Araling Panlipunan Grade 7 Review Notes PDF

Summary

These review notes are for Grade 7 Araling Panlipunan, focusing on the concepts of colonialism and imperialism in Southeast Asia. The notes summarize various aspects, including different types of colonialism, key historical figures such as Marco Polo, and the factors that motivated European nations to explore and colonize the region. It also briefly covers the impacts on local populations.

Full Transcript

**GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN** **SECOND QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO** - **KOLONYALISMO-** mula sa salitang Latin na *colonia* na tumutukoy sa "tinitirhang lupain o bukid" - **IMPERYALISMO-**galing sa salitang Latin na *imperium*...

**GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN** **SECOND QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO** - **KOLONYALISMO-** mula sa salitang Latin na *colonia* na tumutukoy sa "tinitirhang lupain o bukid" - **IMPERYALISMO-**galing sa salitang Latin na *imperium* na nangangahulugang "ganap na control sa pagsakop". Marahas at militaristang pagsakop sa ibang lahi - **MGA URI NG KOLONYALISMO** - **DALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA** a. **Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo-** ang unang yugto ng kolonyalismo ay tumutukoy sa pamamayani ng Portugal at Espanya bilang mga unang imperyong sumakop sa Timog-Silangang Asya, - **SALIK NA NAGTULAK SA MGA EUROPEONG BANSA NA GALUGARIN ANG SILANGANG-ASYA** 1. **AKLAT NI MARCO POLO-** Nailimbag ang aklat ni Marco Polo noong 1300. Siya ay isang mangangalakal mula sa Venice na naglakbay sa iba't ibang bahagi ng Asya, particular na sa Tsina noong 1271-1295. Ang aklat na ito ay **pumukaw sa interes ng mga Europeo sa kagandahan ng kultura at likas na yaman ng Asya, at nag-udyok sa kanila na maglayag patungong Silangan.** 2. **MAKONTROL ANG KALAKALAN-** Nais nilang makontrol ang mga produktong pampalasa, tulad ng kanela, kardamomo, klabo, at luyang dilaw. Ang mga kalakalan ng mga pampalasa ay **nakasentro sa Timog-Silangang Asya dahil narito ang Moluccas o Maluku** (mga pulo sa Indonesia) na isa sa pangunahing pinagmumulan ng mga pamapalasa. 3. **PALAGANAPIN ANG KRISTIYANISMO-** palaganapin ang Kristiyanismo sa mga bansang hindi Kristiyano. Bilang mga nangungunang Katolikong kaharian sa Europa, nais nilang ipangaral ang Kristiyanismo sa mga lugar na kanilang masasakop. Sa pamamagitan ng isang deklarasyon na tinawag na **\"Inter Caetera" n**oong 1493, binigyan ng karapatan ang Portugal at Espanya na paghatian at angkinin ang mga teritoryong kanilang \"matutuklasan\"\' sa paglalakbay. b. **Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo-** Sa pagtatapos ng ika-16 na siglo at pagsisimula ng ika-17 siglo, isa-isang dumating ang iba pang Europeo sa Timog-Silangang Asya, na pinangunahan ng mga **Olandes, Pranses, at Briton.** - Sa pagkakataong ito ay hindi na lamang kapuluang Timog-Silangang Asya ang nasakop ng mga Europeo, kundi pati ang kalupaang Timog-Silangang Asya **na kinabibilangan ng kasalukuyang Vietnam, Laos, Cambodia, at Myanmar.** - Nang unang marating ng mga Olandes, Pranses, at Briton ang kalupaang Timog-Silangang Asya, **pangangalakal at hindi pananakop ang kanilang layunin.** - **SALIK NA NAGTULAK SA MGA BRITON, OLANDES, AT PRANSES NA GALUGARIN ANG SILANGANG-ASYA** 1. **REBOULUSYONG INDUSTRIYAL-** Nagdulot ng **malaking pagbabago sa lipunan**, mula sa **pagiging agrikultural tungo sa pagiging industriyal**, kung kaya tumaas ang produksiyon ng mga ipinagbibiling produkto Dahil ito sa **pagkakaimbento sa mga makinang ginagamit sa mga pabrika**, gayundin ang **pagkalikha ng malalaking sasakyang pandagat** **at panlupa** na magagamit para sa transportasyon ng mga kalakal. 2. **EKONOMIYA-** Pinaunlad ng Rebolusyong Industriyal ang **ekonomiya** ng mga bansang Europeo, tulad ng Pransiya, Britanya, at Olanda. **tumaas ang pangangailangan ng mga Europeo sa mga hilaw na materyales.** Ang kanilang mga teritoryong masasakop sa Asya ang **magsisilbing mapagkukunan ng mga hilaw na materyales** para sa pagbuo ng mga produkto. **LESSON 2: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA KALUPAAN AT KAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA** - **Pagdating ng mga mananakop sa Kapuluang Timog-Silangang Asya-** Pilipinas ang naging kolonya ng Espanya sa Timog-Silangan Asya. Dumaong ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521 sa pangunguna ni Ferdinand Magellan. - Hindi naging matagumpay si Magellan sa tangkang pagsasailalim sa mga katutubo sa kapangyarihan ng Espanya dahil nagapi sila ng puwersa ni Lapu-Lapu sa Mactan na ikinamatay ni Magellan - na pagpapadala ng ekspedisyon sa Pilipinas. Kabilang na rito ang ekspedisyon ni Alonso de Saavedra Ceron (1527-1529) at Ruy Lopez de Villalobos (1542-1546) - Ang **naging matagumpay na ekspedisyon** ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang ekspedisyon ni **Miguel Lopez de Legazpi.** Narating ni Legazpi ang Pilipinas noong 1565 at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu. **Si Legazpi rin ang itinalaga bilang kauna-unahang gobernador-heneral ng Espanya sa Pilipinas.** - **BUFFER STATE-** Isang estado na nasa pagitan ng dalawang magkatunggaling bansa na nagsisilbing pamigil. **Nagsilbing buffer state ang Thailand.** - **PORTUGES-** Una namang napadpad ang mga Portuges sa mga pulo na saklaw ng kasalukuyang mga bansang Indonesia, Malaysia, Timor-Leste, Singapore, at Brunei. - **Pagsapit ng 1641, naagaw ng mga Olandes mula sa mga Portuges ang Malacca** - **PAMAHALAANG KOLONYAL SA KAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA-** Nang sakupin ng mga Kanluranin ang Timog-Silangang Asya, pinamahalaan nila ang mga ito alinsunod sa sistemang pampolitika na nakagisnan nila sa Europa - **GOBERNADORCILLO**- Katawagan sa namumuno sa pueblo sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas. a. **SA PILIPINAS-** Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga barangay ng mga katutubong Pilipino ay pinamumunuan ng datu. Sa MINDANAO- ang mga pamayanan dito ay kontrolado ng mga sultan. **Nang dumating ang mga Espanyol, naging sentralisado ang sistemang pampamahalaan na binuo ng mga Espanyol.** b. **SA INDONESIA-** Kaunting teritoryo lamang ng Indonesia ang nasa ilalim ng tuwirang pamamahala ng mga Olandes. Mas marami ang mga tinatawag na \"katutubong estado.\" c. **SA MALAYSIA-** Ang pag-iral ng magkakahiwalay na yunit pampolitika ay sumasalamin sa mga pamayanan sa Malaysia na may natatangi at kanya-kanyang sistemang pampolitika bago pa man dumating ang mga Briton. - **MGA KILUSANG-BAYAN SA KAPULUAANG TIMOG-SILANGANG ASYA LABAN SA KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO** a. **Ang Pag-aalsang Bali (1908).** Sumiklab ito dahil sa pagtatangka ng mga Olandes na gawing monopolyo ang kalakalan ng opyo, isang narkotiko na ginagamit sa medisina ngunit kapag inabuso ay may masamang epekto sa katawan. b. Isa ring mahalagang kilusang-bayan sa Pilipinas ang **Cofradia de San Jose** na itinatag noong 1832 at pinangunahan ni Apolinario de la Cruz, na kilala rin sa tawag na \"Hermano Pule.\" **LESSON 3: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA KALUPAAN AT KAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA** - Mga **Briton at Pranses** naman ang namayagpag sa kalupaang Timog-Silangang Asya. Naiibang anyo rin ng pamahalaang kolonyal ang naitatag sa bahaging ito ng rehiyon. Ngunit gaya ng mga katapat nila sa kapuluang Timog-Silangang Asya, mariin ding tinutulan ng ilang kilusang-bayan ang **pananakop ng mga banyaga sa Vietnam, Cambodia, Laos, at Burma.** - **GEACPS** (GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE) Ito ang bansag sa makasaysayang malawakang paglusob ng Puwersang Allied sa Pransiysa upang mabawi ito sa mga Aleman. - **VIETNAM**- Nagkaroon ang mga Pranses ng dahilan na isagawa ang hinahangad nilang pananakop nang tumindi ang **persekusyon ng mga Vietnamese sa mga misyonerong Pranses.** Hiningi ng mga Pranses sa Vietnam na **bigyan ng kalayaang panrelihiyon ang mga misyonerong nagpapalaganap ng Kristiyanismo** sa kaharian - **LAOS**- Sa katunayan, itinuturing ng maraming Pranses (at pati na mga karatig-kaharian sa kalupaang Timog-Silangang Asya) ang Laos bilang ekstensiyon lamang ng Vietnam. **Pero mariin itong tinututulan ngayon ng mga Lao, na iginigiit ang kanilang natatanging pagkakakilanlan. Bago ang pananakop ng mga Pranses, malaking bahagi ng Laos ang kontrolado ng kaharian ng Siam.** - **CAMBODIA-** Samantala, ang Cambodia ay isang malaking kaharian noon. **Bago dumating ang mga Pranses, isang malayang kaharian ang Cambodia kahit na ito ay pinagigitnaan ng malalaking imperyo ng Siam at Vietnam.** - **MGA PATAKARAN NG PAMAHALAANG KOLONYAL SA KALUPAANG TIMOG-SILANGANG ASYA** A. **INDOTSINA**- Sentralisado ang sistemang pampolitikang itinatag ng mga Pranses sa Indotsina - Nasa Paris ang sentro ng imperyong Pranses sa Europa, at doon din nagmumula ang mga batas B. **MYANMAR-** sa Burma na kolonya ng Britanya, nahahati ang uri ng pamamahala batay sa estado ng kapayapaan ng isang lugar. - **MGA KILUSANG BAYAN SA KALUPAANG TIMOG-SILANGANG ASYA LABAN SA KOLONYALISMO AT** A. **MYANMAR-** Isa sa mga digmang-bayan na ito ang pag-aalsa ng mga magsasakang Burmese na pinamunuan ni Saya San na naganap mula 1930 hanggang 1932. Ang matinding paghihirap ng mga magsasaka sa ilalim ng kolonyalismo ng Britanya ay naging dahilan sa pag-usbong ng isang malawakang pag-aalsa. B. **CAMBODIA-** Sa Cambodia, nariyan ang pag-aalsang pinamunuan ni Si Votha mula 1885 hanggang 1887. Si Si Votha ay kapatid ni Haring Norodom ng Cambodia na nakipagkasundo sa mga Pranses upang maging protektorado ito ng Pransiya C. **LAOS-** Sa Laos, ang maituturing na unang digmang-bayan laban sa mga Pranses ay ang pag- aalsa ng mga pangkat-etnikong Alak (o Alec) at Loven na mula sa talampas ng Bolovens D. **VIETNAM**- Ang maituturing na pinakamapaminsalang pag-aalsa sa buong rehiyon ng Indotsina laban sa mga Pranses ay ang pag-aalsang Thai Nguyen

Use Quizgecko on...
Browser
Browser