Pinagmulan at Kasaysayan ng Wikang Filipino (PDF)
Document Details
Tags
Related
- Modyul 1: Kahulugan at Kasaysayan ng Wikang Pambansa 2024 PDF
- MODULE 1: Kahulugan at Kasaysayan ng Wikang Pambansa (2024) PDF
- Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa (KOMPA-PPT-2-UCP PDF)
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF
- Pag-aaral ng Wika, Mga Konsepto, at Kasaysayan (PDF)
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang pagsusuri ng pinagmulan at kasaysayan ng wikang Filipino. Tinatalakay dito ang mga paniniwala, teorya, at mga pangyayari na naging bahagi ng pagbuo ng wikang Tagalog. Binibigyan din ito ng pananaw ang mga impluwensiya na gumanap sa ebolusyon at pag-unlad ng wika.
Full Transcript
KOMPAN: PINAGMULAN NG WIKA Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon Naniniwala ang mga teologo na ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat ○ Genesis 2:20 "At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat...
KOMPAN: PINAGMULAN NG WIKA Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon Naniniwala ang mga teologo na ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat ○ Genesis 2:20 "At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang." ○ Genesis 11: 1-9 Ang Tore ng Babel Ang Tore ng Babel (Genesis 11: 1-9 ) "Sa simula, iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang paglilipat sa silangan, nakarating sila sa Shinar at nagpasya na magtayo ng lungsod na may toreng abot-langit upang maging tanyag. Ngunit bumaba si Yahweh, nakita ang kanilang ginagawa, at nagpasya na guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan. Dahil dito, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig. “ Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento Ebolusyon Ayon sa mga Antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika. Teoryang Ding Dong Tunog ng kalikasan splash Teoryang Bow-Wow ○ Tunong ng mga hayop Kwak kwak Teoryang Pooh-Pooh ○ Masidhing damdamin (feelings) Aray Teoryang Ta - Ta ○ Galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila Pagturo ng direksyon gamit ang kamay o nguso Teoryang Yo-he-ho ○ Pagsamasama (sabay) -Pagbubuhat ng mabigat na bagay “Hoooh KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBASA: Panahon ng mga Katutubo Teorya ng Pandarayuhan ○ Wave Algorithm Theory ni Dr. Henry Otley Beyer Ayon sa kanya mayroong tatlong pagkat ang taong dumating sa Pilipinas: Negrito, Malay at Indones D - dawnmen (through the bridge) A - aetas (through land bridge) I - indones (through boats) M - malay (through boats) ○ Pambansang Museo ng Pilipinas - Dr. Robert B. Fox Isang bungo at isang buto ng panga ang natagpuan sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962. Nahukay din ang mga ilang uri ng bato (chertz - uri ng quartz) ○ 1962 Unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia ○ Felipe Landa Jocano Pinatunayan niyang ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino UP Center for Advanced Studies noong 1975 ○ Taong Tabon Mula sa Taong Peking (Peking Man) Homo Sapiens Mula sa Taong Java (Java Man) Homo Erectus ○ Dr. Armand Mijares (2007) Natagpuan ang mas matanda pa sa Tabon Kuweba ng Callao, Cagayan 50, 000 - 67, 000 taon na ang nakalipas Homo luzonensis Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano ○ Auster - south wind ○ Nesos - isla ○ Wilheim Solheim II Ama ng arkeolohiya Nagmula sa isla ng Sulu at Celebes (Nusantao) ○ Peter Bellwood Australian Mula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5000 BC ○ Pilipino bilang Austronesian Bangkang may katig Rice terracing _____________________________________________________________________ Panahon ng Espanyol barbariko , di sibilisado, at pagano – ang mga katutubo noon ayon sa Espanyol Ang layunin nila ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo 5 ORDEN: ○ Agustino 1565 - simbahan at paaralan ○ Pransiskano 1575 - charity ○ Dominiko 1557 - salita ng Diyos ○ Heswita 1581 - sacramento at catechism ○ Rekolekto Rebolusyon Mayroong sariling wika ang mga katutubo noon, ngunit pinatigil ito ng Espanyol. Ang mga prayle ang nagsulat ng mga diksiyonaryo, at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpesyonal upang mas mapabilis ang pagkatutuo nila ng katutubong wika. Gobernador Tello ○ Turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol Carlos I at Felipe II ○ Naniniwalang kailangan bilingguwal ang mga Pilipino Doctrina Christiana ○ Isinulat ni Juan de Plascencia ○ Iminungkahi ni Carlos I na dapat ito ay ituro sa wikang Espanyol Haring Felipe II ○ Inulit niya ang utos ukol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga katutubo noong March 2, 1634. ○ Ito ay nabigo Carlos II ○ Lumagda sa isang dekrito na inuulit ang probisyon ukol sa kautusan ○ Nagtakda rin ng parusa sa mga hindi susunod Carlos IV ○ Lumagda pa sa isang dekrito na nag-uutos na ituro ang wikang Espanyol sa mga paaralang itinatag sa pamayanang Indio. Sa panahong ito, mas lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino at nagtagumpay ang mga Espanyol. ______________________________________________________________________ PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging matindi sa damdaming nasyonalismo Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan 1872 ○ Nagkaroon ng propagandang kilusan upang maghimagsik Andres Bonifciao ○ Itinatag niya ang Katipunan na kung saan Tagalog ang ginagamit bilang wikang pang kautusan at pampahayagan. Sumibol ang kaisipang “ISANG BANSA, ISANG DIWA” laban sa Espanyol Pinili nila ang tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, liham, at kuwento. Masasabing ang unang konkretong pagkilos ng mga pilipino ay ng pagtibayin ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog ngunit walang isinasaad na ito ay magiging wikang pambansa ng Republika. Unang Republika ○ Pinamumunuan ni Aguinaldo ○ Isinasaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay Opisyal Panahon ng mga Amerikano Matapos ang kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nagbago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kauganayan sa buhay ng mga Pilipino Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo ○ Buhat sa antas primarya hanggang kolehiyo Jacob Shurman Naniwalang kailangan ang Ingles sa eduaksyong primarya _______________________________________________________________ Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso 1901 Nagtatag ng paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo _______________________________________________________________ Tatlong R Reading wRiting aRithmetic ______________________________________________________________________ Naging dahilan ito upang ang Superintendente Heneral ng mga ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na ipagamit ang bernakula bilang wikang pantulong Lupon ng Superyor na Tagapayo - nagpatibay sa resolusyonsa pagpapalimpag ng mga librong pamprimarya na: Ingles - Ilokano Ingles - Tagalog Ingles - Bisaya Ingles - Bikol Nang mapalitan ang Kawanihan ng Edukasyo, napalitan din ang pamamalakad at patakaran, na kung saan, ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at ipagbawal ang paggamit ng wikang bernakular. SERVICE MANUALNG KAWANIHAN NG EDUKASYON Inaasahan ang bawat kagawad ng kawanihan ay magdaragdag ng kanyang impluwensiya sa paggamit ng opisyal na sistema sa Ingles at maipaunawa sa kadahilanan ng pagsasakutaparan nito. Tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paarlaan, at gusali ng paaralan. Mga sundalo ang unang nagsipaturo ng Ingles Thomasites ang tawag sa ikalawang grupong nagsipagturo 1931 Ang Bise Gobernador - Heneral George Butte na siyang Kalihim sa Pambayanang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Sinang-ayunan nina Jorge Bocobo at Maximo Klaw DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG PAGGAMIT NG INGLES 1. Ang mga mag-aaral ay mahihirapang lumipat sa ibang pook ng kapuluan dahil sa iba-ibang itinuturing wika sa ibang rehiyon. 2. Ang paggamit ng bernakular ay maaring magdulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. 3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. 4. Malaki na ang nagastos/nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa 5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pagkakaisa 6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal. 7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. 8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangan hasain ang paggamit nito. DAHILAN SA PAGTAGUYOD NG PAGGAMIT NG BERNAKULAR 1. 80% ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang, kaya nagsasayang lamang ng pera at panahon ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay 2. Kung bernakular ang wikang panturo, mas epektibo ang pagtuturo sa primarya 3. Kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas dahil isang porsiyentolamang sa tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles. 4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang haharapin nila sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. 5. Ang paggamit ng wikang Ingles ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo 6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. 7. Walang kakayahang makaslat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino 8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin. Iminungkahi nig Lope K Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na pambansa. Probisyong pangwika ○ Artikulo 14, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 nagsasaad ng opisyal na paglika sa SURIAN NG WIKANG PAMBANSA noong November 13, 1936. ○ Tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alintuntuning magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. ______________________________________________________________________ PANAHON NG MGA HAPONES: Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles Ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog Ito ang panahon na namayagpag ang panitikang Tagalog Pinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 ○ nag-uutos na gawing wikang opisyal ang Tagalog at Hapones (Nihonggo) ○ Ang mga goberyno-militar ang nagtuturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan ○ Katibayan sa Nihonggo Junior Intermediate Senior Isinilang ang KALIBAPI ○ Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas ○ Si Benigno Aquino ang direktor ○ Layuning mapalaganap ang wikang Pilipino sa buong kapuluan ○ Katulong nila ang SURIAN NG WIKANG PAMBANSA sa proyektong ito Tatlong Pagkat na namayagpag sa usaping pangwika ○ Pangkat ni Carlos Ronquillo ○ Pangkat ni Lope K. Santos ○ Pangkat nina N. Sevilla at G.E Tolentino A Shortcut to the National Language ○ Para madaling matutuo ang mga mag-aaral ni Jose Villa Panganiban na nagtuturo ng Tagalog sa mg Hapones at di Tagalog