Mga Malikhaing Komposisyon Yunit VIII PDF
Document Details
Uploaded by LyricalPsaltery
Batangas State University
Tags
Related
- Comprehensive Cultural Assessment in Transcultural Nursing PDF
- Comprehensive Cultural Assessment in Transcultural Nursing PDF
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- Numbers in Tagalog PDF
- Araling Panlipunan 9: Ikalawang Markahan - Linggo 7 PDF
- Pagsulat ng Komposisyon Yunit 5 PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati. Tinatalakay ang iba't ibang uri ng talumpati at ang mga katangian nito na kinakailangan para sa isang mahusay na talumpati.
Full Transcript
MGA MALIKHAING KOMPOSIYON YUNIT VIII MALIKHAING KOMPOSISYON Higit na masining ito kung ihahambing sa mga karaniwang komposisyon. mas malalim at mas makulay, wika nga. higit din ang panahong ilalaan dito. may iba't iba ring kaalaman at kasanayang kailangan sa pagsulat ng iba't ibang ur...
MGA MALIKHAING KOMPOSIYON YUNIT VIII MALIKHAING KOMPOSISYON Higit na masining ito kung ihahambing sa mga karaniwang komposisyon. mas malalim at mas makulay, wika nga. higit din ang panahong ilalaan dito. may iba't iba ring kaalaman at kasanayang kailangan sa pagsulat ng iba't ibang uri ng malikhaing komposisyon. EDITORYAL ◦ Pinakamahalagang bahagi ang isang pahayagan o magazine. ◦ Tinatawag din itong pangulong-tudling. ◦ Masasalamin dito ang kalakalan,programa at paninindigan ng isang pahayagan,lalo na sa isang pangyayaring o isyu na may malaking kahalagahan sa bayan. ◦ Hindi lamang ito nagpapahayag ng opinion o damdamin hinggil sa isang isyu o pangyayari ◦ Ito’y nagsusuri rin sa isang napapaksang isyu o kaya’y nagsusuri rin sa isang napapaksang isyu o kaya’y nagpapaliwanag sa isang malabong pangyayari. MGA URI NG EDITORIAL 1. Nagpapabatid - nagpapaliwanag tungkol sa isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol sa tinalakay na paksa. 2. Nangangatuwiran - lohikal na pangangatwiran ang isang panig ng isyu upang patunayan ang isang paninindigan. 3. Umaamuki - tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa,balak o kilos nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang gawain. 4. Pagpapakahulugan o Komentaryo ◦ - ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba pang pangyayari. 5. Pamumuna ◦ - ibinibigay ng mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu. 6. Nagpapahalaga - pinapahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng institusyon o gawin o pinaparangalan ang isang dakilang adhikain. 7. Nanlilibang - naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang gawain. 8. Nagbabalita - nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan sa buong kapuluan. Ito rin ay nagbibigay ng opinion ng editor tungkol sa isyu 9. Sumasalungat - tuwirang pagsalungat sa opinion ng ibang editor na inilathala sa ibang pagayagan. TALUMPATI ang talumpati, kung tutuusin, ay sanaysay din. isinulat ito upang bigkasin sa harap ng madla o pangkat ng mga tagapakinig. may isang uri ng talumpating hindi na isinusulat. dagliang talumpati ang tawag dito, ngunit hindi ito ang fokus ng bahaging ito ng pag-aaral. ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang talumpating inihahanda para bigkasin sumakatuwid, isinusulat. MGA URI NG TALUMPATI Talumpating Pampalibang - ang ganitong uri ng talumpati ay karaniwan sa mga salo-salo, mga pagtitipong sosyal, mga meeting ng mga klab at mga bangketa. Talumpating Nagbibigay-kabatiran - layunin ng talumpating ito na maipabatid sa mga nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri ng talumpati ang ginagamit sa pagbibigay ng ulat, mga panuto o kaya’y pahayag. Talumpating Pampasigla - sa anibersaryo ng mga bantayog na pang ala-ala, sa pagtatalaga ng mga gusali, sa pagtatapos sa mga paaralan at sa iba pang pagkakataong katulad ng mga ito, ditto gianagamit ang talumpating ito sa paggising ng isip at damdamin. Ginagamit din ang talumpating ito sa mga rally at kunvensyon dito’y sinasariwa sa ala-ala sa magagandang tradisyon at adhikaing tila nalilimot na ng madla ngunit mga tradisyon lamang ang buhayin upang may panibagong- sigla ang lakas ng diwa at isip ng mga nakikinig. Talumpating Paghikayat - itoy talumpating nagmamatruwid. Angkop ito sa sermon sa simbahan. Sa pagkampanya sa panahon ng halalan sa pakikipagtalo, sa talumpati, sa kongreso o talumpati ng abogado sa hukuman. Talumpating Nagbibigay-galang - kabilang sa mga ito ay ang talumpati ng pagsalubong sa bagong kaanib sa isang kapisanan, sa mga bagong dating na dalaw, talumpating tugon sa talumpating pagsalubong, talumpati ng pagtanggap sa isang tungkulin o sa isang ala alang handog. Talumpating Papuri - kabilang sa ganitong uri ng parangal (eulogy), ang talumpati ng pagtatalaga, ang talumpati ng pamamaalam, ang talumpati ng paghahandog at ang talumpati ng pagmumungkahi. PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TALUMPATI ◦ Unang tiyakin kung anong klaseng tagapakinig ang meron ka, halimbaway grupong intelektwal, mga kabataan , o kagawad ng isang grupong relihiyoso. ◦ Iakma sa tagapakinig na ito ang paksa at pag aralan kung sa anong dapat bigkasin ang gagawing talumpati. ◦ Sa ganito, maisusunod ang tempo ng pagsulat sa tempo ng pagbigkas niyon. ◦ Kapag nakakuha na ng paksa, gumawa muna ng balangkas. ◦ Mahalaga ito sapagkat matitiyak mo kung gaanong materyales ang iyong kailangan. Balangkas ng Talumpati A. Panimula Isang paraan ito ng pagpapasok ng paksa na ang ginagamit ay pamukaw o panggulat na pananalita upang tawagan ang pansin ang tagapakinig. Kaya lamang, iwasan maging bomabastiko baka ka kainisan ng mga tagapakinig. B. Paglalahad Isunod ang paglalahad pagkaraang maikondisyon na sa paksa ang isip at damdamin ng tagapakinig. Kailangan ditto ang sisteamtiko at malinaw na paghahalayhay ng mga kabatiran, pagpapaliwanag at panghihikayat. Balangkas ng Talumpati C. Bigay-diin o empasis Pagkaraang mailahad na ang kabuuan ng ideya o paninindigan, bigyan agad iyon ng diin upang ang bias niyon ay malalim na tumalab sa isip at kalooban ng tagapakinig. Dito nakikita kung forceful o malakas ang panghikayat ng isang tagapagsalita. D. Impresyon Wakasan ang pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagbibigay ng impresyong ang inilalahad ng ideya o paninindign ay katotohanan o kalagayan na hindi nagbabago. Sa gayon, buong-buo ang paniniwala at simpatya ng tagapakinig sa iyong talumpati kapag nagwakas ka na. REBYU ang rebyu ay isang akdang sumusuri o pumunta sa isang likhang-sining. maingat ditong binibigyang- pansin ang mga sangkap o element ng genre na nirerevyu upang ang isang kritiko ay makapglhad ng objektiv at matalinong analisis. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO 1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa niyon. 2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng genre na sinusri, 3. Pagiging tapat, objektiv at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili, at 4. Pagkakaroon ng likas na kuru-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang influwensyang may kiling. MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI 1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung itoy nobela, maikling kwento, tula, dula, pelikula, programang pantelevisyon o iba pa. 2. Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang, sapat ang habaupang maunawaan ng babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri. Hindi dapat pag-ukulan ang lagom ng kung ilang pahina. Ang kailanagan lamang ditto ay ang buod ng nilalaman. 3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang istilo o paraan ng pagkakasulat ng katha. MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI 4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag ukol din ng karampatang pagpapakahulugan. 5. Lakipan ng ilang siping (quotations) makakapagbigay-kahulugan sa ginagawang panunuri. Maingat itong piliin at samahan ng maikling pagbibigay-katuturan. 6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan ng walang lakip na batayan o patunay. Hindi sapat na sabihing “ ang akda ay maganda at kawili-wili.” Kailanagang ipaliwanag kung bakit ito maganda at kawili-wili. 7. Kailanagang nababatay din ang anumang pagpapasya sa mga takdang pamanatayan, bagamat maaaring isama rin ang sariling pagkakakilala ng sumuulat ayon sa matapat niyang paniniwala. MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI 4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag ukol din ng karampatang pagpapakahulugan. 5. Lakipan ng ilang siping (quotations) makakapagbigay-kahulugan sa ginagawang panunuri. Maingat itong piliin at samahan ng maikling pagbibigay-katuturan. 6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan ng walang lakip na batayan o patunay. Hindi sapat na sabihing “ ang akda ay maganda at kawili-wili.” Kailanagang ipaliwanag kung bakit ito maganda at kawili-wili. MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI 7. Kailanagang nababatay din ang anumang pagpapasya sa mga takdang pamanatayan, bagamat maaaring isama rin ang sariling pagkakakilala ng sumuulat ayon sa matapat niyang paniniwala. 8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa ng makapagpasya kung ang akda ay karapat-dapat niyang basahin o hindi. Dapat iwasan ang mahabang paglalahad upang hindi naman malaman ang lahat ng mambabasa ng revyuang kalahat-lahatang mga bagay at din a niya kailanganing basahin pa ang akda. MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI 9. Iwasang makulayan ang revyu ng palgay at kuro ng mga profesyunalna mamumuna na nakapagpapahayag ng kanynag kuro-kuro sa ada. 10. Pag ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nialalaman. Maaaring dahilan sa estilo ay maiba ang akda sa ibang tumatalaky sa gayon ding paksa. Maaaring sa estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa ibang akda. MAIKLING KWENTO Ang maikling kwento o maikling katha ay naklala na libu-libong taon pa bago naipanganak si Hesus. Patunay rito ang kwentong Alibughang Anak, Easter at Lazarona mababasa natin sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano. Ang mga ito ay tumutugon sa mga tuntunin at panganagailangan ng pagiging isang maikling kwento. Gayundin, ang sinasabing katha ay mauugat ntin sa panitikang Filipino partikular ang mga sinaunang salaysay tulad ng mga alamat, mga mito, mga pabula, mga epiko at mga kwentong-bayan. Ang maikling kwento bilang isang tunay na sining ay unang naipakikilala sa pamamagitan ni Edgar Allan Poe. Siya rin ang bumuo ng patnubay na dapat sundin ng isang nagnanais lumikha ng maikling kwento- ang maikling kwento ay may banghay. Ito ang dahilan kung bakit tinagurian siyang Ama ng Maikling Kwento ng mga kritiko at mga manunulat. MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO (1) isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay (2) isang panunahing tauhan na may mahalagang suliranin at kakauntian nito (3) isang panunahing tauhan na may mahalagang tagpuan at kakauntian nito (4) mabilis ang galaw ng pangyayari tungo sa kawilihan hanggang kasukdulang sinusundan agad ng wakas (5) iisang kakintalan (6) maikli ang kaanyuan at (7) nababasa sa iisang upuan lamang. Katangian ng Maikling Kwento ayon kay Alejandro G. Abadilla 1. May maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na tinatawag na banghay 2. Gumagamit ng iisang paningin na tumutukoy sa kung sinong tauhan ang dapat magsalaysay ng mga pangyayaring nakikita at naririnig niya 3. Ang pangunahing tauhan ay may suliraning tinataglay na dapat niyang bigyan ng kalutasan sa pagwawakas ng maikling kwento 4. May mahalagang ideya o paksang-diwa na iniikiran ng mga pangyayri sa akda 5. Nagtataglay ang maikling kwento ng kulay ng damdamin tulad ng kasiyahan, kalungkutan atbp. Katangian ng Maikling Kwento ayon kay Alejandro G. Abadilla 6. Natural na usapan o diyalogo ng mga tauhan 7. Nagkakaroon ng tunggalian ang pangunahing tauhan laban sa kapwa tauhan sa kalikasan o sa mismong damdamin niya, 8. May kapananabikan, kasukdulan at kakalasan, 9. May paggalaw o pag-unlad ng pangayayari sa kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin tungo sa pagkalutas ng suliranin. Ayon kay Teresita C.sayo sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, may misyon ang manunulat na nais niyang maabot sa kanyang pagsusulat maging ito man ay sanaysay, tula, nobela, drama o maikling kwento, hayagan o di man tuwirang tanggapin ng may-akda. Ang maikling kwento ay maaaring gumanap ng alin man sa mga tungkuling ito: 1. Umaliw, 2. Magbigay ng informasyon sa masining at di-hayagang pamamaraan’ 3. Maging lunsaran ng mga ideya tungo sa isang ninanasang pagbabago para sa kabutihan ng nakararami o ng bayan 4. Magpakita ng isang larawan ng buhay na hindi pa gaanong napag-ukulan ng pansin at sa kuro ng manunulat ay nararapat lamang na bigayang pagpapahalaga,at 5. Lunsaranng sining. Ito ang tinatawag sa ingles na Art for Art’s sake. ANG PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO Gamitin ang karaniwang nitong balangkas: 1. Isang pangunahing tauhang may suliranin 2. Gagawa ng mga paraan ang tauhang ito upang malutas niya ang kanyang suliranin. 3. Siya ay nakakatagpo ng mga sagabaln kaya magkakaroon ng tunggalian lilikha ng kapanabikan, 4. Ang tunggalian ay ligting hanggang umabot sa kasukdulan na sinusundan naman kaagad ng kakalasan na siyang kinalabasan ng tunggalian, at 5. Kasunod kaagad ng kakalasan ang wakas. MGA TULONG SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO 1. Bagong pagtalakay sa paksa 2. Maingat na paglalarawan ng tauhan 3. Ang paggamit ng sagisag 4. Pumipili ng uri ng maikling kwento 5. Ang kaisahan sa kwento 6. Ang mabuting pamagat 7. Ang pagsisimula at pagwawakas.