Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 1) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Senior High School
2020
Tags
Related
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- FILI 101 – Kontekstwalisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
Summary
This document is a Filipino high school module on communication and research in Filipino language and culture. It is focused on the second semester of the academic year 2020, and includes language in interviews and news from radio and television.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gámit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ana Maria L. Josue Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr. Leilanie E. Vizarra Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Noel S. Ortega, EPS In-Charge of LRMS Josephine M. Monzaga, EPS Elpidia B. Bergado, CID Chief Ivan Brian L. Inductivo, Assistant Schools Division Superintendent Rommel C. Bautista, Schools Division Superintendent Elias A. Alicaya, Jr., Schools Division Superintendent Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator Job S. Zape Jr., CLMD Chief Wilfredo E. Cabral, Regional Director Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: [email protected] Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pansiglo 21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bílang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Talâ para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong, o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at italâ ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay táyo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bílang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitóng matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bágong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukás na suliranin, gawain, o isang sitwasyon. Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitóng matulungan kang maunawaan ang bágong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gámit ang susi sa pagwawasto sa hulíng bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung ano’ng natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bágong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng búhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matása o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Káya mo ito! iv Alamin Bílang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin. Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa – 88) Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon; Nagagamit ang mga wikang angkop sa napakinggang panayam at balita sa radyo at telebisyon; at Nakabubuo ng panayam o balita sa radyo at telebisyon gámit ang wikang ginagamit dito. Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop na salita sa nakaitalisadong salita na nauukol sa sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Karaniwang ginagamit na salita sa pamagat ng balita sa nahúling salarin. a. húli b. maysala c. timbog d. utas 2. Ang paksa sa panayam ay tungkol sa wika kayâ nababanggit ang covid 19. a. jejemon b. mensahe c. pahayagan d. tuligsaan 3. Ibinalita sa telebisyon na mahigit limang daan na ang nauutas sa kumakalat na sakít sa lugar. a. naapektuhan b. nagagamot c. namamatay d. naoospital 4. Ayon sa balita sa radyo, kinatatakutan ng marami ang mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kompanya. a. pinag-iisipang b. pinag-uusapang c. pinangangambahang d. pinupunang 5. Ang lumaganap na sakít ay viral na dapat pag-ingatan, sabi sa balita. a. virus b. virrus c. vital d. vitus 6. Ang wika na maaaring ginagamit sa pagbabalita kung ang estasyon ng radyo o telebisyon ay wala sa Katagalugan. a. Bicol b. Bisaya c. Ingles d. Rehiyonal 7. Ang dapat gamiting wika sa panayam kung ang kapanayam ay Tagalog at ang panayam ay nása Cebu. a. Bisaya b. Kapampangan c. Hiligaynon d. Tagalog 8. Pinag-uusapan ang kultura sa wika kayâ maaaring mabanggit ito sa panayam. a. bekimon b. hugot line c. simbolo d. text message 9. Ang salitang tumutukoy sa nangyayari ayon sa balita tungkol sa corona virus. a. frontliner b. drug abuse c. lockdown d. railways 10.Ang kapanayam sa telebisyon ay isang doktor na ang pinag-uusapan ay tungkol sa kalusugan ng senior citizen kayâ nabanggit ang sakit na ito. a. atake sa puso b. baktirya c. ehersisyo d. jogging 11.Kadalasang wika na ginagamit para maipaliwanag sa balita kung ano ang corona virus. a. purong Filipino b. sari-saring wika c. wikang Ingles d. wikang pang-agham 12.Mas ginugusto ang mass midyang ito ng mga tagapakinig ng balita dahil nakikita nila ang ibinabalita. a. cell phone b. radyo c. telebisyon d. video 13.Wikang ginagamit sa pagbabalita sa radyo o telebisyon gayundin sa mga panayam para madaling maunawaan ang paksa. a. ayon sa larangang pinag-uusapan b. hashtag at hugot lines c. mga napapanahong wika d. wikang opisyal 14.Dahilan ng paggamit ng iba’t ibang wika sa balita sa radyo at telebisyon a. araw-araw ay may balita b. ibaíba ang paksa sa balita c. marami ang nakikinig sa balita d. may sariling pang-unawa ang nakikinig ng balita 15.Ang wikang ginamit sa pagbabalita na tumutukoy sa laki ng sákop ng sakít na covid 19. a. academic b. lockdown c. pandemic d. quarantine Aralin Wika sa Panayam at Balita 1 sa Radyo at Telebisyon Ang wika ay lumilinang sa kultura at ang kaugnayan ng kultura sa táong gumagamit ng wika. Dito masusukat ang kasanayan ng isang tao sa paggamit ng wika na naaayon sa kaniyang kultura na pinapanday naman sa edukasyong kaniyang natamo. Balikan Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin ang mga tanong ayon sa inyong kaalaman. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kayâ’y sa iyong sagutang papel. 1. Magbigay ng kilala mong tagapagbalita sa telebisyon at ang pangalan ng kaniyang programa ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sino ang kilala mong personalidad na laging kinakapanayam? ___________________________________________________________________________ Ano ang madalas niyang tinatalakay? ______________________________________ 3. Ano-ano ang mga balitang naririnig mo sa radyo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Anong paksa sa panayam ang pumupukaw sa iyong kawilihan? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Mga Talâ para sa Guro Pagkatapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul Tuklasin Panuto: Alalahanin o balikan ang mga pangyayaring ibinalita patungkol sa COVID- 19. Magtala ng mga impormasyon na inilahad sa balita. Pagkatapos makinig ay sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kayâ’y sa iyong sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga isyu sa napakinggang balita tungkol sa COVID-19? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano-ano ang mga mahahalagang detalye ang inilahad ng nagsasalita sa balita? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Magtalâ ng limang (5) salitang ginamit kaugnay ng isyu sa balita. Ano ang kahulugan ng mga salitang ito? Punan ang talahanayan sa ibaba. Salitang Ginamit Kaugnay ng Isyu sa Kahulugan Balita 1. 2. 3. 4. 5. 4. Gamitin ang mga salita sa makabuluhang pangungusap. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Suriin Naging kakabit na ng mga Filipino ang pag-upo sa harap ng telebisyon upang makapanood ng balita at matunghayan ang mga sinusubaybayan at paboritong programa sa telebisyon gayundin sa pakikinig sa radyo at pagbása ng mga balita sa pahayagan. Hindi lámang naaapektuhan nitó ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, lagpas pa rito, mas pangunahing katuwang ng mass media ang wikang ginagamit sa loob nitó. Dahil dito mas nagiging lantaran ang wikang ginagamit na siyang arbitraryo sa mga tao kung kayâ lumalabas na may mahalagang tungkulin ang wika sa larangang ito bukod pa sa lantad ang paggamit ng wikang Filipino sa mga pampublikong estasyon. (mula sa Kanlungan Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Estrella L. Pena, et al.) Tinatawag ding ulat ang balita. Ito ay mga pangyayari sa lipunan at sa mga táong nabibilang sa nasabing lipunan. Para masabing balita, dapat na isinusulat agad ang mga nakuhang talâ kaugnay ng pangyayari. Binibigyang-halaga ang mahahalagang punto sa balita. Kailangang tama ang mga pangalan ng mga táong ibinabalita, maging ang mga pangyayari at petsa nitó. Ang balita ay hindi naglalaman ng mga kuro-kuro. Inilalahad ito nang parehas, walang pinapanigan, at malinaw. ( mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Magdalena O. Jocson) Maaari namang kumuha ng impormasyon sa panayam, ang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa para sa isang tiyak na usapin. Ito ang pagbibigay ng mga kaalaman ng kinakapanayam o ng táong tinatanong tungkol sa usapin na gumagamit ng mga angkop na wika batay sa kung ano ang pinag-uusapan. Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangyayari, atbp. (https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam) Pagyamanin Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Pakinggang mabuti ang maririnig sa video. Italâ ang mga mahahalagang pag-uusapan. Tandaan na ang tuon ng pag-aaral ay nása mga wikang ginamit. Panuto: Pagkatapos mapakinggan ang video, sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Tama ba ang mga pagbabago sa wikang Filipino? https://www.youtube.com/watch?v=akeboh7w4rU 1. Ano ang wikang ginamit para masabi na may pagbabago sa wikang Filipino? A. bágong wika B. katext messaging C. bagong wika D. text language 2. Wika ang pinag-uusapan, ano ang dapat gamiting wika ayon sa unang kinapanayam? A. barayti B. Filipino C. Ingles D. Tagalog 3. Binanggit ng isang kapanayam ang pagbabago sa wika, anong salita ang ginamit ng kinapanayam bílang pagbabago? A. bekimon B. ganern C. jejemon D. w8t Mas maraming Tren ng MRT at LRT Bibiyahe para Tugunan ang Publiko https://www.youtube.com/watch?v=k3T5jBw10cw 4. Ano ang salitang ginamit sa bagay na pinag-uusapan sa balita bílang kalutasan sa isyu ng suliranin ng publiko sa pagbibiyahe? A. bagon B. barko C. eroplano D. tren 5. Ano ang binanggit na salitang tumutukoy sa isang lugar na pinupuntahan ng mga tao kaugnay ng transportasyon? A. airport B. express way C. terminal D. transportation Isaisip Nagawa mo nang tukuyin ang mga salitang ginagamit sa panayam at balita sa radyo at telebisyon na umaayon sa paksa nitó. Upang lubusan mo pang matandaan, may ilan pang tanong na iyong tutugunan para sa higit pang pagkatuto. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin ang mga tanong sa ibaba kaugnay ng mga napakinggan sa panayam at balita sa bahagi ng Pagyamanin. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kayâ’y isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang tugon ng tatlong kinapanayam sa isyu ng wika? Gamitin ang mga wikang nauugnay sa isyu. Kinapanayam 1: _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ Kinapanayam 2: _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ Kinapanayam 3: _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Paano nilutas ang suliranin ng mga mamamayan ng bansa sa pagbibiyahe para bumalik sa trabaho sa ilalim ng new normal na pamumuhay? Gamitin ang mga kaukulang salitang nása balita. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa Siguradong marami ka nang nalaman sa wikang ginagamit sa panayam at mga balita sa radyo at telebisyon kaugnay ng isyung pinag-uusapan dito. Iba’t ibang isyu at balita sa araw-araw ang naririnig mo na magbibigay sa iyo ng idea kung ano ang tatalakayin gámit ang mga wikang nauukol dito. Sa gawaing ito, ibigay mo ang iyong natutuhan. Panuto: Isulat ang iyong kahilingan o request sa bawat bílang gamit ang mga angkop na wika batay sa nakaitalisadong salita. 1. Panayam: Ikaw ang kinakapanayam tungkol sa makabagong pamaraan ng pag-aaral, ang online. Ano ang tugon mo tungkol dito? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Balita sa radyo o telebisyon: Magbibigay ka ng ulat tungkol sa sitwasyon ng pamumuhay mo sa panahong mayroong enhance quarantine. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Táyahin Mahusay!! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Sagutan mo nang buong giting ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. Basahin at unawaing mabuti ang panuto at magpatuloy ka sa pagdukal ng kaalaman. Panuto: Pakinggang mabuti ang sinasabi sa video. Tukuyin ang wastong gamit na salita sa patlang na ginamit sa pagpapahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Ilang Pinoy napilitang humanap ng pagkakakitaang di nakalinya sa propesyon https://www.youtube.com/watch?v=swNEgQj84s8 1. Freelance wedding photographer ang kinapanayam, ang trabaho niya ay nauugnay sa okasyon na ______. a. ballroom b. event c. party d. wedding 2. Sinabi ng filmmaker na kinapanayam na, “Hindi ganoon ka-essential ang film, ang _____. a. commitment b. photography c. video production d. wedding plan 3. Sa kabuoan, sinabi ng kinapanayam na clinical psychologist na, “Kumakambyo ang mga tao at pumapasok sa _____ hindi sila trained.” a. aksiyon b. kinabibilangang c. larangang d. psychology na 4. Ayon sa balita, sa mga kinapanayam na kahit hindi nakalinya ang kanilang _____ ay nagagawa pa rin nilang kumita sa ibang paraan. a. edukasyon b. gawain c. propesyon d. trabaho 5. Ang ilang mga _____ ay naghahanap ng bágong trabaho kahit malayo sa kanilang tunay na propesyon. a. Filipino b. mamamayan c. Pinoy d. tao Jeproks to Jejemon: How the Filipino language evolves https://www.youtube.com/watch?v=8OSrgV8o8Rw 6. Ang mga wikang binanggit sa panayam ay tungkol sa pagkakaiba ng dalawang wikang _____. a. Bisaya at Tagalog b. Filipino at Rehiyonal c. Ingles at Filipino d. Tagalog at Filipino 7. Sinabi ng kinapanayam na taga-UP na _____ ang paggamit ng salita sa bawat larangan. a. nag-iiba b. pang-edukasyon c. magkakatulad d. pare-pareho 8. Ang paksa sa panayam o balita ay _____ kapag sumasapit ang Buwan ng Wika. a. Wikang dayuhan b. Wikang Filipino c. Wikang magkakaiba d. Wikang Tagalog 9. Ang pinag-uusapan sa panayam ay _____ kayâ nababanggit ang mga salitang jeproks hanggang jejemon. a. ebolusyon ng wika b. kasaysayan ng wika c. paano ginagamit ang wika d. pinanggalingan ng wika Mga kaso ng covid 19 nagsisimula ng mag plateau https://www.youtube.com/watch?v=Gmgp_2rAt8Y 10.Sa balita ay nagsalita ang _____ upang ipahayag ang ulat tungkol sa corona virus na kumalat sa bansa. a. doktor b. Inhenyero c. frontliner d. nurse 11.Karaniwang ginamit ang wikang _____ sa balita dahil sa paksa nito. a. diyalekto b. matematika c. pang-agham d. rehiyonal 12.May mga balitang dumadaan (nagpa-flash) sa ilalim ng nagsasalita na ginagamit ang wika ayon sa _____ nitó. a. edukasyon b. gámit c. isyu d. sinabi 13.Ang pagbanggit ng salitang _____ ay wikang pangmatematika subalit nauugnay pa rin ito sa paksa para sa kalinawan ng isyu. a. bahagdan b. bílang c. frontline d. growth rate 14.Ano ang wikang ginamit na may kaugnayan sa transportasyon at covid 19 na ibinalita upang mapanatili ang kaligtasan ng tao? a. face mask b. lockdown c. quarantine d. social distance 15.Batay sa iyong napuna sa pakikinig ng balita, anong wika ang ginamit upang mailahad nang malinaw ang balita? a. Filipino b. Filipino at Ingles c. Ingles d. lahat ng wika Karagdagang Gawain Binabati kita! Natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, gusto kitang maging handa sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lámang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na naririnig na salita sa mass media batay sa iba’t ibang sitwasyon. Panuto: Pagtibayin natin ang iyong natutuhan sa gawaing ito. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot o kayâ’y sa iyong sagutang papel. 1. Sumulat ng isang panayam tungkol sa napapanahong isyu. Tanong: ______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Tugon: _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Sumulat ng balita tungkol sa napapanahong isyu Pamagat ng balita: ___________________________________________________ Ulat: ______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Subukin Pagyamanin Tayahin 1. C 1. A 1. B 2. A 2. D 2. D 3. B 3. B 3. C 4. D 4. D 4. C 5. A 5. C 5. B 6. D 6. D 7. D 7. B 8. B 8. B 9. C 9. A 10. A 10. A 11. D 11. C 12. C 12. C 13. A 13. D 14. B 14. D 15. C 15. B Susi sa Pagwawasto Sanggunian Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quezon City: Vibal Group, Inc. Pena, Estrella L., et al. 2017. Kanlungan Komunikasyon at Pananaliksik saWika at Kulturang Pilipino, Ermita, Manila: Elp Campus Journal Printing Carlos, Cayla Mae. “Panayam.” SlideShare, July 2, 2013. https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam. GMA News. “UB: Magkapatid Na Tulak Umano Ng Droga, Arestado Sa Buy-Bust Operation.” YouTube. Naakses 18 Setyembre 2020. https://www.youtube.com/watch?v=TiU1xkvTnaU ABS-CBN News. "TV Patrol: Tama ba ang mga pagbabago sa wikang Filipino?" YouTube. Naakses 18 Setyembre 2020.https://www.youtube.com/watch?v=akeboh7w4rU GMA News. "24 Oras:Mas maraming tren ng MRT at LRT, bibiyahe para tugunan ang pangangailangan” YouTube. Naakses 18 Setyembre 2020.https://youtu.be/k3T5jBw10cw. ABS-CBN News. "TV Patrol: Ilang Pinoy napilitang humanap ng pagkakakitaang di nakalinya sa propesyon" YouTube. Naakses 18 Setyembre 2020.https://youtu.be/swNEgQj84s8. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]