Modyul 3: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan (EsP 10) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
This module covers the concept of responsibility in freedom. It includes questions to help students reflect on their understanding of freedom in the current context. The module is suitable for primary school-level students in the Philippines.
Full Transcript
Welcome sa EsP 10 Unang Markahan Aralin 3 ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Modyul 3 1. Ano ang nagiging basehan ng iyong kilos sa mga sitwasyong hindi gaanong mabuti? 2. Ipaliwanag kung ano ang tungkulin ng ating konsyensya. KASANAYAN: 3.1. Naipaliliwanag ang tuna...
Welcome sa EsP 10 Unang Markahan Aralin 3 ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Modyul 3 1. Ano ang nagiging basehan ng iyong kilos sa mga sitwasyong hindi gaanong mabuti? 2. Ipaliwanag kung ano ang tungkulin ng ating konsyensya. KASANAYAN: 3.1. Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan. EsP10MP -Id-3.1 3.2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan. EsP10MP -Id-3.2 KASANAYAN: 3.3. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP -Ie-3.3 3.4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP -Ie-3.4 ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Modyul 3 Ano ang ibig sabihin ng kalayaan para sa iyo sa ngayong panahon? Mga Tanong: a. Ano ang masasabi mo sa video? Tungkol saan ito? b. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mo mapanood ang video? Bakit? Ano-ano ang pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya? Ano-ano ang nagiging mga hadlang sa paggamit mo ng kalayaan? Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya? Nangangahulugan ba, na ang nangyayari sa isang tao ay kagagawan ng kaniyang kapuwa? ANO ANG KALAYAAN? Ayon kay Santo Tomas de Aquino: ang kalayaan - ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito. Ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan. Ayon kay Johann ang TUNAY NA KALAYAAN ay: - ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya. - ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad. - ay malayang nagagampanan ang anumang bagay na magpapaunlad at magpapaligaya nito. Malayang lumikha, magtatag at magsagawa ng anumang makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng sarili, mga kasamahan at maging ang iyong pamayanan at walang magiging anumang agam-agam o alalahanin sa paggawa ng mga ito. Dalawang responsibilidad ng Kalayaan: (Johann) 1.Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob - ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan Dalawang responsibilidad ng Kalayaan: (Johann) 2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon - Pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon -ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa aking kagustuhan, kundi ang kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katuwiran. Ang Kalayaan Ayon kay Lipio (sumang- ayon kay Johann) Ang tunay na kalayaan ay isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Ang Kalayaan Ayon kay Lipio (sumang- ayon kay Johann) - ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa: ang magmahal at maglingkod. ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Modyul 3 DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN: 1. Kalayaan mula sa (freedom from). - ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob. Ang nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang pigilin at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN: 1. Kalayaan mula sa (freedom from). - mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao na pumipigil sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng Kalayaan katulad ng: -Makasariling interes -Kapritso -Katamaran -Pagmamataas DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN: -Makasariling interes -Kapritso -Katamaran -Pagmamataas Caprice – sudden, impulsive and seemingly unmotivated notion or action DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN: 2. Kalayaan para sa (freedom for) - ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN: 2. Kalayaan para sa (freedom for) - malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa - ang magmahal at maglingkod. Ayon kay Scheler: Ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit. Ayon kay Scheler: Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao. DALAWANG URI NG KALAYAAN: 1. Ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom (sa paliwanag ni Cruz (2012) - ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Pinipili natin ang isang bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin. DALAWANG URI NG KALAYAAN: 2.Vertical freedom o fundamental Option - Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpiling ginagawa ng isang tao. a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na halaga o fundamental option ng pagmamahal - nangangahulugan ito ng pagpili sa ginagawa ng tao; kung ilalaan ba niya ang kanyang ginagawa para sa tao at sa Diyos. b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang halaga o fundamental option ng pagkamakasarili - ito ang mas mababang fundamental option dahil wala kang pakialam sa iyong kapwa at sa Diyos. Tandaan: Ang tunay na kahulugan ng kalayaan, ito ay ang kakayahang magmahal at maglingkod.