Kuwarter 2, Linggo 6: Mga Tekstong Impormasyonal (Tekstong Ekspositori) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin at gawain sa Filipino. Mga kasanayan sa tekstong ekspositori, pagsusuri at pagsulat ng mga halimbawa ng ekspositori.
Full Transcript
KUWARTER 2 Linggo 6: Mga Tekstong Impormasyonal (Tekstong Ekspositori) Kasanayan Pampagkatuto Naipapamalas ang mga kasanayang pang-akademiko Nakapagsusuri ng mga Tekstong Ekspositori. Nakasusulat ng tekstong ekspositori na nagtataguyod ng Global na Pagkamamayan. UNANG ARAW B...
KUWARTER 2 Linggo 6: Mga Tekstong Impormasyonal (Tekstong Ekspositori) Kasanayan Pampagkatuto Naipapamalas ang mga kasanayang pang-akademiko Nakapagsusuri ng mga Tekstong Ekspositori. Nakasusulat ng tekstong ekspositori na nagtataguyod ng Global na Pagkamamayan. UNANG ARAW BANGKA NG PANGANGAYAW: Panuto: Sa bawat layag ng bangka ay itala ang mga halimbawa ng tekstong ekspositori na natatandaan mo. BUGTONG AWITAN: Panuto: Ibigay ang kasagutan matapos maawit ang sumusunod na bugtong. Ipaliwanag ang kasagutan.. 1. Sa tono ng “Anak ” Freddie Aguilar Personal ito na talaan Bahagi ng kasaysayan May-akda ay saksi Sa mga pangyayari! 2. Sa tono ng “Pusong Bato” (chorus) Kapag ikaw ay maysakit ito ay ginagamit Listahan ng iyong gamot di dapat ipagkait Kung nais ay kaligtasan, listahan ay ingatan Upang gumaling sa iyong karamdaman 3. Sa tono ng “Paroparong Bukid” Pandaigdigan, itong panawagan Nasa pagtuturo’y bigyang kabuluhan Karapatang Pantao at Kapayapaan Natatanging susi tungong kaunlaran. TUKOY-SALITA: Panuto: Tukuyin kung ano ang konseptong inilalarawan sa sumusunod na pahayag. Sabihin sa klase ang sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 1. Binubuo ito ng ilang makulay na pahinang nakatiklop at naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang negosyo, serbisyo, paaralan at iba pa. Sagot: Brochure 2. 3. 1. Binubuo ito ng ilang makulay na pahinang nakatiklop at naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang negosyo, serbisyo, paaralan at iba pa. Sagot: Brochure 2. Talaan ito ng mga gamot at paalala ng manggamot sa kaniyang pasyente. Sagot: Talaang Medikal 3. Listahan ito ng mga putahe, inumin o pagkaing maaaring bilhin sa isang kainan. Sagot: Menu 4. 5. 3. Listahan ito ng mga putahe, inumin o pagkaing maaaring bilhin sa isang kainan. Sagot: Menu 4. Ito ang naitalang pahayag ng isang kilalang tao sa isang okasyon. Sagot: Transkripsyon ng Talumpati 5. 3. Listahan ito ng mga putahe, inumin o pagkaing maaaring bilhin sa isang kainan. Sagot: Menu 4. Ito ang naitalang pahayag ng isang kilalang tao sa isang okasyon. Sagot: Transkripsyon ng Talumpati 5. Talambuhay ito ng isang aktuwal na nakasaksi sa mahalagang bahagi ng pangyari o kasaysayan. Sagot: Memior TEKSTONG EKSPOSITORI Ang Tekstong Expositori ay mga sulating nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa Agham, Kasaysayan, at Agham Panlipunan. Ang layunin nito ay magbigay ng dagdag na kaalaman sa mambabasa kaugnay sa mga bunga ng pananaliksik, pagsusuri, pagluluto o anumang mahalagang paksa. MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG EKSPOSITORI 1. Memoir 2. Medikal na Teksto 3. Brochure 5.Transkripsyon 4. Menu ng Talumpati 1. Memoir ito ay naratibo ng aktuwal na karanasan ng isang tao tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan. 1. 2. Memoir na Teksto Medikal talaan ng mga ng ito ay naratibo gamot at paraan aktuwal ng na karanasan paggamit ngtungkol ng isang tao mga itosa ang isang makikita mahalagangsa medikal na teksto. pangyayari Maaari sa kasaysayan. ring makita ang medikal na rekord ng isang naging pasyente.. 1. 2. 3. Brochure Memoir na Teksto Medikal Naglalahad talaan ng ito mga ng gamot impormasyon at na maaaring paraan ng ito ay naratibo ng aktuwal na karanasan makapukaw ng atensiyon o mapakikinabangan paggamit ngsinoman. ngtungkol isang tao mga itosaangisang ng Ang brochure ay kalimitang makikita mahalagang ginagamit sa medikal bilang na teksto. pangyayari pamphlet sa sa para Maaari kasaysayan. mga ring makita pribadong ang medikal paaralan na rekordtulad at mga kompanya ng isang ng naging bangko, mallspasyente.. at iba pa. Paghawan ng Bokabolaryo Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap at gamitin ito sa pagbuo ng bagong pangungusap. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap at gamitin ito sa pagbuo ng bagong pangungusap. 1. Sa pag-aaral ng kasaysayan, ang memoir ay maituturing na primaryang batis. Kahulugan:____________________________ Pangungusap: ________________________ 2. Mahigit 30 taon muna ang pinalipas ni Hen. Santiago Alvarez bago niya inilathala ang kaniyang gunita. Kahulugan:______________________________ Pangungusap:___________________________ 3. Inihayag niyang sila ni Aguinaldo ay dating magkapalagayang–loob, magkaibigan, at magbayaw. Kahulugan:______________________________ Pangungusap:____________________________ 4. Sa pagdedetalyeng ito ni Santiago Alvarez ay makikitang mas may lohika ang katwiran ni Emilio Aguinaldo at hindi nabanggit kung bakit walang sinasabi si Emilio Jacinto o si Dr. Pio Valenzuela. Kahulugan:______________________________ Pangungusap:___________________________ 5. Habang hirap na hirap ang pangkat ng Supremo na magtagumpay sa paghihimagsik sa Maynila ay matagumpay naman sina Aguinaldo saCavite. Kahulugan:______________________________ Pangungusap:____________________________ IKALAWANG ARAW MEMOIR Ang memoir ay isang hindi kathang-isip na salaysay na isinulat mula sa pananaw ng may-akda, na nagsasalaysay at sumasalamin sa isang partikular na pangyayari o isang serye ng mga pangyayaring naganap sa kanilang sariling buhay. Ang mga pangyayaring ito ay kadalasang mga mahalagang pagbabago sa buhay ng may-akda na humantong sa ilang uri ng personal na pagtuklas na maaaring nagpabago sa takbo ng kanilang buhay o kung paano nila tiningnan ang mundo. https://educareforma.com.br/tl/memoir-kahulugan- layunin-mga-halimbawa-pagsusulat#memoir PRIMARYANG - BATIS Ito ay ang mga datos mula sa nakaraan na nilikha o isinulat ng mga taong tunay na nakaranas o nakasaksi ng pangyayari sa nakaraan. HALIMBAWA: awtobiograpiya at dyornal mga artifacts at fossils ng tao, hayop, o halaman SEKONDARYANG - BATIS Ito ay ang mga tala na nagpapatibay sa mga primaryang batis sa pamamagitan ng pagsusuri, paglalawaran, o pagsasalin ng mga ito. HALIMBAWA: litrato, mga dokumento gaya ng liham, birth certificate at death certificate, at mga kwentong naipasa-pasa na sa iba't ibang tao. Sama-samang pagbasa ng Memoir na “Pagsusuri sa Primaryang Batis: Si Andres Bonifacio, ang Katipunan at ang Himagsikan ni Santiago V. Alvarez” ni Joel Costa Malabanan. ISAGAWA ANG GAWAIN BILANG 4 PAHINA 6 A. TANONG-TUGON B. #TUNAYnaBUHAY IKATLONG ARAW KOHESYONG GRAMATIKAL Ito ay tumutukoy sa organisado at mahusay na ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata. Upang hindi maging paulit-ulit o redundant ang pagbanggit sa mga pangngalan o salita, mahalaga ang papel na ginagampanan ng panghalip. ANAPORA- ang pahayag kung ang paghalip ay sumusunod sa pangngalang tinututukoy. Halimbawa: Ang nagtatag ng Katipunan ay si Andres Bonifacio. Siya ang kinikilalang Supremo ng Katipunan. KATAPORA- ang pahayag kung ang panghalip ay nauuna sa pangngalang tinutukoy. Halimbawa: Heneral Apoy ang tawag sa kaniya. Si Santiago Alvarez ay bayaning Kabitenyo. NOMINAL- kapag ang pinapalitan ay pangngalan. Halimbawa: Nakipagdigmaan ang mga Katipunero sa mga Kastila. Nagbuwis ng buhay ang mga Anak ng Bayan upang itaboy ang mga mananakop. VERBAL- ang tawag kapag ang pinapalitan ay pandiwa. Halimbawa: Nabatid nina Bonifacio ang pagsasamantala ng mga Kastila. Nalaman nilang tanging rebolusyon lamang ang paraan upang lumaya ang bayan. PANG-UGNAY O PANGATNIG- Kapag naman nais pag-ugnayin ang dalawang pangungusap. Halimbawa: Sunod-sunod ang pagkatalo nina Bonifacio sa Maynila habang sunod-sunod naman ang pagwawagi nina Aguinaldo sa Cavite. Nagbabago ang angkop na gagamiting pangatnig batay sa diwa ng mga pahayag na pinag- uugnay. Kung sanhi at bunga ang ipinapahayag, angkop na gamitin ang pangatnig na upang, nang, dahil, sapagkat at iba pa. Halimbawa: Hinikayat nina Bonifacio at Jacinto na sumanib sa Katipunan ang mga mayayamang Pilipino upang mapalakas ang pwersa laban sa mga Kastila. Mga Kasanayang Pang-akademiko sa Pagsulat ng Tekstong Ekspositori I. Pagtukoy sa Paksa ito ay ang pagkilala sa tema o paksa na tinatalakay ng artikulo. Sa una at ikalawang pangungusap pa lamang ng talata ay mauunawaan na ng mambabasa ang intensiyon at layunin ng pahayag. 2. Pagtatala ng Mahalagang Impormasyon ang mga detalye ng pahayag ang nagbibigay ng mga kaalaman sa mambabasa ng tekstong ekspositori. 3. Mekaniks sa Pag-sulat tinutugunan naman nito ang epektibong paggamit ng mga Kohesyong Gramatikal at mga transisyonal na pahayag (gamit ang mga pangatnig na samakatuwid, kung tutuusin, kung lalagumin, bilang pagwawakas at iba pa) upang epektibong mapalutang ang estilo ng manunulat. 4. Paggamit ng Angkop na Salita ang mahusay na pagpili ng mga angkop na salita ang magbibigay ng kapangyarihan sa manunulat upang epektibong maipahayag ang kaniyang mga argumento na makatutulong sa paglalahad ng mensahe ng artikulo o sulatin. 5. Estilo at Diksyon ang diksyon ay tumutukoy sa pagbibigay-diin sa wastong salitang angkop gamitin depende kung pormal o impormal ang paglalahad. 5. Estilo at Diksyon ang diksyon ay tumutukoy sa pagbibigay-diin sa wastong salitang angkop gamitin depende kung pormal o impormal ang paglalahad. 5. Estilo at Diksyon ang diksyon ay tumutukoy sa pagbibigay-diin sa wastong salitang angkop gamitin depende kung pormal o impormal ang paglalahad. IKAAPAT NA ARAW A. TANONG-TUGON: Ano ang mahihinuha mong naging bunga ng mga sitwasyong inilahad sa memoir ni Santiago Alvarez? Hinuha Mo! B. #TUNAYnaBUHAY: Balikan ang nabasang memoir. Mula rito, suriin at iugnay ang mga pangyayari sa akda na maaaring nangyayari sa tunay na buhay batay sa isang karanasan, naranasan, o nasaksihan. C. Panuto: Punan ang tsart ng hinihingi ng mga tanong kaugnay ng binasang memoir. D. Panuto: Basahin ang memoir ni Hen. Artemio Ricarte na pinamagatang “Himagsikan ng mga Pilipino Laban sa Mga Kastila”. Punuan ang diagram upang mailapat ang pagkakaugnay ng memoir ni Hen. Santiago Alvarez at Heneral Artemio Ricarte upang malagom ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang paglalahad. Memoir ni Memoir ni Hen. Santiago Hen. Artemio Alvarez Ricarte PAGSUSULIT Tukoy-Salita Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung ang ginamit na Kohesyong Gramatikal sa sumusunod ay Anapora o Katapora. 1. Nagsilbing tagapayo ni Bonifacio si Emilio Jacinto. Siya ang kinikilalang “Utak ng Katipunan”. 2. Siya ang kinikilalang Vibora, ang matapang na si Heneral Artemio Ricarte. 3. Kalayaan ang pahayagan ng Katipunan. Ito ay nalathala noong Marso, 1896. 4. Ang Supremo ng Katipunan ay siya, si Andres Bonifacio. 5. Batid ni Heneral Apoy ang kataksilan ng pangulo. Nasaksihan niya ang lahat. 6. Noong 1942, si Artemio Ricarte sana ang nais ng mga Hapon na maging pangulo. Ngunit di na siya kilala ng mga Pilipino. 7. Ang memoir ay itinuturing na primarying batis. Ito ay mainam na pagkunan ng impormasyon. 8. Ang tekstong ekspositori ay matatagpuan din sa dyaryo. Ito ay ang editoryal. 9. Bata pa ngunit matalino siya, si Emilio Jacinto na may sagisag-panulat na Pingkian. 10. Naging tagapayo naman ni Aguinaldo si Apolinario Mabini. Siya ang “Utak ng Himagsikan”. Mga Kasagutan: 1. Anapora 6. Anapora 2. Katapora 7. Anapora 3. Anapora 8. Anapora 4. Katapora 9. Katapora 5. Anapora 10. Anapora Gawaing Pambahay/ Takdang-Aralin TUON-SALITA Pagsulat ng Tekstong Ekspositori Magsaliksik tungkol sa Panukat ng Pagkataong Pilipino. Itala ang mga pangunahing katangian ng lahing Pilipino mula sa pananaliksik ni Dr. Annadaisy J. Carlota sa pamamagitan ng organisadong mga pangungusap na hindi bababa sa sampu. TUON-SALITA Isulat ang nalikhang naratibo sa hiwalay na papel gamit ang mga natutuhan sa pagsulat ng Tekstong Ekspositori. Patunayan kung tumpak ang mga impormasyong kaniyang ipinahayag. TUON-SALITA Basahin ang Kalagayan ng malayang pamamahayag sa Pilipinas na tinalakay sa State of the Campus Press Forum ng CEGP sa:https://www.plaridel.ph/index.php/2021/02/1 9/utak-at-papel-bilang-sandata-kalagayan-ng- malayang-pamamahayag-tinalakay-sa-state-of- the- campus-press-forum-ng-cegp/ TUON-SALITA :https://www.plaridel.ph/index.php/2021/02/19/u tak-at-papel-bilang-sandata-kalagayan-ng- malayang-pamamahayag-tinalakay-sa-state-of- the- campus-press-forum-ng-cegp/ TUON-SALITA Pagkatapos ay gumawa ng isang sanaysay na ekspositori gamit ang rubrik sa ibaba: RUBRIK SA PAGMAMARKA RUBRIK SA PAGMAMARKA Submitted by: Angelita P. Dela Cruz Teacher Checked, reviewed & validated by: Marvelyn D. Nicanor _________________________ ________________________ Content Evaluator Language Evaluator Format Evaluator Approved: _______________________________ __________________________________ EPS, Filipino EPS, LRMS