Mga Uri ng Imperyalismo (File: MGA-URI-NG-IMPERYALISMO.docx PDF)
Document Details
Uploaded by ManageableBananaTree
Tags
Related
- Aralin 6-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Pangkapuluang Timog-Silangang Asya PDF
- Ang Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo - Pag-aaral ng Kasaysayan
- Imperyalismo at Kolonyalismo
- AP7 MATATAG Q2 Week 1 - Kolonyalismo at Imperyalismo with Unang Misa PDF
- BANGHAY ARALIN SA KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA (ARALIN 8): PAGLITAW NG IMPERYALISMONG HAPONES PDF
- Mga Yugto ng Imperyalismo (AP7) - PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga uri, dahilan, at mga yugto ng imperyalismo. Tinatalakay nito ang mga konsepto tulad ng mga kolonya, protectorate, at mga sphere of influence. Mayroon ding mga seksyon tungkol sa mga pang-ekonomiya, pampolitika, at pangmilitar na dahilan ng imperyalismo.
Full Transcript
**[Mga Uri ng Imperyalismo]** 1. **Kolonya** - Pinakatuwirang uri ng pagkontrol sa imperyalismo. - Makapangyarihang bansa ang nagpapatupad ng sariling pamahalaan at tuwirang kontrol sa teritoryo. - Lokal na opisyal ay walang papel sa pamahalaan at ang mga katut...
**[Mga Uri ng Imperyalismo]** 1. **Kolonya** - Pinakatuwirang uri ng pagkontrol sa imperyalismo. - Makapangyarihang bansa ang nagpapatupad ng sariling pamahalaan at tuwirang kontrol sa teritoryo. - Lokal na opisyal ay walang papel sa pamahalaan at ang mga katutubo ay walang boses sa mga batas at buwis. - Nagdudulot ng matinding paghihirap at nagiging second-class citizen ang mga katutubo. 2. **Protectorate** - Isang bansa na may sariling pamahalaan ngunit kontrolado ng panlabas na kapangyarihan. - Pinahihintulutan ang lokal na pamahalaan ngunit limitado ang kapangyarihan. - Panlabas na ugnayan at proteksiyon mula sa ibang bansa ay hawak ng makapangyarihang bansa. 3. **Sphere of Influence** - Pribilehiyong pamumuhunan at pangangalakal sa isang rehiyon ng isang panlabas na kapangyarihan. - Karaniwang nagaganap sa mga hangganan ng kolonya. - Isinasagawa sa pamamagitan ng kasunduan ng dalawang makapangyarihang bansa na nagkakasundo sa hindi pakikialam sa teritoryo ng bawat isa. **[Mga Dahilan ng Kolonyalismong Kanluranin]** 1. **Pang-ekonomiya** - Hinimok ng *Rebolusyong Industriyal* ang pangangailangan para sa mga kolonya. - Kinakailangan ng mga makapangyarihang bansa ang hilaw na materyales para sa produksiyon at mga bagong pamilihan para sa kanilang mga produkto. - Nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ng mga bansang Europeo para sa pag-angkin ng mga kolonya. 2. **Pampolitika** - Hinangad ng mga bansa ang pagiging pinakamakapangyarihan sa mundo. - Ang dami ng kolonya ang naging batayan ng kapangyarihan ng isang bansa. - Ang pagkakaroon ng maraming kolonya ay nagsilbing simbolo ng prestihiyo at lakas. 3. **Pangmilitar** - Ang mga kolonya ay ginamit bilang estratehikong lokasyon para sa seguridad, gaya ng mga estasyon ng gasolina para sa barko. - Sinanay ang mga katutubo upang maging bahagi ng hukbo ng mga imperyalistang bansa. - Ang Timog-Silangang Asya ay nagustuhan dahil sa estratehikong lokasyon nito at angkop para sa mga plantasyon ng produktong agrikultural tulad ng asukal, kape, goma, at iba pa. **[Ang Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin]** [Unang Yugto ng Imperyalismo] - Noong ika-15 hanggang ika-17 siglo, nagsimula ang mga bansang Europeo tulad ng *Espanya, Portugal, Dutch Republic, France,* at *England* sa panggagalugad, pagpapalawak, at pagtatatag ng mga kolonya. - Layunin nila ang pagkamit ng *yaman, katanyagan*, at pagpapalaganap ng *Katolisismo*. - Naganap ang mga pagsulong sa *nabigasyon, paggawa ng mga barko,* at *heograpiya*, na nagbigay daan sa pagtuklas ng mga bagong teritoryo. - Ang kapangyarihan sa karagatan ay lumipat mula sa Mediterranean Sea patungo sa Atlantic Ocean. - Nagtatag ng mga kolonya sa North at South America, India, at Timog-Silangang Asya, kabilang ang *Sultanato ng Malacca* na nasakop ng *Portugal* noong 1511. - Nagtapos ang unang yugto nang sakupin ng British ang *Kingdom of Kandy* noong 1815 at itatag ang *kolonya ng Singapore* noong 1819. Pundasyon ng Pagkakaugnay ng mga Bansa - Ang paglalakbay ng mga Europeo ay naghanap ng direktang rutang kalakalan para sa mga produktong tulad ng *spices, seda,* at *ginto*. - Sa pagtuklas ng mga bagong lupain, nagtatag sila ng mga *pangkalakalang kuta* at panirahan, na naging basehan ng sumunod na kalakalan at kolonisasyon. - Nagsilbing batayan ang unang yugto para sa pagtatatag ng malalawak na imperyo, pagpapalaganap ng *wika, relihiyon,* at *kultura* ng mga Europeo sa buong daigdig, na humubog sa kasalukuyang *geopolitics*. [Ikalawang Yugto ng Imperyalismo] - Naganap mula sa huling kalahati ng ika-19 na siglo hanggang pagsisimula ng *Unang Digmaang Pandaigdig* noong 1914. - Tinaguriang panahon ng *\"high imperialism\"* o kasagsagan ng imperyalismo, kung saan nagkaroon ng matinding kumpetisyon sa pag-angkin ng mga lupain, partikular sa *Timog-Silangang Asya* at *Africa*. - Ang mga *estratehikong lokasyon* ng mga lupain sa Pacific Rim ay mahalaga para sa pagpapatuloy ng kalakalan. [Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto] - *Pangangailangang pang-ekonomiya* ang pangunahing dahilan, tulad ng pagkakaroon ng mura at tiyak na mapagkukunan ng *pagkain, hilaw na materyales, mineral*, at mga pamilihan. - Tumindi ang tunggalian ng mga bansang Europeo upang mapalawak ang kanilang *kapangyarihan* at *prestihiyo* bilang makapangyarihang bansa. [Pag-unlad ng Teknolohiya at Ideolohiya] - Pinabilis ng *pag-unlad ng teknolohiya* ang imperyalismo, habang ang mga *ideolohikal na layunin* tulad ng pagpapalaganap ng kultura at paniniwala ay nagbigay-daan sa pagpapalawig ng mga imperyo. **[Kolonisasyon ng Timog-Silangang Asya]** - **Kolonisasyon ng Timog-Silangang Asya** - Sa unang bahagi ng ika-19 na siglo, halos buong *Timog-Silangang Asya* ay nakolonisa ng mga *Europeo*, maliban sa *Thailand*. - Noong 1886, nahati ang rehiyon sa pagitan ng *British, Pranses, Dutch,* at *Espanyol*, na kalaunan ay napalitan ng mga *Amerikano*, habang nanatiling kontrolado ng *Portuguese* ang *Timor-Leste*. - **Mga Kolonyal na Digmaan** - Nagkaroon ng mga \"pacification campaigns\" o mga *digmaang kolonyal* sa *Burma (Myanmar), Vietnam, Pilipinas,* at *Indonesia* hanggang sa ika-20 siglo. - **Mga Pag-aangkin ng Mga Bansa** - Noong 1815, pinalitan ng pamahalaang *Netherlands* ang *Dutch East India Company* sa pamamahala ng *Indonesia*, at nakontrol ang buong kapuluan, kabilang ang *Sumatra* at *Bali*. - Naidagdag ng *Britain* ang *Burma (Myanmar)* sa kanilang imperyo noong 1886 at dahan-dahang kinontrol ang *Malaya (Malaysia)* mula 1874.