Summary

This document is a past paper containing questions on the first stage of colonialism and imperialism. It may be part of a module for a third-year secondary school social studies class in the Philippines.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 2: UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO (Week 2 & 3) 1 Modyul 2 (Week 2 & 3): Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamala...

8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 2: UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO (Week 2 & 3) 1 Modyul 2 (Week 2 & 3): Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan. Pamantayang Pangkasanayan Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon. Kakayahan Nasusuri ang dahilan, pangyayari at mga tauhan (manlalayag) ng unang yugto ng kolonyalismo. Paksa/Subject Code: AP8 PMD-IIIf-5 Subukin (Panimulang Pagtataya) Kumusta mga mag-aaral! Nandito na naman ako, ang inyong tagapaglingkod at makakasama ninyo sa paglalakbay sa mga modyul sa ikatlong markahan. Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 2, sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pasulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. Panuto. Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik na may tamang sagot. 2 1. Ginusto ng England na magkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa Moluccas ngunit napilitan silang lisanin ang isla dahil sa pagpatay ng mga Dutch sa mga mangangalakal na Briton. Ano ang tawag sa massacre na tinutukoy? A. Amboina B. Amritsar C. Boston D. Plassey 2. Noong 1534, napasailalim ang silangang bahagi ng Canada sa France. Sino ang namuno sa kolonisasyon? A. Jacques Cartier C. Robert Clive B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain 3. Anong digmaan ang napagtagumpayan ng mga Briton laban sa hari ng Bengal at ng mga French? A. Battle of Adwa C. Battle of Noveleta B. Battle of Lexington D. Battle of Plassey 4. Ang mga Portuguese ang nanguna bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya ngunit napalitan sila ng anong bansa sa Europe? A. England B. France C. The Netherlands D. Spain 5. Pinangunahan niya ang ekspedisyon sa Mississippi at inalay ang Louisiana, USA kay haring Louis XIV. Sino ang tinutukoy sa pahayag? A. Jacques Cartier C. Robert Clive B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain 6. Tatlo ang mga pangunahing motibo na nagbunsod sa mga kanluranin sa paglalakbay at pananakop. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nasabing motibo? A. Glory B. God C. Gun D. Gold 7. Ginagamit ito ng mga manlalayag upang matukoy ang direksyong kanilang daraanan sa paglalakbay. Ano ang tawag sa instrumentong tinutukoy? A. astrolabe B. caravel C. compass D. mapa 8. Sino itong manlalayag na nagpakilala sa ideya na maaaring marating ang Silangang Asya sa pamamagitan nang pag-ikot sa Africa? A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan B. Christopher Columbus D. Vasco Da Gama 9. Anong estado sa United States of America ngayon ang tinatawag ng mga Briton na New Netherlands noon? A. Canada B. Louisiana C. Mississippi D. New York 10. Isa sa pangunahing motibo ng eksplorasyon ay ang paghahanap ng spices dahil sa napakalaking demand nito sa Europe. Anong lugar sa Asya ang tinaguriang Spice Island? A. China B. India C. Moluccas D. Pilipinas 11. Sino ang nagtatag ng Quebec bilang unang permanenting kolonya ng France? A. Jacques Cartier C. Robert Clive B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain 3 12. Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansa sa Europa na nakagalugad sa ilang bahagi ng mundo. Paano pinayabong ni Prince Henry ang nabigasyon ng Portugal? A. Nilakbay niya ang Atlantiko at sinakop ang India. B. Natagpuan niya ang bagong mundo o America. C. Napalaganap niya ang Kristiyanismo sa Europe. D. Pinunduhan niya ang paglalayag ng mga Portuguese at nagtatag ng paaralan sa nabigasyon. 13. Ano ang naging epekto ng pagsibol ng prinsipyong merkantilismo sa mga kaharian sa Europe? A. Ito ay naging daan para bisitahin ni Marco Polo ang Asya at siya ay naging tagapagpayo ni Kublai Khan. B. Ang mga Italyano na lamang ang pinayagang mangalakal sa Asya dahil sa pagbabago ng sistema. C. Naghangad ang mga Europeo na galugarin ang mundo upang makahanap ng mga mamahaling bato at pampalasa. D. Sa pagtuklas at pagsakop ng mga bagong teritoryo mas humaba ang proseso ng kalakalan dahil sa pag-aagawan ng Portugal at Spain. 14. Sa anong kadahilanan iginuhit ni Papa Alexander VI ang line of demarcation? A. Upang masolusyunan ang alitan sa pagitan ng mga Europeo at Turkong Ottoman. B. Iginuhit ito para madaling matukoy ang direksyong silangan at kanlurang hemisphere ng daigdig. C. Ito ang itinalagang paghahati ng mundo upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng Spain at Portugal. D. Sumisimbolo ito sa boundary line ng bawat territoryo sa Europe kung saan ginagamit na pananda ng kanilang kapangyarihan. 15. Ang pampalasa o spices ay inahalintulad sa halaga ng ginto noong ika-13 siglo sa Europe. Bakit napakamahal ng presyo nito sa pamilihan? A. Ang mga halaman na ito ay hindi tumutubo sa Europe. B. Ang mga Italyano lamang ang pinapayagang mangalakal sa Asya. C. Malaki ang demand nito sa Europe dahil ito ay ginagamit na pangpreserba ng pagkain. D. Lahat ng nabanggit 4 ARALIN Mga Motibo na Nagbunsod sa 1 Pananakop ng mga Europeo Alamin Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman matutunan tungkol sa “Mga Motibo na Nagbunsod sa Pananakop ng mga Europeo.” A. Naiisa-isa ang mga layunin ng explorasyon. B. Nasusuri ang mga salik na nagbigay-daan sa pagtuklas at paggalugad ng mga imperyong kanluranin. C. Nakaguguhit ng isang kontribusyon ng mga Kanluranin na matatagpuan hanggang sa kasalukuyang panahon dito sa Cebu. Sa araling ito ay inaasahang matututuhan at malilinang ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe. Halina’t tuklasin at suriin ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Kilalanin din ang mga tauhan na nanguna sa pagtuklas at paggalugad sa daigdig at ng mga imperyong kinabibilangan nila. Panimulang Gawain LARAWAN KO, SURIIN MO! Tingnan nang mabuti ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang ipinahihiwatig sa larawan? 2. Sino-sino ang mga taong makikita dito? 3. Sa iyong palagay, anong panahon sa kasaysayan makikita ang mga tagpong ito? 4. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga tagpong tulad ng Screenplay: Battle of Mactan - Screenplay News and Reviews iyong nakikita? Bakit kaya? 5 Tuklasin at Suriin Ang eksplorasyon ay nagsimula noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo. Ang paglawak ng kapangyarihan ng Europe ay nagbunsod ng transpormasyon sa daigdig tungo sa pandaigdigang kamalayan. Ito ay nagkaroon din ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga karagatan ay naging daan tungo sa pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan ng mga Europeo sa pamamagitan ng pananakop at pagtatag ng kolonya. Ang pagtatag ng maraming kolonya ang nagbigay daan upang makapagtatag naman ng imperyo. Bago tayo dumako sa mga motibo at salik ng kolonyalismo, alamin muna natin ang ibig sabihin ng mga sumusunod na konsepto at proseso ng pananakop ng mga kanluranin. EKSPLORASYON KOLONYALISMO IMPERYALISMO Paglalakbay, Colonus (latin) – magsasaka Imperium (latin) – command pagsisiyasat at - patakaran na namamahala - dominasyon ng isang pagtuklas ng mga sinakop para sa makapangyarihang nasyon- sariling interes estado sa pamumuhay ng mahina at maliit na bansa upang maging pandaigdigang makapangyarihan. 3G’s - MGA MOTIBO NA NAGBUNSOD SA PANANAKOP NG MGA EUROPEO 1. GOLD - Ang Paghahanap ng Spices at iba pang Kayamanan Bago paman na imbento ang mga seasoning powder na nabibili sa tindahan sa napakamurang halaga kagaya ng Magic Sarap, ang halaga ng mga spices o pampalasa ay katumbas ng ginto noong ika-13 na siglo. Ang pinakamalapit na Asyanong teritoryo sa kontinente ng Europe ay ang Constantinople (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan). Ito ang pinaka-kombenyenteng ruta ng kalakalan mula Europe patungong Silangan ngunit ito ay bumagsak at napasakamay sa mga Turkong Ottoman noong 1453. Naputol ang ugnayan ng mga Asyano at Europeo 6 dahil tuluyan ng kinontrol ng mga Turko ang kalakalan. Sa rehiyon ng dagat Meditteranean, ang mga Italyano lamang ang tanging pinapayagang mangalakal. Pansinin ang daloy ng kalakalan mula Asya patungong Ang mga isla na may mas madilim na Europe sa ibaba. kulay ay ang mga bansang kontrolado ng Turkong Ottoman Maps 1: Middle East, Ottoman Empire, World (cocc.edu) Tsino at Taga Arabo Europeo Indians Venice, Italy Mga Spices na malaki ang Bakit ibig ng mga Europeo ang mga Spices? demand sa Europa Sapagkat ito ay ginagamit bilang: pampalasa ng kanilang mga pagkain pampreserba ng mga pagkain kagaya ng karne; at C sangkap sa paggawa ng pabango, kosmetiks at I medisina. N N NUTMEG Ang halaga ng spices ay A maihahalintulad sa ginto M O at ito ay naging isa sa mga N motibo ng kolonyalismong PAMINTA dulot ng eksplorasyon. Gold nutmeg, cinnamon, cloves and pepper on white background Stock Photo - Alamy Facts About Gold | Live Science 2. GLORY – Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan a. Napukaw ang paghahangad ng mga Europeo na marating at masakop ang Asya dahil sa mga kwento ng paglalakbay ni Marco Polo. Bagkus ito ay naging susi sa pagtuklas ng kasaganahan at karangyaan ng Silangan. Sino nga ba si Marco Polo? 7 Si Marco Polo ay isang manlalakbay mula sa Venice, Italy na naanyayahan ni Kublai Marco Polo Khan na bumisita sa China at nang 1254-1924 lumaon ay kinuha ng huli bilang tagapagpayo sa loob ng labing-isang taon (11 years). Sa kanyang pagbabalik sa Europe, isinulat niya ang “The Travels of Marco Polo (1477)”. Inilarawan niya ang kasaganahan ng China at iba pang lugar sa Silangan sa pagkakaroon nito ng spices na hindi tumutubo sa Europe at Why do we remember Marco Polo? | The answer may mga mamahaling uri ng metal. surprise you. (aglobalreach.com) b. Sumibol ang kultura ng nabigasyon sa Iberian Peninsula na nakaharap sa Atlantic. Suportado ng mga hari ang bawat paglalayag at pagpapaunlad ng kaalaman sa nabigasyon. Ang matagumpay na paglalayag o ekspedisyon ay kadalasang nagbubunga ng pananakop at pagtatag ng kolonya. Ito ang naging basehan ng tagumpay, karangalan at katanyagan. Ang mga larawan sa ibaba ay mga instrumentong pangnabigasyon na ganap na bumago sa paraan ng paglalayag. ATROLABE COMPASS CARAVEL a The Astrolabe: How to Make One and Understanding Its Use - Owlcation - Old compass photo by Pineapple_Studio on Education Envato Elements Caravel by IslandNation on DeviantArt Astrolabe – instrumento na ginagamit upang matukoy ang latitude ng barko gamit ang araw at mga bituin. Compass – ginagamit ito upang matukoy ang direksyong kanilang daraanan sa paglalakbay. Caravel – isang uri ng barko na may tatsulok na layag na di hamak na mas mabilis at mas maraming kargamento ang kayang dalhin gaya ng kalakal at kanyon. 8 c. Ang pagpapalit ng sistemang pang-ekonomiya mula piyudalismo patungong merkantilismo, ang siyang nagtulak sa mga Europeo na maglunsad ng ekspedisyon. Mula sa ika- siyam hanggang ika-14 na siglo, ang batayan Ginto vs. Spices ng yaman at kapangyarihan sa Europa ay ang lawak ng lupain na pag-aari ng isang kaharian o lungsod-estado. Ang tawag sa sistemang ito ay Piyudalismo. Ngunit umiral Gold nuggets falling on weighing scale | Stock Video | Pond5 ang prinsipyong Merkantilismo kung saan ang batayan ng yaman at kapangyarihan ay nasa dami ng ginto at pilak. Napagtagumpayan ng mga Europeo na makahanap ng pagkukunan ng likas na yaman at hilaw na sangkap dahil sa kolonyalismo. Naging maunlad ang ekonomiya ng Europa dahil sa pagtatatag ng imperyo at sistema ng pagbabangko. Magellan’s Cross 3. GOD – Pagpapalaganap ng Kristiyanismo Pinaniniwalaan ng mga Europeo na ang mga taong naninirahan sa kanilang kolonya ay namumuhay sa kadiliman. Bilang isang butihing Kristiyano, mayroon silang obligasyon na ipakilala ang mga ito sa Kristiyanismo at turuang manampalataya kay Kristo. Upang mapalaganap ang relihiyon, nagpapadala sila ng Magellan’s cross - MyGuide.ph misyonaryo para impluwensiyahan ang mga katutubo o natives sa pamamagitan ng edukasyon o minsan ay umaabot sa dahas. Sa katunayan, ang stratehiya na ginamit ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang pagpapabinyag ni Rajah Humabon at Reyna Juana; at pagtatayo ng Magellan’s Cross ay sagisag ng pagtanggap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Kristiyanismo sa Pilipinas - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Paano napalawak ng mga bansa sa Europe ang kanilang teritoryo at kapangyarihan? Napalawak nila ito sa pamamagitan ng eksplorasyon at pananakop ng mga sumusunod na pinuno: Lugar ng Manlalayag/Explorer Taon Kontribusyon Narating PORTUGAL Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. 9 Kanlurang Pinangunahan niya ang paghahanap ng 1419 Baybayin ng bagong ruta, nagtatag ng paaralan at Africa o “Gold pinunduhan ang paglalayag ng mga Coast” Portuguese. Siya ang patron ng mga Prince Henry “The Navigator” Prince Henry the Navigator - Facts, manlalakbay sa dagat. Timeline & Significance - Biography Nagpakilala na maaaring marating ang 1488 Cape of Good Silangang Asya sa pamamagitan ng pag- Hope ikot sa Africa. Dahil dito napagtagumpayan ng Portugal na putulin ang dating ruta. (113) Pinterest Bartholomeu Dias Siya ang unang Europeo na nakarating sa India sa pamamagitan ng paglalakbay sa 1497 India dagat. Ang kanyang ruta ang naging susi sa pagkontrol ng mga Portuguese sa kalakalan ng pampalasa sa Europe. Vasco da Gama - Wikipedia Vasco Da Gama SPAIN Ang pagsasanib ng lakas ng kaharian nina Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ang nagbigay daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon. Kauna-unahang namuno ng ekspedisyon Carribean sa Silangan na dumaan pakanluran ng Islands at Atlantiko upang marating ang India. Siya 1492 Central ang sinasabing susi sa pagkadiskubre sa America America. The Real Deal with Christopher Columbus – Our Time Press Dahil sa kanyang ekspidesyon, nagkaroon ng iringan ang Portugal at Spain. Sa Christopher Columbus kanyang pagbabalik mula sa America, minabuti ni Pope Alexander VI na iguhit 10 ang “line of demarcation” o paghahati sa mundo. Ito ay nagsasaad na ang matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi naman ay para Portugal. 1507 North Siya ay isang Italyanong nabigador na America, nagpaliwanag na si Columbus ang South America nakatagpo sa Bagong Mundo (America). at Brazil Sinunod sa kanyang pangalan ang Amerigo Vespucci - Ages of America. Exploration (marinersmuseum.org) Amerigo Vespucci Siya ay isang Portuguese na ang paglalakbay ay pinunduhan ng Spain. Kauna-unahang nakapaglayag mula 1519 Pilipinas pakanluran patungong Asya at nakatawid sa Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas (1521). (113) Pinterest Nasawi man siya sa labanan sa Isla ng Fernand Magellan Mactan, Cebu; nakabalik naman ang barkong Victoria sa Spain. Ito ang nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo at muling makabalik sa pinanggalingan (Circum-navigation). Isaisip Pagkatapos mapag-aralan ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo at makilala ang mga manlalayag na nanguna sa pagtuklas at paggalugad sa daigdig, 11 pagtibayin ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga pamprosesong tanong sa ibaba. 1. Bakit hinangad ng mga Kanluranin ang yaman ng Silangan? 2. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain? 3. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 4. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong maaaring gawin? Isagawa / Pagyamanin Gawain: Tama o Mali! Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang T kung ang naturang impormasyon ay Tama at M naman kung ito ay mali. Kung sakaling mali, kailangan mo itong itama sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot/deskripsiyon sa iyong sagutang papel. _____1. Ang kolonyalismo ay dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa pamumuhay ng mahina na bansa. _____2. Kontrolado ng mga Ingles ang pinakakombenyenteng ruta sa Asya kaya napilitan ang mga Europeo na maghanap ng ibang ruta. _____3. Napakamahal ng spices dahil sangkap ito sa pagpreserba ng karne. _____4. Si Ferdinand Magellan ay naging tagapagpayo ni Kublai Khan sa Tsina. _____5. Naging mas mabilis ang paglalayag ng caravel dahil sa tatsulok nitong layag. _____6. Ang basehan ng yaman ng piyudalismo noong ika-13 na siglo ay ginto at pilak. _____7. Pinangunahan ni Bartolomeu Dias ang paghahanap ng bagong ruta at nagtatag ng paaralan sa nabigasyon. _____8. Ang ruta ni Vasco da Gama ang naging susi para makontrol ng Portuguese ang kalakalan ng pampalasa sa Europe. _____9. Si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Christopher Columbus ang nakatuklas sa America. _____10. Ang ekspedisyon ni Magellan ang nagpatunay tungkol sa circum- navigation. Gawain 2: Nakita mo, Iguhit mo! Panuto: Gumuhit ng isang kontribusyon ng mga Kanluranin na matatagpuan hanggang sa kasalukuyang panahon dito sa Cebu. Gawin ito sa short bond paper. 12 RUBRIK SA PAGGUHIT NG LARAWAN MGA KRAYTERYA 5 4 3 2 Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas Naging malikhain Hindi gaanong Walang ipinamalas na ng pagkamalikhain sa sa paghahanda. naging malikhain pagkamalikhain sa paghahanda. sa paghahanda. paghahanda. Pamamahala ng Ginamit ang sapat na Ginamit ang oras Naisumite dahil Hindi handa at hindi Oras oras sa paggawa ng na itinakda sa binantayan ng guro tapos. sariling disenyo sa paggawa at gawain. naibigay sa tamang oras. Organisasyon Buo ang kaisipan May kaishan at Konsistent, may Hindi ganap ang konsistent, kumpleto may sapat na kaisahan, kulang sa pagkakabuo, kulang ang detalye at detalye at malinaw detalye at hindi ang detalye at di- napalinaw. na intensyon. gaanong malinaw malinaw ang ang intensyon intensyon Kaangkupan sa Angkop na angkop ang Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang mga Paksa mga salita (islogan) at salita o islogan sa angkop ang mga salita at larawan sa larawan sa paksa. larawan ng paksa. salita at larawan sa paksa. paksa Source: Rubrik Sa Pagguhit Ng Larawan - PDFCOFFEE.COM 13 Kompetisyon ng Panggagalugad ARALIN at Epekto ng Unang Yugto ng 2 Kolonisasyon at Imperyalismo Alamin Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman ang matutunan tungkol sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. A. Nasusuri ang mga epekto ng kompetisyon at panggagalugad ng mga Kanluranin sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo. B. Natutukoy ang mga bansang nakapagtatag ng iba’t ibang kumpanya sa India. C. Napahahalagahan ang Panimulang Gawain Paghahambing! Sa tulong ng tsart, isulat ang maaaring positibo at negatibong epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Kopyahin ang tsart at sagutan. POSITIBO NEGATIBO 14 Tuklasin at Suriin Ang kompetisyon ng panggagalugad sa pagitan ng Spain at Portugal ay sadyang nagpayaman ng husto sa kanilang itinatag na imperyo. Pinaghatian nila ng lubusan ang mga bahagi ng mundo na hindi pa nararating ng mga Europeo. Sinakop nila ang mga mahihinang bansa, nangkamkam ng kayamanan, nagpalaganap ng kristiyanismo at nagkamit ng katanyagan sa pagiging ganap na imperyo. Ngunit nagbago ang lahat sa pagpasok ng ika-17 na siglo kung saan nakipagpaligsahan na sa pananakop ang mga bansang The Netherlands (Dutch), England (Briton) at France (French). ANG MGA BRITON Itinatag ang English East India Company (1600) upang magkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa Sumatra, Java at Moluccas. Ngunit hindi sila pinahintulutan ng mga Dutch. Sampung mangangalakal na Briton ang pinatay ng mga Dutch na tinaguriang Amboina Massacre at ito ang naging dahilan ng kanilang pag-alis. Sa India nagtagumpay ang mga Briton kung saan tinalo ni Lord Robert Clive sa Battle of Plassey ang hukbo ng hari ng Bengal at ng mga French. British Empire | British Food: A History (britishfoodhistory.com) ANG MGA DUTCH Napalitan nila ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas o Spice Island at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon na may tanim na halamang mabili sa pamilihan. Nagtatag din sila Pinterest ng pamayanan sa Africa sa pamamagitan ng mga Boers o mga magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope; at North America. Itinatag nila ang Dutch East India Company (1602) sa Asya. Ang mga daungan nito ay nagbigay ng proteksyon sa monopolyo ng mga paminta at iba pang rekado. Dahil dito mas tumagal pa ang pananakop ng mga Dutch sa Asya kasya sa America. Ang pagtatag ng kolonya sa America ay pinangunahan ng isang Briton na manlalayag na naglakbay para sa mga Dutch, siya ay si Henry Hudson. Nagtayo ng himpilang pangkalakalan o trade post ang Dutch sa New Amsterdam 15 (matatagpuan sa dulo ng katimugang ng New Netherlands o kilala ngayon bilang New York City). Nang lumaon ay humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at napalitan ng England kung saan sila ay hinirang na pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europe. ANG MGA FRENCH Noong 1534, isinailalim sa France ang silangang bahagi ng Canada sa pamumuno ni Jacques Cartier. Itinatag naman ni Samuel de Champlain ang Quebec bilang permanenteng kolonyal ng French at sentro ng kalakalan ng fur o produktong gawa sa balahibo ng hayop. Naglunsad ng ekspedisyon sa How France engineered North African ethnic rivalry to further Mississippi (1628) ang mga colonisation (trtworld.com) French hanggang sa Gulf of Mexico na pinangunahan ni Rene Robert Cavelier. Ito ay inalay niya kay Haring Louis XIV ng France kaya tinawag itong Louisiana. Kalaunan, sinundan ng mga French ang halimbawa ng mga Briton at nagtatag ng French East India Company (1664). EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON Ang mga ekspedisyon na pinangunahan ng Portugal at Spain ang nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natuklasan. Dahil dito nakapukaw ng interes ang mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Layunin din nilang maipalaganap ang sibilisayong kanluranin sa silangan at ito ang naging daan sa pagpapalakas ng ugnayang silangang at kanluran. Nagkaroon ng migrasyon sa lahi ng tao, hayop, halaman, pati na sa mga sakit gaya ng bulutong, yellow fever, at tigdas. Ang pananakop ay nagdulot ng suliranin sa mga bansang nasakop. Sinasabing nawala ang kanilang kasarinlan, naging laganap ang kurapsyon, at nakamkam ang kanilang yamang likas. Isaisip Matapos matukoy ang mga bansang kanluranin na lumahok sa eksplorasyon, kolonyalismo at imperyalismo, pag-aralan ang talahanayan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. 16 TALAHANAYAN NG MGA BANSANG MANANAKOP 1. Makikita natin sa ibaba ang talahanayan ng pananakop. Ano ang maaaring mahinuha natin sa mga bansa o lugar nasakop? Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga mananakop na bansa? 2. Pabor ka ba na muling mapasailalim ang ating bansa sa isang mananakop gaya ng China o America? Bakit? BANSANG MANANAKOP MGA BANSANG NASAKOP Ternate, Moluccas PORTUGAL (Indonesia); Melaka, Malaysia; Macau, Flag of Portugal - Wikipedia China; Nagasaki, Japan; Formosa (Taiwan); Sri Lanka; at Goa, India Pilipinas, Mexico, SPAIN Peru, Haiti, Dominican Republic Spain | Facts, Culture, at Cuba History, & Points of Interest | Britannica THE NETHERLANDS Moluccas (Indonesia); Formosa (Taiwan); Sri Flag of The Netherlands - Netherlands Lanka; Malaysia; Tourism (netherlands-tourism.com) Africa; New Amsterdam, America ENGLAND India, Jamaica, North Flag of the United Kingdom - at South America, Wikipedia Timog Canada, Africa at Carribean Islands FRANCE India; Cochin, China; Cambodia; Silangang Pinterest Canada; Louisiana, USA 17 Isagawa / Pagyamanin Gawain 1: Kumpletuhin ito! Kumpletuhin ang salita o mga salitang tinutukoy sa bawat pahayag gamit ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. A_______a M_______e --- pagpatay ng mga Dutch sa sampung mangangalakal na Briton. 2. B______e of P_______y ---- labanan na napagtagumpayan ng mga Briton sa pamumuno ni Lord Clive laban sa hukbo ng hari ng Bengal at ng mga French. 3. D______ h --- napalitan nila ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. 4. B_______ s --- mga magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope, Africa. 5. D_________n --- nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga paminta at iba pang rekado. 6. H____y H_____n --- isang Briton na manlalayag na naglakbay sa America para sa mga mangangalakal na Dutch. 7. N___w N________s --- isa sa mga estado ng United States of America na kilala na ngayon bilang New York. 8. R___e R______t C___________r --- isang manlalakbay na French ang nag-alay ng Louisiana, USA kay Haring Louis XIV. 9. F__r --- balahibo ng hayop 10. M____________s --- tinaguriang Spice Island na matatagpuan sa kontinente ng Asya. Gawain 2: Magbalitaan Tayo! Duterte kinondena ang insidente sa Ayungin Shoal Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon November 23, 2021 | 12:00am MANILA, Philippines — Kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard vessels sa dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal. 18 Sa kanyang pagsasalita sa Association of Southeast Asian Nations (Asean)- China Special Summit sa pamamagitan ng video conference kahapon, sinabi ni Duterte na ang isyu ng South China Sea ay isang hamon na hindi mareresolba sa pamamagitan ng dahas. Sinabi rin ni Duterte na nakakasuklam ang nasabing pangyayari sa Ayungin Shoal at mga kahalintulad pang kaganapan. Ipinaalala rin ni Duterte na ang pag-angkin sa South China Sea ay dapat resolbahin gamit ang batas. “UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas) and the 2016 Arbitral Award provide legal clarity …pointing us to a just and fair solution to our disputes. We must fully utilize these legal tools to ensure that the South China Sea remains a sea of peace, stability and prosperity,” ani Duterte. Sinabihan din ni Duterte ang China na sumunod sa Code of Conduct sa South China Sea.Wala na aniyang ibang paraan para matapos ang problema kundi sa pamamagitan ng rule of law.“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments,” ani Duterte sa ASEAN-China special summit. Ang insidente aniya ay hindi nagpapakita ng magandang relasyon sa pagitan ng mga bansa. Duterte kinondena ang insidente sa Ayungin Shoal | Pilipino Star Ngayon (philstar.com) Pamprosesong Tanong: 1. Anong insidente sa Ayungin Shoal ang kinundena ni Pangulong Duterte? 2. Ano kaya ang mga motibo ng mga Tsino sa ginawang pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard vessels sa dalawang bangka ng Pilipinas? 3. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring patutunguhan ng isyung ito sa relasyong diplomatiko (diplomatic relations) ng Tsina at Pilipinas. 4. Kung lumala ang hidwaang ito at humantong sa digmaan, posible kaya tayong maging isang kolonya sa modernong panahon? Pangatwiranan. Tayahin Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, subukin natin ang iyong natutunan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang aklat na “The Travels of Marco Polo” ay naglarawan sa kasaganahan at karangyaan ng Asya. Sino ang may-akda ng nasabing aklat? A. Bartholomeu Dias C. Marco Polo B. Ferdinand Magellan D. Vasco Da Gama 19 2. Pinaniniwalaan na mayroon silang tungkulin na ipakilala ang Kristiyanismo sa ibang bahagi nang mundo. Alin sa mga sumusunod ang paraan na HINDI ginamit ng mga Kastila sa kanilang pananakop? A. edukasyon C. pagpapadala ng misyonaryo B. dahas D. wala sa nabanggit 3. Anong uri ng barko ang may tatsulok na layag, ito ay sadyang mabilis at may kakayahang magdala ng maraming kargamento gaya ng kalakal at kanyon? A. caravel B. cargo C. Ro-ro D. tanker 4. Anong sistemang pang-ekonomiya ang nagtalaga na ang lawak ng lupain na pag-aari ang siyang batayan ng yaman ng isang estado o kaharian? A. imperyalismo B. kolonyalismo C. merkantilismo D. piyudalismo 5. Anong instrumento sa paglalayag ang ginagamit upang matukoy ang latitude ng barko gamit ang araw at mga bituin? A. astrolabe B. caravel C. compass D. mapa 6. Nakapagtatag ng pamayanan sa Africa. Ano ang tawag sa mga magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope? A. Aborigines B. Boers C. Bushmen D. Pygmies 7. Mas nagtagal ang kapangyarihan ng Dutch sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company. Ano ang nagbigay sa kanila ng proteksiyon para mapanatili ang monopolyo nila sa mga paminta at iba pang rekados? A. daungan B. mga sandata C. mabangis na hayop D. ginto 8. Sinong Briton na manlalayag ang naglakbay sa America para sa mangangalakal na Dutch? A. Henry Hudson C. Rene Robert Cavelier B. Jacques Cartier D. Robert Clive 9. Siya ang kauna-unahang namuno ng ekspedisyon sa Silangan na dumaan pakanluran ng Atlantic upang marating ang India ngunit napunta siya sa Amerika. Sinong Italyanong manlalakbay ang tinutukoy? A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan B. Christopher Columbus D. Prince Henry 10. Noong ika-15 na siglo, ang Europe ay nagpaligsahan sa yaman at kapangyarihan. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain? A. America B. India C. Portugal D. Spain 11. Sinong Italyanong nabigador ang nagpaliwanag na si Columbus ang nakatagpo sa Bagong Mundo o Amerika? A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan B. Christopher Columbus D. Prince Henry 12-14. Tama o MaliSuriin ang bawat pahayag. Makakatulong ang nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Piliin ang letra ng wastong sagot. 20 Gamitin ang mga sumusunod na option 12-14. a. Tama ang una at ikalawang pangungusap. b. Mali ang una at ikalawang pangungusap. c. Tama ang unang pangungusap lamang. d. Tama ang ikalawang pangungusap lamang. 12. I. Itinatag ang Dutch East India Company noong 1602. II. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksyon sa monopolyo ng mga paminta at rekados. 13. I. Ang mga Dutch ang pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. II. Napaalis ng mga Kastila ang mga Briton sa Moluccas dahil sa Battle of Plassey. 14. I. Inalay ni Robert Clive ang Louisiana kay haring Louis XIV. II. Ang mga French ay hinirang na pinakamalakas na imperyong pangkatubigan sa Europe. 15. Ang mga makapangyarihang bansa ay nag-agawan sa pagsakop ng mga mahihinang bansa na masagana sa pampalasa at iba pang hilaw na materyales. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa epekto ng mga unang yugto ng kolonyalismo? A. Pagtuklas sa mga makabagong pamamaraan sa paglalayag. B. Ang pakikipagpaligsahan ng United States of America bilang isang imperyo ay naganap sa unang yugto ng kolonyalismo. C. Napagtagumpayan ng mga Kanluranin na mapalaganap ang kanilang kultura at relihiyon sa Silangan. D. Nagkaroon ng migrasyon ng mga sakit gaya ng bulutong, yellow fever at tigdas na naging mabigat na suliranin ng mga mananakop. Karagdagang Gawain Gawain : Pagpapalalim ng Kaalaman Binigyang diin sa module na ito ang kahalagahan ng pagtuklas at paggalugad ng mga Europeo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang epekto ng unang yugto ng kolonyalisasyon? Gumawa maikling sanaysay na binubuo ng tatlong pangungusap. Sanggunian Aklat: Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City, 21 Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Blando, R C. et al. (2014). Modyul ng Mag-aaral: Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City, Vibal Group, Inc. Zalde, G F. et al. (2006). World History 5th Edition Online Links: Unang Yugto ng Imperyalismo Joyce Candidato Retrieved January 26, 2016 from Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (slideshare.net) Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Rosario, M L C. et al. Retrieved November 28, 2017 from Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (slideshare.net) Panahon ng Panggagalugad: Panahon ng Transpormasyon EP. 05 ( Age of Exploration ) Sir Ian’s Class Retrieved September 20, 2019 from Panahon ng Panggagalugad: Panahon ng Transpormasyon EP. 05 ( Age of Exploration ) - YouTube Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin: Panahon ng Transpormasyon EP. 06 (Age of Exploration) Sir Ian’s Class Retrieved September 25, 2019 from Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin: Panahon ng Transpormasyon EP. 06 (Age of Exploration) - YouTube Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo: Panahon ng Transpormasyon EP: 07 (Age of Exploration) Sir Ian’s Class Retrieved September 27, 2019 from Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo: Panahon ng Transpormasyon EP: 07 (Age of Exploration) - YouTube 22 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] 23

Use Quizgecko on...
Browser
Browser