FILI 101 Notes (Tagalog) PDF

Summary

These lecture notes discuss the Tanggol Wika movement and efforts to preserve the Filipino language in higher education in the Philippines. The notes cover key events and arguments related to this movement, providing historical context and student viewpoints. It includes discussions about the role of the language and education.

Full Transcript

**FILI 101 / KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO** **YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA** I. **Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo** **Tanggol Wika?** Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino...

**FILI 101 / KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO** **YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA** I. **Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo** **Tanggol Wika?** Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ito mula sa isang konsultatibong forum noong **Hunyo 21, 2014** sa **De La Salle University- Manila (DLSU)**. Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing forum. Isa sa nagging tagapagsalita ng forum na iyon si **Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining.** **Tungkol saan ang nasabing Forum?** Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Ito ay epekto ng pagtatangka ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng CHED Memorandom Order (CMO) No. 20 Series of 2013 ang layunin ay alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, para diumano\'y mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo. ![](media/image2.jpeg) Si Dr. Bienvenido Lumbera, isa sa mga convener ng Tanggol Wika. **"Sulong sa pakikibakang anti-kolonyal!"** ang isinulat niya sa message tarpaulin sa asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika. (Kuha ni Dr. Aurora Batnag) **Ano sa tingin nyo ang naging papel ng Tanggol Wika?** Malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa pagtataguyod ng wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon. **MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG TANGGOL WIKA** Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay sa pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo. **Oktubre 3, 2012**- sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng senior high school/junior college at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na maaaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. **Ano ang naging batayan nila sa nasabing petisyon?** Ang naging batayan ng kanilang pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay [ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas ng tersyarya] na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, na may petsang **Agosto 29, 2012**. **Ano ang mga naging tugon sa gayong plano?** **Disyembre 7, 2012**- inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang "Posisyong Papel para sa Bagong CHED curriculum" na may pamagat na "**ISULONG ANG ATING WIKANG PAMBANSANG FILIPINO, ITAGUYOD ANG KONSTITUSYUNAL NA KARAPATAN NG FILIPINO, ITURO SA KOLEHIYO ANG FILIPINO BILANG LARANGAN AT ASIGNATURANG MAY MATAAS NA ANTAS**". Si **Prop. Ramilito Correa** ang may akda ng nasabing posisyong papel. -ang noo\'y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU. Noong **Hunyo 28, 2013** inilabas ang CHED ang CMO No. 20, series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng K to 12: "**Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics**." **Marso 13, 2014**- muling gumawa ang may akda ng panibagong liham- petisyon na nakaaddress sa CHED. Ito ay dahil sa udyok nina Dr. Franny Garcia at Dra. Maria Lucille Roxas mga batikan at premyadong manunulat na kapwa faculty member ng DLSU. **Hunyo 2, 2014**- sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sila dalawang komisyoner ng CHED. Napagkasunduan na muling sumulat sa CHED ang mga guro na pormal na i-reconvence ang technical panel/ technical working group sa Filipino at sa General Education Committee kasama ang kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit na magkaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Kaya ng **Hunyo 21, 2014** ang Tanggol Wika ang simbolo ng kolektibong paglaban ng mga kaguruan na apektado ng CMO No.20 Series of 2013. Mula ng maitatag ang Tanggol Wika naglabas na rin ng kanya-kanyang posisyong papel laban sa CMO No.20 Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan sa iba\'t-ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State University- Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University (XU) at marami pang iba. ![](media/image4.jpeg) Si Dr. Rowell Madula, Vice-Chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools ang nakaisip ng pangalan ng alyansa. Nakatulong ng malaki sa mabilis na pagsulong at popularisyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA news Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation, Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com, na sinundan pa ng mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Noong **Abril 15, 2015** ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera kasama ang iba\'t ibang nabanggit na partylist at mahigit 100 propesor mula sa iba\'t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda rin ng kanilang mga abogado ang nasabing petisyon. Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R No. 217451 ( Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon \[CHED\] Dr. Patricia Licuanan). Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV Seksyon 14, 15 at 18; Artikulo XIV,Seksyon 3; Artikulo II, Sekyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3, Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o "Commission on the Filipino Language Act,Batas Pambansa Bilang 232 o"Education Act of 1982," at Batas Republika 7356. **Abril 21, 2015**- kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng Temporary Restraining Order. **MGA ARGUMENTO NG TANGGOL WIKA SA PAG-AALIS NG COMMISSION ON HIGHER EDUCATION NG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO** **ARGUMENTO 1:** Walang makabuluhang argumento ang mga anti-Filipino -- ang kampong tanggal wika -- sa pagpapatanggal ng Filipino at Panitikan. **ARGUMENTO 2:** Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junior at/o Senior High School ay may katumbas pa rin sa kolehiyo. **ARGUMENTO 3**: Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo lamang. **ARGUMENTO 4:** Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura. **ARGUMENTO 5**: Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at Panitikan. **ARGUMENTO 6:** Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito. **ARGUMENTO 7**: Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na may espasyo para sa wikang Pambansa (Special Program in Foreign Language) **Argumento 8:** Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino -- at may potensyal itong maging isang nangungunang wikang global -- kaya lalong dapat itong pag-aralan sa pilipinas **Argumento 9**: Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei, na mga bansang kasapi ng ASEAN, kaya't mahalagang wika ito sa konteksto mismo ng ASEAN Integration **Argumento 10:** Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National Achievement Test (NAT) **Argumento 11**: Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: ang wika sa demokratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong panlipunan. **Argumento 12**: Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21. **Argumento 13**: Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa. **Argumento 14:** May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Isa sa mga pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang **200** delegado sa isang pambansang kongreso ng **Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF**). "**PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS SA TERSYARYA**" Sa pamumuno ni **Dr. Aurora Batnag**, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong **Mayo 31,2013.** **Komisyon sa Wikang Filipino (KWF**) Ito ang ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na pag- unlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang Pambansa. "**Sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik,malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya**." Ang ating wika at panitikan ay salamin at tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian tagumpay, kasiyahan, hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang mula rito patungo sa dako pa roon ng hinaharap. "**PAGTATANGGOL SA WIKANG FILIPINO, TUNGKULIN NG BAWAT LASALYANO**." Departamento ng Filipino ng De La Salle University, Manila Agosto 2014 Ang adbokasiyang ito'y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at [pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon] na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa. "**ANG PANININDIGAN NG KAGAWARAN NG FILIPINO NG PAMANTASANG ATENEO DE MANILA SA SULIRANING PANGWIKANG UMUUGAT SA CHED MEMORANDUM ORDER NO. 20, SERIES OF 2013**." Ateneo de Manila University "**Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina**." Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat itong patuloy na ituro sa tersyarya at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyunal. "Ang banta na alisin ang Filipino sa Akademikong konteksto ay nagdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. At lalong hindi dapat pagsabungin ang wika at dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sariling at kanilang interes." **POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS SA ILALIM NG KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN** **"**Kahalagahan ng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang susi ng kaalamang bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal- mga kaalamang patuloy na hinuhubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika din ang daluyan para mapalaganap ang dunong- bayang na pakikinabangan ng bayan." "Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas na tersyarya ang sanayin ang mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan." "**PANININDIGAN NG KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA**." Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan "Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino.Kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo iyon ang identidad mo." **PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYON PANGGURO NG PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY 2014** "Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi pagmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga aralin, hindi lamang nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan." **Mga Paaralan na Nagpahayag ng Suporta sa Adbokasiya ng Tanggol Wika** - NTC - MSU-IIT - Technological University of the Philippines (TUP) Manila - De La Salle College of St. Benilde (DLS-C) - Xavier University - Pamantasang Lungsod ng Marikina (PLMAR) **Mga Organisasyong Pangkabataan** - Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM) - League of Filipino Students (LFS) - University Student Government (USG) II. **FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO AT MAS MATAAS NA ANTAS** **Artikulo XIV, Seksiyon 6** *"Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system."* Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan sa pamayanan man o paaralan. Ang mga [inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon] ay inaasahang magmumula sa pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang **Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335** noong **Agosto 25,1988**. "Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/ Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya." Ayon kay **Lumbera et al. (2007)** ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto. **12 REASONS TO SAVE THE NATIONAL LANGUAGE** Isang artikulong sinulat ni **David Michael M. San Juan** patungkol sa mga argumentong pumapabor sa pagkakaroon ng Filipino sa mataas na antas ng edukasyon. - Nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. - Ang ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina. - Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. - Ito ay isa ring paraan ng paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo - Ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College Readiness Standard sa CHED's Resolution No. 298-2011 - Ang resulta ng National Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang kulang pang natutuhan ng mga mag- aaral sa hayskul. - Batid din ng lahat na hindi kaya ng senior hayskul masakop lahat ng content at performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. - Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino. Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. - Kaugnay naman ng mga bansang nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. - Maraming panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari na pamamaraan. - Matagal nang namamayagpag ang Ingles sa kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng makasaysayang kaapihan. - Higit sa lahat ang Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika. **YUNIT II. PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON** **ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON SA ATING BUHAY** - Mass Media o pangmadlang midya ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. **ANIM NA PARAAN UPANG MALAMAN ANG FAKE NEWS** 1. Ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon**.** 2. Kailangan na maging mapanuri sa pinagmulan ng impormasyon. 3. Mahalaga na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan. 4. Huwag magpadala sa tinatawag na "face value" ng mga impormasyon. 5. Hindi kasiguraduhan ang magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon. 6. Higit sa lahat suriin kung "tunog tama" ba ang pahayag o impormasyon. **MAXWELL MCCOMBS AND DONALD SHAW** **"**pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko**."** **GEORGE GERBNER** **"**ang midya ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga manonood**."** **MARSHALL MCLUHAN** **"**ang midyum ay ang mensahe" **STUART HALL** ang midya ang nagpapanatili sa ideyolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan (Griffin, 2012). **MGA PANIMULANG KONSIDERASYON:** PAGLILINAW SA PAKSA, MGA LAYON, AT SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON **MGA BAGAY NA DAPAT ISAALANG ALANG NG** **ISANG MANANALIKSIK BAGO PUMILI NG** **BATIS NG IMPORMASYON:** - Kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik. - Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman. - Kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakarang ng sitwasyong pangkomunikasyon. **TUKOY NA PAKSA AT LAYON** 1. Paksa ng sitwasyong pang komunikasyon kung saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na kanyang bubuuin**.** 2. Ang kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon**\`** **LIMANG HAKBANGIN NA DAPAT ISAKATUPARAN SA IKAUUNLAD NG PANANALIKSIK:** 1. **"**magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo**.** 2. **"**magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. 3. **"**magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects**.** 4. **"**bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programang gradwado**.** 5. **"**atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas." **Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982) para sa** **MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK.** **Una**, iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. **Pangalawa**, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga kababayan. **Pangatlo**, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila**.** **MULAAN NG IMPORMASYON:** MAPANURING PAGPILI MULA SA SAMO'T SARING BATIS **BATIS NG IMPORMASYON** - pinanggagalingan ng mga katunayan na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomino at panlipunang realidad**.** **PRIMARYANG BATIS** - orihinal na pahayag obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal na grupo o institusyon na nakaranas, nakapag obserba o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno**.** Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao: 1. Pagtatanong-tanong 2. Pakikipagkuwentuhan 3. Panayam o Interbyu 4. Pormal, inpormal, estrukturado o semi estrukturado o semi- instrukturadong talakayan 5. Umpukan 6. Pagbabahay bahay Mula sa mga Materyal na Nakaimprenta sa Papel na madalas ay may kopyang Elektroniko 1. Awtobiyograpiya 2. Talaarawan 3. Sulat sa koreo at e-mail 4. Tesis at desirtasyon 5. Sarbey 6. Artikulo sa journal 7. Balita sa dyaryo, radio at telebisyon 8. Rekord ng tanggapan ng gobyerno 9. Orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal 10. Talumpati at pananalita 11. Larawan at iba pang biswal na grapika Iba pang Batis 1. Harapan o online na survey 2. Artifact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen, pera, kagamitan at damit 3. Nakarekord na audio at video 4. Mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan at obserbasyon 5. Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet 6. Mga likhaing sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video **SEKUNDARYANG BATIS** - pahayag ng interpretasyon, opinyon, at kritisismo mula sa mga indibidwal grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang penomeno. Kasama rito ang mga account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. 1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editoryal, kuro-kurong tudling, sulat sa patnugot at tsismis o tsika. 2. Encyclopedia 3. Teksbuk 4. Manwal at gabay na aklat 5. Diksyonaryo at Tesoro 6. Kritisismo 7. Komentaryo 8. Sanaysay 9. Sipi mula sa orihinal na hayag o teksto 10. Abstrak 11. Mga kagamitan panturo kagaya ng powerpoint presentation 12. Sabi sabi **MGA DAPAT TANDAAN SA PAGPILI NG IMPORMASYON MULA SA PRIMARYA AT SEKUNDARYANG BATIS** - Bigyang prayoridad ang primary kaysa sekundaryang batis sapagkat ang una ay nanggaling sa aktuwal na karanasan, obserbasyon kayat itinuturing na mas katiwa-tiwala kaysa sa pangalawa. - Maaring pumili ang mananaliksik ng higit sa isang batis ng impormasyon para maging hitik sa datos ang binubuo niyang kaalaman, makumpara mapatotoo niya ang katunayan sa bawat batis. - Kailangang piliin iyong angkop sa paksa, layon at disenyo ng pananaliksik. - Sa pagsangguni sa mga tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na ang nilalaman ay maaring baguhin o dagdagan ng sinuman. - Sa pagsangguni ng mga espisipikong primaryang batis, maging pamilyar sa mga paalala ng mga bihasang mananaliksik na gumagamit nito. - **Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon**. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan, kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung ang nasagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao. - **Kalakasan ng Harapang Kapuwa-Taong Ugnayan** 1\. Maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa mga taga-pagbatid. 2\. Makapagbigay ng angko na kasunod na tanong (follow-up question) sa kanya. 3\. Malilinaw niya agad ang sagot 4\. Maoobserbahan ang kanyang berbal at di berbal na ekspresyon. - Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. - **Kalakasan ng Mediadong Ugnayan** 1. Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malalayong lugar o anumang oras at pagkakataon kung kailan nila maisisingit ang pagresponde. 2. Makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangan puntahan nang personal ang mananaliksik ang mga tagapagbatid. 3. Mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may elektronikong sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya. **PAGLUBOG SA MGA IMPORMASYON:** MGA PAMAMARAAN NG PAGHAHAGILAP AT PAGBABASA 1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao 2. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Aklatan 3. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Online Na Materyal 4. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Pang- Madlang Midya 1. **PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA KAPUWA-TAO** 1. **EKSPERIMENTO** - Sa teksto ng agham panlipunan, ang eksperimento ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon. 2. **INTERBYU** - 3. **FOCUS GROUP DISCUSSION** - Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik, at anim hanggang sampung kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may pagkakataong makapag bahagi ng ideya o impormasyon**.** **Bentahe ng FGD ang mga sumusunod**: 1\. naitatama, napapasubalian, o nabeberika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi 2\. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag sila'y magkakasamang nag uusap (na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu) 3\. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapan sa isang pagtitipon. **Kahinaan naman ng FGD kapag**: 1\. may dominante sa grupo 2\. may nag aagam --agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinibigay ng iba 3\. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok 4\. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o matsismis 4. **PAKIKISANGKOT HABANG PAKAPA-KAPA** - Ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw araw na gawain habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kapa ang dulog ng pangangalap ng datos, hindi siya nagbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. 5. **PAGTATANONG-TANONG** 1. Kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid 2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang sinisiyasat 3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa 4. kung nais mabirepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid. Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal at bernakular na wika ang ginagamit para madaling magkaintindihan ang nagtatanong at ang tinatanong. 6. **PAKIKIPAG KWENTUHAN** - Ito ay isang di-estrukturadong at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit at igaya ang daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan, kundi ang pagiging "Malaya" ng mga kalahok na "magpahayag ng anumang opinyon o karanasan" at magbigay ng berbal at di berbal na ekspresyon ng "walang takot" o pag aalinlangan na ang binitiwan niyang salita ay magagamit laban sa kanya sa pag hihirap (De Vera 1982, p.189). Wala rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lugar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork. 7. **PAGDADALAW-DALAW** - Sa pag aaral ng kahirapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa Malabon, Rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco (1982) ay pagdalaw-dalaw. Ayon sa kanya ang pagdalaw-dalaw ay ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay magkakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng isat-isa, mas maluwag na sa kalooban ng tagapagbatid na ilabas sa usapan "ang mga nais niyang sabihin bagamat maaring may ilan pang pagpipigil (1982, p.194). Ito ay maaring kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan at pakikilahok. 8. **PAKIKIPANULUYAN** - Sa pakikipanuluyan ang mananaliksik ay nakikisalamuha sa mga tao at nakikisangkot sa ilan sa kanyang mga aktibidad kagaya ng pagkukwentuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang pagtitipon; pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran at pagtatanong-tanong hinggil sa paksang sinasaliksik. Ang mananaliksik ay hindi lang nakikitira sa isang bahay at nakikisangkot sa buhay ng isang pamayanan, kundi siya rin ay nagmamasid, nagtatanong-tanong, nakikipag kwentuhan,at nakikilahok sa mga Gawain. Sa pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ng mananaliksik. 9. **PAGBABAHAY-BAHAY** - May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nagmamasid, nagtatanong-tanong, at nakikipagkuwentuhan at nakikipagpanayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks, at malalalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid. 10. **PAGMAMASID** - Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa madaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung "maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin" sa pananaliksik (Gonzales 1982 p.175) May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer (ganap na tagamasid), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant (tagamasid bilang kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino ni Agcaoili 2016, p. 60). **INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS MULA SA KAPUWA-TAO** Kaparehong harapan at mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrumento na karaniwang ginagamit ay ang sumusunod: 1\. Talatanungan at gabay na katanungan 2\. Pagsusulit o eksaminasyon 3\. Talaan sa fieldwork 4\. Rekorder 1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa pananaliksik. 2. Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan, kolehiyo o unibersidad ang pupuntahan. 3. Kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa ilang pampublikong aklatan, alamin ang mga kahingian bago pumasok at makagamit ng mga pasilidad at sources ng aklatang bibisitahin. 4. Reviewhin ang sistemang decimal at sistemang library of congress dahil alinman sa dalawang ito ay madalas na batayan ng klasipikasyon ng mga pangkalahatang aklat ng karunungan. 5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapaphotocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang printed na materyal kaya kailangan ng matiyaga at mabilis na pagbabasa kung marami ang sanggunian na bubulatlatin. 6. Gamitin ang online public access para makahanap na ng sanggunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksyon o dibisyon ng aklatan. 7. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkukunan na online ng aklat gaya ng subskripsyon sa journals, e-book e-databases at iba pang batis ng impormasyon sa internet. **Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online news sites na:** 1\. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba't ibang panig; 2\. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata 3\. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, oinstitusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito. **Sa pagbabalanse ng impormasyon lalo na kung may kinalaman sa isyung pambansa, makabubuting sumangguni ang mga mananaliksik sa iba't-ibang online na batis ng impormasyon gaya ng mga sumusunod.** 1\. Website ng pamahalaan a\. Philippine Information Agency b\. Official Gazzette 2\. Website ng mga ahensya ng pamahalaan a\. Kagawaran ng Agrikultura b\. Kagawaran ng Edukasyon 3\. Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan a\. IBON Foundation b\. Philippine Center for Investigative Journalism 4\. Website na gumagawa ng Fact Check a\. Vera Files **PAGSUSURI NG DATOS:** MULA SA KAUGNAYAN AT BUOD NG MGA IMPORMASYON HANGGNAG SA PAGBUO NG PAHAYAG NG KAALAMAN **PAGBUBUO NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON** 1. **Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon** a. Maaring palitawin ang iba't ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon kagaya ng pagkakatulad at pagkakaibam bentahe at disbentahe iba't ibang anggulo at anyo/mukha, pagtataguyod o pagsalungat/pagtutol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga hakbang sa isang proseso at elaborasyon. b. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng nga impormasyon ni Spradley (1979) c. Maaaring gumamit ng mga pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik**.** ![](media/image3.png) 2. **PAGBUBUID NG IMPORMASYON** a. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin ng mabuti ang teksto bago tukuyin ang susing salita, ang paksang pangungusap at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod, palitawin muna ang koneksyon ng mga susing salita, ang pinakapaksang pangungusap at ang pinakatema upang malaman ang mga sintesis o pinakapunto ng teksto. b. Kahingian sa ilang uri ng material ang angkop na element o estruktura ng buod c. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan at iba pang etnograpikong paraan ng pangangalap ng datos gamitin ang mga coding dahil ang hinahantungan nito ay buod o buod ng teksto. d. Iwasan ang panglahat na pahayag kung kakaunti lamang ang bilang ng kalahok o tinatanong. 3. **PAGBUO NG PAHAYAG NG KAALAMAN** a. Pumili ng mga angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong komunikasyon, at makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino. b. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon c. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng kalituhan d. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience. e. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: (ako, ko akin, tayo, natin, kami); pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo,); at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila, kanila,). Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan dahil "inilalayo nito ang manunulat sa tuksong makialam "at "pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang kumubinsi sa mambabasa" (Almario 2016b, p. 32). Ang paggamit ng pantayong pananaw o "pag uulat sa sarili" (Navaro et al. 1997, p.2) sa komunikasyon sa pangkalahatan ay mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang Pilipino ang kinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang minimithi ng pahayag ng kaalaman. f. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid (Creswell 2014 p. 99-100). Kailangang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy. Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat (Creswell 2014). g. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at palakasin ang mga punto, argumento, o pahayag. h. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa journal article). May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na i. ginagamit sa mga journal, term paper, aklat, manwal at iba pang publikasyon: modern languages association (MLA) American psychological association (APA), at Chicago manual of styles (CMS). Ang pahayagan naman tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng sarili nitong stylebook. Sa telebisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser