PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA DALUMAT NG/SA FILIPINO (PDF)
Document Details
Uploaded by PoeticFarce
Nueva Ecija University of Science and Technology
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tumatalakay sa mga detalye ng pagsasalin ng mga siyentipikong teksto sa Filipino, at mga katangian ng isang tagasalin.
Full Transcript
KABANATA 3 PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA DALUMAT NG/SA FILIPINO KABANATA 3 - Modyul 2 C. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal: Kalikasan, Mga Teorya, at Metodolohiya nina Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. D. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isa...
KABANATA 3 PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA DALUMAT NG/SA FILIPINO KABANATA 3 - Modyul 2 C. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal: Kalikasan, Mga Teorya, at Metodolohiya nina Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. D. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin C. Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal: Kalikasan, Mga Teorya, at Metodolohiya nina Lilia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. Ayon kina Antonio at Iniego Jr. (2006), hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagsasaling siyentipiko at teknikal (ST) sa pagpapalaganap ng impormasyon sa iba’t ibang sangay at institusyon ng bansa. Ito rin ang pinakamahalagang sangkap sa paglilipat, pag-iimbak at muling Kabanata 3– pagpapanumbalik ng mga karunungan sa Ang lahat ng wika ay may istruktura o alituntuning panggramatika at sumusunod sa mga partikular na disenyo ng bokabularyo. Ikinategorya ni Isadore Pinchuck sa pito ang malawakang panglingguwistika- leksikal-sitwasyonal na lebel ng Kabanata 3 – wika sa sumusunod: 1. Gramatikal - tumutukoy sa imbentaryo ng mga anyo sa isang wika at ang mga tuntunin kung paano mapagsasama-sama ang mga ito. Sumasaklaw sa kategoryang Panahunan, pamilang at kasarian, mga klaseng salita, (pangngalan, pandiwa at iba pa.) istruktura gaya ng koordinasyon at modipikasyon, at antas ng ekspresyon gaya ng salita, parirala, sugnay, pangungusap. Kabanata 3 – 2. Morpolohikal– ito ay ang pagkakatulad at pagkakaiba sa pagbuo ng mga tumbasan. Halimbawa: German: Atom bombe (kadalasang nagdurugtong ng dalawang salita para makabuo ng isang salita) Ingles: Atom bomb (Sa Ingles, tinitingnan ito na magkahiwalay) Sa Pilipinas: ang pagtutumbas batay sa siyentipikong gamit ng funnel ay dapat isaalang- Kabanata alang sa 3 halip – na gamitin ang katumbas nito sa 3. Sintaktikal Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga uri ng pangungusap, pagbubuo ng mga sugnay at pangungusap at ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Sa Ingles – Subject-Verb-Object (S-V-O) ang karaniwang ayos ng pangungusap Sa Filipino – V-S-O ang karaniwang ayos ng Kabanata 3 – pangungusap sa Filipino 4. Leksikal Bawat salita sa isang wika ay posibleng magkaroon ng ilang kahulugan sa ibang wika, at isa lamang sa mga ito ang angkop at tiyak na maitutumbas sa isang partikular na konteksto. Halimbawa Power – posibleng mangahulugan ng “lakas”, “kapangyarihan” o “bisa”. Subalit sa tekstong teknikal, isa sa posibleng katumbas nito ay “koryente” Kabanata 3 –o elektrisidad. 4. Leksikal Mahalaga rin ang larangang kolokasyon o co-occurrence range ng mga salita. May mga salitang hindi puwedeng magamit kaugnay ng ibang salita. Halimbawa: Hindi maiuugnay ang “meat” (karne) sa “wound” (sugat). Sa halip tinatanggap ang “flesh wound” (laman) Good morning – isinasalin sa Filipino bilang “Magandang umaga” at hindi “Mabuting umaga”. Kabanata 3 – 5. Denotatibo Maaaring walang taguri ang isang wika para sa isang bagay dahil hindi naman umiiral sa wika at sa speech community nito. Halimbawa: Glacier Icebergs Frost Hailstorm Kabanata 3– 6. Konotatibo May mga ekspresyon na maaaring isalin ng isa-sa-isang salita: subalit mali pa rin ang salin at ‘di na angkop ang salita dahil hindi na naisaalang-alang ang pangkasaysayang pinagmulan ng taguri. Halimbawa: Sa Sikolohiya, sa simula ay ginamit ang salin na paghuhugas- utak para sa brainwashing. Upang maging katanggap-tanggap sa disiplina, mas ginagamit ang salitang “paghuhugas ng isipan”. Maging ang katumbas ng microscope na miksipat ay Kabanata 3 – naghahanap ng angkop na termino sa kasalukuyan. 7. Kultural Bawat grupo ng mga tao ay may mga historikal na ugnayan at institusyong pekulyar sa mga ito. Sa loob ng komunidad na ito ay mayroon pa rin mga sub-group na may natatanging pakahulugan at paraan ng paggamit sa wika. Halimbawa: Ang konseptong freedom, hegemony, independence, justice, peace, at science ay higit na nabibigyan ng kultural na kahulugan sa mga terminong kalayaan, kapangyarihan/gahum, kasarinlan, katarungan, kapayapaan at agham. Kabanata 3 – Halimbawa ng wika na ginagamit Teknikal na wika ng mga magsasaka: Diyalektong panghanapbuhay. Punla Hindi ito ginagamit sa karaniwang Linang usapan at may pekulyar na Bunot bokabularyo at gramatikal na Gapas Giik katangian na naiiba sa ordinaryong Kamada wika. Pilapil Kaban Halimbawa: wika ng mga Kabisilya mangingisda, magsasaka, Pataba Lilik karpintero, Kabanata 3 –atbp. Siyentipikong wika Ginagamit sa mga pananaliksik at paglalahad ng mga teorya at haypotesis. Karaniwang napakapormal ng estilo nito at lubhang istandardisado ang bokabularyo. Binubuo ng mga salitang may tiyak na kahulugan at hindi matatagpuan sa pang- araw-araw na usapan. Kabanata 3 – Mga uri ng dokumentong Siyentipiko-Teknikal Ayon kay Isadore Pinchuck, mauuri sa tatlong pangunahing tipo ang mga dokumentong kaugnay sa pagsasaling S-T: 1. Resulta ng purong agham (pure science) na naglalayong magbahagi ng kaalaman na hindi nagsasaalang- Kabanata 3 – alang sa posibleng praktikal na Mga uri ng dokumentong Siyentipiko-Teknikal 2. Resulta ng aplikasyon ng siyentipikong pananaliksik (Applied Scientific Research) na isinagawa upang makalutas sa mga partikular na problema. (Halimbawa: teleskopyo at mikroskopyo na produkto ng aplikasyon ng siyentipikong pananaliksik) 3. Gawain ng teknolohista na may intensyong magresulta sa paglikha ng produkto o prosesong industriyal na maibebenta sa pamilihan. Kabanata 3 – MGA PAMAMARAAN SA PAGSASALING SIYENTIPIKO- TEKNIKAL Sa artikulong “Sci-tech Translation and Its Research in China,” inilahad naman ni Fang Mengzhi ang mga pamamaraan ng pagsasaling ST sa mga sumusunod: 1. Complete Translation 2. Selective Translation 3. Condensed Translation 4. Summary Translation Kabanata 3 – 5. Composite Translation 1. COMPLETE TRANSLATION Isinasalin ang buong teksto, maging napakahabang siyentipikong ulat o maikling abstrak, ng salita sa salita at walang anumang intensyonal na paglalaktaw. Tapat sa orihinal at lubusang nagpapahayag ng nilalaman nito. Kabanata 3 – 2. SELECTIVE TRANSLATION Bahagi lang ng orihinal na teksto ang pinipili at isinasalin. Halimbawa: Ang proseso at resulta lang ng eksperimento Kabanata 3 – ang isinasalin. 3. CONDENSED TRANSLATION Sistematikong pagpapaikli ng isang orihinal na teksto sa pinagsalinang wika. Kasama ang mga batayang impormasyon at inalis ang mga datos na walang kabuluhan para sa mga siyentipiko at teknisyan. Kabanata 3 – Sa ganitong pagsasalin, posibleng 4. SUMMARY TRANSLATION Salin ng lagom ng orihinal na teksto. 5. COMPOSITE TRANSLATION Uri ng pagsasalin na kaugnay sa dalawa o higit pang orihinal na teksto sa parehong paksa. Halimbawa: Ukrainian Persian English Kabanata 3 – Nagbalangkas ng Pangkalahatang Tuntunin Sa Panghihiram At Pagsasalin Ng Mga Salitang Banyaga ang De La Salle University bilang sagot sa isyu ng pagsasalin Kabanata 3 – 1. Sikapin munang ihanap ng katumbas ang salitang banyaga sa wikang Filipino. 2. Kapag walang makitang katumbas ang hinihiram na salitang banyaga sa Filipino, ihanap ito ng katumbas sa alin mang wikang rehiyunal. Kabanata 3 – 3. Kapag hindi maihanap ng katumbas ang salitang banyaga ayon sa (1) at (2), ihanap ito ng katumbas sa wikang Kastila. 4. Kapag walang makitang katumbas ang hinihiram na salita ayon sa (1), (2), at (3), hiramin ang tunog sa Ingles at baybayin sa Filipino ang salita kung ito’y Ingles. Kabanata 3 – MGA PARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG TEKNIKAL NA WIKA Kabanata 3 – Sa polyetong “Neo-colonial Politics and Language Struggle in the Philippines” nina Enriquez at Marcelino, naglahad sila ng mga sumusunod na pamamaraan sa pagpapaunlad ng wika na may kaugnayan sa mabisa at angkop na pagsasalin ng mga salita. Kabanata 3 – 1. Saling-angkat (direct borrowing) Panghihiram ng mga idea o salita mula sa ibang wika at ang paggamit sa mga idea at salitang ayon sa orihinal nitong kahulugan at ispeling. Ang kahulugan at ispeling ay hindi nagbabago. Mga halimbawa: Ego - X-ray libido therapy Oedipus complex neurosis Kabanata 3 – 2. Saling-paimbabaw (surface assimilation) Panghihiram ito ng tunog, pag-angkat ng buong kahulugan ngunit minodipika ang ispeling ayon sa ortograpiyang Filipino. Mga halimbawa: Sikolohikal (psychological) Emosyon (emosyon) Reimporsment (reinforcement) Kabanata 3 – 3. Saling-panggramatika (grammatical translation) Pag-iiba sa ispeling, pagbigkas, “stressing” sa mga pantig, at pag-iiba ng posisyon kapag dalawa o higit pa ang salita. Mga halimbawa: socio-political movement - kilusang sosyo-pulitikal social interaction - sosyal inter-aksyon / interaksyong sosyal international conference - kumperensyang internasyunal abnormal reaction - reaksyong abnormal Kabanata 3 – 4. Saling hiram (loan translation) - humahanap ng angkop na salin ng salita. Halimbawa: Ginagamit noong 1973 ang “paghuhugas-utak” para sa “brain-washing,” ngunit hindi ito tanggap ng nakararami. Ginamit ni Tiongson (1975) ang “paghuhugas-isip” at tinanggap ito ng ilang klase sa sikolohiya. Makaraan ang isang taon, ginamit ni Salazar (1976) ang “paghuhugas ng isipan.” Sa Kabanata 3 – ngayon, mas tinatanggap na gamitin ang 5. Salitang likha (word invention) – paglikha at pagbuo ng bagong salita. Halimbawa: Banyuhay (bagong anyo ng buhay) = metamorphosis Punlay (punla ng buhay) = sperm Sarigawa (sariling gawa) = masturbation Balarila (bala ng dila) = grammar Kabanata 3 – 6. Salitang Daglat (Abbreviated words) Popular ang paggamit ng kontraksyon, pagpapaikli ng salita at paggamit ng akronim. Ang paggamit ng daglat ay konsistent sa Batas Zipf na sinasabing mas bihirang gamitin ang mga salitang mahahaba. Halimbawa: IQ – Intelligence Quotient EQ – Emotional Quotient S-R – Stimulus-Response Kabanata 3 – 7. Salitang-tapat (parallel translation) Ang salitang-tapat ay ang kontekstwalays at katutubong paraan ng pag-iisip at paggawa na nagpapayaman sa ating wika at kultura. Halimbawa: Dahil ang social interaction ay tumutukoy sa mga relasyon ng tao sa halip na mga tao na nakapaloob sa isang relasyon, maaari nating gamitin ang katumbas na “pakikisalamuha” at hindi ang “pakikipagkapwa”. Iba pang halimbawa: “pagpapahalaga” para sa value “hustong gulang” para sa maturity “paniniwala” para sa belief Kabanata 3 – 8. Salitang-taal (indigenous-concept oriented translation) Paggamit ng mga konsepto na makabuluhan sa lipunang Pilipino kaysa ang paggamit ng mga banyagang konsepto. Kailangang hanapin ang mga tamang salita na tunay na nagpapahiwatig ng sentimyento at aspirasyon ng mga Pilipino. Mga halimbawa: “pamatid-uhaw” para sa “refreshments” “sumpong” para sa “temper” o “tantrum mania” “pamutat” para sa “appetizer” Kabanata 3 – 9. Salitang-sanib (amalgated translation) Bihirang ibahin ang anyo ng mga salitang galing sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas. Halimbawa: “mahay” at “pagsinabtanay” na galing sa Cebuano “Nagmamahay” ang isang Cebuano kapag binigo siya ng kapwa niya Cebuano. Iniisip ng isang taga-Surigao ang “pagsinabtanay” kapag hindi rin tumupad sa isang usapan ang isang kapwa taga-Surigao. Iba pang halimbawa: “gahum” (Cebuano) = para sa kapangyarihan o hegemony “bising” (Palawan squirrel) “hinupang” (Hiligaynon) = adolescence Kabanata 3 – D. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin 1.Sapat na kaalaman sa dalawang “He wikang kasangkot plants some rice.” palay “He cooks some rice.” bigas “He eats some rice.” kanin 2. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan sa ngwikang Magkaiba ang kakayahan pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan pagpapahayag sa paggamit ng wika. Kung ang isasalin ay tula, higit na mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat iba ang hagod ng makata. Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita. 3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin Nakalalamang ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. Halimbawa: Ang isang gurong hindi nagtuturo ng Biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. 4. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin Tandaan na ang wika ng isang bansa ay laging nakabuhol sa kanyang kultura. 4. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin “Marapat na isaalang-alang ng tagasalin ang kultura ng isang lugar upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.” Ayon kay Asst. Prof. Alvin Ringgo Reyes, tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng UST 5. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin a. Alamin ang istuktura o ayos ng pangungusap ng isasalin para maiakma sa wikang pagsasalinan. Halimbawa: Ayos ng pangungusap: Ingles (Subject + Predicate) Filipino Karaniwang ayos (Panaguri + Paksa) Di-Karaniwang ayos (Paksa + 5. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin b. Pagpaparami ng pangalan mouse ----> mice daga ----> mga daga kiss -----> kisses halik -----> mga halik c. Impleksiyon ng pandiwa – natapos na ba ang kilos, ipinagpapatuloy pa o binabalak pa lang gawin ang aksyon. MARAMING SALAMAT!