PAGSULAT NG TALUMPATI PDF
Document Details
Uploaded by AstoundedBirch
Khrishia R. Panganiban
Tags
Related
Summary
Ang dokumento ay isang gabay sa pagsulat ng talumpati sa Tagalog. Saklaw nito ang iba't-ibang uri ng talumpati, mga tip para sa epektibong pananalumpati, at ang mga kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati. Sinusunod nito ang mga prinsipyo ng maayos at malinaw na pagsulat para sa mga nakikinig
Full Transcript
Source: https://www.youtube.com/watch?v=iryUnofu3tI PAGSULAT NG TALUMPATI Khrishia R. Panganiban TALUMPATI Sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. MANGAHIS, NUNCIO, JAVILLO,...
Source: https://www.youtube.com/watch?v=iryUnofu3tI PAGSULAT NG TALUMPATI Khrishia R. Panganiban TALUMPATI Sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. MANGAHIS, NUNCIO, JAVILLO, 2008 Karaniwang nagkakaiba- iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito. Isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handang makinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalam o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. - Source: Gintong Pamana Wika at Panitikan Lolita R. Nakpil MGA KINAKAILANGANG TANDAAN ANG ISANG MAHUSAY NA TALUMPATI AY… Nakapagbibigay impormasyon. Nakapagpapaunawa Nakahihikayat ng mga Nakapagtuturo konsepto at paninindigan. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong I-ayon ang mga salita, gamitin na kaaya-aya sa tayutay, kasabihan o mga tagapakinig. salawikaing gagamitin GABAY SA sa pagpapahayag ng PAGSULAT NG mga ideya sa Gumawa ng balangkas talumpati. na dapat sundin sa TALUMPATI isusulat na talumpati. GABAY SA EPEKTIBONG PANANALUMPATI -Panatilihing payak ang mga salitang gagamitin. -Gamitin ang wika ng tagapakinig. -Tiyakin ang tono, kumpas ng kamay, at husay sa pananalita. GABAY SA EPEKTIBONG PANANALUMPATI -Maging malay sa oras. -Gumamit ng malikhaing pamamaraan. MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI: PAGHAHANDA Talumpating maisusulat pa – ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interest ng mga makikinig o manonood sa talumpati at maunawan nila ang punto ng pagbigkas. MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI: Talumpating hindi na maisusulat pa- Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip. Magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot ng tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang. MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI: PAGPAPANATILI NG KAWILIHAN NG TAGAPAKINIG Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya’t mag-isip ng teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito. May ilang bahagi na nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng mga tagapakinig sa paggamit ng matatalinhagang salita. MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI: PAGPAPANATILI NG KASUKDULAN Dapat mailahad ng mananalumpati sa kanyang tagapakinig ang pinakamatinding emosyon batay sa kanyang paksa, na siyang pinakamahagang mensahe ng talumpati. MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI: PAGBIBIGAY NG KONGKLUSYON SA TAGAPAKINIG Huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa mahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos. IBA’T IBANG URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA Impromptu - Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Extempore - Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. IBA’T IBANG URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA Isinaulo - ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. IBA’T IBANG URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA Pagbasa ng papel sa kumperensiya - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Uri ng talumpati ayon sa layuinin Talumpating nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran-Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Talumpating Panlibang- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Talumpating Pampasigla- Layunin ng talumpating ito ay magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Uri ng talumpati ayon sa layuinin Talumpating Panghikayat- hikayatin ang mga tagapakinig natanggapin ang mga paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. Talumpati ng Pagbibigay-galang- Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng simbahan o organisasyon. Talumpati ng Papuri – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati 1. INTRODUKSYON - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula: -mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig. -maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa. -maipaliwanag ang paksa Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati 2. DISKUSYON O KATAWAN - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati 3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati 4. HABA NG TALUMPATI - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. Gawain Sumulat ng sariling spoken word poetry. Malaya kang mamili ng iyong paksa. October 7, 2024 PDF Format -GENYO