MODYUL-3-TALUMPATI PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagsulat ng talumpati sa Tagalog. Sinasaklaw nito ang mga layunin, katangian at iba't ibang uri ng talumpati.
Full Transcript
TALUMPATI LAYUNIN LAYUNIN Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: Nakapagbibigay ng iba’t ibang uri at halimbawa ng talumpati; Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati; LAYUNIN LAYUNIN Narerebi...
TALUMPATI LAYUNIN LAYUNIN Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: Nakapagbibigay ng iba’t ibang uri at halimbawa ng talumpati; Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati; LAYUNIN LAYUNIN Narerebisa ang komplikadong pagpapahayag patungo sa mas simpleng pagpapahayag; Nakapagsusuri ng isang talumpati; at LAYUNIN LAYUNIN Napag-iiba ang pagsulat at pagbigkas na paraan ng pagpapahayag. PANGKATANG GAWAIN Bawat pangkat ay talakayin ang mga sumusunod: 1. Magbigay ng halimbawa ng talumpating napanood o napakinggan. 2. Sino ang nagtalumpati? 3. Saan idinaos ang talumpati? PANGKATANG GAWAIN 4. Sino ang manonood o ang makikinig sa talumpati? 5. Ano ang paksa ng talumpati? 6. Paano dinebelop ang paksa? PANGKATANG GAWAIN 7. Ano-ano ang naobserbahang paraan ng pagtatalumpati( pagbigkas, kilos o galaw, tindig at iba pa)? 8. Ano-ano ang pangkalahatang katangian ng talumpati batay sa napanood o napakinggan? Dapat Talakayin 1. Mga halimbawa ng Gamitin ang talumpating sumusunod na talahanayan napanood 2. Mga nagtatalumpati 3. para Lugar sa na presentasyon pinagdausan ng mga sagot. ng Talumpati 4. Manonood o nakinig ng Resulta ng Talakayan talumpati 5. Mga paksa ng talumpati 6. Paraan ng pagdebelop ng paksa ng talumpati 7. Paraan ng pagtatalumpati 8. Pangkalahatang katangian ng talumpati ANO ANG TALUMPATI? Ang TALUMPATI ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong nagsisimula sa nakasulat na anyo. Ito ay pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit na piling wika at may tiyak na layunin. Ang TALUMPATI ay isang sining ng pagsasalita na nangangatwiran at tumatalakay ng isang paksa para sa tagapakinig. Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maaaring hatiin sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik at pagsulat ng talumpati. PAGHAHANDA Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1. Layunin ng okasyon 2. Layunin ng magtatalumpati 3. Manonood 4. Lugar na pagdarausan ng talumpati PANANALIKSIK Bahagi ng proseso ng pananaliksik ang 1. Pagbuo ng plano 2. Pagtitipon ng materyal 3. Pagsulat ng balangkas PAGSULAT Dalawang malaking proseso ang mahalagang isaalang-alang sa yugtong ito: PAGSULAT 1.Pagsulat ng talumpati- Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong balangkas. Narito ang ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat. a.Sumulat gamit ang wikang pagbigkas. b.Sumulat sa simpleng estilo. k. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Paggamit ng matalinghagang pahayag o tayutay 2. Paggamit ng kuwento 3. Pagbibiro 4. Paggamit ng paralelismo 5. Paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata 6. Pagbibigay ng tatlong halimbawa para maipaliwanag ang isang ideya d. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon. Magbigay ng hudyat gamit ang mga sumusunod na salita: una, ikalawa, tatlo, sa simula, sa katapusan, pagkatapos, kasunod nito at iba pa. e. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati, Karaniwan, mas madali kung magsisisimula sa katawan ng talumpati. Pagkasulat ng katawan, mas madali nang isulat ang introduksyon at kongklusyon. Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng alinman sa sumusunod: a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan b. Anekdota k.Pagbanggit ng paksa o tema at pagpapaliwanag sa mga susing konsepto nito d. Pag-iisa-isa sa mga layunin e. Pagtatanong sa tagapakinig Ang kongklusyon naman ay maaaring maglaman ng alinman sa sumusunod: a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan o anekdota na magbibigay diin sa nilinang na ideya. b. Paglalagom sa mga pangunahing ideyang dinebelop. k. Pagrerebyu sa mga layunin at kung paano ito natamo. d. Panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos. PAGREREBISA NG TALUMPATI Sa yugto ng pagrerebisa,mahalaga ang paulit- ulit na pagbasa, ang pag-ayon ng estilo ng talumpati sa pagbigkas at ang pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinibigay na oras. 1. Paulit-ulit na pagbasa. PAGREREBISA NG TALUMPATI 2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pabigkas. 3. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras. Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri ng talumpati: Panayam o lektura 45- 50 minuto Presentasyon ng papel sa isang kumperensiya 20-25 minuto Susing panayam 18-22 minuto Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3-4 minuto Talumpati para sa isang seremonya 5-7 minuto URI NG TALUMPATI 1. Biglaang Talumpati Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. 2. Maluwag na Talumpati Nagbibigay lamang ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. 3. Manuskrito Ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. 4. Isinaulong Talumpati Kagaya ng manuskrito, ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 1. Impormatibo- ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 2. Nanghihikayat- nanghihikayat sa tagapakinig na magsagawa ng isang kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 3. Mang-aliw- talumpating nang- aaliw o nagpapatawa sa tagapakinig. TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 4. Okasyonal- talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan at parangal. TALUMPATI AYON SA KAHANDAAN 1. Impromptu- halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati. TALUMPATI AYON SA KAHANDAAN 2.Ekstemporenyo-pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas. HUWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI 1. KRONOLOHIKAL NA HUWARAN Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. HUWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI 2. Topikal na Huwaran Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. HUWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI 3. Huwarang Problema- Solusyon Kalimitang nahahati sa 2 bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang huwarang ito. ISAGAWA Panuto: Sumulat ng isang talumpati sa sulating pangwakas tungkol sa araw ng pagtatapos ng klase sa Senyor Hayskul. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Hitik sa angkop na nilalaman at mga patunay 20 puntos Kaayusan sa paglalahad at pagtalakay sa paksa 15 puntos Kawastuang panggramatika 10 puntos Kalinisan at pagkaayos ng pagkasulat 5 puntos Kabuoan- 50 puntos BIGLAAN/ IMPROMPTUNG TALUMPATI Gumawa ng isang maikling talumpati at sabihin sa harap ng klase ang iyong ideya hinggil sa paksang ibibigay ng guro. Bibigyan lamang kayo ng isang minuto para ilatag ang iyong kaisipan, opinyon o pananaw. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Tiwala sa sarili at piyesa 25% Pagkakasaulo 15% Dating sa Madla 10% Bigkas at Tinig 25% Ekspresyon, Tindig at Kilos 25%