Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o talakayan ukol sa Tekstong Naratibo sa Filipino. Tinalakay ang kahulugan, layunin, katangian, elemento, at mga halimbawa nito. Ang mga uri ng tauhan at ang iba't ibang elemento ng banghay ay bahagi rin ng pagtalakay.

Full Transcript

# Magandang Umaga!! ## Sa paksang ito, ating matatalakay: - Ang kahulugan at layunin ng tekstong naratibo - Katangian at elemento ng tekstong naratibo - Mga halimbawa ng tekstong naratibo ## Ano ang Tekstong Naratibo? Ito ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,...

# Magandang Umaga!! ## Sa paksang ito, ating matatalakay: - Ang kahulugan at layunin ng tekstong naratibo - Katangian at elemento ng tekstong naratibo - Mga halimbawa ng tekstong naratibo ## Ano ang Tekstong Naratibo? Ito ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan ng may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan. ## LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO - Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. - Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral. ## HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO - Maaaring nabibilang sa akdang piksyon: - Nobela - Maikling Kuwento - Tulang Nagsasalaysay - Pabula - Parabula - Iba pang akdang piksyonal - Maaaring nabibilang sa akdang di-piksyon: - Talambuhay - Balita - Maikling Sanaysay - Magasin - Polyeto - Iba pang mga akdang di-piksyunal ## MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO ### 1. May iba’t-ibang pananaw (Point of View) Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. - **Unang Panauhan** - Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng "Ako." - **Ikalawang Panauhan** - Mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng panghalip na "ka at ikaw." - **Ikatlong Panauhan** - Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya ay "Siya." ### 2. May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin - **Direkta o Tuwirang Pagpapahayag** - Ang tauhan ay direktang nagsasabi ng kanyang saloobin o damdamin at ginagamitan ng panipi (" "). - **Halimbawa:** "Ashley, kakain na!", tawag ni Sam dahil sila ay kakain na. - **Di-tuwirang Pagpapahayag** - Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. - **Halimbawa:** Tinawag ni Sam si Ashley dahil sila ay kakain na. ## Mga Elemento ng Tekstong Naratibo ### 1. Tauhan - Gumaganap sa isang kwento. - Nakikilala ang tauhan depende sa kung paano siya gumaganap sa isinasalaysay na kuwento. #### Mga karaniwang tauhan sa Naratibo: - **a. Pangunahing Tauhan** - Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang katapusan. - **b. Katunggaling Tauhan** - Kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan. - **c. Kasamang Tauhan** - Kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. - **d. Ang May-akda** - Laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor. #### Dalawang (2) Uri ng Tauhan sa Tekstong Naratibo: - **a. Tauhang Bilog (Round Character)** - Katangian na katulad din ng isang totoong tao. Nagbabago ang katauhan sa loob ng akda. - **b. Tauhang Lapad (Flat Character)** - Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan. ### 2. Tagpuan at Panahon - Tumutukoy sa lugar at panahon ng isinasalaysay. - **Halimbawa:** - Sa bahay - Sa opisina - Alas 7:00 ng gabi ### 3. Banghay (Plot) - Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang temang taglay ng akda. #### Balangkas ng isang naratibo: - **Panimula** (Orientation/Introduction) - Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema. - **Suliranin** (Problem) - Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan. - **Pataas na Aksiyon** (Rising Action) - Pagkakaroon ng saglit na kasiglahan. - **Kasukdulan** (Climax) - Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan. - **Pababang Aksiyon** (Falling Action) - Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan. - **Wakas** (Ending) - Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas. ### 4. Paksa o Tema - Ideya kung saan umiikot ang pangyayari. ### •Anachrony - Pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. #### 3 Uri ng Anachrony: - **a. Analepsis (Flashback)** - Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. - **b. Prolepsis (Flashforward)** - Dito ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. - **c. Ellipsis** - May mga puawang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser