PILING-LARANG-NOTES-QUARTER-1 PDF

Summary

These notes discuss different aspects of writing, including the purpose, importance, and guidelines for writing in various contexts. The notes also cover different types of documents and highlight the significance of writing in expressing thoughts, feelings, and ideas.

Full Transcript

**PAGSULAT** **Sauco, et al.,1998** -ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. **Cecilia Austrera et al., 2009** -pagsulat ay isa...

**PAGSULAT** **Sauco, et al.,1998** -ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. **Cecilia Austrera et al., 2009** -pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang **wika**. **Edwin Mabilin et al., 2012** -isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. -isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. **Kellog** -ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayon din ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. **Keller** -pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. **Xing Jin** -isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit nag talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika. **Layunin ng Pagsusulat:** - Pangunahing layunin- mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. - Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. - **ROYO (2001),** malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. - Dahil sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang sarili, ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. - Ayon kay Mabilin 2012, ang layunin ay nahahati sa dalawang bahagi: - **Personal o Ekspresibo** -ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiispi o nadama ng manunulat Hal. Sanaysay, maikling kuwento, tula, dula at iba pang akdang pampanitikan - **Panlipunan o Sosyal** -ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layunig ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at talumpati at iba pa. **KAHALAGAHAN O MGA BENEPISYO NG PAGSULAT** 1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2. Makaangat tayo sa iba. 3. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. 4. Makasasagot sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik. 5. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. (reading comprehension) 6. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 7. Magdulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 8. Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao. 9. Mahubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at pang-akademikong pagsisikap. 10. Napapanatiling buhay ang ating kultura. 11. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba't ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. 12. Natutuhan ang ating kasaysayan ng ating lahi, mga paniniwala, mga katayog na kaisipan ng mga ninuno at pagbabago't pagsulong ng ating bansa. **MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT** 1. **Wika** **-**nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamain, karansan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. 2. **Paksa** -nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. 3. **Layunin** **-**nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin. 4. **Pamamaraan ng Pagsulat** 5 Pangunahing pamamaraan ng pagsulat A. **Impormatibo** -pangunahing layunin ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. B. **Ekspresibo** -ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. C. **Naratibo** -magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa mga ito. D. **Deskriptibo** -maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan. E. **Pamamaraang Argumentatibo** -naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa -naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 5. **Kasanayang Pampag-iisip** -dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang susulatin. -kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. 6. **Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat** -wastong paggamit ng: - Malaki at maliit na titik - Wastong pagbaybay - Paggamit ng bantas - Pagbuo ng makabuluhang pangungusap - Pagbuo ng talata - Masining at obhebtibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. 7. **Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin** -tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhebtibo at masining ng pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito. **MGA URI NG PAGSULAT** 1. **Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)** -masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literature. -pokus ay ang imahinasyon ng manunulat -layuning paganahin ang imahinasyon ng mannunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Hal. Tula, Nobela, Maikling katha, Dula, Sanaysay 2. **Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)** -ginagamit sa pangangalakal at mga propesyunal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba't iabng uri ng mambabasa. -naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal -gumagamit ng mga teknikal na terminohiya sa isang partikular na paksa -nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa Hal. Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City 3. **Propesyunal na Pagsulat (Professional Writing)** -sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan -binigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao -saklaw ang mga sumusunod: - Police report- pulis - Investigative report- imbestigador - Legal forms, briefs, at pleadings- abogado - Patient's journal, medical report, narrative report about physical examination- doktor at nurse 4. **Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)** -sulating may kauganayan sa pamamahayag Hal. Balita, Editorial, Lathalain, artikulo, at iba pa 5. **Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)** -malinaw at wastong presentasyon ng paksa -pasulat na pagpapaliwanag, nagbibigay impormasyon o nagsusuri -magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isnag paksa. -maihahanay sa paggawa ng bibyography, indeks at notecards. Hal. Teksbuk, balita, ulat, panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan 6. **Akademikong Pagsulat** -kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, termpaper o pamamnahong papel, thesis o disertasyon. -intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. -layuning maipakita ang resulta ng pagsisiysat o ng hinawang pananaliksik. -Edwin Mabilin, 2012 ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. **PROCESO SA PAGSULAT** 1. **Bago Sumulat (Prewriting)** -brainstorming -malayang mag-isip at magtala ng kanilang kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa -mapagpapasiyhan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano ang layunin sa pagsulat, at estilong kanyang gagamitin. 2. **Habang Sumusulat (Actual Writing)** -naisusulat ang unanag borador na ihaharap ng bawat mag-aaral 3. **Revising** -pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento -pagpalit ng mga higit na angkop na salita 4. **Editing** -ginagawa ang pagwawasto ng baybay, estrukturang balarila at mga mekanismo ng pagsulat tulad ng pagbabantas at gamit ng malalaking titik **MGA BAHAGI NG TEKSTO** 1. **Panimula** -nararapat na maging kawili-wili upang mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto -nakalahad dito ang paksa at layunin 2. **Katawan** -pagpili ng organisasyo -pagbabalangkas ng nilalaman -paghahanda sa transisyon ng talataan -watong paglalahad ng detalye -pagkakaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga pahayag 3. **Wakas** -makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinatalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon. **PAGKAKAIBA NG AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKONG PAGSULAT** ACADEMIKONG PAGSULAT \>Obhetibo, hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya, at katotohanan \>lahat may binabatayan \>Pangatlong POV \>iskolar, mag-aaral, guro \>magbigay kaalaman, impormasyon, ideya \>obserbasyon, pananaliksik \>planado at magkakaugnay \>may pagkasunod-sunod ang estraktura ng mga pahayag \>malinaw ang struktura DI-AKADEMIKO \>subhetibo, sariling opinyon, komunidad \>tao at damdamin ang tinutukoy \>sariling opinyon o damdamin \>Una at pangalawang POV \>iba-iba \>magbigay opinyon \>karanasan, pamilya \>hindi magkaugnay ang mga ideya \>hindi malinaw ang estraktura 1. **PAGLALAHAD (EXPOSITORI)** 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 1. | | - - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 2. | | - - - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 3. | | - - - - - - | | | | - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 4. | | - - - - - - | | | | - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 5. | | - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 6. | | - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 7. | | - - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 8. | | - - - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 9. | | - - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 10. | | - - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | 11. | | - - | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ **REGISTER NG WIKA** -Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan nito. **Pagbibigay- kahulugan sa salitang register:** -Isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan -Isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo) -Pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon) -Pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika) -Pagpasok ng mga mensahe sa utak/ pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya/ psychology) -Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginagamit upang hinsi ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali and pag-unawa rito. -Hal. Akronim CA - cancer sa medisina -calcium sa nutrisyon -communication arts sa komunikasyon -civil aeronautics sa aeronautics -chartered accountant -chef accountant sa accounting Withdrawal -pag-atras o pagsuko sa larangan ng military -pagkuha ng salapi sa bangko (banking) -pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkkinan ng babae (science) -pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon ---------------------- --------------------------------- PROPESYON O LARANGAN TAWAG SA BINIBIGYAN NG SERBISYO Guro estudyante Doktor at nars pasyente Abogado kliyente Pari parokyano Tindero/tindera suki Drayber/konduktor pasahero Artista tagahanga Politiko nasasakupan/mamamayan ---------------------- --------------------------------- **LAKBAY-SANAYSAY** -Travel essay o travelogue -Lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. **NONON CARANDANG** -ito ay tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubup ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, lakbay. -ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. **PATTI MARXSEN** -maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito ay nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama't hindi pa nila ito napupuntahan. **DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY (Dr. Lilian Antonio et. al., 2013)** 1. Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Isang halimbawa nito ay ang paggawa ng travel blog kung saan ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan. 2. Layunin nitong makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay. 3. Sa lakbay-sanaysay, maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya'y pagtuklas sa sarili. 4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. **MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY** 1. MAGKAROON NG KAISIPANG MANLAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA \- Sinisikap ng isang manlalakbay na maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at maging uri ng pang-araw-araw ja pamumuhay ng mga tao upang sa kanyang pagsulat ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan ang mga kaisipan o impormasyong itatala kundi malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang mga bagay na kanyang nakita o namalas. 2. SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA -Karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at naranasan ng manunulat. Kadalasang nakakapersonal ang tinig ng lakbay-sanaysay. 3. TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING LAKBAY-SANAYSAY -Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa human interest. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda. 4. MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA LARAWAN PARA SA DOKUMENTASYON HABANG NAGLALAKBAY -Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ay ang panulat, kwaderno o dyornal, at kamera -Mahalagang maitala ang mahahalagang lugar, kalye, gusali, at iba pa. -Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na nakita, nabisita o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa sanaysay. -Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mga mambabasa. Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling deskripsyon, o di kaya naman ay maikling kasaysayan nito. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang ito ay kawilihang baasahin ng mga mambabasa. 5. ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA NATUTUHAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY -Magsisilibing pinakapuso ng sanaysay kung saan ibinabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay. 6. GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY -Mahalagang taglayin ng ma-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulatin ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. -Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay. Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma, o matalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito. Sa pagsusulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa paglatag ng impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ang kondisyon ng lugar pinuntahan. Maaaring ipakita ang mga ito sa tulong ng photo essay. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan sa photo essay kundi ang mahahalagang larawang kailangan para mapagtibay ang sanaysay. **MGA ELEMENTO NG PROGRAMANG PAMPAGLALAKBAY** 1. Pamagat ng programa 2. Kailan ito ipinalabas at gaano ito katagal 3. Buod/ tampok na paglalakabay 4. Taglay na elemento ng paglalahad na nakita sa programa (mga naobserbahan, mga pangyayari, mga magagandang natutuhan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser