MODYUL 1 ANG DAIGDIG NOONG PANAHON NI RIZAL PDF

Summary

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga katanungan, impormasyon, at mga detalye tungkol kay Jose Rizal at ang daigdig noong kanyang panahon. Naglalaman din ito ng pre-test at post-test na may mga katanungan ukol sa paksa.

Full Transcript

BUHAY AT MGA AKDA NI JOSE RIZAL Layunin: Sa pagtatapos ng kabanata, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Ganap na mailarawan ang kondisyon ng Europa, Amerika at Espanya na nakapaligid sa mga kaganapan sa Pilipinas noong ika-19 dantaon; 2. Makagawa ng kabatiran sa panlipunan,...

BUHAY AT MGA AKDA NI JOSE RIZAL Layunin: Sa pagtatapos ng kabanata, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Ganap na mailarawan ang kondisyon ng Europa, Amerika at Espanya na nakapaligid sa mga kaganapan sa Pilipinas noong ika-19 dantaon; 2. Makagawa ng kabatiran sa panlipunan, kultural, pulitikal at pang-ekonomiyang kondisyon ng Pilipinas noong ika-19 dantaon; at 3. Makagawa ng kritika sa pang-ekonomiyang kondisyon ng mga Pilipino noong ika-19 dantaon. 4. Maipaliwanag ang konsepto ng sekilarisasyon; 5. Maisalaysay ang mga pangyayaring maglalahad sa p ag-aalsa sa Kabite; PRE-TEST TAMA O MALI: Sabihin kung ang pangungusap ay Tama o Mali. Ilagay ang sagot sa bawat patlang. ______ 1. Si Jose Rizal ang ikapito sa labing isang anak nina Francisco at Teodora. ______ 2. Tinawag ni Francisco si Paciano na “Huwaran ng mga Anak”. ______ 3. Si Soledad ang bunso sa magkakapatid na Rizal ______ 4. Noong isinilang si Rizal ang gobernador heneral ng pilipinas ay si Gob. Heneral Camilo de Polavieja. ______ 5. Ang ngalang Jose ay pinili ng kanyang ina sa propetang San Jose ______ 6. Si Padre Burgos ang tumulong kay rizal upang tanggapin siya sa Ateneo Municipal. ______ 7. Si Jose ay sinamahan ng kanyang Ama ng mag-aral siya sa Binan. ______ 8. Ang ama ni Rizal ay nag-aral ng Latin at Pilosipiya sa koliheyo ng San Jose sa Maynila ______ 9. Mas naging malapit kay Rizal ang UST kaysa sa Ateneo. ______ 10.Si Leonor Rivera na kasinthan ni Rizal ay pinsan niya. ______ 11.Ang tatay ni Rizal ay pang-labingtatlong anak nina Kapitan Juan at Kapitana Cirila ______ 12.Noong 1831 ginamit ni Domingo Lameo ang apelyidong Mercado ______ 13.Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga Principalia ______ 14.Ang lupang pinagtatamnan ng magulang ni Rizal ay inuupahan nila sa Ordeng Dominiko. ______ 15.Ang tahanan nina Rizal ay may isang palapag na gawa sa batong adobe at matigas na kahoy Ang Pilipinas sa ika-19 Siglo Nang lalong mapamahal at maunawaan ang buhay ni Dr. Jose Rizal kailangan malaman ang pangkasaysayang sitwasyon ng daigdig at Pilipinas nooong panahon niya. Ang ika-19 dantaon nasiyang kinabibilangan niya sa siglo ng ligalig na sanhi na mga pagbabago sa kasaysayan. Sa Asya Europa at Amerika dumaluyong ang mga pangyayari malaki ang naging epekto sa buhay at kapalaran ng sanlibutan. MODULE 1: Ang daigdig noong panahon ni Rizal Noong pebrero 19, 1861, apat Na buwan bago isinilang si Rizal sa Calamba, ang liberal na si Czar Alexander II (1855-1881), para palubagin ang umiigting na pag tutol ng taungbayang Ruso ay nag isyu ng proklamasyon nagpapalaya sa 22,500,000 alipin. Nang isinilsng si Rizal noong 19, 1861 nagaganap ang giyera sibil (1861-1865),sa estados unidos noong abril 12, 1861 napalitan si pangulong Lincoln na ipatupad ang kanyang napabantog na proklamasyon ng Emansipasyon ng mga aliping negro noong setyembre 22.1863 Noong hunyo 1, 1863 labingwalon garaw bago kappanganakan ni Rizal si benito Juarez katutubong indiyang Zapotec ay nahalal ma pangulo ng Mexico.dahil noo’y may gareya sibil sa estados unidos hindi makahingi ng tulong ang pangulong Juarez sa kanyang kaibigang si pangulong Lincoln para matatag ang kanyang pananakop samexico iniloklok ni napoleon III si punong doke maximilian ng austrira bilang tau-taohan Noong hunyo 12 1864 sa wakas nng magtapos ang giyera. Noong hunyo 19 1867 ay ipinatibay si emperador Maximilian parang bula ang ambisyon ni emperador Napoleon IIIna sakupin ang latin. Sa panahon ni rizal dalawang bansang eropeo hukbong ng “Red Shirts” ang nagtaboy sa mga hukbong asutrayano at pranses mula sa itali sa ilalim ni nharing victor Emmanuel at pinili ang roma. Noong enero 18.1871 aty si haring Wilhelm ng Prussia ang unang Kaiser ng imperyong alenman Emperador Napolion III sa labi nito itinatag ang ikatlong republikong pranses at si adolpo thiers ang unang pangulo nitop. Sa panahon ni Rizal ay nakita ang pamumulaklak ng imperyalismomg kanluranin. Namguana ang inglatera. Noong pagrereyna ni Victoria (1837-1901), buong pagmamalaking ipinahayag ng mga ingles na ang britanya ang siyangnaghahari sa mga dayulong dihil sa pag kapanalo sa unang digmaan ng apyan 1840-1842 laban sa emperyo ng tsina. Sa ikalawang digmaam ng apyan1856-1860 nanalo uli ang ingletera at napalitan ang dinastiyang Manchu nia ipagkaloob ditto ang tanglaw ng koloon.noong 1859 pagkaraang masupil ang rebeltong indiyano at mabuwqal ang imperyong mogul Sumunod ang ibang imperyalista sa ginawa ng britanya sinakop ng mga ito nang mahihinang bansda sa timog silangan sa asy. Noong 1858 1863 ang pransiya sa hukbong mga Pilipino sa ilalim ng mga opisyal na espanyol. Ang mga olanders pagkaraan maitabog ang mga portages at espanyol sa east indes noong ika 17 dantaon ay sinakop ang mayamang kalupaan nat tinawag itong Netherlands east indies (Indonesia). Dahil hindi napalawak ang sakop nito pakanluran patungong europa nag pasya ang Russia sinakop nito ang Siberia at kinaluunan sinakop din ang Kamchatka kuriles at Alaska. Noong 1867 sa halagang $7,200,000 mula 1865-1884 sinakop niya ang mga lupaing muslim ng Bokhara khiva at Kokand sa gitnang asya. noong hulyo 8 1853 isang ameriksanong hukbo sa pamumuno ni komandante matthew c. perry ang muling ngabukas ng japans a mundo pagkaraan ng pang yayari nito na nagwakas sa 214 taong pag kakabokodhapon si emperador meiji Mutsuhito ay nag patupad ng moderisasyon ng bansa sa pamamagitan ng pag tang gap sa mga impluwensiyang kanluranin kasama na rito ang imperiyalismo Pinakamalaks ang kanyang sandatahan at hukbong dagat sa batayang kanlurininat nang sumapi sa mga puwersang imperyalista ay sinalakay ang mahinang tsina na humantong sa labanan sino hapon (1894- 1895)at Inagaw ang formossa at pescadores kinalaunan noong 1910 ay sinakop nitto ang korea. Matatandaanna mga alemanta nagging estadong soberanya noong enero1871.sa pag hahanapng masasakupan binalingan nito ang mga kalupaan sa gitnang pasipiko. Noong agosto 15, 1885, isang alemanyang barko ang ilties ang dumaong sa yap.nakapagtatakang hindi tinulungan ng gobernador na espayol ng corolines si don Enrique capriles Ang pag sa kop ng alemanya sa isla ng yap ay natuklasan ng kapitan ng isang galeong maynila si Francisco lezcano ang banal na papa pagkaraan ng masusing pag aaral sa mga dokumenton g partinenteng ng dalawang paryido ay nga isyu ng kanyang desisyon noong oktuber 22 1885 na kumakatig sa espanya at alemanya ang desisyon ng papa kung kayat hindi natuloy ng digmaang hispano aleman interenteng malaman na noong mga krityikal na panahon ding iyon sumulat siya ng artikolo ntungkol sa hidwaan sa carolona na nailathala sa la publicidad pahayagang pag aari ni don Miguel morayta Habang ang mga puwersang imperyalista ay umaani ng mga prutasng kanilang pananakop ang kapang yarihan sa mundo ay humihilagpos na sa eapanya na dating ginang ng mundo nawawala na ang kanyang siglo de oro Ang Pilipinas noong panahon ni Rizal Noong panahon ni Rizal ang panunupil ng espanya sa pilipinas ay laganap na laganap. Naghihirap na ang mga Pilipino. Naging mga biktima sila ng kawalang katarungan. Ilan sa kasamaan ng Espanya ay ang mga sumusunod: 1. Di matatag na administrasyong kolonyal Ang kawalan ng katatagan sa pulitikang espanyol mula noong paghahari ni haring Fernando VII (1880-1833) ng nagging tanda sa kaguluhan political sa esspanya. Nagkaroon na madalas na pagbabago sa pamahalaan g espanyol dihil sa malupit na tunggalian. Mula 1834 -1862 nagpatibay na apat na konstitusyon ang espanya naghalal ng 28 parlamento at naglukluk ng hindi kukulaing 529 ministro. Ang kawalan na katatagan politikaslsa espanya ay nagkaroon ng malaking epakto sa mga kalakaran sa pilipinas. Para mailarawan ang nakakagulong politika noon at mga apekto nito isang anektoda ang madalas na ikwuwento noong 1850 ang mahabang rutang bumabagtas sa tangos ng Good Hope ang dinaanan nila kaya inabot siya ng anim na buwang paglalakbay.katung kulan at ang puma;lit na minister ang siyang nag pangalang ng bagong hurista Ang madalas na pagpapalit sa mga opislay ay nakahadlang sa kaunlaran ng pang ekonomiya at political sng pilipinas.at natural lamang a gaano man kahusay ang isng punong ehekutibo wala itong magagawa para sa kanyang panunungkulan. 2. Mga tiwaling opisyal ng kolonyal Liban sa iilan karamihan sa mga opisyal ng kolonyal. Noong ika 19 na dantaon ay malayung malayo sa mahusay sa pilipinas.espanya ng ika 19 na dna taon hindi ng espaya ng siglo de oro na nagluwal kina Miguel Cervantes lope de vega caideron dela barca el Greco velasquez st. Theresa de avila at iba pang ka;uwalhatian ng nasyon hispanico. Si heneral Rafael de izquierdo (1871-1873) hambog at walang pusong gobernador heneral ay kinamuhian ng mga Pilipino dahil sa pagtibay nito sa mga inosenteng pari.sina mariano gomeZ jose burgos at jacinto Zamora ang mga marti. Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, maynila, si Mariano Gomez ang nauna na binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa unibersidad ng sato tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa. Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos Ang susunod na binitay ay si Jacinto Zamora, na ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, “Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag. Heneral Fernando primo de Rivera na dalawang alam Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero sa Vigan, illocos sur ang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang iba pang opisyal na espanyol noong pa mang 1810 pinuna na ni tomas de comyn manunulat na espanyol at opisyal ang pamahalaan ang mapait na katotohanang mga ignoranteng barber. 3. Representasyaon ng Pilipinas sa Cortes Para makakuha ng sopurta ng mga kanyang mag kolonyal noong ng panahon ng pananakop ni Napoleon binigyan ang mga espanya ng mga ito ng representasyon sa cortes mula 1810 -1813 ipinakita ng kasaysayan na ang unang delegado ng pilipinas si Ventura de los Reyes ay naging aktibo sa pagbalangkas ng unang konstitusyong demokratoko ng espanya at isa sa 184na lumagda rito. Ang unang pagkakaktaon ng representasyon ang pilipinas sa cortes (1810-1813) ay nagging makabuluhan.pangalawang representasyon (1820-1823) at ikatlong representasyon (1834-1837). Sa kasamaang palad ang representasyonng mga kolonyal sa cortes ay binuwag noong 1837. Kaya kahit na lumala ang kalagayan sa Pilipinas. 4. Pagkakait ng mga Karapatang Pantao sa mga Pilipino Mula ng ipagtibay ang Konstitusyon ng 1812 at iba pang konstitusyon noong mga sumunod na taon, tinamasa ng mga Espanyol ang kalayaan ng pananalita, kalayaan ng pamamahayag, kalayaan ng asosasyon, at iba pang karapatang pantao (liban sa karapatan sa relihiyon). Masigasig na binantayan an mga karapatang ito kaya walang monarkiyang nangahas na buwagin ang mga ito. Ngunit kataka-takang ang mga awtoridad na Espanyol na nagpahalaga sa kanilang mga karapatang pantao o kalayaang konstitusyunal sa Espanya ang siyang nagkakait ng mga ito sa mga Pilipino sa Asya. Ang ganitong ugali ay pinuna si Sinibaldo de Mas, Espanyol na ekonomista at diplomatiko, noong 1843. 5. Walang pagkakapantay-pantay sa Pagpapatupad ng Batas Ang mga misyunerong Espanyol na nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas noong ika-16 dantaon, ang nagturo na lahat ng tao, anuman ang kanilang kulay at lahi ay mga anak ng Diyos, at dahil lahat ay magkakapatid, lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos dahil ditto karamihan sa mga Pilipino ay nagpabinyag na mga Kristiyano. Ang mga awtoridad na Espanyol ay mga Kristiyano ngunit hindi nila isinabuhay ang aral ni Kristo hinggil sa kapatiran ng lahat ng tao sa ilalim ng pagbabasbas ng Diyos. Totoong –totoo ito lalo na noong huling dekada ng pananakop ng mga Espanyol. Lalo silang nagging mapang-api sa mg kulay kayumangging Pilipino. Mas mababa ang trato nila sa mga ito- hindi mga kapatid na Kristiyanong dapat kalingain. 6. Tiwaling pagpapatupad ng sistema sa hustisya Ang mga hukuman ng hustisya sa Pilipinas noong panahon ni Rizal ay nakapakatiwali kaya nga masasabing mga hukuman ito ng kawalang hustisya kung ang mga Pilipino ang isasaalang-alang ng mga huwes piskal at iba pang opisyal ng korte ay walang karapatan su tungkulin dahil ignorante sa batas. Yaman, prestihiyong panlipunan, at kulay ng balat ay mga kailangang salik sa pagpapanalog kaso hukuman ay isangkalamidad.ang gagastusin kahitsa isangsimpleng ay kaso madalas labis pa sa halaga. Isang klasikong halimbawa ng tiwaling administrasyon ng hustisya ay ang kaso ni Juan de la Cruz nooong 1886- 1898 noong gabi ng hunyo 7, 1886inaresto at ipinakulong dahil diumano sa isang sala na isang bagay nman na walang kakuwen kuwenta. Si Rizal mismo ay ipinatapon noong hunyo 1892 sa sa dapitan kahit hindi siya nililitis. Ang kanyang kapatid na si paciano at ang mga bayaw ay ipinatapon sa iba’t ibang bahagi ng kapuloan nang hindi dumaan ng maayos sa paglilitis.katulad ng mga paring sina mariano gomez, jose burgos,at jacinto Zamora, si Rizal ay binitay—magiting na biktima ng tiwaling administrasyon ng mga espanyol sa hustisya. 7. Diskriminasyon ng mga lahi Ipinakilala ng mga espanya ang mga kristiyanismo sa Pilipinas kasama rito ang mga konsepto ng pagkapantay pantay ng lahat sa mata ng diyos. Ang mga awtoridadna espanyolmga sibil At EKSIYANISMO ay naging sasigasig sa pagpapalaganap ngpananampalatayang kristiyanismo ngunit hindi naman sila sumusunod sa mga aral nito. Ang turing nila ssamga pilipinong napasampalataya sa kristiyanismo ay hindi mga kapatid at kundi isang mababang uri ng tao na hindi karapat dapat sa mga krapatan at perbihiyong tinatamasa ng mga putting espanyol. Ang di makatuwirang pagtingin samga lahi ay laganap saanman sa pamahalaan opisina hukuman sandatahan sirkulong panlipunan at kahit sa mga institusyon pang edukasyon at hanay ng simbahan. Isang magandang halimbawa sa jose burgos (1837-1872) na nanagis sa maling konsepto ng mga merito nhg tao. Kailangang magsikap ang isang bata sa larangan na batas o teolohiya gayong wala namang magandang hinaharap na naghihintay sa kanya? Bakit kailangan mangarap ang isang bata at magsunog ng kilay sa gabi gayong anumang marangal na adhikain ay madudurog dahil sa magandang atmospera gayong alam niyang ang karangalan at magandang buhay ay para lamang sa mga may pribihiyo?” 8. Paghahari ng mga prayle Dahil sa pilosopiyang politikal ng espanya hinggil sa unypon sa simbahan at estados sumibol ang natatangaing anyo ng espanyol na pamahalaan ng pilipinas na kung tawagin ay FRAILOCRACIA. Tinawag sa ganitong ngalan dahil ito ay pamahalaan ng mga prayle.” Ika 19 na dantaon napasakamay nila ang kapangyarihang politika impluwensya at kayamanan. Ang mga prayle ang siyang namamahala sa pilipinas at nakatago sa ngalan ng pamahalaan sibil.ang mga awtoridad mula sa gobernador heneral. Maipadakip at mapakolong ang isang makabayang Pilipino o maituturing nilang pilibustero na dapat ipatapon sa malayong lugar o bitayin na tulad ng isang kaaway ng diyos at espanya. Tinuligsa nina Rizal, M.H. del pilar, G. Lopez Jaena at ibapang pilipinong repormista ang FRAILOCRACIA. Isinisi nila rito ang laganap na patakaran ng panatisimo, kalabuan at panunupil sa bansa. FRAILOCRACIA.ay may dalawang mukha. Ang di magandang mukha nito ay ay inilarawan ni Rizal at kanyangmga kapanabay sa pamamagitan ng paghihiganti sa ilang prayleng may masasamang budhina umusig sa kanila. FRAILOCRACIA. Ay mabuti rin naman. Sa kanyang opinyon ni Dr. JoseP. Laurel na malaki namang kawalan ng utang na lood sa ating mga pilipino. Ngunit kailangang pasalamatan ang mga prayleng espanyol dahil sila ang nagpakilala ng kristiyanismo at sibilisasyong europeo sa pilipinas. Malaki rin ang utang ng mga Pilipino. Kundi sa kanilang serbisyo ang taung bayang pilipino ay hindi magiging natatanging bansa kristiyano sa Asya natatanging bansa sa asya ns may ipinagmamalaking pamanang oriental latino hispano at amerikano. Gayunman nakalulungkot pangyayari ng mga prayleng espanyol na nga puta sa pilipinas ay mabuting tao at bkarapat dapat na ministro ng diyos. At sa maringal na tradisyon na pudador na iberianaysina padre miguel lucio Bustamante, Padreb antonio piernavieja at iba pang prayleng lilong na ini larawan ni Rizal sa mga kanyang nobela bilang sina padre damaso at padre salvi. Ginawa silang kakatwang karikatura ni Jaena sa kanyang Fray botod. Ang masasamang prayle na ito ay dinungisan ang marangal na ngalan ng espanya.ang reputasyon ng daan-daang mabubuting prayle at pinaigting ang pagkamuhi ng mga pilipino sa mga espanyol na ordeng relihiyoso. 9. Sapilitang paggawa Kilala sa tawag na polo ito ay sapilitang paggawa ng mgs awtoridad na espanyol sakalalakihang pilipino sapagpapatayo ng mg asimbahan paaralan ospital pagpapagawa at pag papaayaos ng mga kalsada at tulay pag papagawa ng barko at iba pang gawaing pampubliko. Noong unang mga kalalakihang pilipino edad 16-60 ang pinag uutusang gumawa sa loov ng 40 araw sa isang taon kinalaunan ang antas ng hari noong hulyo 12 1883 na ipinatupad ng mga bagong regulasyon ng konseho ng estados noong pebrero 3 1885 ay nagtaas sa edad ng mga polista mula 16-18 taong gulang at binawasan manang mga araw ng paggawa mula 15-40 antas ding ito ang nagsasabing di lamang ang mga katutubong pilipino kudi pati rin ang mga lalaking risedenteng espanyol mula edad 18-60 ay kailngangumawa para sa publiko. Kinamuhian ng mga Pilipino nga karapatan ng sapilitang paggawa dahil sa mga ginagawang pang aabusong konektado dito. Unang una ang mga mapuputing resedenteng espayol taliwas sa batas ay hindi pinasasama ng mga awtoridad na espanyol. Pangalawa ang mga polistang Pilipino ayon sa batas ay makatatanggap ng sahod ng dalawang pesetas ngunit bahagi lamang ng halagang ito ang natataggap. Isang totong insidente ng pagpapahirap ng mga Pilipino sa sa pilitang paggawa ay isinalaysay. 10. Mga asyendang pag aari ng mga Prayle Noong panahon ni Rizal ang mga prayle mula sa ibat ibang relihiyosong orden ay mayayamang may lupa dahil sa pag aari nila ang pinakamagandang asyenda sa pilipinas. Ang mga taga-nayon na naninirahan sa asyendang ito at nagsasaka narito ng ilang hanarasyon ay naging kasamang magsasaka. Natuarl na lamang na tutol sila sa pag kawala ng lupang pag-aaripa ng kanilang mga ninuno bago pa dumating ang kanilang mga espanyol. Sa legal na batayan ng mga prayle ang kikilalaning legal na may ari ng mga naturing may ari ng lupa dahil may pinang hahawakan silang titulo ng pag aari na nakamit nila mula sa korona ng espanya. Kaya naging lugar ito ng mga pag alsang agraryo dahil itinuturinga ng mga pilipinong kasamang magsasaka ng mga prayelng maylupa na siyang nagnakaw sa lupa ng kanilang mga ninuno. Isa sa mga madugong pag aalsang agraryo ay naganap noong 1745-1746 Noong pa mang 1768 naisip na ni gobernador anda ang panganib na maaaring idulot ng mga asyendang pag aari na mga prayle sa ralasyong pilipino-espanyol. Kaya mahigpit niyang inirekomeda sa pamahalaang madrid ang pagbebenta ng mga lupang prayle. Sa kasamaang palad ang kanyang matalinong rekomendasyonay isinawalang – bahala. Ang pag kagalit ng mga Pilipino sa mga prayle na naging may lupa ay lalo lamang umigting hanggang sa pagtatapos na pananakop ng espanya. Si Rizal na ang pamilya at ibang kamag anak ay mga kasama sa estadong dominiko na calamba ay sinubukang maglusad ng mga repromang agraryo noong 1887 ngunit hindi ito natupad. Ang kanyang pagtataguyod ng mga repormang agraryo ay lalo lamang nagpagalit samga prayleng dominiko na gumanti sa pagpapataas ng upa sa lupang sinasaka ng kanyang pamilya at iba pang kasama sa Calamba. 11. Ang mga guardias Civiles Ang pinakamumuhiang simbolo na pagmamalupit ng mga espanyol ay ang guardias civiles na nilikha ng antas ng hari noong 14 1888 para mapangalagaan at mapanitili ang kapayapaan at kaayusan sa pilipinas ito ay tinulad mula sa kilalaat napakadisiplinadong guardias civiles. Bagaman totoong ang mga guardias civiles sa pilipinas ay nakapag-ambag ng mabuting serbisyo sa pagsugpo sa paglaganap ng mga bandido sa mga lalawigan kinalaunan ay nakilala sila sa pang aabuso gaya ng pag mamaltarto sa mga inosente pagnanakaw ng kanilang kalabaw manok at iba pang pag aari at pang gagahasa ng kawawang kababaihan. Si Rizal mismo ay naging saksi sa mga pang aabuso ng mga guardias civiles sa mga taga calamba. Siya siya at ang kaniyang ina ay naging biktima ng mga pagmamalupit ng isang tenyente na mga guardias civiles Kaya natural lamang kay Rizal na ilarawan sa pamamagitan ng satirika ang kanyang pagkamuhi sa mga guardias civiles. Sa pamamagitan ni Elias sa noli me tangere ibinunyag niya na nga mga guardias civiles mahusay lamang sa paggambala ng kapayapaan at pag uusig sa mg a tapat na tao. Inimung kahi niya na ang mga pagpapaunlad ng organisasyon militar sa pamamagitan ng pagbuo ng samahan ng mabuting mga taong may pinag aralan at magandang prinsipyo at alam ang limitasyon at responsabilidad ng awtoridadat kapang yarihan. Ang labis ng kapang yarihan sa kamay ng tao ignoranteng taong puno ng kapusukan walang pagsasanay na moral ng di pa nasubukan ng prinsipyo sabi niya sa pamamagitan ni Elias ay iang armas sa kamay ng isang sira-ulo sa isang walang kalaba laban taumbayan. Kabanata 1: ANG PAGSILANG NG PAMBANSANG BAYANI Siya ay isang Doktor ( siruhano sa mata), makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, etnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemisista, manlalaro, manlalakbay at propeta. Pagsilang ng Isang Bayani Hunyo 19, 1861- isinilang si Jose Rizal sa Calamba, Laguna Hunyo 22, 1861- bininyagan si Jose Rizal, ni Padre Rufino Collantes- kura paroko, isang Batangueno. Padre Pedro Casanas- ninong ni Jose Rizal Tenyente- Heneral Jose Lemery- Gobernador Heneral ng Pilipinas noong isinilang si Jose Rizal -dating senador ng Espanya ( miyembro ng mataas na kapulungan ng Cortes ng Espanya) Pebrero 2, 1861- Hulyo 7, 1862- pinamunuan niya ang Pilipinas Mga Nagawa Bilang Gobernador Heneral 1. Pagtataguyod sa pagtatanim ng bulak sa mga lalawigan 2. Pagtatatag ng mga pamahalaang politiko- militar sa Visayas at Mindanao Mga Magulang ni Rizal Francisco Mercado Rizal – ( 1818-1898) -ama ni Rizal Mayo 11, 1818- isinilang sa Binan, Laguna, nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila Enero 5, 1898- namatay sa Maynila, edad na 80, “Huwaran ng mga Ama” Dona Teodora (1826-1911)- ina ni Rizal Nobyembre 8, 1826- isinilang sa Maynila -nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang Kolehiyo para sa mga kababaihan sa lungsod Agosto 16, 1911- namatay sa Maynila edad na 85 Ang Mga Batang Rizal 1. Saturnina (1850-1913)- Neneng Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas 2.. Paciano (1851-1930)- isang matandang binata -sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at naging Heneral Abril 13, 1930- namatay sa edad na 79 Severina Decena 3. Narcisa (1852-1939) –Sisa -isang Guro sa Morong Antonio Lopez- asawa 4. Olimpia (1855-1887) –Ypia Silvestre Ubaldo- operator ng telograpo mula Maynila 5. Lucia (1857-1919) Mariano Herbosa- asawa, pamangkin ni Padre Casanas 6. Maria (1859-1945) – Biang Daniel Faustino Cruz- asawa, taga Binan Laguna 7. Jose (1861-1896)- Pepe -pinakadakilang Bayaning Pilipino at Henyo Josephine Bracken- isang Irlandes mula Hongkong Francisco- pangalan ng sanggol 8.Concepcion (1862-1865)- Concha -namatay sa sakit sa edad na 3 9. Josefa (1865-1945)- Panggoy -namatay ng matandang dalaga sa edad na 80 10. Trinidad (1868-1951)- Trining -namatay na matandang dalaga sa edad na 83 11. Soledad(1870-1929)- Choleng Pantaleon Quintero- asawa Paciano- pangalawang ama ni Rizal Pilosopo Tasio Hunyo 23, 1888- unang liham kay Blumentritt Oktubre 12, 1888- sumunod na liham kay Blumentritt Ang Mga Ninuno ni Rizal Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran- Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon at Espanyol. Ngunit mas nakalalamang ang pagiging Malay niya at isa siyang mahusay na ispesimen ng kalalakihan. Domingo Lameo- isang Tsinong imigrante mula sa Changchow, Lungsod ng Fukien, na dumating sa Maynila noong taong 1690. Ines de la Rosa- napangasawa ni Domingo Lameo Francisco Mercado- anak nina Domingo Mercado at Ines de la Rosa Cirila Bernacha- mestisang Tsinong Pilipino, asawa ni Francisco Mercado -nahalal na Gobernadorcillo (alkalde ng Bayan) Juan Mercado- lolo ni Rizal, naangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestisang Tsinong Pilipino nagkaroon ng 13 na anak sina Juan at Cirila, bunso ay si Francisco Mercado na ama ni Rizal Francisco Mercado- nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila Teodora Alonso Realonda- estudyante sa kolehiyo ng Santa Rosa Hunyo 28, 1848- ikinasal sila Partido ng Ina ni Rizal Lakandula- huling katutubong hari ng Tondo Eugenio Ursua- kanu-nu-nunuan ( lolo sa tuhod ni Rizal) na may lahing Hapon Benigna – isang Pilipino napangasawa ni Eugenio Regina- kanilang anak, ikinasal kay Manuel de Quintos, isang abugadong Tsinong – Pilipino mula Pangasinan Brigida- isa sa mga anak nina Abogado Quintos at Regina -napangasawa ni Lorenzo Alberto Alonzo, isang kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Binan. Ang kanilang mga anak ay sina Narcisa, Teodora ( ina ni Rizal), Gregorio, Manuel at Jose. Ang Apelyidong Rizal Ang tunay na apelyido ng mag- anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong 1731 ni Domingo Lameo ( kanunu- nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama) na isang Tsino. Ginamit ng mag- anak ang “Rizal” na ibinigay ng isang Espanyol na Alcalde Mayor ( Gobernador ng lalawigan) ng Laguna, na kaibigan ng pamilya. Ang Tahanan ng Rizal Ang tahanan ng Rizal, kung saan isinilang ang bayani, ay isang katangi- tanging bahay- na- bato sa Calamba noong Panahon ng Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy at may bubong na pulang tisa. Isa itong masayang tahanan. Mabuting Pamilya na Nakaluluwag sa Buhay o Nakaririwasa - sila ay kabilang sa mga principalia - isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba - nakapag –aani sila ng palay,mais at tubo - nag- aalaga sila ng baboy, manok at pabo - may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina, at gawaan ng hamon Patunay ng pagiging mayaman nila: - nakabili at nakapagpatayo ng malaking bahay - mayroon silang karwahe - isang pribadng aklatan - napag-aral nila ang mga anak sa mga kolehiyo sa Maynila Ang Buhay ng mga Rizal - payak ngunit masaya ang buhay pamilya ng mga Rizal - hindi nila pinalaki ang mga anak sa layaw - istrikto silang mga magulang - naniniwala sila sa kasabihang “ Kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa layaw.” - araw-araw ay nakikinig sa misa ang mga Rizal lalo na kapag Linggo at pista opisyal. - masaya silang naglalaro sa azotea o hardin KABANATA 2: KABATAAN SA CALAMBA AT BINAN Ang Calamba Nagmula sa salitang “banga” Asyendang-bayang pinamamahalaan ng Ordeng Dominiko, na may-ari rin ng mga lupain sa paligid nito Ilang kilometro patimog makikita ang maalamat na Bundok Makiling at sa gawing ito pa ay ang lalawigan ng Batangas Sa Silangan ay ang Lawa ng Laguna Sa hilaga ay ang bayan ng Antipolo- kilalang dambana ng milagrosang Birhen ng Kapayapaan at Ligtas na Paglalakbay Noong 1876, nang si Rizal ay labinlimang taong gulang at estudyante sa Ateneo Municipal de Manila, naalala niya ang bayang sinilangan. Bunga nito ay nakasulat siya ng isang tula. “Un Recuerdo A Mi Pueblo” (Isang Alaala sa Aking Bayan) Nagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan; Kung alalahanin ang damping marahan halik sa noo ko ng hanging magaslaw ito'y naglalagos sa 'king katauhan lalong sumisigla't nagbabagong buhay Kung aking masdan ang liryong busilak animo'y nagduruyan sa hanging marahas habang sa buhangin dito'y nakalatag ang lubhang maalon, mapusok na dagat Kung aking samyuin sa mga bulaklak kabanguhan nito ay ikinakalat ang bukang liwayway na nanganganinag masayang bumabati, may ngiti sa lahat. Naalaala kong may kasamang lumbay ang kamusmusan ko nang nagdaang araw Kasama-sama ko'y inang mapagmahal siyang nagpapaganda sa aba kong buhay. Naalaala kong lubhang mapanglaw bayan kong Kalambang aking sinilangan sa dalampasigan ng dagat-dagatan sadlakan ng aking saya't kaaliwan Di miminsang tumikim ng galak sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag Mababakas pa rin yaong mga yapak na nag-uunahan sa 'yong mga gubat sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat ang mga dasal ko'y laging nag-aalab habang ako nama'y maligayang ganap bisa ng hanging mo ay walang katulad. Ang kagubatan mong kahanga-hanga Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha sa iyong himlayan ay wala nang luha wala nang daranas ni munting balisa ang bughaw mong langit na tinitingala dala ang pag-ibig sa puso at diwa buong kalikasa'y titik na mistula aking nasisinag pangarap kong tuwa. Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw dito'y masagana ang saya ko't aliw ng naggagandahang tugtog at awitin siyang nagtataboy ng luha't hilahil Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin ang katauhan ko'y dagling pagsamahin tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin sa pananagana ng bukong nagbitin. Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat ako'y magbabantay, walang paghuhumpay ang kabutihan mo na sa aking pangarap Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap ng dakilang Diwa ng maamong palad; tanging ikaw lamang panatang maalab pagdarasal kita sa lahat ng oras na ikaw ay laging manatiling tapat. Mga Alaala ng Kabataan Masasayang araw ni Rizal sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taong gulang Pagtatayo ng kanyang ama ng isang bahay kubo na mapapaglaruan niya sa araw Pinagmumunihan niya ang kagandahan ng kalikasan kapag siya ay mag-isa. Pinapanood ang mga ibon at pinakikinggan ang mga huni ng mga ito. Araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon Pagrorosaryo sa mga gabing iniilawan ng mabilog na buwan ang kanilang azotea Pagkukuwento ng yaya sa kanilang magkakapatid tungkol sa mga kababalaghan Paglalakad sa bayan kasama ang kanyang yaya Unang Kalungkutan ng Bayani pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion) sa mga kapatid niyang babae dahil ito ang kala-kalaro niya at dito niya natutunan ang pagmamahal Namatay si Concha sanhi ng sakit noong 1865 sa edad na tatlo. Debotong Anak ng Simbahan Isinilang at pinalaki si Rizal sa diwa ng Katolisismo Sa edad na tatlo kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya Sa edad na lima, marunong na siyang magbasa ng Bibliya ng pamilya sa wikang Espanyol Binibisita ni Rizal si Padre Leoncio Lopez, ang kura ng bayan, upang pakinggan ang makabuluhang opinyon nito sa mga pangyayari sa paligid Peregrinasyon sa Antipolo Nagtungo si Rizal at ang kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang peregrinasyon na ipinanata ni Doña Teodora nang isilang si Jose. Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna, lulan ng isang kasko Matapos nito ay ang unang pagpunta ni Rizal sa Maynila upang dalawin si Saturnina na estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana. Ang Kuwento ng Gamugamo Ito ay ikinuwento sa kanya ng kanyang ina upang mabuhay ang interes ni Jose sa pakikinig ; noon ay tinuturuan itong bumasa ng kartilyang Espanyol na “El Amigo de los Niños” (Ang Kaibigan ng mga Bata) Ang naging kapalaran ng dalawang gamugamo ay naging mahalagang pangyayari kay Jose “namatay na martir sa sariling ilusyon” ay nagkintal ng magandang aral sa kanya Mga Talinong Pansining Sa edad na lima, gumuguhit na si Jose gamit ang lapis at humuhubog ng magagandang bagya sa luwad o wax. Ang bandilang panrelihiyon ay pinintahan niya ng mga kulay de-langis. Nakatagpo siya ng ligaya sa kapaligiran Unang Tula Ni Rizal Sa edad na walo, isinulat ni Rizal sa katutubong wika, ang una niyang tula na pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata” Sa tulang ito ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig Sa kanyáng salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastilà at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noong dakong una Unang Drama ni Rizal Sinasabing noong walong taong gulang si Rizal ay isinulat niya ang unang dula na isang komedyang Tagalog. Ito ay itinanghal sa isang pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood Napanood ito ng gobernadorcillo mula Paete at nagustuhan niya ito at binayaran ng dalawang piso Si Rizal bilang Batang Salamankero Mabilis ang kanyang kamay kaya madami siyang natutunang mahika Pagpapawala at muling pagpapabalik sa isang barya o panyolito Pagpapagalaw ng mga anino na binubuo sa liwanag ng lampara Pagpapakilos ng papet Mga Pagmumuni-muni sa Tabing-lawa Tuwing magdadapithapon tuwing tag-araw, nagpupunta si Rizal sa Lawa ng Laguna kasama ang kanyang asong si Usman. Pinagwawarian niya ang kalagayan ng inaaping kababayan. Nagkaroon si Rizal ng determinasyon para labanan ang mga tiranong Espanyol. Mga Impluwensiya sa Kabataan ng Bayani (1) Impluwensiyang namana (2) Impluwensiya ng kapaligiran (3) Tulong Maykapal Impluwensyang Namana Malaya: pag-ibig sa kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan. Tsino: pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso at mapagmahal sa bata. Espanyol: pagiging elegante, maramdamin sa insulto at galante sa kababaihan. Kanyang Ama: pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa at pagiging malaya sa pag-iisip. Kanyang Ina: pagiging relihiyoso, nagmamalasakit sa kapwa at nagmamahal sa sining at literatura. Impluwensiya ng Kapaligiran Magagandang tanawin sa Calamba: nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura. Paciano: pagmamahal sa katarungan Mga kapatid na babae: pagiging magalang at mabuti sa kababaihan Yaya: gumising sa interes niya sa kuwentong-bayan at alamat. Tulong Maykapal Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa kanyang buhay- talino, yaman, at kapangyarihan- ngunit kung walang tulong ng Maykapal, hindi niya makakamit ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon, Ang Diyos ang nagbiyaya sa kanyan ng maraming regalo ng isang henyo, buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa dakilang simulain. KABANATA 3: Pag-aaral sa Calamba at Biñan o Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Biñan o Ang karaniwang edukasyon ng isang anak na galing sa ilustradong pamilya ay nag-aaral sa apat na aralin -Pagbasa -Pagsulat -Arimetika -Relihiyon o Ang pagtuturo noong unang panahon ay mahigpit at istrikto. Unang Guro ng Bayani o Unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina. o Siya ay katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. o Sa edad na 3, natutunan ni Rizal ang alpabeto at mga dasal. Ipinipilit sa mga mag-aaral ang pagbibigay ng kaalaman sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya at may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Doña Teodora bilang isang Guro o Pasensiyoso, tapat at maunawain o Nakakakitaan ang anak ng talento sa pagkatha ng tula kung kaya’t hinihikayat niya ito na magsulat ng tula. o Pagkukuwento ang paraang ginamit ng ina sa pagtuturo sa anak upang hindi mabagot sa pagmememorya ng alpabeto. Iba pang Guro ni Rizal 1. Maestro Celestino 2. Maestro Lucas Padua 3. Maestro Leon Monroy - isang matandang lalaki na naging kaklase ng kanyang ama. Nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan ng Latin at Espanyol. -Sa kasamaang palad, namatay siya pagkalipas ng 5 buwan Nagtungo si Rizal sa Biñan o Hunyo 1869, nagtungo siya sa Biñan kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Pacion. o Sumakay ng karomata at bumiyahe ng isa’t-kalahating oras. Nangupahan si Rizal sa bahay ng kanyang tiya. o Nang gabing iyon, namasyal si Rizal kasama ang kanyang pinsan na si Leandro.Sa halip na matuwa sa pamamasyal, naramdaman agad niya ang pagkasabik na makita ang kanyang pamilya sa Calamba. Unang araw sa Paaralan ng Biñan o Lunes ng umaga, dinala ni Paciano I Rizal sa paaralan ni Maestro Justiano Aquino Cruz. o Nasa bahay ng guro ang ang paaralan na yari sa bahay –kubo at may layong 30 kilometro mula sa tahanan ng kanyang tiya. o Kilala ni Paciano ang guro sapagkat naging guro na rin ito noon. Agad nitong ipinakilala si Rizal at pagkaraa’y bumalik ito sa Calamba. Binigyan si Rizal ng sariling pwesto sa klase at tinanong siya ng guro: “Marunong ka bang mag-espanyol?” “Kaunti lamang po ginoo” “Marunong ka bang mag-Latin?” “Kaunti po ginoo” o Nagtawanan ang mga kaklase lalo na si Pedro na anak ng kanilang guro. Ito ang paglalarawan ni Maestro Cruz kay Rizal; “Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng mga kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina Nebrija at Gainza. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ang paglalarawan ko sa kanya kahit may kalabuan.” Unang pakikipag-away sa Paaralan  Kinahapunan niya sa unang araw sa paaralan, nagkaharap sina Jose at Pedro.Nagalit si Jose sapagkt pinagkakatuwaan siya nito habang nakikipag-usap ito sa guro.  Hinamon ni jose si pedro ng isang away. Hindi nagdalawang isip si Pedro. Nagsuntukan ang dalawa sa silid- aralan na ikinatuwa ng kanilang kaklase.  Natalo nito si Pedro dahil tinuruan siya nito ni Tiyo Manuel sa pakikipaglaban. Dahil dito, naging mas popular na siya sa kanyang mga kaklase.  Pagkatapos ng klase, hinamon siya ni Andres Salandanan ng bunong-braso at natalo si Rizal na muntik na ikabasag ng kanyang ulo. Pag-aaral ng pagpinta sa Biñan  Nakilala ni Rizal si Juancho, naklatira malapit sa paaralan at biyenan ng kanilang guro.  Dahil nakakitaan ng pagkahilig sa pagguhit at pagpinta,binigyan siya ng libreng aralin ng matandang Juancho si Rizal.  Naging kaklase ni Rizal si Jose Guevarra na kalaunan ay naging “ paboritong pintor ng klase”. Araw-araw na buhay sa Biñan Payak at may maayos na iskedyul ang buhay ni Rizal sa Biñan. At nakatulong ito ng malaki sakanyang kinabukasan. Pinatibay niuto ang kanyang katawan at kaluluwa. Pinakamahusay na mag-aaral sa Paaralan o Sa mga araling pang-akademiko, tinalo lahat ni Rizal ang mga kaklaseng taga-Biñan. o May ilang kaklase na naiinggit, naninira at nagsusumbong ng masama sa kanilang guro upang maparusahan ito. Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan o Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. o Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng hapon ng Disyembre 17, 1870. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya. Ang Pagkamartir ng Gomburza o Noong gabi ng Enero 20, 1870, mga 200 sunadalong Pilipino at manggagawa ng arsenal gng Cavite, sa pamumuno ng sarhentong pilipinong si Francisco Lamadrid, ang nag-alsa dahil sa abolisyon ng kanilang mga pribelihiyo. o Kasama rito ang di-pagbabayad ng tributo at di-pagsama sa polo (sapilitang paggawa) o Pinalaki ng mga awtoridad na Espanyol ang pangyayari at sinabing ang pag-aalsa ay rebolusyon para sa kasarinlan ng Pilipinas. o Sa gayon, maisasangkot dito bago maipabitay sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, mga lider ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko, at kanilang mga tagataguyod. o Kaya kahit mismo ang arsobispo ay humihingi ng kapatawaran dahil alam niyang inosente an gtatlong pari noong bukangliwayway ng Pebrero 17, 1872 sunod sa utos ni Gobernador Izquierdo. o Ang kanilang pagkamartir ay ipinagluksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang pamilya sa Pilipinas. o Galit na galit si Paciano sa pagbitay kay Burgos na kanyang kaibigan, guro at kasama sa bahay. o Sa tindi ng kanyang galit, tumigil siya sa kanyang pag-aaral sa Kolehiyo ng San Jose at nagbalik sa Calamba. o Noon niya ikinuwento kay Rizal ang buhay ni Burgos noong maglalabing-isang taong gulang. o Ang pagkamartir ng GOMBURZA noong 1872 ay naging inspirasyon ni Rizal para labanan ang kasamaan ng tiranya ng Espanya at matubos ang mga inaaping kababayan. o At kinalaunan, noong 1891, inihandog niya ang pangalawang nobela, ang El Filibusterismo, sa GOMBURZA. Kawalang- katarungan sa Ina ng Bayan o Dinakip si Doña Teodora dahil diumano’y siya at ang kanyang kapatid na si Jose Alberto ay nagtangkang lasunin ang taksil na asawa ng huli. o Si Jose Alberto ay kararating lamang mula sa paglalakbay sa Europa at isang mayamang taga-Biñan. o Nagkataong may sama ng loob ang tinyante sa mag-anak na Rizal sapagkat minsa’y hindi siya binigyan ni Don Francisco ng pagkain para sa kanyang kabayo. o Sa pagkakataong makapaghiganti, ipinadakip niya si Doña Teodora, sa tulong ng gobernadorcillo ng Calamba, Si Antonio Vivencio del Rosario, isang sunud-sunuran ng mga prayle. o Pinaglakad ng sadistang tenyente si Doña Teodora mula Calamba hanggang Santa Cruz (kabisera ng Laguna) na may distansyang 50 kilometro. o Pagdating sa Santa Cruz ay napiit siya sa kulungang probinsiyal. Nakulong siya ng dalawa at kalahating taon bago siya mapawalang-sala ng manila Royal Audencia (Korte Suprema) sa diumano’y krimeng ginawa niya. Kabanata 4: Mga Gantimpalang natamo sa Ateneo de Manila (1872-1877) Apat na buwan pagkaraan ng pagbitay sa Gom-Bur-Za at si Doña teodara ay nakakulong. Si Jose ay ipinadala sa Maynila. Nag-aral siya sa Ateneo Municipalisang paaralan para sa sa kalalakihan sa maynila na itinatag ng pamahalaang panglungsod noong 1817. 1768 Nang ang mga heswita ay napaalis. 1859 ibinigay sa kanila ang pamamahala ng Escuela Pia. Pumasok si Rizal sa Ateneo. Noong Hunyo 10, 1872 sinamahan ni Paciano si Rizal na kumuha ng eksamen sa Maynila at pumasok sa San Juan de Letran. At nagmartrikula si Paciano sa Ateneo Municipal. Dahilan bakit ayaw siyang tanggapin ni Padre Ferrando  Huli siya sa pagpapatala  Maliit at wala sa tamang edad  Manuel Perez Burgos ang tumulong kay Rizal para tanggapin. Siya lang ang unang gumamit ng apelyidong “Rizal” para hindi pagsuspetsahan. Si paciano ang gumamit ng “Mercado” dahil kilala siya na mapagkakatiwalaan ni Padre Burgos. 25 minutong lakaran ang inuupahang bahay ni Rizal mula paaralan. Kay Titay nangungupahan si Rizal bilang bayad nya sa mga utang.Sinanay sila sa disiplina at instruksiyong panrelihiyon. Tinaguyod ang pisikal, humanidad, at siyentipikong pagaaral. Bago magsimula at magwakas ang klase ay natatapos sa pagdarasal. 2 Pangkat ng Estudyante:  “Imperyo Romano” (INTERNOS) – sa loob ng kolehiyo nangangasera  “Imperyo Carthagena “ (EXTERNOS) – sa labas ng kolehiyo nangangasera Sa bawat klase ay may “Imperyo” ay tinatawag “EMPERADOR”, ang pangalawang pinakamahusay “TRIBUNA”, ang pangatlo “DEKURYON”, ang pang-apat “SENTRUYON”, at ang pang-lima ang “Taga Pagdala ng Bandila”. Naalis sa posisyon ang isang opisyal kapag tatlong beses siyang nagkamali sa pagsagot sa mga tanong. 2 Bandila  Pula para sa mga Romano  Asul para sa mga Carthagena Sa unang pagkatalo, ang bandila ng natalong pangkat ay nililipat sa kaliwang bahagi ng silid. Sa pangalawang pagkatalo, inilalagay ito sa mababang posisyon sa kanang bahagi. Sa pangatlong pagkatalo, ang nakatagilid na bandila ay inilalagay sa kaliwa. Sa pang-apat, ang bandila ay ibinabaligtad at inilalagay sa kanan. Sa panlima, ang nakabaligtad na bandila ay inilalagay sa kaliwa. Sa pang-anim, ang bandila ay pinapalitan ng pigura ng isang asno. Ang uniporme ni Rizal ay binubuo ng “pantalong mula sa mga hinabing hibla ng abaka at guhit-guhit ng bulak na amerikana na tinatawag na rayadillo. Ang unang taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73) Hunyo 1872 nakinig ng Misa si Rizal sa kapilya ng kolehiyo at taimtim na nagdasal at humingi ng patnubay sa Diyos. Si Padre Jose Bech unang propesor ni Rizal. Si Rizal ay nilagay sa dulo ng klase. Isa siyang externo, kaya napabilang siya sa mga Carthagena na nakaposisyon sa dulo ng linya. Si Rizal ay naging “emperador” siya ang pinakamatalinong magaaral sa klase. Para humusay sa Espanyol, kumuha siya ng pribadong aralin sa kolehiyo ng Santa Isabel kapag bakanteng oras sa tanghali. Nagbayad siya ng tatlong piso para sa wikang espanyol. Ikalawang hati ng unang taon, hindi masyadong nagpursige si Rizal. Bakasyon sa Tag-araw (1873). Marso 1873, umuwi si Rizal sa Calamba. Para maaliw siya ng kanyang kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan. Nagpunta sya sa Santa Cruz at dinalaw ang ina. Doña Pepay may biyudang anak at apat na anak na lalaki. Pangalawang Taon sa Ateneo(1873-74). Muli’y naging ‘emperador” siya. Maestro Justiniano batang taga Biñan. Marso 1874 nagbakasyon sa Calamba si Rizal. Paghula sa pagpapalaya sa Ina. Dinalaw niya agad ang kanyang ina sa kulungan si Doña Teodora. Nagkatotoo ang hula ni Rizal na wala pang tatlong buwan makakalaya ang kanyang Ina. Masayang umuwi si Doña Teodora. Hilig sa pagbabasa. 1874 nahilig si Rizal sa nobelang Romantiko. Ang una niyang paboritong nobela ay ang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas.Nakiusap siya sa kanyang ama na ibili siya – bagaman may kamahalan – ng kompletong tomo ng isinulat ni Cesar Cantu ang Universal History. Binasa ni Rizal ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor, isang Alemang siyentipiko-manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859 – 1860. Pangatlong taon sa Ateneo (1874-75) Hunyo 1874, bumalik si Rizal sa Ateneo para sa kanyang ikatlong taon. Marso 1875, bumalik si Rizal sa Calamba para magbakasyon. Ikaapat na Taon sa Ateneo (1878-76) Hunyo 16,1875, naging interno siya ng Ateneo. Si Padre Francisco de Paula Sanchez, isang mahusay na edukador at iskolar. Inilarawan niya ang heswitang pari bilang “huwaran ng pagka makatwiran, pagkamaagap, at pagmamahal para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral”. Nagbalik siya sa Calamba Marso 1876 at buong pagmamalaki niyang inihandog sa mga magulang ang kanyang limang medalya at mataas na grado. Huling Taon sa Ateneo (1876-77) Bumalik si Rizal sa Maynila noong Hunyo 1876 para sa huli niyang taon sa Ateneo. Rizal ay tunay na “ipinagmamalaki ng mga heswita”. Siya ang nagkamit ng pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura. Pagtatapos nang may pinakamataas na karangalan Ito ang kanyang grado sa mga asignatura niya sa Ateneo mula 1872 hanggang 1877. 1872-1873 Aritmetika………………………………Pinakamahusay Latin I………………………………..…..Pinakamahusay Espanyol I…………………………..….Pinakamahusay Griyego I ………………………………..Pinakamahusay 1873-1874 Heograpiyang Unibersal..………Pinakamahusay Latin 2……………………………………Pinakamahusay Espanyol 2……………………………..Pinakamahusay Griyego 2……………………………….Pinakamahusay 1874-1875 Latin 3……………………………………Pinakamahusay Espanyol 3……………………………..Pinakamahusay Griyego 3……………………………….Pinakamahusay Kasaysayang Unibersal………….Pinakamahusay Kasaysayan ng Espanya at Pilipinas………………………………...Pinakamahusay Aritmetika at Algebra……….……Pinakamahusay 1875-1876 Retorika at Pagtula…………………....Pinakamahusay Pranses 1…………………………..…..……Pinakamahusay Heometriya at trigometriya……….Pinakamahusay 1876-1877 Pilosopiya I……………………………… Pinakamahusay Mineralohiya ay Kimikal…………. Pinakamahusay Pilosopiya 2…………………….………. Pinakamahusay Pisika………………………………..…….. Pinakamahusay Botanika a Zoolohiya………..…….. Pinakamahusay Araw ng Pagtatapos, Marso 23, 1877, si Rizal ay nagkamit mula sa kanyang Alma Mater ng Digri ng Batsilyer sa Sining na may pinakamataas na karangalan. Iba pang Gawain sa Ateneo Isang “emperador” sa loob ng silid aralan; lider pa rin siya sa labas ng silid aralan. Aktibo siyang kasapi, kinalauna’y kalihim ng isang samahang relihiyoso ang kongregasyon ni Maria.Si Rizal ay kasapi rin ng Akademya ng Literaturang Espanyol at Akademya ng mga Likas na Agham.Si Padre Jose Villaclara, ang nagpayo sa kanyang tumigil nang makipag-usap sa mga Musa. Agustin Saez ang kilalang pintor sa Espanyol at Romualdo de Jesus eskultura sa bantog na eskultor. Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo Isang araw inukit niya ang isang imahen ng birheng maria mula sa kahoy ng batikuling. Si Padre Lleonart ang humiling na ipag-ukit siya ni Rizal ng imahen ng Sagradong Puso ni Hesus. Isang paalala sa lahat ng mga atenista na si Dr. jose Rizal ay nagtapos sa kanilang Alma Mater. Ang imaheng ito ay nagkaroon ng mahalagang bahagi sa mga huling oras ni Rizal sa Fort Santiago. Mga Anektoda Tungkol kay Rizal, ang Atenista Isa sa mga kapanahon ni Rizal s Ateneo a si Felix M. Roxas. Dalawang Atenista , sina Manzano at Lesaca, ang nag-away at nagbatuhan ng mga aklat sa mukha. Ang anekdotang ito ay nagpapakita naman na pagiging matulungin ni Rizal kahit isalang pa ang sarili sa panganib. Si Julio Meliza ng Iloilo,isa sa pinakamaliit na estudyante. Mga Tulang Isinulat sa Ateneo Si Doña Teodora ang unang nakatuklas sa talino ng anak sa pagsulat ng tula. Si Padre Sanchez ang nagbigay ng inspirasyon kay Rizal. Ang unang tula na maaaring naisulat ni Rizal ang “Mi Primera Inspiraction” (Aking unang Inspirasyon). 1875, sumulat si Rizal ng marami pang tula gaya ng mga sumusunod: 1. Felicitacion (Pagbati) 2. El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: himno para sa plota ni Magellan). 3. Y Es Español: Elcano, el primero en dar la vuelta al mundo (At siya ay espanyol: Elcano ang unang nakaikot sa mundo) 3. El Combate: Urbiztondo, terror de Jolo (Ang labanan: Ubiztondo, kilabot ng Jolo) 1875, sumulat si Rizal ng marami pang tula gaya ng mga sumusunod: 1. Felicitacion (Pagbati) 2. El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa plota ni Magellan). 3. Y Es Español: Elcano, el primero en dar la vuelta al mundo (At siya ay espanyol: Elcano ang unang nakaikot sa mundo) 4. El Combate: Urbiztondo, terror de Jolo (Ang labanan: Ubiztondo, kilabot ng Jolo) 1876 sumulat si rizal ng tula sa ibat ibang paksa-relihiyon , edukasyon, alaala ng kanyang kabataan at digmaan. 1. Un Recuerdo A Mi Pueblo (Sa Alaala ng aking Bayan). 2. Alianza Intima Entre La Religion Y La Buena Educacion (Malapit na ugnayan ng relihiyon a mabuting edukasyon). 3. Por La Educacion Recibe Luster La Patria (Sa Edukasyon ay magtatamo ng liwanag ang Bansa). 4. El Cautivero y el Triunfo: Batalla de Lucena y prision de Boabdil (Ang pagkakabilanggo at ang tagumpay: ang labanan ng lucena at ang pagkakakulong ng Boabdil). 5. La entrada truinfal de los Reyes Catolices en Granada (Ang matagumpay na pagpasok ng katolikong monarkiya sa Granada). 1877, sumulat siya ng marami pang tula. 1. El Heroismo de Colon (Ang Kabayanihan ni Colombus). 2. Colon y Juan II (Comlumbus at Juan II). 3. Gran Consuelo En La Mayor Desdicha (ang dakilang konsuelo sa dakilang kamalasan). 4. Un Dialogo Alusivo A La Despedida de Los Calegiales (isang dialogs ng pamamaalam ng mga magaaral). 5. “Aking Unang inspirasyon” Ito ang karapat-dapat na maging unang tulang naisulat ni Rizal bilang isang Atenista dahil tungkol ito sa kanyang ina. Mga tula ni Rizal Tungkol sa Edukasyon Naniniwala siya sa mahalagang papel nito sa kaunlaran at kalagayan ng isang bansa. Inilahad niya ito sa kanyang tula. Sa tulang “Malapit na ugnayan ng relihiyon at mabuting edukasyon “, ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng relihiyon sa edukasyon. Mga relihiyosong Tula ni Rizal Isa sa mga relihiyoso niyang tula ay ang maikling oda pinamagatang “Al Niño Jesus” (Sa Sanggol na si Hesus). Ang tula ay isinulat niya noong 1875 nang siya ay 14 na taong gulang. Isa pang relihiyosong tula niya ay pinamagatang “A La Virgen Maria” (Para sa Birheng maria). Maaaring isinulat ito ni Rizal pagkaraan ng kanyang oda para sa Sanggol na si Hesus. Mga gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo Nahiligan si Rizal ng kanyang paboritong guro, si Padre Sanchez,na sumulat ng isang dula batay sa tulang pasalaysay si San Eustacio, Martir. 1876 sinulat niya ang relihiyosong drama sa anyong patula at natapos niya ito noong Hunyo 2, 1876. Hunyo 1876 ipinakita niya kay Padre Sanchez ang natapos na dulang pinamagatang San Eustacio Martir. Unang Pag-Ibig ni Rizal Ang babae ay si Segunda Katigbak, magangdang Batangueña na 14 na taong gulang. Binisita ni Rizal ang kanyang lola ( sa pani ng ina) na naninirahan saTrozo Maynila. Sinamahan siya ng kanyang kaibigang si Mariano Katigbak. Pagdating sa bahay ng lola, nakita niyang marami palang panauhin. Isa rito ay napakagandang babae na biglang nagpatibok ng kanyang puso. Siya pala’y kapatid ni Mariano at ang ngalan niya’y segunda. Higit na nakilala ni Rizal si Segunda sa linggu-linggo niyang pagpunta sakolehiyo ng la Concordia, kung saan nangungupahan ang kapatid na si Olympia. Si Olympia ay malapit na kaibigan ni Segunda.Ngunit wala na itong pag-asa sa simula palang dahil naipagkasundo na si Segunda na magpakasal sa isa niyang kababayan, si manuel Luz. Huli silang nagusap noong isang huwebes ng Disyembre 1877 at papalit na ang Pasko. Nang sumunod na araw, dumating si Rizal sa kanyang bayan. Nang gabing iyon, ipinakita ni Rizal sa kanyang pamilya ang husay niya sa pag-eeskrima. Nakipag-eskrima siya at nanalo sa pinakamahusay sa Calamba.Ang unang babaing nagpatibok ng kanyang puso ay tuluyan nang nawala sa kanya. Nagbalik ito sa Lipa, at kinalauna’y nagpakasal kay Manuel Luz. Si Rizal ay nanatili sa Calamba na bigong mangingibig na nagnanamnam lamang sa mga alaala ng isang nawalang mahal. Pagkaraan ng tatlong taon, ito ang nasabi ni Rizal sa kanyang una ngunit bigong pag-ibig “ Nagwakas nang maaga ang aking unang pag-ibig. Laging magluluksa ang aking puso sa mangyaring ito. Oo’t magbabalik ang aking mga ilusyon ngunit iba na ang mga ito at di na sigurado sa mga mangyayari hindi na handa dahil sa unang pagkabigo nito sa larangan ng pag-ibig. POST TEST: PILIIN ANG SAGOT: Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang. _____1. Ang kapanganakan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal. A. August 19, 1861 B. June 19, 1961 C, June 19, 1861 D. July 19, 1861 _____2. Edad ni Dr, Jose Rizal nang siya ay binyagan sa simbahang katoliko. A. 2 Araw B. 2 taon gulang C. 3 Araw D. 3 taon gulang _____3. Ang ninong ni Rizal nang siya’y binyagan sa simbahang katoliko A. Padre Pedro Casanas B. Maestro Justiniano C. Maestro Celestino D. Padre Rufino Collantes _____4. Ang unang guro ng ating Pambansang Bayani A. Maestro Celestino B. Doña Teodora C. Maestro Lucas D. Maestro Leon _____5. Matandang guro na tumira sa tahanan nila Rizal na siyang nagturo ng Latin at Espanyol A. Maestro Celestino B. Maestro Justiniano C. Maestro Lucas D. Maestro Leon _____6. Bayan ng Gobernadorcillo kung saan muling itinanghal ang unang drama ginawa ni Rizal. A. Calamba B. Sta. Cruz C. Paete D. Biñan _____7. Unang pagpunta ni Rizal sa Maynila at peregrinasyon sa Antipolo A. June 14, 1868 B. June 5, 1868 C. June 7, 1868 D. June 6, 1868 _____8. Ang dahilan ng unang kalungkutan ni Rizal. A. Pagdakip kay Doña Teodora B. Pagkamatay ni Concha C. Pagbitay sa Gomburza D. Pangaabuso ng mga Guardia Civiles _____9. Unang tula na isinulat ni Rizal noong siya’y walong taon gulang A. Sa aking mga kababata B. Isang Alaala sa Aking Bayan C. Para sa Kabataang Pilipino D. Sa Sanggol na si Hesus _____10. Kamag-anak ni Rizal na isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826 A. Francisco B. Brigida C. Teodora D.Cirila _____11. Ang nagbigay ng libreng aralin sa pagguhit at pagpinta kay Jose sa Binan. A. Jose Guevarra B. Juancho C. Leandro D. Maestro Justiniano Cruz _____12. Gobernador Heneral na kinamumuhian ng mga Pilipino dahil sa pagbitay niya sa tatlong paring martir. A. Rafael de Izquerdo B. Camilo Polavieja C. Valeriano Weyler D. Primo de Rivera _____13. Gobernador Heneral na mahusay makipaglaban sa mga Moro, ngunit walang alam sa pamamahala. A. Jose Malcampo B. Primo De Rivera C. Valeriano Weyler D. Polavieja _____14. Gobernador Heneral na nagpabitay kay Dr. Jose Rizal A. De Izquierdo B. Camilo Polavieja C. Valeriano Weyler D. Jose Lemery _____15. Tawag sa sapilitang paggawa na ipinatupad ng mga awtoridad ng Espanyol A. Frailocracia B. Cortes C. Falla D. Polo Activity 1. Sagutin ang mga tanong: 1. Sinu-sino ang mga tiwaling opisyal ng Gobyerno noong panahon ni Rizal? Ibigay ang maiksing deskripsyon. 2. Anu-ano ang mga kasamaang naganap noong panahon na si Rizal ay isilang? Ipaliwanag. 3. Magbigay ng sariling opinion sa mga pangyayaring naranasan ng mga Plipino noong mga panahon bago si Rizal ay isilang. ACTIVITY 2: Sagutin ang mga tanong: 1. Pagkatapos basahin ang unang kabanata sa buhay ni Rizal, magbigay ng iyong reaksyon sa ating pambansang bayani. 2. Igawa ng family tree ang pamilya Rizal. 3. Ilarawan ang buhay ng pamilya Rizal. 4. Saan nanggaling ang apelyidong Rizal at bakit siya lang ang nag-iisang Rizal sa kanilang pamilya. ACTIVITY 3: Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang naging impluwensya ng bayan ni Rizal (Calamba) sa kanyang buhay? 2. Sinu-sino ang mga nagbigay ng impluwensya sa buhay ng ating bayani? 3. Ano ang importanteng nilalaman ng unang tulang sinulat ni Rizal na pinamagatang “Sa Aking mga Kababata”? Activity 4: Sagutin ang mga tanong: 1. Ilarawan ang mga unang araw nang pag-aaral ni Rizal sa Calamba. 2. Ilarawan ang mga pangyayaring naganap sa pag-aaral ni Rizal sa Binan. 3. Ano ang dahilan ng pagbitay sa GomBurZa? 4. Bakit dinakip at ikinulong si Dona Teodora? Activity 5: Sagutin ang mga tanong: 1. Ilarawan ang pinagdaanan ni Rizal bago siya nakapasok sa Ateneo de Manila 2. Ibigay ang pagkakaiba ng Imperyo Romano at Imperyo Carthagena. 3. Sinu-sino ang mga naging professor at mga importanteng tao na nakilala ni Rizal sa Ateneo? 4. Bukod sa pag-aaral, anu-ano ang mga kinahiligan ni Rizal sa Ateneo? 5. Ilarawan ang naging unang pag-ibig ni Rizal. References: Jaime-Francisco, V. (2015). Jose P. Rizal: A college textbook on Jose Rizal’s life and writings. Manila: MindShapers Co. Inc. Mallat, J. (2012). The Philippines. Manila: NHCP. Pasigui, R. E. & D. H. Cabalu. Jose rizal: The man and the hero chronicles, legacies, and controversies. (2nd ed.) Quezon City: C & E Publishing, Inc. San Juan, Jr. E. (2011). Rizal in our time. (Revised ed.) Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc. Ramos, G.D. (2019). Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng PILIPINAS. Intramuros, Manila: Mindshapers Co,. Inc. Zaide, G. F. & S. M. Zaide. (2014). Rizal: Life, works, writings of a genius, writer, scientist, and national hero. (2nd ed.) Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc. Zaide, G. F. & S. M. Zaide. (2015).Jose Rizal: Buhay, mga Ginawa at mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulay, Siyentipiko at Pambansang Bayani. Quezon City: All-Nations Publishing Co. Inc. Electronic References (E-books/Websites) http://www.archive.org/stream/philippinescentu00riza/ philippinescenu00riza_djvu.txt http://journals.upd.edu.ph/index.ph/humanitiesdiliman /article/view/4168/3774 http://www.bagongkasaysayan.org/downloadable/zeus005.pdf Answer to Pre-test: 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama 6. Mali 7. Mali 8. Mali 9. Tama 10. Mali Answer to Post-test: 1. C 2. C 3. A 4. B 5. D 6. C 7. D 8. B 9. A 10. C 11. B 12. A 13. A 14. B 15. D

Use Quizgecko on...
Browser
Browser