Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino PDF
Document Details
Uploaded by ReachableOrange6578
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang pagtalakay sa wikang Filipino. Tinatalakay dito ang kahulugan, gamit, at katangian ng wika. Naglalaman din ito ng mga halimbawa ng paggamit ng wika sa iba't ibang sitwasyon.
Full Transcript
Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino Pokus Sa pagtatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang: Naipaliliwanag ang kahulugan, gamit, antas, at katangian ng wika. Nagagamit ang wika sa iba’t-ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Nakapagbibigay ng iba’t-ibang halimbawa ng...
Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino Pokus Sa pagtatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang: Naipaliliwanag ang kahulugan, gamit, antas, at katangian ng wika. Nagagamit ang wika sa iba’t-ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Nakapagbibigay ng iba’t-ibang halimbawa ng sitawasyunal na gamit ng wika. Wika Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo tunog at mga kaugnayan n batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ito ang daluyan ng mga epektibong komunikasyon at salalayan ng mabuting pakikipagugnayan. Cont. (PREZI.com) Nag-uugat ang wika sa wikang Malay. Ang isa pang lengguahe na may isa pang katawagan sa wika ay nagmula naman sa Kastila. Ang salitang lengguahe ay nagmula sa salitang lingua ng Latin, na nangangahuugang “dila,” sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog. Cont. Samakatuwid ang wika sa malawak nitong kahulugan ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit kadalasan ay mayroon. Cont. (Caroll, 1964) Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Cont. (Dr. Aurora Batneg, Kabayan 2001) Isinasaad na ang Pilipinas ay multilinggual at multikultural,nabubuklod ang ating watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang medium na Wikang Filipino. Cont. (Alfred Whitehead) Ang wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa at ipinapalagay na ang wika ay salamin ng lahi at nang kanyang kalagayan. Cont. (Zeus Salazar) Naipapahayag na ang wika ang mga kaugalian, isip at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan. Cont. (Tumangan et. Al, 2000) Si Henry Gleason, ang tumukoy na ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Cont. (Pamela Constantino at Galileo Zafra) Ang wika ay kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama- sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunekeyt ang isang grupo ng mga tao. Cont. (Bowman, 1990) Ang nagsabing ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang particular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag. Mga Katangian ng Filipino Bilang Wika 1. May simple ngunit perpektong palatunugan o ponolohiya 2. May pambihirang mga panlapi 3. May ugaling mag-ulit 4. May kakayahang manghiram May Simple ngunit Perpektong Palatunugan o Ponolohiya Ayon kay Richard Pettman, isang kilalang dalubwika, ang ponolohiya ng Filipino ay maituturing na pinakaperpekto sa buong daigdig. Sapagkat sa Filipino kung anong bigkas, siyang sulat, siyang basa. May Pambihirang mga Panlapi Ang panlaping Filipino, bagamat tatatlo ang mga ito, UNLAPI, GITLAPI, at HULAPI, ay naikakabit ito sa anumang salita katutubo man o dayuhan. Halimbawa 1. Shopping 2. Research 3. Malupit 4. Inumin 5. Lumuwag May Ugaling Mag-ulit Sa wikang Filipino, ang pag-uulit ay isang paraan ng pagbubuo ng salita. Nagaganap ito sa mga katutubo o hiram na salita, na kapag binaliktad ay nagkakaroon ng iba pang kahulugan. Halimbawa 1. Tuktok 2. Kaskas 3. Bilbil 4. Sama-sama 5. Tiktik Cont. Inuulit rin ang bahagi o buong salita at lalapian pa. Halimbawa 1. Isa Iisa-isa 2. Iisa Iisa-isahin 3. Isa-isa Nagti-tig-isa May Kakayahang Manghiram Sa pagpasok ng makabagong kabihasnan, pagbabagong pang- ekonomiya, kaunlarang pang-agham at pangteknolohiya, sa ayaw man natin at gusto, hindi na maiwasan pa ang panghihiram sa mga wikang banyaga. Cont. Ang maganda sa hiramang pangwika, walang saulian. Yumayaman ang Wikang Nanghihiram (WN) subalit hindi naman nababawasan and Wikang Hinihiram (WH). Halimbawa ng Pag-alinsunod sa tradisyong Kastila 1. Education Educacion Edukasyon 2. Energy Energia Enerhiya Halimbawa ng Pagsulat sa baybay-Filipino ng hiram sa Ingles at Kastila 1. Curriculum Kurikulum 2. Elevator Elebeytor 3. Janitor Dyanitor Halimbawa ng Tahasang panghihiram 1. X-ray 2. Xerox 3. Softdrinks 4. Sandwich 5. Pizza Pie 6. Sausage Aktibidad Magbigay ng tigsasampung halimbawa sa bawat katangian ng Filipino bilang Wika. 1. May Simple ngunit Perpektong Palatunugan o Ponolohiya 2. May pambihirang mga Panlapi 3. May ugaling Mag-ulit 4. May kakayanhang Manghiram Unibersal na Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas 2. Sinasalitang Tunog 3. May Kakanyahan, Maingat na Pinipili at Isinasaayos 4. Arbitraryo Cont. 5. Kabuhol ng Kultura 6. Ang Wika ay Buhay 7. Daynamik o Nagbabago 8. Ginagamit sa Komunikasyon Masistemang Balangkas Ito ay isang proseso upang makabuo ng isang mahusay, makabuluhan pahayag at magamit nang mabisa ang wika sa pakikipagkomunikasyon. Cont. Ang wika ay may kaakibat na tunog at ang tawag dito ay ponema. Tinatawag naman na ponolohiya ang makaagham na pagaaral sa mga tunog na ito. Cont. Kung pagsasama-samahin ang mga ponema makakabuo ng yunit ng salita na tinatwag na morpema. Cont. Morpolohiya naman an tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Sinasalitang Tunog Maraming tunog ang naririnig natin sa ating kapaligiran tulad na lamang ng lagaslas ng tubig sa ilog, hanging sumisipol, tunog ng kampana at iba pang tunogna naririnig natin sa ating kapaligiran. Cont. Subalit hindi lahat ay matatawag na wika. Ang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t-ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin,ngala-ngala at lalamunan. May Kakanyahan, Maingat na Pinipili at Isinasaayos Tulad na pahayag na walang kambal na magkapareho, wala rin naming wikang lubos na magkatulad, sapagkat, ang wika ay likas na “unique o kakaiba.” Cont. Maituturing na masining ang ating pahayag kung ito ay maingat na pinipili at isinasaayos. Nagiging mas makabuluhan ito kung pinag- iisipan at maingat na pinipili ng bawat tagapagsalita ang angkop na mga salita sa knilang pagpapahayag particular sa isang pormal na usapan o depende sa pangangailangan at taong kinapal. Cont. Maituturing na masining ang ating pahayag kung ito ay maingat na pinipili at isinasaayos. Nagiging mas makabuluhan ito kung pinag-iisipan at maingat na pinipili ng bawat tagapagsalita ang angkop na mga salita sa knilang pagpapahayag particular sa isang pormal na usapan o depende sa pangangailangan at taong kinapal. Arbitraryo Maraming wika ang gingamit at binibigyang kahulugan na nakabatay sa isang grupo o samahan ng mga tao. Minsan ang isang particular na wika ng isang pamayanan ay maaaring kakatwa sa iba dahil sa pagkakaiba ng kahulugan. Cont. At kung minsan naman may mga salitang ginagamit na nang makabagong panahon ngunit walang katwiran kung ito’y susuriin. Iba ang kahulugan sa isang bayan at iba naman sa ibang bayan, bagamat parehas naman sila ng lengguwaheng ginagamit. Halimbawa Toyo sa tagalog - Patis sa Hiligaynon Sitaw sa tagalog - Latoy sa bisaya at utong sa Ilocano Kabuhol ng Kultura Kabuhol na ng kultura ng bawat tao sa mundo ang wika. Sabi nga, kung ano ang wika mo, iyon ka. Wika ang nagpapakilala sa kinagisnang kultura, ito ang repleksyon ng ating pagkatao. Cont. Sa bawat tradisyon, paniniwala, kaugalian, pananampalataya at pakikibaka ay wika ang kaakibat upang isalaysay at isaling-bibig ang lahat ng nangyayari sa iba’t-ibang henerasyon ng kanilang lahi. Halimbawa (Kano at Pinoy sa paraan ng pagsasalita) Kano: Tayo na? Pinoy: Pwede ba ako manligaw? Halimbawa (Ingles at Filipino ng Ice Formation) Sa Ingles, ito ay maaring glacier, hailstorm, icebergs, frost at iba pa. Sa Filipino, ito ay yeloo nyebe lamang. Ang Wika ay Buhay Sa paglipas ng panahon, may bagong salita o wika ang isinisilang at umuusbong. Buhay ang wika kung ating mapagninilayan. Cont. Likas na sa tao ang pagiging malikhain, hindi lamang sa usapin ng teknolohiya kundi pati na rin sa wika. Cont. Sa katunayan, ito ay parami ng parami sa paglipas ng panahon depende sa pangangailangan ng tao o lipunang ating ginagalawan. Cont. Katulad na alamng halimbawa ng mga salitang kanto (balbal) “gay-lingo,” ilang grupo ng mga tao batay sa kanilang trabaho, gaya ng mga drayber, guro, magsasaka, barber, reporter at iba pa. Daynamik o Nagbabago Sa paglipas ng panahon, maaaring ang wika ay mabago batay sa mga grupo o samahan ng mga taong gumagamit nito. Napapalawak ang gamit at mapapayabong ang ating wika sa iba’t-ibang paraan, tulad ng pananaliksik ng mga manunulat at dalubhasa sa wika. Cont. Subalit hindi ito nawawala o namamatay kung ito ay nagbabago lamang. Yumayaman ang bokabularyo ng wika kapag may naidadagdag na mga bagong salita na dulot ng pananaliksik, pagkamalikhain ng tao kasabay ng modernong teknolohiya. Cont. Tulad ng mga lenggwahe ng mga kabataan ngayon, siyota ang tawag sa “girlfriend” nila, samantalang noong mga taong 1960, kasitahan o kaya’y nobya ang katawagan nito. Cont. Ang mga salitang hindi na ginagamit dahil itinuturing na luma at hindi naaayon sa modernong panahon ay nawawala o namamatay. Ginagamit sa Komunikasyon Ayon sa kasabihan s Ingles: “Man is by nature gregarious,” ang tao ay naghahangad na lagging may makakasama. Cont. Sa puntong ito, ang tao ay hindi masaya na nagiisa at kailangan niya ang kasama upang maipahayag ang anomang nararamdaman, saloobin, damdamin, paniniwala, kalungkutan, kaligayahan, idelohiya at iba pa. Cont. Nangangahulugan na ang tao ay hindi maaring mabuhay na magisa sa mundo. Ang ating lipunanay binubuo ng mga grupo o lipon ng mga tao na patuloy sa pakikisalamuha sa kapwa, naguugnayan at nagtatalastasan. Cont. Saan mang lugar, sino man ang ating kausap mayaman o mahirap, may pinagaralan o wala wika ang gamit natin.