Mga Katangian ng Nilalaman sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (BPN) PDF
Document Details
Uploaded by FervidFreeVerse3915
Salabat, Sonia
Tags
Summary
Ito ay isang dokumento na naglalarawan sa mga katangian ng nilalaman sa pagtuturo batay sa nilalaman (BPN). Tinatalakay nito ang mga mahahalagang aspeto tulad ng pagiging malinaw, organisado, nakatuon sa pag-unawa, at pagsasagawa, pati na rin ang kahalagahan ng pagbabago at pag-aaral tungkol sa teknolohiya.
Full Transcript
SALABAT, SONIA MGA KATANGIAN NG NILALAMAN SA PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN (BPN) 1. Malinaw na Nakatuon sa Paksa Ang pagtuturo ay nakatuon sa paksa o nilalaman ng aralin. 2. Organisado at Sekwensyal Ang nilalaman ay lohikal at sekwensyal na paraan, na nagsisimula sa mga pangunahing...
SALABAT, SONIA MGA KATANGIAN NG NILALAMAN SA PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN (BPN) 1. Malinaw na Nakatuon sa Paksa Ang pagtuturo ay nakatuon sa paksa o nilalaman ng aralin. 2. Organisado at Sekwensyal Ang nilalaman ay lohikal at sekwensyal na paraan, na nagsisimula sa mga pangunahing konsepto at unti-unting lumilipat sa mga mas kumplikadong ideya. 3. Nakatuon sa Pag-unawa pag-unawa sa mga konsepto sa isang partikular na paksa at ang kakayahang magamit ang mga ito sa iba't ibang sitwasyon. 4. Nakatuon sa Pagsasagawa aplikasyon sa natutunang kaalaman sa pamamagitan ng mga praktikal na gawain, proyekto, o paglutas ng problema. 5. Nakatuon sa Pagtataya suriin ang lalim ng pag-unawa, natutunan at kasanayan ng mga mag-aaral at matukoy ang mga kahinaan at kalakasan na nangangailangan ng karagdagang suporta. 6. Nakatuon sa Pagbabago mapagmasid sa mga bagong pag-aaral o kaalaman at sa larangan lalo na sa teknolohiya upang matiyak ang nilalaman ay napapanahon at may kaugnayan. 7. Curtian and Pesola (1994) Sinasakop rito ang mga konsepto na itinuturo sa kurikulum na angkop sa antas ng mga mag-aaral. 8. Ayon kay Genesee (1994) hindi ito kailangang maging akademiko o batay sa mga araling pinag-aaaralan. Maaari itong buuin ng mga paksa, tema, o mga isyu na hindi pangwika na may interes o kahulugan para sa mga mag-aaral. Halimbawa: a. Mga libangan: sports, musika b. Kasalukuyang mga pangyayari c. Mga isyung panlipunan: kahirapan, diskriminasyon, o poplusyon. d. Kultura: pagkain, musika, tradisyon o sining. 9. Met (1991), nagmungkahi na ang mga nilalaman para sa PNB ay dapat na materyales na gaganyak sa mga mag-aaral para mag-isip at gumawa nang lampas pa sa inaasahang pagkatuto ng wika. Halimbawa: tula at spoken words, collaborative storytelling games, dikusyon 10. Eskey (1997) Itinuturo ng PBN ay hindi ang nilalaman mismo kung hindi ang mga paraan ng pagpapahayag o diskors sa nilalaman na magbibigay ng kasanayan sa mga mag- aaral na mag-analisa, mag-usap o magpalitang-kuro at magsulat tungkol sa nilalaman. Halimbawa: pagsawa ng debate o interaktibong gawain RESULTA NG MGA PANANALIKSIK SA PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN 1. GRABE AT STOLLER, (1997) napatunayan sa pananaliksik na ang pagtuturong batay sa nilalaman ay nagreresulta sa pagkatuto ng wika, pagkatuto ng nilalaman at mataas na lebel ng motibasyon at interes ng mga mag-aaral. 2. GRABE AT STOLLER, (1997) ang impormasyon at kasanayan na itinuturo nang magkahihiwalay ay kailangan pa ng ibayong praktis at pagsasagawa bago lubusang matutuhan samantalang kapag ang mga impormasyon ay magkakaungnay na itinuturo, madali itong matandaan at mas mabisa ang pagkatuto. Halimbawa ng magkakaugnay na paksa o aralin a. Kasaysayan at heograpiya, Agham at teknolohiya, Sining at kultura, Wika at panitikan, Matematika at agham 3. (Grabe at Stoller, 1997) sa klase sa PBN, mas may oppurtunidad ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kaalaman na dala-dala sa klase na tutulong sa lalong pagkatuto ng wika at nilalaman. 4. (Grabe at Stoller, 1997) nagbibigay-diin ang PBN sa pagkatuto na mas kumplikado o malalim na pagpapahayag sa wika dahil sa paggamit ng mga awtentikong nilalaman na makikita sa labas ng silid-aralan. Halimbawa ng awtentikong nilalaman Pahayagan at magasin, akdang pampanitikan, mapa at graphs, dokumentaryo at pelikula at kultural materyales. 5. (Curtain, 1995, Met, 1991) natural o likas na pagkatuto ng wika ay nagaganap sa isang konteksto at ang PBN ay nagbibigay ng konteksto para maganap ang isang makahulugang komunikasyon. 6. (Curtain, 1995, Met, 1991) natutuo ang mga mag-aaral ng wika kung ang diin ay sa kaugnay at makahulugang nilalaman sa halip na sa wika mismo. #2. 7. (Curtain, 1995) mga kagamitang walang konteksto o nilalaman ay hindi gaanong nagpapanatili ng interes ng mga mag-aaral. Halimbawa ng kagamitang walang konteksto a. Bokabularyo, Gawaing panggramatika, Diyalogo na walang konteksto, Pagsasanay sa pagsulat na walang layunin 8. (Curtain, 1995) binibigyang-diin ng PBN ang koneksyon sa tunay na buhay at mga tunay na kasanayang pandaigdig. halimbawa: Pag-aaral ng wika, matematika, agham, sining, musika at paggamit ng online tools 9. (Curtain, 1995) ang PBN, nagbibigay ng iba’t ibang kasanayan sa malalam na pag-iisip tulad ng pangangalap ng impormasyon, pag-oorganisa ng impormasyon, pag- aanalisa, paghihinuha at paglalahat. Halimbawa a. Paggawa ng mga proyekto sa pananaliksik- pangangalap ng impormasyon b. Pagsusuri ng mga artikulo o balita- pag-oorganisa ng impormasyon, c. Pagtalakay sa mga isyu sa lipunan- pag-aanalisa at paghihinuha d. Pagsulat ng sanaysay- paglalahat 10. (Cummins, 1991) Sa klase ng PBN, ang mga gawain ay nangangailangan ng pag—isip kaya pinayayaman nito ang pag-unlad na kognitibo ng mga mag-aaral. Halimbawa ng gawain na napapaunlad ang kognitibo ng mga mag-aaral a. Memorya (flashcards, mnemonics, pagsusulit sa sarili) b. Paglutas ng problema (paglaro ng puzzle games o board games, pagsagawa ng case studies, role-playing scenarios) c. Kritikal na pag-iisip (debate, analytical writing) d. Pagkamalikhain (paglikha ng art projects, pagkuwento, mnemonics) e. Pag-unawa at pagsusuri (group discussions, mind mapping) 11. (Genesee, 1991) Sa PBN, ang pagkatutuo ng wika ay nagiging kongkreto sa halip na abstrakto di tulad ng tradisyonal na pagtuturo kung saan ang pokus ay sa wika mismo. 12. (Genesee, 1994) Ang integrasyon ng wika at nilalaman ay nagbibigay daan sa pagbabago ng gamit ng wika ayon sa konteksto. MGA KATANGIAN NG GURO NG PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN 1. Kaalaman sa paksa 2. Kakayahang mag-integrate ng wika 3. Pagkamahusay sa pagsasaayos ng aralin: mahusay sa pagpaplano at pag-oorganisa ng mga aralin na nagbibigay-daan sa mas malinaw na pagkakaunawa ng mga mag-aaral 4. Pagiging Adaptable: kakayahang umangkop sa iba’t ibang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral at pagbibigay ng mga angkop na karanasan sa pagkatuto. 5. Paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo: contextualization at collaborative learning 6. Pagiging magulang na tagapatnubay: One-to-one na pagtuturo 7. Kakayahang gumamit ng Authentic na materyales: Pahayagan at magasin, akdang pampanitikan, mapa at graphs, dokumentaryo at pelikula at kultural materyales. 8. Mahusay na pakikipagtalastasan: kakayahang makipag-usap nang malinaw at may kakayahang magbigay ng feedback na nakatuon sa pagpapabuti ng karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. 9. Naniniwala na ang mag-aaral ay aktibong tagapagbuo ng kahulugan at nakapagpaplano tungkol dito. 10. Nagbibigay ng makahululgan, komunikatibo at mahalagang konteksto para sa pagkatuto ng wika: Halimbawa ng gawain ng nagbibigay ng makahulugan a. Pagsasagawa ng kilos/dramatisasyon, Pag-aaral na batay sa proyekto, Pangkatang talakayan, Kultural na pag-aaral 11. Lumilikha ng kongkretong mga karanasan na ginagawa ng mga mag-aaral sa aktuwal na buhay. Halimbawa ng kongkretong mga karanasan a. Interbyu sa mga ninuno: tradisyon, kultura b. Pagdalo sa mga pista o kultural na pagdiriwang: BEGNAS c. Pagsulat ng Lathalain o Artikulo d. Pagbuo ng teatro o Dula e. Pakikipagtulugan sa komunidad: Outreach Program f. Paggawa ng Multimedia Projects: blog 12. Nagbibigay-diin sa pag-unawa sa mga panimulang gawain pa lamang. Halimbawa ng panimulang gawain a. Salitang bokabularyo: Pagbuo ng semantic map: Interactive reading session: Kuwento mo, kuwento ko. 13. Ginagamit ang pagbasa at pagsulat bilang mga kasangkapan sa pagsisimula pa lamang ng pag-aaral ng wika. 14. Sumusunod sa silabus na komunikatibo ngunit nagbibigay-daan din sa porma ng wika sa konteksto ng pagtuturo ng nilalaman. 15. Iniaayos ang mga gawain ayon sa interes, antas, karanasan, iba’t ibang estilo ng pagkatuto, at pangangailangan ng mga mag-aaral. Stratehiya upang matukoy ang interes ng mga mag-aaral a. interest surveys o questionnaire b. talakayan o group Discussion, c. Gallery walk (magkaroon ng poster tungkol sa mga isport, siningm agham),kaganapan sa Icebreaker “two truths and a lie”, Pagsasaalng-alang sa antas ng kasanayan a. baguhan/beginner b. katamtaman/intermediate c. bihasa/advance d. dalubhasa/expert e. master Pagkilala sa karanasan ng mag-aaral Iba’t ibang estilo ng pagkatuto- visual, Auditory, kinesthetic. Pangangailangan ng mga mag-aaral- may learning disabilities. 16. Nalalalaman na ang epektibong pagtuturo ng talasalitaan ang susi sa pag-unawa sa mga konsepto at nilalaman. Estratehiya sa pagtuturo ng talasalitaan: a. Pagpapakilala sa mga kontekstong gamit b. Aktibidad sa pagsasanay c. Paggamit ng mga biswal d. Pagsasanay sa pagbasa at pagsusuri 17. Gumamit ng maraming biswal at realia. Halimbawa ng biswal (visual aids) a. larawan at posters b. infographics c. video clips, o Animasyon d. interactives Charts e. PPT, komiks o ilustrasyon at mga graphic organizer (venn diagram, concept map, flowcahrt) Halimbawa ng realia (tunay na bagay) a. makasaysayang dokumento b. pagsasagawa ng Kultural c. Akdang pampanitikan 18. Ginagamit ang mga nakaraang karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral. Bumubuo ng mga gawain na nakapag-iisip ang mga mag-aaral tulad ng pag-iisip ng solusyon sa mga problema, pagmumungkahi ng mga dapat gawin sa mga sitwasyon Project- based learning (pagsasagawa ng proyekto) Problem- solving workshops (collaborative problem solving) Community service project o social issues 19. Nag-iisip na mapalawak at maparami ang output o gawain ng mga mag-aaral at mapalalim ang mga pagpapahayag o diskors (Genesee, 1994) Halimbawa ng mapalawak at maparami ang output o gawain a. pagsulat ng tula b. pagsagawa ng kwento/ Dramatisasyon c. poster o infographic d. pagbuo ng blog at pagsagawa ng pananaliksik at ulat 20. Inaalis ang kaisipang “gurong eksperto” at sa halip ay nagnanais na matuto mula sa mga mag-aaral. MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO BATAY SA NILALAMAN 1. Kooperatibong pagkatuto (Cooperative Learning) Halimbawa: group discussion o peer teaching upang hikayatin ang interaksyon at kooperasyon ng bawat isa. Sa pamamagitan nito nasasanay ang mga mag-aaral na makipagtalastasan, magbigay ng ideya, magsuri at bumuo ng mga ideya o solusyon, ayon sa kanilang katatasan sa wika, maaring ang mga mag-aaral ay itakda nilang tagapag-ugnay, tagatala, taga-ulat, tagaguhit o tagabasa. 2. Pangkaranasang pagkatuto (Expereintial learning or task based), mga mag-aaral ay nakikiisa sa mga gawaing komunikatibo sa klase. Tsak o gawain na nangangailangan ng pag-unawa, pagbuo, pagsasagawa o interaksiyon sa awtentikong wika na ang atensiyon ay nasa kahulugan sa halip na sa porma ng wika (Nunan, 1989). Halimbawa: pagsulat ng pampaaralang diyaryo, pagbuo ng komersyal sa TV, pagsasadula, o iba pang pangkatang gawian tulad ng pagkuha ng opinion ng mga kaklase o mga tao sa komunidad. 3. Kabuong lapit sa wika (whole language approach) Ang WLA, batay sa konsepto na ang mga mag-aaral ay kailangang makaranas sa wika sa isang kabuoan. Nakapokus ito sa pangangailangan sa isang konteksto na makahulugan sa mga mag-aaral (Goodman, 1986). Halimbawa ng kabuoang lapit sa wika: dialogue journals, reading response journals, learning logs, proceed-based writing, at mga kuwento batay s akatranasan (Crandall, 1992) 4. Paggamit ng graphic organizer Halimbawa: grap, realia, talahanayan, mapa, flow chart, timeline, at t-chart, K-W-L, venn diagram, ginagamit upang matulungan ang mga mag-aaral na isang mailagay ang mga impormasyon sa isang nauunawaang konteksto. Sa paggamit ng graphic ornanizer matutulungan ang mga mag-aaral na organisahin ang mga impormasyon na nakasulat o narinig, mapataas ang pagkatanda sa impormasyon, magamit ang iskema bago bumasa o bgao making at maorganisa ang mga ideya bago sumulat (Crandell, 1992) 5. Directang pagkatuto Leksyon batay sa paliwanag, demonstrasyon, pagsasanay na gabay, modeling, pag- uusap at talakayan (discussion-based learning), feedback at pagsusuri (feedback and assessment). 6. Project-Based Learning Pagpapagawa ng proyekto kung saan kinakailangan gamitin ng mag-aaral ang parehong wika at nilalaman upang makabuo ng isang produkto o magsaliksik Halimbawa: research projects, design projects, service learning projects, creative projects, problem-solving projects, interdisciplinary projects. 7. Inquiry-Based Learning pagtuturong nakatuon sa mga tanong, problem o sitwasyon na hinihimok ang mga mag-aaral na mag-explore at manaliksik. Halimbawa: a. Structured Inquiry- guro’y magbibigay ng tanong o problem at mag-aaral ang maghanap ng sagot. b. Guided inquiry- guro’y nagbibgay ng isang tanong at mga resources ngunit mag- aaral may kalayaang magdisenyo ng kanilang mga paraan ng pagtuklas. c. Open inquiry- mag-aaraal ay pumili ng paksa at sariling pagsiyasat o magdesinyo. d. Problem-based inquiry, collaborative learning 8. Scaffolding pagtuturong naglalayong suportahan ang mag-aaral habang natuto at nagiging independent gaya ng paggamit ng material. Halimbawa: a. Modeling -pagpapakita ng kasanayan o proseso bago ito subukan ng mag-aaral. b. Think-Alouds- guro’y nagsasalita nang malakas tungkol sa kanyang pag-iisip habang siya ay nagtatapos ng isang gawain. 3. Bagay na katanungan. c. Chunking- ang impormasyon ay hinahati sa mas maliit na bahagi upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral. d. collaborative scaffolding. 9. Paggamit ng Technolohiya Halimbawa: a. Learning Managemets System (LMS b. Multimedia Tools -youtub, podcasts, Virtual Reality c. Gamification (kahot-gramatika, bokabularyo o kasaysayan ng wika,) d. Online Collaboration tools (Google Docs at Microsoft Teams) e. Flipped Classroom (paggmit ng vedios sa discussion) f. Adaptive Learning Teknolohiya (DreamBox-matematika at Knewton) g. Digital Story telling- storybird o adobe Spark- kulturang Pilipino 10. Differentiated Instruction pagtuturong naglalayong matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mag- aaral (antas ng kakayahan at istilo ng pagkatuto) a. content differentiated- ano ang ituturo b. process differentiated -paano matuto c. product differentiated- paano ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan) 11. Real-world Connection Halimbawa: a. pagsusuri ng isyu sa lipunan gamit ang sanaysay o talumpati, paggamit ng social media para sa komunikasyon b. pagsusuri ng mga programang pantelebisyon o pelikula sa Filipino, c. paglahok ng gawaing komunidad, paggawa ng blos o artiklo tungkol sa kultura, pag-organisa ng event o programang pangkultura. BUOD-DIWA 1965, ang pagtuturong batay sa nilalaman sa pagtuturo ng Pranses sa mga paaralan sa Canada. Ginamit sa pagtuturo ng bilinggwal na edukasyon sa Estados Unidos at Inglatera kung saan ginamit ang mga katutubong wika ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng nilalaman ng agham, matematika at kasaysayan. Met (1991) pagtuturong batay sa nilalaman ay isang paraan ng pagtuturo na ginagamit ang mga layunin at gawain mula sa aralin bilang lunsaran sa pagkatuto ng wika. Brinto et.al (1989) ang PBN ay integrasyon ng isang partikular na nilalaman at ng mga layunin sa pagtuturo ng wika. Eskey (1997) Ang itinuturo ng PBN ay hindi nilalaman kung hindi ang mga paraan ng pagpapahayag o diskors sa nilalaman na magsanay sa mag-aaral na mag-analisa, magpalitang-kuro at magsulat tungkol sa nilalaman. Grabe at Stoler (1997), napatunayan ang PBN ay nagreresulta sa pagkatuto ng wika at nilalaman at sa mataas na antas ng motibasyon at interes ng mga mag-aaral. Nagkakaroon ang naiibang perspektibo sa pagtuturo ng wika, ang guro sa pagtuturong batay sa nilalaman. Naniniwala ang guro na ang mga mag-aaral sa PBN ay aktibong tagapagbuo ng kahulugan at karanasan sa aktuwal na buhay. Kaya naman inaayos niya ng mga gawain ayon sa interes, lebel, karanasan, at estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.