Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Gng. Shane Dale A. Pama
Tags
Related
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- FILI 101 – Kontekstwalisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 1) PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
Summary
These are lesson notes on communication and research in the Filipino language and culture. The materials cover topics such as national language, language policies, multilingualism and its importance and challenges.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inihanda ni: Gng. Shane Dale A. Pama Mga Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aarl ay inaasahang: a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika....
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inihanda ni: Gng. Shane Dale A. Pama Mga Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aarl ay inaasahang: a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. c. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa oag-unawa sa mga konseptong pangwika. Balikan Natin! Wikang Pambansa Wikang Panturo Wikang Opisyal Wika sa Komunidad Unang Wika (Mother Tongue) Wikang Pambansa - ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Wikang Pambansa “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito dapat ay payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.” -SB 1987, Art. XIV, Sek. 6 Wikang Opisyal -ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Wikang Opisyal “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay FILIPINO at hangga’t walang itinatadhana ang batas, INGLES…” -SB 1987, Art. XIV, Sek. 6 Wikang Panturo - ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan. - Bilingual Education Policy - Mother Tongue—Based Multilingial Education Bilingguwalismo - ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na magsalita ng dalawang wika. Apat na Layunin ng Bilingguwalismo 1. Maging mahusay ang mga estudyante sa dalawang wika. 2. Mapaunlad ang wikang Filipino. Apat na Layunin ng Bilingguwalismo 3. Maging wikang literasi at magamit sa elaborasyon at intelektuwalisasyon ang Filipino. 4. Mapanatili ang Ingles bilang internasyunal na wika at maging wika ng Science and Technology. Multilingguwalismo - ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na makaunawa at makapagsalita ng iba’t ibang wika. Tatlong Bahagi na sumusuporta sa MTB-MLE 1. Nagpapataas ng kalidad ng edukasyon na nakabatay sa kaalaman at karanasan ng mga estudyante at guro. Tatlong Bahagi na sumusuporta sa MTB-MLE 2. Promosyon sa pagkakapantay-pantay sa lipunan na iba-iba ang wika. 3. Pagpapalakas ng multikultural na eduklasyon. Pamantayan sa Pagsasagawa ng MTB-MLE (DepEd order 16 s. 2012) 1. Pagpapaunlad ng wika para sa matatag na edukasyon at pagkatuto. 2. Pag-unlad ng HOTS (Higher Order Thinking Skills). Pamantayan sa Pagsasagawa ng MTB-MLE (DepEd order 16 s. 2012) 3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga estudyante na galingan ang pagkatuto sa iba’t ibang disiplina. Pamantayan sa Pagsasagawa ng MTB-MLE (DepEd order 16 s. 2012) 4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo- kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at pagmamalaki ng mga estudyante sa pinagmulan nila. Unang Wika (Mother Tongue) - ay ang wika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan at patuloy na ginagamit hanggang sa kasalukuyan. Ikalawang Wika - ito ay ang wikang natutuhan ng isang tao labas pa sa una niyang wika. Wika sa Komunidad - ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa loob ng komunidad, ito man ay sa mga sitwasyong pormal at di-pormal. Ang wika na ito ay maaaring ginagamit sa loob ng bahay, sa palengke, sa kalsada at iba pa. Picto-Suri 1. Ano-ano ang maaaring nakapaloob na balita sa radyo? 2. Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipagkomunikeyt ng isa DJ sa radyo? 3. Anong lengguwahe ang maaari niyang gamitin sa pakikipagkomunikeyt sa tao? Picto-Suri 1. Ano ang paksang nakapaloob sa isinagawang panayam kay Pangulong Duterte? 2. Paano nakatulong ang panayam na ito sa maraming tao? 3. Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipanayam kay Pangulong Duterte? Pagnilayan 1.Magbigay ng mga paraan kung paano mapahalagahan ang wikang Pambansa. 2.Maituturing bang multilingguwal ang Pilipinas? Patunayan. Dugtungan… 1. Mahalaga ang konseptong pangwika dahil _______. 2. Nalaman ko na ang konseptong pangwika ay _______. 3. Natutuhan ko na ang konseptong pangwika na _______.