATAS PANGWIKA ALAM MO BA ? SA KASALUKUYANG BILANG NG KWF, MAYROON TAYONG 135 KATUTUBONG WIKAIN KASAMA NA ANG FILIPINO SIGN LANGUAGE. “Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mahilig itong gumagamit ng wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang Pambansa” “Kailangan magkaroon ng wikang Pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.” -Dr. Isidro Dyan, Dalubwika mula sa Malaya- Polinesia Pang. MANUEL L. QUEZON Ama ng Wikang Pambansa KONSTITUSYON 1987 NG REPUBLIKA NG PILIPINAS Artikulo XIV, Seksyon 6 Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. ARTIKULO XIV, Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. ARTIKULO XIV, Seksyon 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. ARTIKULO XIV, Seksyon 9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. ARTHUR CASANOVA Tagapangulo Kinatawan ng Wikang Tagalog CARMELITA C. ABDURAHMAN Fultaym na Komisyoner JIMMY B. FONG Kinatawan ng Wikang Samar-Leyte Kinatawan ng mga Wika sa Kahilagaang Pamayanang Kultural BENJAMIN M. MENDILLO Fultaym na Komisyoner Kinatawan ng Wikang Ilokano HOPE SABANPAN YU Kinatawan ng Wikang Sebwano Bakante Kinatawan ng Wikang Bikol ALAIN RUSS G. DIMZON ABRAHAM P. SAKILI Kinatawan ng Wikang Hiligaynon Kinatawan ng mga Wika ng Muslim Mindanao Bakante Bakante Kinatawan ng Wikang Pangasinan Kinatawan ng Wikang Kapampangan IBA PANG MGA BATAS PANGWIKA BATAS REPUBLIKA BLG. 7104 ng 1991 Batas na Komisyon sa Wikang Filipino Pagpapakilala at pagpapanatili ng wikang Filipino. Inaatas ng Saligang Batas ng Pilipinas na magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang katutubong wika sa Pilipinas. EXECUTIVE ORDER NO. 335 Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino noong Agosto 25, 1988 tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan. KWF Resolusyon Blg. 92-1 Naglalahad ng Batayang Deskripsyon ng Filipino. Ito ay katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag. Pinagtibay noong ika-13 ng Mayo 1992. BATAS KOMONWELT BLG. 184 Naglalayong bumuo ng samahang pangwika o SURIAN NG WIKANG PAMBANSA O SWP. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 117 (1987) Nilagdaan ng Pang. Corazon Aquino ang paglikha ng LINANGAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS (LWP) para makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang Pambansa. Nasunod ba ang mga batas o probisyong pangwika ng mamamayang Pilipino? Patunayan Anong uri ng batas ang kailangan para maiwasan ang kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino? Sanggunian: Bayang, E. at Tubo, T. (2019).Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House, Inc. Acerit, M., Caja, C. Conti, T., del Mundo, SJ. T., Manalang V., Medina, B., San Juan, D. Urciano, J. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House Aralin III Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Makabuluhang Diskurso/ Komunikasyon Sang-ayon kay San Buenaventura (1985), “ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Wika ang pinakamabisang sangkap para sa makabuluhang diskurso. Naipapahayag ang damdamin ng isang tao gamit ang wika nito. Maging ang kultura ng isang panahon, pook, o bansa ay maayos na naipreserba o naipapahayag gamit ang wika. Ang lumikha sa sariling wika ay nagpapayaman sa sariling kultura, ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura na sana’y tumulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. -Salazar, Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino LINGUA FRANCA TUNGKULIN NG WIKA PANG-INSTRUMENTAL Sumasagot ito sa mga pangangailangan sa tulong ng wika. Lalo na kung may katanungan na kailangang sagutin. Halimbawa: pag-uutos, pakikiusap, at iba pa. PANREGULATORI KUMOKONTROL SA ASAL NG IBA. Halimbawa: PAGBIBIGAY INSTRUKSYON AT DIREKSYON, PAGPAPAALALA PANG-INTERAKSYUNAL NAGPAPANATILI AT NAGPAPATATAG NG RELASYONG PANLIPUNAN. Halimbawa: BERBAL NA PAGPAGPAPAHAYAG, (BIRUAN, KUMUSTAHAN, AT KUWENTUHAN), LIHAM PAKIKIPAGKAIBIGAN, PAGMUMUNGKAHI, PORMOLARYONG PANLIPUNAN Pampersonal GINAGAMIT SA PAGPAPAHAYAG NG SARILING OPINYON Halimbawa: PAGSULAT NG TALAARAWAN JOURNAL, PAGSALUNGAT, PAGPUPUPURI O PAGBABATIKOS. PANG-IMAHINASYON NAGPAPAKITA NG PAGKAMALIKHAIN NG ISANG TAO. Halimbawa: PAGPAPAHAYAG NG MALIKHAIN, PAG-AWIT, PAGTULA, PAGKUWENTO, DEKLAMASYON, AT IBA PA. PANGHEURISTIKO NAGHAHANAP NG MGA IMPORMASYON AT MGA BAGAY- BAGAY. Halimbawa: PAGGAWA NG SARBEY, PANANALIKSIK, PAKIKIPANAYAM, AT IBA PA. IMPORMATIB NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON Halimbawa: PAG-UULAT, PAGBABALITA, PAGPAPALIWANAG, PAGTATALUMPATI Sanggunian: Bayang, E. at Tubo, T. (2019).Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House, Inc. Acerit, M., Caja, C. Conti, T., del Mundo, SJ. T., Manalang V., Medina, B., San Juan, D. Urciano, J. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House Aralin IV. SITWASYONG PANGWIKASA LARANGAN NG TELEBISYON, RADYO, DYARYO, AT PELIKULA Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang midya. Ayon sa sarbey ng Kantar Media (2018), ABS-CBN ang nangunguna sa naglalakihang TV network ng bansa sa 42% na tagapagtangkilik o manonood nito, nasundan ng GMA na may 27% at ang TV5 na may 2% lamang. WIKANG FILIPINO Teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine show, news, and public affairs, reality show. Sa sarbey ng SWS (2008), 85% ang nakakaunawa at nakababasa sa Filipino, 79% ang nakasusulat at nakapagsasalita na mga mamamayan sa buong Pilipinas. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO WIKANG FILIPINO AM (Amplitude Modulation) o FM (Frequency Modulation) REHIYONAL NA WIKA AM na istasyon sa Radyo Mula sa DZRB, Radyo Pilipinas Uno. Mayo 8, 1933 AM na istasyon sa Radyo Dating KZRH, Pampribado. Hulyo 15, 1939 AM na istasyon sa Radyo Oktubre 15, 1953 AM na istasyon sa Radyo Iloilo City Hulyo 6, 1966 TABLOID TABLOID Hindi pormal. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding kagila-gilalas na lumalabas ang impormalidad ng tao. BROADSHEET BROADSHEET TABLOID Isang malungkot na katotohanan sa lungsod ng Surigao ang paglayo ng Wikang Surigawnon sa komunikasyong panradyo at dyaryo. Gumagamit ang lahat ng estasyon ng Wikang Binisayang Cebuano at Boholano. Nailalarawang nanganganib na ang wika ng mga taga-Surigao (Bayang, 2013) SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA LINGUA FRANCA TELEBISYON, RADYO, DYARYO, AT PELIKULA Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manonood, tagapakinig, o mambabasa na makakaunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin para kumita nang malaki. Ang nananaig na tono ay impormal at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. MASS MEDIA mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong, at ingay ng kasiyahan FILIPINO MGA PANGUNAHING WIKA NG PILIPINAS WIKAIN GUMAGAMIT IBANG KATAWAGAN Tagalog-Maynila, Bulacan, Batangas, Cavite, 1. Tagalog Lubang, Tanay-Paete, Tayabas, Rizal, Bataan. Taga-Cebu, Bohol, Negros Oriental, Leyte, at ilang Sugbuhanon, Sugbuanon, Visayan, 2. Cebuano bahagi ng Mindanao Bisayan, Binisaya, Sebuano Taga-Iloilo, at mga probinsya ng Capiz, Panay, Ilonggo, Illogo, Hilihainon, Kawayan, 3. Hiligaynon Negros Occidental, Visayas Bantayan, Karl Taga-Naga, Legaspi, mga probinsya ng Albay, Bato, Buhi (Buhi’non) , Daraga, Libon, Oas, 4. Bicolano Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Buhi, Camarines Ligao Sur, Luzon Taga-Ilocos, Abra, La Union, Cagayan Valley, Iloko, Ilokano 5. Ilocano Samtoy, Ibanag, Mt. Province, Mindoro, Mindanao (mula sa aklat Ugot at Abangan (2013) banggit ni Leyson, L. et al., 2007). WIKAIN GUMAGAMIT IBANG KATAWAGAN Taga-Samar-Leyte Samareno, Samaran, Samar- Leyte, 6. Waray Waray-Waray, Binisaya Taga-Pampanga sa Gitnang Luzon, bahagi ng Pampango, Pampangueno, 7. Kapampangan Tarlac, Nueva Ecija, Bataan Kapampangan 8. Pangasinense Taga-Pangasinan na nasa hangganan ng mga lalawigan ng Ilocos Pangasinan 9. Maranao Taga-Mindanao, Lanao del Norte, at Lanao del Sur Ranao, Maranaw 10. Tausug Taga-Jolo, Sulu Archipelago, Palawan Island, Basilan Island, lungson ng Zamboanga, Taw Sug, Sulu, Suluk, Tausog, Moro, Joloano, Jolohano, Sinug Tausog. Indonesia (Kalimantan), Malaysia (Sabah) 11. Maguindanao Taga-Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, at Zamboanga del Magindanaon, Magindanaw Sur, Bukidnon (mula sa aklat Ugot at Abangan (2013) banggit ni Leyson, L. et al., 2007). Sanggunian: Bayang, E. at Tubo, T. (2019).Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House, Inc. Acerit, M., Caja, C. Conti, T., del Mundo, SJ. T., Manalang V., Medina, B., San Juan, D. Urciano, J. (2018). Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Mutya Publishing House