Aralin 4_Patakarang Pangwika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Princess Joy C. Ragsac
Tags
Summary
This document discusses the history of language policy. It also describes the challenges and successes of promoting the Filipino language. Includes references about linguistic history in education in Philippines.
Full Transcript
PATAKARANG PANGWIKA GEFID01X Bb. Princess Joy C. Ragsac Ating Tatalakayin: Maikling Kasaysayan ng Pambansang Pagpaplanong Pangwika Mga Humadlang at Sumuporta sa Pagpapalaganap at Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa Intelekwalisasyon ng Wika Resulta ng Pagkatuto:...
PATAKARANG PANGWIKA GEFID01X Bb. Princess Joy C. Ragsac Ating Tatalakayin: Maikling Kasaysayan ng Pambansang Pagpaplanong Pangwika Mga Humadlang at Sumuporta sa Pagpapalaganap at Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa Intelekwalisasyon ng Wika Resulta ng Pagkatuto: BANTAY-WIKA: 1. Ito ay pangkatang gawain. Bawat pangkat ay bubuuin ng 6 na miyembro kada pangkat. Natutukoy ang kaganapan at suliraning pangwika. 2. Ito pagbuo ng obserbasyong papel ukol sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas. 3. Pumili ng espesipikong aspektong panlipunan na bibigyan ng obserbasyon. Hal. Kalagayan ng wika sa midya, kalagayan ng wika sa tersiyaryang edukasyon, Nakabubuo ng sariling panunuri mula sa mga kalagayan ng wika larangan ng medisa… obserbasyon ukol sa kalagayang pangwika sa 4. Sundin ang pormat na: bansa. ✓ TNR 11 PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Nilalaman- 35 ✓ Double spacing Kabuluhan- 25 ✓ Align left Daloy- 20 ✓ 500-1000 salita Wastong Paggamit ng Wika - 15 Pagsunod sa Tuntunin- 5 ✓ Lagyan ng pamagat KABUUAN: 100 Puntos Araw ng pasahan: “School Begins” Louis Dalrymple “Now, children you’ve got to learn these lessons whether you want it or not! But just take a look at the class ahead of you, and remember that, in a little while, you will feel as glad to be here as they are. ” MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA WIKANG INGLES 1901 Wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko at kalaunan sa pampribadong edukasyon UNANG YUGTO NG 1935 Una itong pinangalangan bilang batayan ng wikang WIKANG TAGALOG pambansa IKALAWANG YUGTO NG 1940 Una itong ginawa pang-akademikong asignatura WIKANG TAGALOG UNANG YUGTO NG 1959 Pinalitan ang pangalan ng wikang pambansa, mula Tagalog WIKANG PILIPINO nagging Pilipino IKALAWANG YUGTO NG 1973 Pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko WIKANG PILIPINO ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa UNANG YUGTO NG 1973 Artipisyal na wikang balak buuin ng 1973 na konstitusyon at WIKANG FILIPINO papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa IKALAWANG YUGTO NG 1987 Filipino bilang wikang pambansa WIKANG FILIPINO MONOLINGGUWALISMO 1901 Pagnanais na hubugin ang mga Pilipino sa wika at kultura ng NG INGLES Estados Unidos UNANG 1939 Paggamit ng wikang katutubo/ unang wika bilang auxiliary BILINGGUWALISMO language sa pagtuturo; Jorge Bocobo IKALAWANG 1970 Wikang Pilipino sa pagtuturo sa lahat ng antas; wikang BILINGGUWALISMO katutubo bilang auxiliary language UNANG 1973 Unang wika bilang midyum ng pagtuturo (K to Gr. 2) at MULTILINGGUWALISMO susundan ng Pilipino at Ingles IKATLONG 1974 Pilipino at Ingles sa lahat ng antas pang-akademiko BILINGGUWALISMO IKALAWANG 1987 Filipino at Ingles + katutubong wika bilang auxiliary sa MULTILINGGUWALISMO pagtuturo IKATLONG 2009 Sistematikong multilingguwalismo; Oral at tekstuwal na MULTILINGGUWALISMO wika sa pagtuturo; MTB-MLE (K to Gr. 3) Mga Humadlang sa Pagpapalaganap at Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa 1. Kolonyal na adyenda ng Estados Unidos 2. Pagtutol ng ilang pangkat etniko sa pagpapalaganap ng wikang pambansa na malinaw namang kumikiling sa pangkat etnikong Tagalog 3. Path dependence na nilikha ng wikang Ingles Ilang Puwersang Sumusuporta sa Paglaganap at Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa 1. Diskurso ng nasyonalismo 2. Pedagolohikal na diskurso na bumabatikos sa paggamit ng banyagang wika bilang pangunahing wikang panturo 3. Praktikal at pragmatikong pagpapasya ng ating pamahalaan na imposibleng ituro ang banyagang wika kapag tanging parehong banyagang wika lamang ang gagamitin INTELEKTWALISASYON NG WIKA Espiritu & Catacataca, 2005 Pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon, at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Neustupny, 1970 Ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito KATANGIAN NG INTELEKTWALISADONG WIKA ✓ Aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. ✓ Estandardisado. ✓ May kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. ✓ Maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister. o Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? o Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? o Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad? -Sibayan (sa Francisco, 2010) 1. Kulang ang political will sa pag-iintelektwalays nito. 2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. 3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba’t ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning. 4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdebelop ng mga libro na naka-Filipino. 5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles. -Sibayan (sa Francisco, 2010) MUNGKAHI SA PAGKAMIT NG INTELEKTWALISASYON NG WIKA 1. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito. 2. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. 3. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina. 4. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino. -Sibayan (sa Francisco, 2010) INTELEKTWALISASYON NG WIKA 5. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon. 6. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika. 7. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon. 8. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino. -Sibayan (sa Francisco, 2010) PATAKARANG PANGWIKA GEFID01X Bb. Princess Joy C. Ragsac TANONG AT PAGLILINAW BANTAY-WIKA: 1. Ito ay pangkatang gawain. Bawat pangkat ay bubuuin ng 6 na miyembro kada pangkat. 2. Ito pagbuo ng obserbasyong papel ukol sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas. 3. Pumili ng espesipikong aspektong panlipunan na bibigyan ng obserbasyon. Hal. Kalagayan ng wika sa midya, kalagayan ng wika sa tersiyaryang edukasyon, kalagayan ng wika larangan ng medisa… 4. Sundin ang pormat na: ✓ TNR 11 ✓ Double spacing PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: ✓ Align left ✓ Lagyan ng pamagat Nilalaman- 35 Kabuluhan- 25 Araw ng pasahan: Mayo 10 Daloy- 20 Wastong Paggamit ng Wika - 15 Pagsunod sa Tuntunin- 5 KABUUAN: 100 Puntos BANTAY-WIKA: 1. Kalagayan ng wika sa midya. 2. Kalagayan ng wika sa tersiyaryang edukasyon 3. Kalagayan ng wika larangan ng medisina 4. Pagtaguri sa wikang Filipino bilang Pambansang Lingua Franca sa Pilipinas 5. Kasalukuyang sistema at prinsipyo ng pagpapatupad ng Mother-Tongue Based - Multilingual Education (MTB-MLE) sa K-12. 6. Pagpapatupad ng CHEd Memorandum blg. 4, serye ng 2018 na nagtatadhana ng pagtuturo ng mga General Education Courses sa kolehiyo gamit ang wikang Filipino. 7. Pagtatakda bilang kahingian sa mga kolehiyo na ang gawing pananaliksik ay ilathala rin o bigyan ng primaryang pagtatangka sa wikang Filipino. SANGGUNIAN: Catacataca, D. & Espiritu, C. (2005). Wikang Filipino: kasaysayan at pag-unlad. Manila: Rex bookstore, Inc. Demetrio, F. (2012). Sistematikong multilingguwalismo: lunsaran ng mas matatag na wikang pambansa/ systematic multilingualism: foundation for a more effective national language. Malay, 24.2 (2012): 23-38. Garcia, M. (nd). Ang intelekwalisasyon ng wikang Filipino. Retrieved from https://pdfcoffee.com/download/intelektwalisasyon-ng- wikang-filipino-pdf-free.html Garcia, T. et al. (2012). Ang akademikong Filipino sa komunikasyon. Malabon: Mutya Publishing House, Inc.